VII

37 9 13
                                    

Cammie's POV

"What are you doing here, Acheron?"

Nakaramdam ako ng takot sa malamig na turan ng aking kasama. Mahinahon lang niyang sinabi ang mga salita pero nagawa pa rin niyang patayuin ang mga balahibo ko.

Napatingin naman ako sa likuran ko nang biglang humalagpak ng tawa ang misteryosong bisita.

"See! HAHAHAHA!" Hindi rin nagtagal ang pagpapanggap niya nang biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon. Napalitan ng simangot at galit ang kaninang nakangiti niyang mukha.

"What do you think you're doing, Alpheus?" Napaatras ako nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. "Keeping a soul here for almost a week. Nakalimutan mo na ba ang sinumpaan mong tungkulin?!" bulyaw niya pero nanatiling nakatitig sa akin. Para akong binuhusan ng malaig na tubig at natuod lang sa kinatatayuan ko.

Hindi ko sila maintidihan, ni hindi ko nga alam kung anong nangyayari. Ang alam ko lang ay kaluluwa na ako pero hindi pa ako patay. Basta gano'n daw.

"Are you keeping this poor soul your pet?!"

"I have my reasons Acheron," kalmadong sagot ng kasama ko. "If you have no business here, you can leave."

"NO."

Napasinghap ako nang biglang lumitaw ang likuran ni Alpheus sa harap ko. Hindi ko nasundan ang nangyari dahil mabilis ang kaniyang kilos at nakita ko na lang na tumalsik ang katawan ni Acheron malapit sa nakabukas na pinto. Agad itong tumayo at pinagpagan ang sarili na parang wala lang sa kaniya ang ginawa ng kasama ko.

"Ikaw yata ang nakalimot na sa sinumpaang tungkulin, Acheron. Third section of the Sacrosanct Principles, no soul shall be harmed nor be deprived of existence," sambit ni Alpheus habang nakaharap ang kanang palad. Gumawa siya ng barrier na gawa sa liwanag pero hindi gaya ng kanina, ang kulay nito ay asul.

Hindi naman nagpatinag ang bisita namin at bumuo ng mga matutulis na bagay sa kaniyang paligid. Tumingin siya sa gawi ko at nagulat nang biglang humarurot papunta sa akin ang mga tusok na gawa sa yelo. Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Alpheus at agad niya akong tinago sa likuran niya.

Bago pa man tumama ang mga ito sa amin, isa-isang hinawi ni Alpheus ang mga tusok gamit ang latigong gawa sa asul na liwanag.

"Tsk."

Sa hindi ko malamang dahilan, nanatiling nakangisi si Acheron. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay at napatingin sa may itaas ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang malaki at matulis tipak ng yelo na bumubulusok pababa. Hindi ako nakagalaw at pinanood lang itong bumagsak.

"Can we stop this now?" bagot na sambit ni Alpheus at walang ka hirap-hirap na binasag ang yelo gamit ang hawak niyang armas.

Nanatiling tikom ang bibig ni Acheron at biglang nawala na parang bula. Sa isang iglap ay hawak na niya ang buo kong katawan at agad bumulong ng dasal.

Aió niaaná pafsichá ri setous

Kai as lámpe ipá no tous aió niofos

Eí the oi pseh chés tous kai

Oi pseh chés óh lon ton pies tón na fie goun.

Wala akong maintindihan sa sinasabi niya at unti-unting nawawalan ng lakas nang bigla akong hatakin ni Alpheus papunta sa kaniyang dibdib at niyakap.

"Touch her again and I'll make sure to snap every bone in your fingers," iyon ang huli kong narinig mula sa kaniya at tuluyan nang napapikit.

-

"Alpheus, I really think she needs a kiss. Like the rumored sleeping beauty? Ring a bell?"

Naalimpungatan ako nang makarinig ng maingay na nilalang sa gilid. Pinilit kong huwag siyang bigyan ng pansin pero may balak pa yatang mambuwisit. Iwinagayway ko ang kamay ko sa ere dahil naramdaman kong may tumutusok sa pisngi ko.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now