College

1.4K 78 12
                                    

White POV 

I woke up early because today is my first day in college. After doing my morning routine, bumaba na ako para mag breakfast. I'm not expecting anything from my parents kasi alam ko naman na wala silang pakialam sa buhay ko. 

"Good morning" I said as I sat down in front of mommy. "Good morning... today's your first day, right?" daddy asked, I nodded. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko dahil gaya ng inaasahan ko, walang pakialam si mommy sa akin. Hindi man lang siya nag good morning, pero okay lang naman, baka kasi pagod lang siya kahapon galing work. 

"Excuse me" I said as I stood up and went directly upstairs. Maaga pa naman pero inayos ko na ang sarili ko para hindi na ako mag rush mamaya. After a few minutes, ready na ako kaya naman I went downstairs para makapag paalam na kay mommy and daddy. 

"Dad? I have to go" I said as I kissed his cheeks. "Where's mom?" I asked daddy kasi she's not in her office. "Take a look at the kitchen" daddy said, I nodded and then I went to the kitchen to bid my goodbye to mom. 

"Mom I have to go" sabi ko, hahalikan ko na rin sana ang pisngi niya pero inilayo niya ang sarili niya. "Just go, I'm talking to Stephany, can't you see?!" irita niyang sabi. I bowed my head and went outside the house. Sumakay na'ko sa sasakyan at sinabihan na ang driver na umalis na kami. 

"Nandito na po tayo miss White" mang Pedro said. Binuksan na rin niya ang pintuan ng van at saka na'ko bumaba. "Let's go college life, please be good to me," bulong ko sa sarili ko habang papasok sa entrance ng school. 

"Miss Araneta, it's your turn" Mrs. Hernandez said. She will be our adviser for the whole year. We're doing introduction, kahit ilang beses ko na naranasan 'to hindi pa rin maalis sa akin ang kaba. Hindi naman kasi ako laging lumalabas ng bahay, nasa kwarto lang ako palagi para mag-aral. I'm taking law kasi kaya marami ka talaga dapat oras para mag basa. 

"Good morning, everyone. I am Maria White Victoriana Marcos Araneta, you can call me White. I'm 18 years old and my hobbies are reading books, cooking, painting and I can play some of the instruments. I'm from Makati. Thank you" sabi ko ng dare-daretso, hindi ko naman pwedeng ipakita na kinakabahan ako dahil ayaw kong makita nila akong mahina. They clapped their hands and then bumalik na ako sa inuupuan ko sa bandang likuran. 

Ilang oras pa ang nakalipas, finally it's uwian time. Pagod na pagod ako kahit first day of school pa lang. I texted manong Pedro para sunduin ako pero nasiraan daw siya ng sasakyan. Sabi niya hintain ko siya pero inaantok na ako ng sobra kaya nag call na lang ako kay daddy. 

buti na lang he immediately answered my call. "Hi dad, uwian na po namin kaso nasiraan po si mang Pedro, can you make like sundo me here sa school? I'm sleepy na po kasi" sabi ko sa kanya, narinig ko naman ang malalim niyang paghinga, busy ata. "I'm sorry White, I can't fetch you e, I'm busy kasi here sa company may malaking problema lang." He said, I smiled bitterly at tumango tango kahit hindi niya nakikita "It's okay da, I'll call mommy na lang. Good luck po, bye!" I said and I ended the call. 

after daddy, I dialed mommy's number nagri-ring lang ito kaya naman tinry ko ulit. After three calls, she finally answered it. "hi mommy, are you busy?" I asked her first "Why?" she said, coldly. "Can you fetch me po here sa campus? nasiraan daw po kasi si mang Pedro." sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang daliri sa isang kamay. I don't know why pero I'm nervous. "No, I can't fetch you, I'm busy." she said "Sumakay ka na lang ng taxi or hintayin mo ang driver mo riyan" she added tapos pinatayan na ako. 

Sumakay na lang ako ng taxi at pumunta muna ako ng mall. I need to buy something para sa project namin na ibinigay ni mrs. Hernandez kanina. Yes, first day of school, may project agad. Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarating ako sa mall. Pumunta agad ako sa National bookstore para makauwi agad dahil inaantok at pagod na pagod talaga ako. 

Habang tumitingin ako ng books, I heard a familiar voice. Sumilip ako at nakita ko ang masayang si Stephany at kasama niya si mommy. "ah busy" I whispered, biglang tumulo ang luha ko pero agad ko rin itong pinunasan. "She's busy with Steph pala" sabi ko at pumunta na ng counter at nagbayad, pagkatapos lumabas na'ko sa store at umuwi na diretso sa bahay. 

pag uwi ko sa bahay, I went directly sa room ko. Ibinato ko lang ang bag ko at humiga na sa kama. hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. "When will I feel the love that came from my own mother, she's here nga with me pero parang wala rin siya. Paano ko ba mararamdaman na may nanay ako? Kailangan ko bang gayahin si Stephany?" sunod sunod na bulog ko sa sarili ko. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakatulog na ako.

To be continued

White Where stories live. Discover now