XXXVIII

11 3 3
                                    

Cammie's POV

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Kung bakit biglang lumindol, kung bagit isa-isang nawalan ng malay ang mga tao sa paligid, at kung bakit kami nakikipaglaban sa napakaraming halimaw.

'Hindi ba uso sa kanila ang world peace?'

At bakit ba nabuhay ulit si Joana at gusto niya akong patayin? Mabait siyang kaibigan kaya hindi ako naniniwalang kinakampihan niya ang kalaban dahil iyon ang gusto niya.

Alam kong may mali, at kung tama ang hinala ko, ginagamit lang ng kalaban ang katawan niya. Alam kong patay na ang kaibigan ko. Gustuhin kong magalit sa may gawa nito, alam kong hindi iyon makakatulong.

Ang tanging magagawa ko na lang para sa matalik kong kaibigan ay talunin ang may gawa no'n sa kaniya.

'Pero paano?'

"What the hell are you babbling about!"

Napalinga ako kay Styx nang matapos kong kalabanin ang isang kulay itim na nilalang.'Nakakabasa pala siya ng isip?'

"No, I don't. You're speaking them out loud!" Sigaw niya pagkatapos ay hinampas ang halimaw na may ulo ng leon, katawan ng kambing, at buntot ng ahas. Kung hindi ako nagkakamali isa iyong chimera. 

Muntik naman akong makalmot ng isa, buti na lang at agad ko itong sinipa palayo. Akala ko talaga dati hindi ko magagamit ang taekwondo skills ko kasi hindi naman ako tinatambangan. Buti na lang talaga at tinuruan ako ni Daddykahit tumatakas ako no'n dahil ayaw ko.

"Cammie!"

Nanigas ang mga binti ko nang makita ang isang itim ng fury  na palapit sa akin. Natuod ako sa aking kinatatayuan pero hindi dahil sa takot. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong pangamba nang lumapit siya sa gawi ko. At nang hawakan niya ang aking pisngi, hindi ko mawari kung guni-guni ko lang pero parang pamilyar siya sa akin.

Nakaramdam ako ng lungkot ng mapansin ang kaniyang paghikbi habang nakatitig sa akin ang kaniyang itim na itim na mga mata. Mahaba ang kaniyang magulong buhok at kapansin-pansin din ang matalas niyang kuko pero maingat niyang idinampi sa akin ang kaniyang mga kamay.

Hindi ko maunawaan pero gusto ko siyang yakapin.

"Cammie!" 

Nabalik ako sa aking ulirat nang sumigaw muli si Styx. Isang pamilyar na mukha ang papalapit sa amin at ramdam ko kung paano nagsitayuan ang aking mga balahibo. 

Siya 'yong lalaki sa painting. Mahaba ang kaniyang buhok at nakasuot din siya ng kulay itim, hindi nga ako nagkamaling may hawig siya kay Alpheus.

Hindi ko man makilala kung sino ang itim na nilalang na lumapit sa akin, nakaramdam ako ng lungkot at may kung anong nadurog sa loob ko habang pinagmamasdan ang lalaking walang-awang pumutol sa mga pakpak nito at kalaunay sinaksak gamit ang kaniyang sandata. Pinunasan ko ang namuong luha sa gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdang tangayin ng hangin ang abo ng pinaslang na fury.

Binalot ako ng hilakbot at naalerto nang ngumisi ng nakakaloko ang lalaki sa akin at dahan-dahang lumipad papunta sa gawi ko. Maamo ang kaniyang mukha pero hindi nito naitatago ang kaniyang nakakatakot na presensya. 

Hinigit ni Alphaeus ang aking braso at itinago sa kaniyang likuran. Agad kong sinipa palayo ang isang malaking aso na akmang kakalmot sa kaniya nang marinig ko si Acheron na sumigaw sa may hindi kalayuan at nilusob si Phlegethon gamit ang armas ni Kamatayan. 

"Alpheus, kapatid mo ba si Phlegethon?"

