XXIX

23 5 6
                                    

Alexa's POV

Jacob was already in his office by the time me and my brother returned from Joana's psychiatrist. Mukhang hinihintay niya talaga ang pagdating naming dalawa. It's already 2:00 AM at pare-pareho kaming walang tulog.

"Where have you been?" bati niya sa 'min at itinapon ang kaniyang sigarilyo.

Dahil sa sobrang pagod, hindi na ako nag-abala pang sumagot at iniabot na lang ang cellphone kasama ang liham. Nang matapos niyang dinggin at basahin ang mga iyon ay nagkunot ang kaniyang noo.

"Alec." Niyugyog ko ang kambal ko pero mukhang malalim na ang kaniyang tulog. "He's asleep. Sabihin mo na kung anong tingin mo sa kasong 'to."

"I'm afraid Esmeralda's right. Hindi basta-basta ang kinakalaban natin. But there are some things I like to discuss and clarify with you. Just some hunch," sagot niya at bumuntong-hininga. "But I think you should rest first."

"No." Iniangat niya ang tingin sa akin at napasandal sa kaniyang swivel chair. "Let's start brainstorming. I'm afraid we'll run out of time."

"How so?" Isa-isa niyang pinulot sa mesa ang kaniyang mga papel at umupo sa kaharap kong sofa.

Inilabas ko ang mga litratong nakuha naming dalawa ni Alec kanina at halos masuka. Dali-dali ko itong iniabot kay Jacob at halata rin ang kaniyang pagkagulat.

"Shit. Saan 'to?"

"Kaya kami natagalan ni Alec dahil nakatanggap kami ng tawag mula sa procurator na may bangkay na nakita sa may isang kubo sa laot ng Labugao around 11 in the evening. At first Alec and I thought it's just some random drowning incident pero nang ipaliwanag ng procurator ang kalunos-lunos na sinapit ng matandang mangingisda, hindi na kami nagdalawang-isip na pumunta sa crime scene."

Saglit niyang sinuri ang mga larawan at pagkatapos ay itinaob ang mga ito sa coffee table. 

"The culprit did it in broad daylight at mukhang namataan din ng mga tao kung sino ang may gawa," dagdag ko at kinuha ang bag ni Alec para buksan ang kaniyang laptop. This might sound invasive pero police issued naman ang gadget at may pahintulot naman ako mula sa kambal ko.

"So you're saying there's a person behind all this?"

"No," sambit ko at iniharap sa kaniya ang laptop. "It's a demon in a human's body. Walang konsensya ang gumawa niyan."

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at napahawak sa aking balingusan habang hiniintay si Jacob na matapos sa kaniyang pagbabasa. My body is pleading for me to sleep but my mind can't stop working on this case.

"The report says the man was involved in a boat accident. Tapos may nagmagandang loob na tumulong sa kaniya, two guys and a girl. The girl was the only one to bring the old man into the house, together with the help of an unnamed man. The girl left the house, leaving the other man inside. That's when the two boys came looking for her like she's in danger?"

Sagit siyang natigilan hanggang sa nagsimula siya ulit, "A witness also stated that right before the two guys went to look at the house, the unnamed man already left."

"Yes, the unnamed man is likely the suspect. The police is searching for them as we speak, but I doubt they'll find him. Walang mahanap sa kanilang apat."

"You think they're working together?"

"Unlikely. May nakausap akong tindero ng sumbrero and all he said was there were only three of them that arrived on the island for sightseeing. Parang gusto raw nilang maghanap ng haunted sites."

Napabuntong-hininga si Jacob at isinauli ang laptop ni Alec. 

"You think, they were also killed?" 

Naikuyom ko ang kamao ko sa tanong niya at napatango. That's what the investigations say at magpahanggang ngayon ay hinahalughog pa rin nila ang buong isla. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panlulumo.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon