XV

33 7 51
                                    

Cammie's POV

Hindi na ako nag-abala pang mag-unat nanag magising dahil sa paparating na sibat sa gawi ko. Agad ko 'tong iniwasan at gumulong sa aking kaliwa nang maramdaman kong may nabangga ako.

"That's rather a peculiar way of greeting someone from a sleep," sambit ni Acheron sa babaeng may pulang buhok at kasuotan. Itinayo ko ang sarili ko at agad nagtago sa likuran niya dahil binato niya pa ang isa pang sibat sa paahan ng kasama ko.

"Hindi pa kami tapos, Acheron. Move aside!" utos ng babae sa kaniya.

Ano bang atraso ko sa mga 'to at bakit gustong-gusto nila akong pagtangkaan? Una si Acheron, tapos si Hecate. Ngayon naman isang babaeng may parehong pananamit sa kanila pero pula halos ang kaniyang kulay.

Maganda siya at maputi, at hindi maipagkakailang malakas dahil sa pagbato niya ng mga sibat kanina. Nagbitak nga ang lupang hinihigaan ko kanina.

"I'm just doing yourself a favor, Styx. Kahit kailan talaga kainitan ng ulo mo ang pinapairal mo. Pasalamat ka at wala si Alpheus ngayon kundi kanina pa nahiwalay 'yang ulo mo sa leeg mo," mahabang litanya ni Acheron sa kaniya at hinarangan ang bola ng apoy na pumunta sa gawi namin gamit ang yelo. Nabalot ng hamog ang paligid kaya napalayo ako kay Acheron.

"Acheron!" tawag ko sa kaniya. Halos matumba ako nang iwasan ang sandata ng babaeng Styx ang pangalan. Gusto ko lang naman ng payapang buhay! 

"Ano bang atraso ko sa 'yo?" naiinis kong tanong sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin at itinutok ang lumiliyab na sibat sa gawi ko.

"Nothing," aniya at hinampas ang aking tagiliran. Nagulat na lang ako nang biglang nagliwanag ang kanang braso na ginamit ko para protektahan ang sarili ko.

"Not bad, but you're still not worthy of Alpheus' gifts!"

Wala na akong panahon para mamangha at magtaka sa anumang nangyayari dahil patuloy pa rin ang babae sa pag-atake sa 'kin. Maliban sa kaniyang sibat, kailangan ko ring iwasan ang mga bola ng apoy na bumubulusok papunta sa 'kin.

Hindi ko siya malalabanan ng maayos kung mananatiling malayo ang distansya niya sa 'kin. At hindi rin naman ako papayag na gawin niya 'kong punching bag. Wala naman akong naaalalang ginawa sa kaniya, ngayon ko pa nga lang siya nakita.

"Pwede ba itigil na natin 'to? Hindi ko alam kung anong gusto mo pero wala tala-"

"No!" pinutol niya ang mga sasabihin ko at sinunggaban ako ng suntok. Nang makita kong hindi niya prinoprotektahan ang kaniyang sarili ay binigyan ko siya kaagad ng malakas na sipa sa mukha.

"Ap Chagi!" sigaw ko habang pinapanood siyang mausog palikod. Dahil humupa na rin ang hamog, nakita ko kung paano napatakip ng bibig si Acheron at nagpipigil ng tawa.

"Damn you, mortal!" galit na sigaw ni Styx sa 'kin sabay bato ng apoy. Mabilis ito at malaki kaya ganon na lang ang pagtataka ko nang sipain ko ito at naibaling ito sa ibang dereksyon. Napansin kong nagliliwanag ang paang ginamit ko at kung hindi ako nagkakamali, kapangyarihan ito ni Alpheus.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. "Ano ba talagang nangyayari?"

"Okay, that's enough," sambit ni Acheron at binalot ang kalahati ng katawan ni Styx sa yelo. "Do you remember anything Cammie?"

"Ako? Ang alam ko lang naglalayag tayo kasama si Hecate. Nakatulog ba ako?"

Napahawak siya sa kaniyang baba at nag-isip. "I see. That's good." Tumingin siya sa paa ko at napansing hindi pa humuhupa ang ilaw sa mga iyon.

"A lot happened, but what you only need to know is that Alpheus performed a Ritual of Binding to your soul. Kaya kaya mong gamitin ang kapangyarihan niya, but only a fraction of it," paliwanag niya na ikinatango ko.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now