XXII

41 4 69
                                    

CW// Steamy chapter ahead. Please be advised.

Alexa's POV

I groaned when the sunlight hit my face. My head feels like it's going to break in half and my body feels as if I've been submerged in the water for too long. Kaya hindi ko talaga gustong uminom ng alak, para akong pinapatay pagkatapos.

Tinabunan ko ang mukha ko gamit ang unan na nakakalat nang maamoy ko ang pamilyar na pabango. Napabalikwas ako sa pagkakahiga na agad ko ring pinagsisisihan dahil sa sobrang kirot ng aking ulo. 

"FFFFFFFFFFFFFFFUCK!"

Did Alec bought a new perfume then slept here in my bed? Argh, mga lalaki talaga. Matutulog na lang kung saan sila aabutan ng antok.

"ALEC!" sigaw ko sa kawalan. Gusto ko lang siyang singiling ng limang-libo para sa pagtulog sa kama ko. Dali-dali kong kinuha ang puting unan at inihanda ang sarili nang makarinig ako ng mga yapak papunta sa pinto. Nang bumukas iyon ay agad kong itinapon ng malakas ang hawak na unan.

"Bakit ka ba natutulog sa higaan- JACOB?!"

"JESUS CHRIST, ALEXA! Akala ko kung ano nang nangyari sayo! Pinakaba mo ako ng husto, babae!" Pinulot niya ang unan at ibinato pabalik. Hawak pa niya sa isang kamay ang tongs at nakasuot siya ng kulay berdeng apron.

"A-anong ginagawa mo sa bahay ko? Bakit ka nakikiprito?"

He looked quite annoyed and pinched his nose bridge before answering. "First of all, this is my house. Secondly, alam kong magugutom ka paggising mo."

Hindi siya nagkamali dahil biglang kumalam ang tiyan ko. Nag-init ng husto ang magkabila kong tainga dahil sa hiya at napatungo.

Damn, he's already memorized me.

I heard him sigh pero nanatili pa rin akong nakayuko. I'm not dumb not to understand that he's the one who found me after drinking a lot. I can't remember much but I'm positive that's what happened.

"Join me in the kitchen. Natutulog pa rin ang kambal mo sa sofa," sambit niya at naglakad palayo.

Napaupo ako sa kama bago humiga. There's a part of me that wants to say thanks to the heavens for letting Jacob find me last night pero hindi rin maalis ang kaba ko dahil baka kung ano nang isipin niya sa 'kin.

I'm pretty sure he'll be disgusted with me too, like my ex did or anyone else I tried to connect with. Sa tuwing ilalabas ko ang katotohanang nagahasa ako, nagsisimulang umiwas ang mga lalaking nagugustuhan ko.

You can say I'm desperate for love, pero gusto kong tumandang may kasama. I want to build my own family soon.

Napabalikwas ako nang biglang may kumatok kahit nakabukas naman ang pinto.

"I'm sorry for barging in earlier," ani Jacob. "Pwede ba?"

"Of course. Bahay mo naman 'to." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at inabot ang unan.

"Take this," iniabot niya sa 'kin ang brown na paper bag. Sinundan ko siya papuntang kusina at nagtungo sa may cr para sana maghilamos. Namilog naman ang mga mata ko nang buksan ito at mapagtanto kung ano ang laman.

"H-hindi ka ba nahihiya nang bilhin mo 'to?" tanong ko habang tinitignan ang disenyo ng underwear na napili niya. It's just a pair of nude bra and panty.

Nagsalubong ang kaniyang kilay at ipinagpatuloy ang paghahain ng tanghalian. "Alexa, only boys would be embarrassed to buy such things. Those garments are not sensual. Bakit ako mahihiya?"

I was too stunned to speak. Hindi pa ako nakakakilala ng tulad niya. Most guys would never buy these for women, much more if they're not related to the person. But he did it for me anyway.

The Harvest [Unedited]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora