Quality Time

1.1K 58 5
                                    

Irene POV

I woke up and I got shock because I'm with White right now. I smiled and I caressed her face as I remembered what happened last night. It was a long night for the both of us, painful yet happy because despite of the shocking and painful revelation, naging okay naman kami.

I'm grateful for having her as my daughter, kahit anong gawin kong pananakit sa kanya hindi siya nagbabago, I promise to make it up with you, anak.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto namin para makapag bihis at para gawin ang aking morning routine. Pagkatapos ko gawin lahat ng kailangan kong gawin sa loob ng kwarto, bumaba na ako sa kusina para makapag luto.

Dinatnan ko doon si Manang Perla na magluluto na ata "Manang ako na po dyan" saad ko at mukhang nagulat pa siya "ay Diyos ko Irene! Mapapatay mo ako" sabi niya habang naka hawak siya sa kanyang dibdib, nagulat nga.

Natawa naman ako ng kaunti "sorry po, ako na ang magluluto" saad ko, umalis naman na siya sa tapat ng stove kaya lumapit na ako. Habang nagluluto ako ay iniisip ko padin yung nangyari kagabi, I can't help but to smile.

Pagkatapos kong magluto, pinatawag ko na si White kay manang Perla at ako naman ay inaayos ang pagkain dito.

White POV

I woke up because of the knocks outside my door "White! Kain na daw  kayo!" Sigaw ni manang Perla sa akin mula sa labas ng pinto "Opo manang! Sunod po ako!" Sigaw ko pabalik para marinig niya ako.

Tumayo na ako mula sa aking kama at pumasok sa cr para makapag hilamos. Pagtapos non ay agad akong bumaba at nakita ko si mommy sa dining area kaya napa smile ako.

"Good morning mommy" bati ko sakanya "Good morning 'nak" Bati niya pabalik, pwede bang ulitin mo yon, ma? Ang sarap sarap pakinggan.

Nagsimula na kaming kumain dalawa, tahimik lang at tunog ulit ng mga kubyertos ang maririnig mo.

"White" pagtawag ni mommy sa akin kaya tumingin ako sakanya at tinaas ang dalawang kilay ko. "Do you still have class today?" Tanong niya sa akin at napaisip ako kung may sched ba kami, I shook my head as a response.

"Samahan mo ako mamaya sa office and then let's go to the mall, hmm?" She softly said, I smiled and nodded. Totoo ba itong mga nangyayari sa amin ngayon? Hindi ba ito panaginip? Kung nananaginip ako please huwag niyo na akong gisingin.

Bumalik ako sa katinuan ng magsalita ulit si mommy "Eat your breakfast, excited ka ata" natatawang sabi niya at napatingin naman ako sa kinakain ko, halos hindi pa nababawas. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at pagtapos umakyat na kami sa taas para maligo at makapag ayos.

Isang oras ang nakalipas at may kumakatok na sa kwarto ko. Hindi pa ako nakakapag bihis pero naka ayos na ang mukha ko, hindi ako makapili ng damit. Binuksan ko ang pinto at kita ko ang gulat ni mommy ng makita niya akong naka robe lang "anong oras na White, bat di ka pa nagbibihis?" Mahinahong sabi niya sa akin "eh wala po kasi akong masuot" nahihiya kong sabi sakanya.

Pumasok siya sa kwarto ko at pumunta sa walking closet, sinundan ko siya doon. Nagulat ako dahil tumatawa siya, baliw ba to?

"Ang dami mong damit oh! Sa office lang tayo pupunta ha, baka naghahanap ka ng gown dyan" natatawang sabi niya sa akin, nangaasar ba siya?

"Eh hindi ko nga po alam kung ano kukunin ko dyan" sagot ko. Kumuha naman siya ng damit at binigay sa akin "ayan bagay mo yan" sabi niya kaya kinuha ko yon at sinuot. Bagay nga.

"Oh diba! Pak! Mukha ka ng dalaga nak" sabi niya at natawa naman ako ng bahagya. Ganito ba talaga to kakulit, sana laging ganito.

Lumabas na kaming dalawa at pumasok na sa kotse. "Sa office muna tayo" sabi ni mommy sa driver at tumango ito. Ilang minuto lang ang byahe namin at nakarating kami agad.

Agad kaming bumaba at pumasok sa loob, nakangiti silang lahat sa amin kaya naman ngumiti din ako habang si mommy ay seryoso lang siyang mag lakad, napaka strikto ata nito dito.

Pagdating namin sa kanyang sariling office ay umupo kaagad siya sa kanyang swivel chair at pinaupo ako sa couch. Sinunod ko at tahimik lang akong nag sscroll sa aking phone. I saw ate Stephany's post. "Late post hihi" ang caption, Siya, si mommy and may isa pa silang kasama, I think boyfriend ni ate Steph yon.

Lumapit ako kay mommy at pinakita sakanya ang picture "who is him?" Tanong ko sakanya "chismosa mo rin no?" Sabi naman niya kaya natawa kaming parehas "Nako ma, mana lang sayo" sagot ko kaya lalo kaming natawa "anyways, he's Daven, your ate Steph's boyfriend" sabi ni mommy kaya tumango ako at bumalik na sa couch. Tama nga, boyfriend niya.

Habang nag sa-sign ng paper si mommy, nag ring ang phone niya. Kaagad niya itong sinagot "Hello Steph" bati niya, si steph pala.

"I'm sorry I can't come e, I'll be spending my time later with a special person" she said kaya a wide smiled automatically formed on my face. "Special" bulong ko sa sarili ko.

"No, it's not Greggy. That's a secret!" Natatawang sambit niya, hindi naman nagtagal ang paguusap nila at nagpaalam na sila sa isa't isa.

"Ano pong sabi niya, mommy?" Tanong ko "Tinanong niya sa akin kung pwede ako mamaya kasi nagpapasama siya sa mall" sagot niya sa akin, may naisip naman ako "Pupunta naman po tayong mall mamaya diba? Bakit po hindi natin siya isama?" Suggestion ko at napakunot naman ang noo niya, mali ba?

"No, today is our day love. Tayo lang dapat dalawa" sabi niya sa akin kaya ngumiti ako at tumango. Totoo ba talaga to? Parang naiiyak ako

After two hours, tumayo na siya sa kanyang inuupuan "let's go" pag aaya niya sakin kaya tumayo na din ako. Inayos ko lang ng kaunti ang aking sarili at lumabas na kami ng office niya. Kanina lang naka ngiti to ngayon naman napaka seryoso ng mukha, nakakatakot.

Pagsakay namin sa kotse, sinabihan ni mommy yung driver na sa mall na kami pumunta kaya dinala niya kami doon, habang naglalakad lakad kami bigla akong naka ramdam ng gutom.

"Kain muna tayo 'nak"

"Kain muna tayo ma" sabay naming sabi kaya natawa kaming pareho. Pumunta nalang muna kami sa isang kainan, Italian foods ang lahat ng nandito and parehas ata kami ni mommy ng gusto.

Pagkatapos namin kumain ay agad naman kaming lumabas at pinuntahan ang Gucci store. "Go, tumingin ka ng gusto mo. I'll pay" sabi niya sa akin at tumango lang ako. Wala naman na akong gusto dito kasi nabili na ni mommy yung pinag iipunan ko pero tingin pa din tayo, sayang libre na e.

Nakakita naman ako ng mini bag kaya kinuha ko yon. Napaka liit, napaka mahal. Binigay ko siya kay mommy at mukhang naghihintay pa ng iba "ito lang?" Tanong niya sa akin "yes mommy, yan lang po" sabi ko sakanya "you sure?" Paninigurado niya kaya tumango nalang ako.

Habang nagbabayad siya, napansin ko na bakit ang dami. Napa dami yata binili niya para sa sarili niya. Pinabuhat niya nalang sa kasama naming guard yung mga paper bags at pinalagay sa kotse. Tinanong niya ako kung saan ko gustong pumunta, pag tripan ko kaya? Charot!

"Arcade ma" sagot ko sakanya at nanlaki naman ang mata niya. "Huwag na don anak, let's go somewhere else" sabi niya pero gusto kong maglaro with her, hindi pa ba to nakakapunta don? "Please mommy?" Sabi ko sa kanya kaya huminga siya ng malalim at tumango na din. "But let's go muna sa bookstore." Sabi niya kaya tumango nalang ako.

To be continued...

White Where stories live. Discover now