X

37 9 15
                                    

Alexa's POV

"Detective Costello!"

My grandfather is not the type of person who shows up in places like this unless it's something important. Kaya hindi ko inaasahang makita siyang naglalakad patungo sa direksyon namin kasama ang kaniyang limang bodyguards na mukhang galing pa sa action movies.

"General Alvarado." Mabilis pa sa alas kwatro nang binitiwan ni Jacob ang balakang ko at kwelyo ni Mateo para sumaludo.

Nang makalapit ay agad ding sumaludo si lolo sa kaniya sabay sapak kay Jacob na ikinagulat ng lahat. 

"What do you think you're doing to my apo?!" 

Napatingin si Jacob sa gawi ko na parang nangungusap na saklolohan ko siya at hinaplos ang namumula niyang pisngi. Ipinikit ko ng husto ang mga mata ko dahil hindi ko na kaya ang sunod-sunod na kahihiyan ngayong araw.

Now I remember why I don't date. Magmula noong nangyari ang pinakamapait na ala-ala sa tanang buhay ko, mas naging overprotective itong si Lolo. Hindi ko alam kung masisiyahan ako o maiinis. Dumako ang tingin niya kay Mateo at para bang naintindihan niya na kung anong nangyayari.

Kilala ng pamilya ko si Mateo. How could they not? Ipinakilala ko siya sa buong pamilya. We even went to several family occasions together pero sa huli nagawa niya pa rin akong saktan. Legal kami both sides pero nagawa niya pa rin akong iwan. But that's all in the past now, the past that I don't want to remember.

Napayuko si Mateo sa kaniya at agad nagpaalam na aalis na. Good call. Hindi ko gustong banggain si Lolo kahit pa sesenta y nueve na ang edad niya. Hindi naman siya naging military general kung lalampa lampa siya. But unlike Rolando, his poise is regal, his morals are far different from those criminals, and he has a gentle heart. Sa kaniya siguro nagmana si Cammie.

"What's happening here?" Naibaling lahat ng atensyon namin sa kadarating na doktor. Nakasuot siya ng puting jumpsuit at translucent apron. Tinanggal niya ang suot niyang plastic gloves at naglakad papunta sa amin. Tumingin muna siya sa mga suot kong tsinelas bago nagsalita.

"The dead has all the time to wait for you, pero ang kaso hindi. Baka pwede na tayong mag proceed sa morgue, okay ba 'yon?" Natameme ang lahat sa kasungitan niya pero hindi ko naman siya masisi. He looked tired and sleepless. 

Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at agad nagtungo sa morgue. Apparently, kailangan nilang itong isara sa publiko dahil dumadami ang paparazzi na gustong makakuha ng balita sa kasong 'to. Kinailangan ding ilipat ng ibang morgue ang mga bangkay na hindi kasali sa kaso at hindi na rin sila tumatanggap ng iba pang mga patay. 

This case is bigger than we thought and all eyes are on us. 

"Let's cut the chase. What's the main cause of death?" tanong ni Jacob nang mabuksan ang dalawang malalaking double door. Natigil sa paglalakad ang doktor nang marinig niya ang mga sinabi ng kasama ko. 

"Myocardial infarction, heart attack in layman's term." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtungo na siya sa isa sa limang mesang naglalaman ng bangkay. Tinanggal niya ang tumatakip na tela sa mukha nito at hindi ko maiwasang kilabutan. 

"Sandy Vargas, estimated time of death is between 22:45 to 23:05. Heart is severely inflammed, with the atrioventricular heart valves torn open," paliwanag niya ikinakunot ng noo ni lolo. Nakuha niyang hindi maiintindihan ng ibang inspector na kasama namin ang ilan sa sinabi niya. 

"Look, these deaths are not natural." Isa-isa niyang tinanggal ang mga puting tela na tumatakip sa mukha ng limang bangkay. They all look peaceful pero hindi ko maiwasang maawa sa kanila. Ninakawan sila ng pagkakataong matupad ang kanilang mga pangarap.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now