Understanding

971 65 15
                                    

White POV

Hearts, beats, fast
Colors and Promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid..

I woke up early today kasi ang aga ko atang nakatulog kagabi. 6 pm palang ata yon and hindi na kami kumain ng dinner.

My eyes were opened pero feeling ko natutulog pa rin ako. Nakahiga sa kama, nakatulala sa ceiling at iniisip ang mga nangyari kahapon.

What should I do? Kahit ano namang tanong ko sa kanya hindi niya masabi kung bakit niya nagawang lokohin si mommy, pati na din ako.

Kahit anong isip ko, hindi ko mawari ang dahilan niya. Maraming katanungan ang bumubulabog sa aking kaisipan kaya bahala na. I should control my emotion kasi hindi ko naman pwedeng iwasan lagi.

For now, I don't want to talk to anyone.. I'll stay here, inside my room.

Irene POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, still thinking about the confession of Greggy.

Hindi siya nag cheat? If hindi talaga, masaya ako pero hindi ko maiwasan isipin ang dahilan. Sabi niya maiintindihan ko din daw pero hindi pa ngayon. May nagpapagawa ba sa kanya ng mga 'to? He said he just want to protect us..

Sa paggising ko, yun na agad ang pumasok sa isip ko.

I went to our bathroom and I did my morning routine. After ko gawin lahat ng kailangan kong gawin sa kwarto, I directly went down sa kusina to cook breakfast.

I cooked our usual breakfast and some pancakes for White. Alam kong hindi talaga siya kumakain ng heavy meal tuwing umaga kaya pancake lang muna siya and add the iced coffee.

I went back upstairs to wake Greggy up.

"Love, let's go na downstairs. Kain na tayo ng breakfast" Sabi ko sakanya habang tinatapik ko ang braso niya

"Okay, love. Sunod ako" sabi niya naman kaya lumabas na ako ng kwarto para gisingin naman si White.

"Nak?" I said while knocking at the door. "Hmm?" She softly said "Let's go downstairs, let's eat na" sabi ko, I opened her door.

She's crying again.. "Nak, tara na. Stop crying na po, ang aga aga oh" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya. "Ma, andon ba si dada?" Mahinang tanong niya "Yes anak.. look, daddy wants to talk to you, meron siyang dapat sabihin sayo kaya let's go na" sabi ko sakanya

"I don't want to see h-him. I just can't" saad niya at bumalik ulit sa kanyang kama "No anak, he will explain...Just listen to him, you don't have to say something anak" pangungumbinsi ko sakanya and sa wakas, pumayag na siya.

Pumasok na siya sa kanyang banyo at naghilamos, hinintay ko nalang siya dito sa kama. Hindi naman nagtagal ay lumabas na siya, I held her hand and we both went downstairs, to our dining area to be specific.

"Good morning" Greggy greeted us "Good morning" sagot ko at umupo na sa pwesto ko. I can see White being so confused. Iniisip niya siguro kung bakit kami nagbabatian ng daddy niya.

"Morning" She said, shortly and coldly. She sat down in front of me and she started to eat her pancakes.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain, White suddenly asked "What are you going to say?" Tanong niya, sigurado akong about to sa sinabi ko sakanya kanina

"Who?" Tanong ni Greggy at pinagpaliban na muna ang pagkain "you." Maikling sagot ni White.

"May sinabi ka sakanya?" Tanong sakin ni Greggy "Wala pero kasi sabi ko may sasabihin ka sa kanya, ayaw niya bumaba kanina" mahinang sabi ko kay Greggy.

"Let's finish this muna and then I'll explain it to you" sabi ni Greggy, hindi naman na sumagot si White at pinagpatuloy nalang niya ang kanyang pagkain..

Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na din kami sa pagkain "Living room" Greggy said shortly. Me and White followed him sa living room.

"So what's up?" White asked, she sat down. "I want to say sorry, anak. For hurting you, for lying, for saying na I cheated but the truth is I didn't" daretsong sabi ni Greggy. Hindi ko mawari ang mukha ni White. Walang makikitang emotion sa kanyang mukha.

"Is that all? You're lying again?" Sabi ni White, I hugged her. "No anak, he's telling the truth" sabi ko

"How can you prove that? Binigyan ka ba niya ng dahilan kung bakit? May pinakita ba siyang ebidensya?" Tanong niya sakin, tama siya wala akong natanggap na kahit ano pero ramdam kong nagsasabi ng totoo ang tatay niya.

"He didn't but I can feel it" sabi ko "Feel feel.. mapapatunayan ba yan?" Tanong niya ulit, tumango ako.

"Hindi ka ba naniniwala sa daddy? Wala ka bang tiwala sa akin?" Dalawang sunod na tanong ang binitawan ni Greggy, tumutulo na ang luha niya maging ang sa anak ko.

"I was.. Binigay ko sayo ng buong buo ang tiwala ko pero sinira mo yon." Sagot ni White at aalis na sana siya

"If only I can tell you the reason, ginawa ko na pero hindi, hindi kayo maniniwala sa akin kasi hindi talaga kapani-paniwala lalo na kilala niyo siya. I was just trying to protect you both because if hindi ko ilalayo ang sarili ko sainyo, sasaktan niya kayo. I was just waiting for the perfect timing, humahanap pa ako ng proweba. Please don't make it too hard for me. Please just let me muna kahit one week lang... Aayusin ko lang lahat and we will be a happy family again just like before. Please anak, Irene, please..." Sabi niya na umiiyak. Ngayon ko palang siyang nakitang umiyak ng ganito, masakit para sa akin.

Tumigil si White sa kanyang paglalakad para makinig sa daddy niya. She turned around and she hugged her daddy

"I'm sorry" she whispered but I can hear her. "I love you, nak" Greggy said.

"What do you want us to do?" She asked "Just let me go.. Hindi muna ako dito sa bahay uuwi anak. We can talk but through phone call lang muna." Sabi ni Greggy na ikinagulat namin

"Is it really necessary?" Tanong ko, umiiyak na din. "Yeah Irene, it is. I'm really really sorry. I love you both, always remember that" He said..

"Naiintindihan namin, Love. You can go.." sabi ko and he hugged me also "Thank you, love. Thank you. I love you. I love you. I love you" He said. My heart is full of love but I'm sad because he's leaving. Kahit one week lang siyang mawawala, it feels like forever.

"Babalik ka diba? Diba Greggy, babalik ka?" Tanong ko, he continually nodding his head "Of course, love. I will be back" sagot niya sa akin kaya niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Bakit pakiramdam ko sobrang tagal niyang mawawala? Bakit ang bigat bigat sa pakiramdam na paalisin siya. Irene, one week and you and your family will be back to how it used to be. You will be happy again after this week.

Pinakawalan na namin ang isa't isa. Umakyat na siya sa taas at nag impake ng damit for one week.

"I'll go na" he said ng matapos siyang mag ayos. I hugged him again so tight "Babalik ka ha" sabi ko "of course, love" sabi niya. Bumaba na kaming dalawa, nandon pa din si White, hinihintay kaming dalawa.

"Daddy take care ha. I love you always" sabi niya at hinalikan si Greggy sa pisngi "You too, take care. Huwag pababayaan si mommy" sabi niya anak namin..

"Don't go sa office ha." Paalala niya at tumango na kami. Ang sakit para sa amin ang makita ang kotse niya na papalayo. Bakit parang wala ng balikan?

Babalik ka, mahal. Sinabi mo yan.

To be continued

White Where stories live. Discover now