Prologue

2.5K 76 28
                                    

"Maria White Victoriana!" Sigaw ni Irene pagkapasok niya sa pinto ng bahay. Kitang kita sa kanyang mukha ang galit niya.

"Nasaan kang bata ka!?" Muling pagsigaw niya habang siya ay papaakyat ng hagdan.

"Yes, mommy?" Lumabas si White mula sa kanyang kwarto para alamin kung bakit siya tawag ng nanay niya.

"How could you do that to Stephany?!" Tanong ni Irene nang pasigaw kaya napapitlag si White.

"What? I didn't do anything to her" nagtatakhang sabi ni White, maghapon lang siyang nasa bahay at hindi siya lumalabas lalo na kapag hindi siya nagpapaalam

"You liar!" Sabi ni Irene at binigyan niya ng malakas na sampal si White. Napahawak lang si White sa kanyang pisngi na ngayon ay namumula na at may kaonting sugat dahil sa singsing ni Irene

"I'm telling you the truth, mommy. In fact, hindi pa po ako lumalabas ng bahay ngayong araw" sabi ni White. Irene scoffed "Eh ano yung sinabi ni Stephany sa akin na nagkita raw kayo kanina at saka mo siya sinaktan?!" Pagsagot ni Irene sa kanya.

White looked at her in disbelief.

"Hindi pa nga ako lumalabas ng bahay! Yan ang hirap sa'yo, sinusubukan kong mag explain pero hindi mo rin ako pinapaniwalaan pero sa anak-anakan mo, andali mo siyang kampihan!" Tumaas ang boses ni White kaya muli siyang naka tanggap ng sampal mula kay Irene.

"Saktan mo na ako nang saktan. Wala sa akin ang pisikal na pananakit mo pero yung paniniwalaan mo ang ibang bata kaysa sa sarili mong anak? Hindi ko matanggap" sabi ni White bago siya tumalikod at akmang aalis na pero pinigilan siya ni Irene.

"Huwag mo 'kong tatalikuran. Hindi pa tayo tapos mag-usap!" sabi ni Irene at muling iniharap sa kanya si White.

"Ano pa bang paguusapan natin? Kahit ano namang sabihin ko rito ako pa rin ang makikita mong mali, ako pa rin ang makikita mong may kasalanan. Sawang sawa na ako! I did my best, I gave my all for you to see me pero yung mga pagkakamali ko lang ang nakikita mo, ninyo! Ginawa ko ang lahat para maging best daughter pero kahit saan ako pumunta, kahit anong gawin ko, kapalpakan ang nakikita mo. I'm sorry kung ganito lang ako, sorry kung hindi ko kayang ibigay sayo ang saya na ibinibigay ni Stephany. " Sunod sunod na sabi ni White. Walang ibang nasabi si Irene kaya natahimik na lang siya.

"Don't give me reasons to change myself, mommy. Hindi mo magugustuhan." Pagdagdag ni White bago niya tuluyang lisanin si Irene na ngayon ay natahimik.

"I'm sorry" she said and for once, she felt something in her heart. An unknown water scaped from her eyes. She didn't know kung bakit siya lumuluha.

"I promised myself na magpapakatigas ako para sa a-anak ko" she said bago siya bumaba at umalis muli ng bahay.

Coming soon!


White Where stories live. Discover now