Natigilan siya sa pakikipaglaban nang marinig ang tanong ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa kadaldalan ko. Alam kong hindi ito ang tamang panahon para tanungin ang bagay na 'yon, pero gusto ko kasing makilala pa si Alpheus.

Lalo pa't malapit na kaming mawalay sa isa't-isa.

"Yes, Cammie. Phlegethon's his brother," sabat ni Lethe at tinapunan siya ni Alpheus ng matalim na tingin. "Why do you ask? You're finally blaming him for everything?" dagdag niya sabay pakawala ng palaso sa gawi ng itim na fury.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit ko siya sisisihin, hindi naman siya 'yong nagsimula ng gulo. Tinanong ko lang kasi magkamukha silang dalawa pero itim lang yung kapatid niya tapos si Alpheus naman kulay-silver."

Bumuntong hininga siya. "You know, if he just helped us kill Phlegethon back then, you're not wasting you'r time here fighting monsters from the underworld. You could be doing stuff with your friends!"

"Pero kaibigan ko naman si Alpheus at Acheron?"

Alam kong nag-init ang ulo niya sa 'kin dahil marahas niyang hinampas ng pana yung isang fury kaya tumalsik ito palayo.

"I doubt they feel the same towards you. Friends? Reapers don't have time to make friends with mortals." Isa-isa niyang pinakawalan ang palaso at napamura ng malutong. Napasinghap naman ako nang maramdaman ang hapdi sa aking braso. Rumarami na ang bilang ng mga kalaban kaya nahihirapan na kaming apat at hindi ko naiwasan ang mahabang kuko ng isa.

"Don't you regret e


"Idiot. You just waltzed into my life and then mess with it. Now you'll leave me all alone? I think I can't accept that. You're too unfair," puno ng kalungkutan ang mga mata ni Alpheus. Gusto ko mang punasan ang kaniyang mga luha, hindi ko na maramdaman ang aking mga kamay.

"Baliw..." mahina kong bulong. "Maraming namamatay araw-araw. Baka isa talaga sa kanila ang kukumpleto sayo." Unti-unti akong nilalamon ng antok at wala na rin akong maramdaman.

"You're so... dense. So stupid..." bulong niya sa pagitan ng mga hikbi, "You're the only one I want, Cammie."

Naramdaman ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa aking psingi. Naramdaman kong pinunasan niya iyon bago tuluyang namanhid ang buo kong katawan.

"Pa-pasensya ka na... Alpheus... Kukunin na yata ako ni Lord," pinilit kong ngumitii sa kaniya para ipakitang ayos lang ang lahat.

"Please don't say that... Please gi-give me the chance to set things straight," unti-unting humihina ang kaniyang boses at hindi ko na siya maaninag, "I promise you I'll make things right. Cammie, I-"

Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi at tuluyan nang nilamon ng dilim.

Acheron's POV

"I'll wait ," those were the last words I heard Alpheus whispered.

I'm trying my best to keep the dark furies away from him. Gusto ko man siyang sigawan para tumulong, alam kong hindi ito ang tamang oras.

Cammie's soul is now gone with the wind. Kung nasaan siya kanina, lumitaw doon ang isang gintong libro. It's her memories and Alpheus is just staring at it.

He's sobbing, crying. This is the first time I saw him in tears. Ito rin ang unang pagkakataong nakita ko siyang durog at naghihinagpis.

All because of one lost soul.

But I need him to get up and fight. Hindi pa tapos ang laban dahil nasa gitna pa rin ng dagat si Phlegethon.

"Acheron! What do you think you're doing?! Get Alpheus here and let him fight!" sigaw ni Lethe habang patuloy sa pagpakawala ng palaso. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Hindi ba niya alam ang salitang pagluluksa? Ang insensitive ng impakta.

"Alpheus," tawag ko sa likuran habang kinakalaban ang isang dark fury. Pinaulanan ko ito ng yelo bago pumunta sa gawi niya. "I know you're having a hard time right now. But we can't do this without you. Phlegethon's power is-"

"I know." Nanumbalik ang lamig sa kaniyang pagkatao. No, he's colder than he was before Cammie happened.

"Let's finish this farce once and for all."

The Harvest [Unedited]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora