XXI

19 3 4
                                    

Cammie's POV

Iginala ko ang tingin sa buong aisle ng school supplies at napaawang ang bibig dahil sa rami ng art materials na pagpipilian.

"Just pick already," bagot na sambit ni Alpheus. Siya na ang nagpresentang magbitbit sa shopping basket. Nangangalay na siguro siya dahil kanina pa kami naglilibot sa buong mall.

"Tulungan mo na lang kaya akong pumili?" aniko at kumuha ng isang buong set ng alcohol markers at colored pencils. "Alpheus, paki-abot naman yung A3 bondpapers. Please?"

Bumuntong-hininga siya pero sumunod din sa pakiusap ko.

"Listen, Cammie. Hindi tayo mag-aaral ng matagal. May kailangan tayong imbestigahan and I don't think we should play around," litanya niya at inilagay ang isang buong rim ng bondpaper sa basket.

"Ikaw naman, pwede naman tayong mag-enjoy habang ginagawa na'tin yung pagsalba sa mundo. Isa pa, pangarap kong maging arki kaisa maging isang engineer," sagot ko. Nag hum lang siya sa 'kin at naglakad papunta sa ibang aisle.

Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi at hinabol siya. "Biruin mo 'yon, Alpheus, isang Cammie Solerio ang kasama sa pagproprotekta sa mundo. Sinong mag-aakala na kaya ko 'yon gawin?"

"Alphonse. Call me Alphonse. Your name is not Cammie but Carmela."

Napanguso ako sa kasungitan niya. Minsan bumabait ang pakikitungo niya tapos ngayon sinumpong nanaman. Daig pa niya si ate kapag may regla.

Dinampot ko ang isang karton ng lapis nang mapansin ko ang matandang babae na nakikipag-usap kay Alpheus.

"Why should I get it for you?"

Napaawang ng kaunti ang bibig ko sa pabalang na sagot niya sa matandang babae. Nakita ko kung paano nanliit at napalikod ang kawawang matanda dahil sa kasungitan ni Alpheus.

"Lola, ako na po ang kukuha. Alin po ba?" ngumiti ako sa matandang babae at pinasadahan ng matalim na tingin ang kasama ko. Tumalikod lang ang mokong at nagkunwaring naghanap ng mga gamit.

"Naku, ineng. Salamat sa Diyos at nariyan ka. Gusto ko lang naman sana magpakuha ng isang pad ng yellow paper. Kailangan kasi ng apo ko, midterms daw nila," paliwanag niya at ngumiti sa gawi ko. Sinuklian ko 'yon at agad inabot ang kulay dilaw na papel.

"Ano pong pangalan ng apo niyo? Baka ho makita ko siya kapag pumasok ako," tanong ko at iniabot sa kaniya ang hawak.

"Francis. Francis Guanzon," bahagya siyang nalungkot pero ngumiti lang din kaagad, "May pagkasungit ang apo ko, siguro dahil lumaki siya sa pamilya namin. Hindi ko kasi naibibigay sa kaniya ang lahat ng kaniyang pangangailangan kaya ganoon siya umasta. Sana nga at maging mabuti rin siya katulad mo. O siya, mauna na ako at magdidilim na. Ingat ka palagi ineng, at pati na sa masungit mong nobyo."

Tumango ako kay lola at pinanood siyang maglakad palayo nang mapagtanto ko ang sinabi niya, "Hindi ko po siya nobyo Lola!"

"Are you done? May kailangan pa ba tayong bilhin?" sulpot ni Alpheus. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang bitbit ang basket. Nanlaki ang mga mata ko sa pinaglalalagay niyang bilihin.

"Aanhin mo 'yang mga libro?!"

Agad kong kinuha ang mga sandamak-mak na libro at ibinalik kung saan sila dati nakalagay. Puro tungkol sa Greek mythology, Roman conquest, at history ang pinili niya. Theology naman kasi ang pinili niyang pag enrollan kanina, hindi history.

"I want to read those," sambit niya habang nanonood sa ginagawa ko, "I saw Zeus and Hades' names and I thought maybe people know me too."

"Baka madismaya ka lang," sagot ko. Hindi naman talaga kilala si Alpheus, si Acheron lang. Mas kilala pa nga siya bilang Charon eh.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon