XII

33 8 17
                                    

Acheron's POV

The journey to the Underworld is long and boring without Cammie's constant chattering. Hindi pa kami nga kami halos magkakakilala pero hindi na ako sanay na hindi siya tumatabil.

"How long till she wakes up?" tanong ko kay Alpheus na abala sa pagbabantay sa kaluluwa ng dalaga. Nakaupo siya gilid nito habang nagsusulat ng kung ano. Baka suicide note.

"Tomorrow. Hopefully, we'll be at the other side when she regains consciousness," sagot niya at itinigil ang ginagawa dahil biglang pumasok si Hecate sa loob ng silid. Bitbit niya ang isang kutsal na naglalaman ng mga alay at handog para kay Hades.

"Malapit na tayo sa kaharian ni Hades," sambit niya at itinapon sa gawi ko ang isang itim na sobre na muntik ko nang hindi masalo. Sa dami ng kamay niya, hindi man lang niya magawang iabot ng maayos. Tsk. "Basahin mo rin para hindi lang ako ang mamroblema."

Agad kong binuksan ang sobre at namangha. Ganito dapat gumawa ng liham, gawa sa ginto ang mga letra at dekalidad na papel. Binasa ko ang mga nakasulat at napalunok. Hindi ako makapaniwala sa nalaman at napako lang sa aking kinatatayuan.

"What's written?" Hinablot ni Alpheus ang sobre at liham pero hindi ko siya nagawang pigilan. Hindi ko alam na ganito na kalala ang sitwasyon sa mundo ng mga buhay.

"This is bullshit! We all know he died centuries ago! Who in the right minds would even resurrect him in the first place?!" Napatingin ako sa gawi niya. Nilakumos niya ang mga papel at itinapon sa kung saan. Kahit si Hecate ay napaupo sa pinakamalapit na silya.

"This is why I'm bringing this soul to Hades," turo niya sa babaeng humihikbi. Habang tumatagal ay nangingitim na ang balat nito pati na rin ang kaniyang mga mata. Siguradong hindi na siya aabutin ng araw at magiging ganap na itong fury.

"She'll turn into a fury by the time we get to him," dagdag niya at nagtungo sa hawla. "Alam naman nating lahat na ang furies ay mga alagad ng tagapagsundo, hindi ba? But this one does not have a master. It does not serve you, Alpheus, and any other reapers in existence and it can only mean one thing."

"You're not sure about that," mahinanon at malamig na sambit ni Alpheus habang pinagmamasdan ang kaluluwa ni Cammie. "Phlegethon died. That's it."

"Unless he did not."

Napatingin kaming tatlo sa bagong dating na bisita at sabay-sabay nilikha ang aming mga armas. Hindi naman nakalagpas sa paningin ko kung paano itinago ni Alpheus ang walang malay na kaluluwa ni Cammie sa kaniyang likuran.

"Good Nethers!" I lowered my ice scythe and turned to her. "Muntik na kitang mapatay Styx! Could you at least knock? At bakit ka ba nandito? Madalas ikaw ang nauuna sa pagpupulong!" Muntik ko na talaga siyang mahiwa gamit ang sandata ko kung hindi niya ito sinangga nang kaniyang sibat. Nakakapagtaka dahil hindi siya nakatingin sa akin kundi sa likuran ko.

"Oh, so you're a protector now?" she said, mocking Alpheus. Sa kabila niyang kamay ay may isa pang sibat na nakatutok sa kaluluwa nang walag malay na si Cammie. Mas hinigpitan naman ni Alpheus ang kaniyang latigo na nakapulupot sa leeg ni Styx habang prinoprotektahan ang dalaga. "Say, Alpheus, why are you protecting that soul? Is that your pet?"

Agad kong pinutol ang latigo gamit ang sarili kong sandata dahil hindi ko gustong makita ang ulo ni Styx na gumulong sa sahig. I swear this woman is more annoying than Cammie! Si Cammie kaya niya pang pigilan ang bibig niya kung kinakailangan pero itong babae na'to bibig muna ang pinapairal bago ang utak!

Nang humupa ang usok dahil sa pagtatama ng aming mga sandata, tumambad sa harapan ko ang nakaluhod na si Styx samantalang si Hecate naman ay prinotektahan lang ang sarili niya gamit ang kaniyang mga tungkod. Selfish as always.

The Harvest [Unedited]Where stories live. Discover now