Real Reason

1.2K 67 10
                                    

"Because..."

"...Nabuo ka" Unti unting sabi ni mommy sa akin. Hindi ko alam kung paano ko iintindihin, hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Nabuo a-ako? What do you mean?" Takang-takang tanong ko sa kanya. Bumagsak na din ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Oo, nabuo ka kaya hindi kami nag katuluyan." Pag-uulit ni mommy sa kanyang sinabi. So I was the reason why they are not together now??? Ganon ba yon?

"Mommy tell me more please! I c-can't u-understand" Nanghihinang saad ko. Wala akong ideya kung paano dapat ako mag react.

"Our relationship went well after the proposal. Masaya kami at handang handa na kami para sa kasal. 3 months before the wedding, nagkaroon kami ng maliit na away. Hindi ko na tanda kung ano ang pinag awayan namin pero maliit lang yon. Iyak ako ng iyak dahil natatakot ako na baka hindi matuloy ang kasal. Hindi ako makatulog kaya I decided to go to the bar. Nag inom ako, nag pakalasing ako para sana makalimutan kahit na konti yung problema namin but lalo lang nadagdagan after ng gabing yon. I met your dad sa bar, lasing na ako non at lasing na din siya. Ang sabi niya sa akin ihahatid na daw niya ako, wala ako sa katinuan kaya pumayag ako but when we were still inside the car, I kissed him, crying. We did the thing na pang mag asawa lang. Kinabukasan, sinabihan ko siya na kalimutan ang nangyari dahil ikakasal ako at isa pa, hindi ko naman siya kakilala. Naayos namin ni Daryl ang problema namin sa relasyon ng hindi niya nalalaman ang nangyari sa akin. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang aminin ang ginawa ko dahil sa takot na baka iwan niya ako." Tumigil si mommy sandali para uminom ng tubig dahil kita at ramdam kong hirap na din siyang mag salita.

"After a month, nag susuka na ako, nahihilo and everything. Sabi ni Daryl baka may sakit lang daw ako kasi di naman ako pwedeng mabuntis dahil wala pang nangyayari sa amin. Hinayaan ko nalang muna but a month after, I'm at the mall with college friends when suddenly, I fainted. Dinala nila ako sa hospital at doon namin nalaman na buntis ako. Tanda ko pa na masayang masaya sila tapos ako iyak ako ng iyak dahil alam kong hindi kay Daryl ang batang dinadala ko. Next month ay kasal na namin at lumalaki na din ang tiyan ko kaya minabuti ko na aminin na sa kanya baka sakaling tanggapin niya, pero hindi. Hindi niya tinanggap ang batang nasa sinapupunan ko, hindi ka niya tinanggap kaya kami nag hiwalay." Kwento niya, iyak na din ako ng iyak dahil ramdam ko yung sakit na naramdaman nila noon. Kasalanan ko pala, kaya siguro galit na galit siya sa akin.

"I w-was s-so mad at you! Umabot na puntong gusto kitang ipa abort pero ayaw nila mommy and daddy kaya hindi ko tinuloy, sinisisi kita." Sabi niya kaya nagulat ako at nakatingin na ngayon sa kanya.

"K-kasalanan ko po bang nalasing kayo ni daddy? K-kasalanan ko po bang nabuntis ka? Kasalanan ko po ba, ma?!" Medjo tumaas ang boses ko ng kaunti na naging dahilan ng pagka pitlag ni mommy. Umiiling iling ito na sinasabi na "hindi".

"Kung hindi, bakit kayo galit na galit sa akin?! Mommy all my life akala ko you're doing it because you want me to be strong but now I know that I was wrong. I know na that I was just a mistake, na ako ang dahilan kung bakit hindi yung Daryl yung nakatuluyan mo. I understand" saad ko bago tuluyan linisan ang kwarto. Pahina ng pahina ang boses ko dahil hinang hina na din ang katawan ko.

