XVII

33 6 31
                                    

Cammie's POV

"They're coming one after another!" Bulalas ni Lethe habang isa-isang pinapatamaan ng palaso ang mga kulay itim na nilalang. Ibinaba na rin ako ni Acheron sa may pampang ng lawa para tulungan ang iba pang reapers dahil bigla na lang dumami ang bilang nila matapos patayin ni Alpheus ang isa.

"Where are they coming from? Akala ko ba may barrier na sa tarangkahan?!" galit na sigaw ni Cocytus at ibinaon sa lupa ang isa nang ihampas niya ang kaniyang sandata.

Nawiwindang man sa nangyayari, pati ako ay sumama na sa pakikipaglaban sa mga nakakatakot na furies dahil sa tuwing makikita nila ako, ako ang una nilang susugurin. Buti na lang talaga at marunong akong mag taekwondo dahil kung hindi, kanina pa sana ako nahati sa dalawa.

"Stay near me," sambit ni Alpheus kaya iyon ang ginawa ko. Nasa likuran ko siya at gano'n din siya. Hindi maiwasang mag-init ang mga pisngi ko dahil sa itsura naming dalawa, para kaming mag partner.

It's like us against the world.

"They're from everywhere!" Nagpaulan si Styx ng sandamakmak na bola ng apoy sa kumpol ng kalaban na siyang naging abo. "They're still gaining numbers! Acheron, survey the whole area, baka may nakabukas na portal that leads to the underworld!"

Habang abala sa pakikipaglaban ang lahat, nakarinig ako nang ugong ng sasakyan at hindi nga ako nagkamali. Bumubulusok ito sa kinatatayuan ko at sa itaas naman nito ay may itim na nilalang.

Pero hindi iyon ang pumukaw sa atensyon ko.

May isang lalaki sa loob ng sasakyan, nakasuot ito ng kulay asul na uniporme. Isa siyang pulis. Nakasalampak ang ulo nito sa manibela at hindi na humihinga.

Nanikip ang aking dibdib at napako sa kinatatayuan dahil sa kaba at lungkot. Kilala ko ang taong iyon. Siya ang tatay ni Joana, isa sa mga matalik kong kaibigan noong hindi pa siya kinuha sa amin.

Huli na nang mapansin kong sa akin msimo babangga ang itim na sasakyan pero bago pa man ako tuluyang mahagilap ay naramdaman ko ang paghila sa akin ni Alpheus palapit sa kaniya.

Biglang may bumagsak na kidlat sa mismong kotse dahilan para maging abo ang fury samantalang nilamon ng lupa ang buong sasakyan.

"Are you okay?" bulong ni Alpheus habang hawak ang baiwang ko. "What happened right there?"

Wala sa sariling tumango ako sa kaniya dahil hindi pa rin ako makapaniwalang patay na si Uncle Ross.

"Bakit namatay si Uncle Ross?" mahina kong bulong na ikinakunot ng noo ni Alpheus. Alam kong hindi niya kilala ang tinutukoy ko kaya walang siyang maintindihan.

"Ladies and gentlemen, your reaper in shining robe is here!"

Nabaling ang atensyon naming lahat sa bagong dating na lalaki. Katulad ng mga kasama ko, nakasuot din siya ng mahabang damit na may mahabang manggas pero ang kulay nito ay kulay ginto. Kapansin-pansin din ang kaniyang ginintuang buhok at mata na pumares sa kaniyang itsura.

"Styx, tama ka nga! There's an opened underworld portal but I already froze it. Hindi ko alam kung hanggang saan nito iyon - PUTANGINA BA'T NANDITO 'YAN?!"

Tumingin ang ako sa gawi ng bagong dating na Acheron at halatang nagulat siya sa bisita. Pero halatang-halata rin sa kaniya na hindi niya gusto ang presensya nito. Gano'n din ang iba pang reapers. Wala namang pakialam si Alpheus na patuloy pa rin sa pakikipaglaban.

"ENOUGH TALKING, ACHERON. RAISE YOUR SCYTHE AND FIGHT WITH ALL YOUR MIGHT!" sigaw nitong muli at iwinagayway ang dala-dala niyang espada. Nagpaulan siya ng mga kidlat at hindi nagtagal ay naubos din ang bilang ng mga kalaban.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now