XXV

23 4 3
                                    

Acheron's POV

"Acheron?! Are you with us?!" galit na sigaw ni Styx sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng librong binili ni Alpheus tungkol sa Greek mythology.

"Listen, I know everyone in this room is surprised and upset about Phlegethon's revival but we need to plan now," mahinahong sambit ni Lethe.

"There really is nothing to plan," sambit ni Alpheus kaya nagawi ang tingin ko sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid ng higaan ni Cammie na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Halos sampung oras na ang nakalipas nang mangyari ang pagsabog at nagawa na rin naming burahin ang ilan sa kaniyang ala-ala.

"What do you mean, Alpheus? Sa tingin mo ba hindi natin kayang manalo?" si Cocytus ang naglakas-loob na magtanong.

"Phlegethon's powers are now greater than before. I don't know what he did or when did it happened. When he attacked, I should've been able to fend him off a bit. Pero hindi ko man lang siya nasugatan," malamlam ang boses ni Alpheus nang ipaliwanag niya 'yon.

"That's because you did the ritual to your pet," bulalas ni Lethe kaya umani siya ng matatalim na tingin mula kay Alpheus. Hindi naman siya nagpatinag at ipinagpatuloy ang pagsasalita, "I think we should now let her soul travel the underworld."

"Not happening," pagsabat ko sa kanila sabay sarado sa librong puno ng kabalbalan. Maski si Alpheus ay nagulat sa pagtutol ko. "Phlegethon tried to attack her himself. Sa tingin ko babalik ulit siya para subukang kunin ang kaniyang kaluluwa."

"Yeah,  but-"

"Also, don't you remember Hades' decision?" paggatong pa ni Cocytus sa katwiran ko. Napaisip naman silang lahat. Ilang sandali ring binalot ng katahimikan ang buong silid nang basagin 'yon ni Styx.

"What should we do now? Hayaan na lang siyang sirain ang balanse sa pagitan ng mga mortal at underworld? Baka nakakalimutan niyong galing mismo kay Hades ang misyon natin?"

"We'll wait for him to complete his plan before attacking," ani Cocytus na nagpakunot ng noo ko. "You mentioned that he said that the full moon will witness the war. That would be less than ten days from now."

Isa-isa niya kaming tinignan at nang walang nagsalita, ipinagpatuloy niya ang pagsasalaysay.

"We should prepare for the war, gather as many forces as we can."

"Actually, Hekate already told us earlier that she'll try to persuade Thanatos to help. She's on the way to his palace as we speak," dagdag ni Styx.

So we're just really going to wait, huh. Hindi ko rin naman maitatangging mas lalo pang lumakas si Phlegethon dahil nang kalabanin namin siyang dalawa ni Alpheus, ni hindi man lang siya pinagpawisan.

I gritted my teeth in frustration and threw the book somewhere. Bakit kasi kailangan pa niya kaming talikuran. What did we ever really do to him? If I recall correctly, what happened eons ago was because of Hades and Persephone's wedding.

Being the first son of Hades, he became furious. He wanted the throne of the underworld for himself.

"Why is your brother so hardheaded, Aplheus," bulong ko sa kawalan pero alam kong narinig niya iyon. Tinapon niya pabalik sa akin ang libro na agad ko namang nasalo.

"He's not my brother anymore," mahinahon niyang sambit na nagpakunot sa noo ko. Madalas kapag sasabihin ko 'yon, magagalit siya. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang mga sumunod niyang sinabi.

"I'm sorry."

We all looked at him, surprised. Nabitawan pa nga ni Styx ang kaniyang sandata samantalang napatigil naman sa pag-aayos ng kaniyang buhok si Lethe. Halos malaglag din si Cocytus sa bintana nang marinig ang sinabi ni Alpheus.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon