SC: Mother's POV

832 58 47
                                    

May tao bang gugustuhin na masaktan ang mga taong minamahal nila? May nanay bang gugustuhin makitang nahihirapan ang anak nila? Wala, pero kahit anong gawin nating pagpo-protekta sa kanila, tadhana na ang gumagawa ng paraan para umiyak ang kanilang mga mata.

Hindi sa lahat ng oras, protektado mo sila. Minsan, dahil hindi mo sila gustong masaktan, magsisinungaling ka.

Lying to someone because you want to protect them, you want them to be happy is a priceless sacrifice but, kahit saan mo tignan, mali yon.

A family must fight the battle together, but I chose not to.. I chose to fight alone, to fight this battle alone.

I don't want to drag them here, this is my fight and I know to myself that I'm about to lose this very big battle.

I won't win, that's for sure..

Inisip ko palang na iiwanan ko ng maaga si White? Nasasaktan na ako.

Malaki ang pagkukulang ko sa kanya. Three months.. tatlong  buwan na lang ang natitirang oras ko para makabawi sa kanya.

***

"White? Ready ka na?" Tanong ko nang tignan ko siya sa kwarto niya. Nakita ko naman na naka ayos na siya. Ngayon ang uwi namin sa Pilipinas.

"Yes, mommy!" Sagot niya, napatingin naman ako sa kama at nakita kong tulog pa rin si Paulo. Maiiwan siya dito kasi may klase pa siya.

"Nasa baba na si Gerald" sabi ko at tumango na lang siya. Bumaba na ako para may makausap yon, kalaunan ay sumunod na din si White.

"Take care of him ha. Sunod kayo agad kapag wala na siyang pasok" pagpapaalala ni White kay Gerald, tumango naman si Gerald.

"Opo, madam" sabay sabay kaming natawa sa sagot niya.

"Osya, We have to go" sabi ko, pagputol sa landian nila. Char.

We bid our farewell at umalis na.

Nakasakay na kami sa van nang may nag text sa akin.

"The results are out" kinakabahan man ako sa maaaring maging resulta pero kailangan kong malaman.

"I'll call you later, we're on our way to the airport. Thank you" reply ko sa text ng doctor ko dito.

Last two weeks, pumunta ako sa hospital para mag pa check up. Matagal na kasi akong may nararamdaman na kakaiba.

And madaming tests ang ginawa sa akin. Sana talaga wala lang ang mga yon.

Nakalipad na ang sinasakyan naming eroplano, ilang oras din ang byahe at nakalapag na kami.

"Mama!" Kaagad na sigaw ni White nang makita namin si ate Imee na naghihintay sa amin. Kung mayroon man akong sakit at mawala man ako, sigurado na akong may mag aalaga sa anak at apo ko.

Nakasmile lang ako habang papalapit sa kanila, nagyayakapan na sila ngayon.

"Hii" bati ko sa kanila, doon lang nila napansin na nasa likod na ako? Grabe ha..

White Where stories live. Discover now