Pumasok agad ako sa kwarto ko at doon ibinuhos lahat ng luha na kaya kong ibuhos. Bakit parang kasalanan ko ang lahat? Bakit parang kasalanan ko? Bakit sinisisi sa akin ang bagay na wala naman akong alam. Hindi ko naman kasalanan na mabuhay dito diba? Sila yung gumawa sa akin at sa boong buhay ko, ganito lang pala ako. I can't accept the fact that I was made because of a mistake, because of carelessness of my mother na naging kasalanan ko.

After minutes of crying, I heard a loud knock in my door. Alam kong si mommy yon kaya hindi ko alam kung bubuksan ko ito o hindi. Narinig kong sinigaw na niya yung pangalan ko kaya kailangan ko ng buksan.

Pagbukas ko ng pintuan, kitang kita sa mata niya na kagagaling niya lang din sa pag iyak. Niyakap niya ako kaagad at nagulat pa ako dahil umiiyak nanaman siya habang naka yakap sa akin. Hinimas himas ko ang kanyang likuran para pakalmahin siya.

"I'm sorry" bulong niya pero sapat lang para sa akin na marinig iyon. "Shhh stop crying na mommy. It's okay, I understand" sabi ko sakanya at yumakap na ako pabalik. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. I love this, can we stay at this kind of position forever, 'my?

Humiwalay na siya sa aming pagkakayakap at hinawakan niya ang kamay ko. "Let me explain everything, okay?" Sabi niya sa akin, umiling naman ako. "No need ma, naiintindihan ko na po" sabi ko "No. I need you to understand everything, let's go to your room" sabi niya kaya tumango nalang ako at pumasok na kami sa loob ng kwarto ko..

"Yes, galit na galit ako sayo. Everytime na nakikita kita, naiisip ko kung paano kaya kami ni Daryl kung natuloy yung kasal, kung hindi ka nabuo. Naalala ko ang kahibangan na ginawa ko tuwing nakikita kita at nahihirapan ako. Nasasaktan ako kaya pinili kong ilayo ang sarili ko sayo. Alam ko naman na wala kang kasalanan sa nangyare pero sobrang nawala ako sa sarili ko non. Kahit na buntis ako, umiinom ako ng alak, hindi kita inaalagaan at yun, yung ang pinaka pinagsisihan ko. Every night, umiiyak ako kasi iniisip ko kung paano kaya kung inalagaan kita simula bata ka. Paano kaya kung hindi ko pinaranas sayo yung mga bagay na naranasan mo habang nandito ka sa puder ko. Iniiyak ko nalang kasi ayokong makita niyo akong mahina. Tama yung iniisip mo na gusto kong maging malakas ka at maging independent ka kaya kita iniiwan mag isa dito kahit alam kong bata ka pa. Sobrang pasensya anak, babawi si mommy sayo. Sorry, I'm really sorry" Umiiyak na sabi niya. Nararamdaman ko ang sincerity sa lahat ng sinasabi niya kaya agad akong tumayo sa kama at nilapitan ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit at muli na ngang tumulo ang aking luha.

"Naiintindihan kita mommy. Naiintindihan ko po kayo, nasaktan kayo kaya naghanap ka ng pwede mong sisihin sa bagay na ginawa mo. I know that you're just scared, It's okay to show your weakness sometimes ma. Hindi naman kailangan lagi kang malakas, hindi naman kailangan ipakita na ganito ka at hindi ganyan. Be yourself, nandito lang naman ako lagi akong naka support sa'yo. I'm sorry, too. I love you" saad ko sakanya habang nakayakap padin siya sa akin.

I thank God for giving me this chance for me and my mother to reconcile. I am so amazed sa mga oras na ginagawa ng Diyos, there's always time for everything, indeed.

I hope mag tagal ito, sana tuloy tuloy na ang pagiging okay namin ni mommy. I miss her so much.

Nakatulog na si mommy dito sa tabi at natulog na din ako. I hugged her tightly while she's sleeping and I whispered something.

"Kahit anong gawin mo, hinding hindi mababago ang pagmamahal ko sayo, ma"

"You are forgiven"

To be continued

White Where stories live. Discover now