XXXI

21 3 21
                                    

Cammie's POV

Hindi ko alam kung bakit kailangang magsinungaling nila Acheron at Alpheus sa 'kin. Alam kong may hindi magandang nangyayari pero sinasamahan pa rin nila akong dalawang lumabas dahil siguro kaunti na lang ang natitira kong oras sa mundo.

Pinapanood ko silang dalawang maglaban. Siguro gustong makaganti ni Acheron sa ginawa ni Alpheus kanina. Hindi naman nanlalaban si Alpheus pero pareho silang galit. Bakit kaya?

Gusto ko mang malaman, hindi ko gustong mag-abala pa silang dalawa sa 'kin. Sapat na ang oras na inilalaan nila para samahan akong gawin ang mga bagay na gusto kong maranasan bago ako mawala sa mundo. Hindi naman ako gano'n ka-bobo para hindi maunawaang baka hindi na ako makabalik sa katawan ko.

Tumalikod na ako sa kanilang dalawa at inilibot ang tingin sa buong perya. Ang daming rides at games na gusto ko pa sanang sakyan at subukan pero mukhang matatagalan pa sila Alpheus.

Napagdesisyunan ko munang pumunta sa isang ice cream stand habang hinihintay silang matapos nang may makita akong pamilyar na hulma malapit sa roller coaster.

"Angelo!"

Mukhang nabigla siya sa 'kin pero kumaway lang din pabalik. Nagtungo naman ang mga mata ko sa kaniyang kaliwang braso dahil may benda roon at mukhang hindi niya maigalaw.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at itinuro ang kaniyang braso nang makalapit. Ibinigay ko rin sa kaniya ang isa ko ice cream pero tumanggi lang siya sa akin at ngumiti.

"Ito ba?" turo niya sa kaniyang braso. "Ayos lang naman ako. Malayo sa bituka."

"Ano ba kasing nangyari?"

"Nahulog ako sa hagdan," naiilang niyang sagot sabay kamot sa kaniyang batok. Napatango lang ako sa kaniya at sinundan siyang pumunta sa carousel. "Baka pwede mo 'kong samahang sumakay. Libre ko na."

"Talaga?" Lumawak ang ngiti ko at tumingin sa mga kabayo. "Kung magpupumilit ka, wala na akong magagawa."

"Kunwari ka pa. Tara na nga," nakangiti niyang sambit sabay punta sa may-ari ng rides. Nagbigay siya ng pera at hindi nagtagal ay nagsimula nang umikot ang carousel.

"May kasama ka?" tanong niya sabay ayos ng upo.

"Meron, dalawa. Kaso hindi ko alam kung nasaan sila. Nawawala yata ako," napakagat-labi. Alangan namang sabihin kong iniwan ko silang nag-aaway. "Ikaw, kamusta na 'yong lolo mo?"

Saglit siyang natigilan at napansin kong nagkunot ang kaniyang noo. "Nasa ospital pa, nagpapagaling. Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Naalala ko lang. Sana bumuti na ang lagay ng lolo mo at mabuhay pa siya ng matagal."

Tumawa siya ng marahan. "You know, you really remind me of someone."

"She was kind and selfless, katulad mo. Simula pagkabata, palagi siyang nariyan para sa 'kin, para kausapin ako. Minsan pa nga dinadalhan niya ako ng oagkain kahit lingid sa kaalaman ng ina niya."

"Nasaan na siya ngayon?" tanong ko. Napakagat-labi ako nang mapansing napuno ng kalungkutan ang kaniyang mga mata. Mukhang hindi ko na dapat tinanong pa.

"She's... she's gone. But for good."

'Ha?' Bakit may 'for good'? 'Nangibambansa ba?'

Tumawa ulit siya ng marahan at napatingin sa malayo. "Hindi siya nangibambansa. Wala na siya Carmela, kinuha na siya sa 'kin."

Napatango na lang ako. Hindi ko alam kung paano ko dudugtungan ang mga huli niyang sinabi. Mukhang gustong-gusto niya 'yong tinutukoy niyang babae pero maaga siyang kinuha ni Lord.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon