MYRFM

965 59 82
                                    

Irene POV

I arrived at the mansion ng gabi. Tuloy tuloy lang akong nag park at bumaba na din. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok.

"Hi" nahihiyang sabi ko sa kanila na nasa sala. They looked at me, my tears started to fall down when I saw my mother.

"Irene, bunso! Come!" Masiglang sabi ni mama. Bakit parang okay naman siya?

Lumapit na ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit "Stop crying na anak. I miss you!" Sambit niya, lalo akong umiyak. Tumawa naman si Bonget sa likod ko.

"I miss you too." Maikling sabi ko sa kanya. Tumingin naman ako kayna Bonget, nandito din pala si Liza at ang mga bata. He hugged me "Welcome back, bunso" sabi niya, yumakap din ako pabalik.

Malawak na ngiti ang binigay sa akin ni Liza at ng mga anak nila. Pati ang mga anak ni ate ay nandidito. Niyakap nila ako isa isa.

"Mommy, tara na po sa hospital. Sabi ni Bonget, may sakit ka daw" sabi ko sa kanya. Umiling iling naman siya, umalis si Bonget at umakyat sa hagdan.

"Wala akong sakit, anak. Hindi kayo uuwi dito kung hindi ko sasabihin na may sakit ako?" Sabi niya kaya nagulat ako. So ano yon? "Hindi naman sa ganon ma, akala ko kasi galit kayo sa akin e" pagpapaliwang ko.

"Galit? Kailan kami nagalit sayo? Hindi kami galit sa ginawa mo, disappointed lang pero matagal na yon" sabi niya sa akin kaya napangiti ako ng mapait, tumulo ulit ang luha ko.

"Sorry ma" sambit kong muli, niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"We're here!" Masiglang sabi ng kakarating lang na babae, pamilyar ang boses niya. Tinignan ko ang direksyon kung saan nanggaling ang boses.

"Imee!" Sigaw ni mama. Lumapit ka agad si ate at niyakap si mama Meldy. "I miss you maaaa" rinig kong sabi niya. Pagkatapos nilang mag yakap, napatingin siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko dahil nahihiya ako.

"Halika nga dito!" Malakas na sambit niya at niyakap ako. "Namiss kita, Irene" hindi ako makapag salita at niyakap ko na lang siya pabalik.

"S-si W-white?" Nauutal kong tanong sa kanya "Papasok na din yon, inaasikaso niya lang yung bata sa sasakyan" sabi ni ate. Bata? Sinong bata?

Nagulat ako nang makita si White na pumasok at hawak niya ang kamay ng isang batang lalaki. Nakita ko din ang gulat sa mukha niya ng mapatingin siya sa akin pero kaagad siyang umiwas.

"Mamila!" Masayang sabi niya at tumakbo papunta sa lola niya. Niyakap niya ito ng mahigpit at nakita kong umiiyak na silang dalawa. Hindi ko maiwasan na maluha, ang tagal ko siyang hindi makita.

Niyakap niya isa isa ang mga pinsan niya at ang tito at tita niya. Hinintay kong lumapit siya sa akin pero hindi niya ginawa, bakit ba ako umasa? 

Pinunasan ko na lang ang luha ko at nagpaalam na pupunta muna ako sa kwarto, hinayaan nila ako para daw makapag pahinga muna din ako.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak at mag isip. Hindi niya man lang ako pinansin kanina at sino yung kasama niya? Sino yon?

Narinig ko din na umakyat na sila ate sa kwarto dahil magkatabi lang ang kwarto namin. Siguradong doon din matutulog si White at yung bata.

Bumaba si ate Imee dahil tinawag siya, kaagad akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto nila.

"White" pagtawag ko, lumuluha nanaman. Tumingin siya sa akin, walang makikitang emosyon sa kanya. Seryoso lang niya akong tinignan na naging dahilan ng pagkirot sa dibdib ko.

Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay, naghihintay sa susunod kong sasabihin. "I miss you" I said, hindi niya pinansin ang sinabi ko at simple niya lang inikot ang mata niya. Bakit ganoon, bakit ang sakit?

"Sino siya?" Tanong ko ulit, inaayusan niya ng damit ang kasama niyang bata. "Pakelam mo ba?" Sagot niya na ikinagulat ko.

"White.." yan nalang ang tanging nasabi ko bago tuluyang bumagsak ulit ang luha ko. "Iyak ka ng iyak, kanina ka pa. Lumabas ka na nga" sabi pa niya, wala akong nagawa kundi lumabas nalang ng kwarto.

Pinababa na kami para daw kumain. Daretso lang akong bumaba papuntang dining, nadatnan ko sila doon na kumpleto na at ako nalang ata ang hinihintay.

Umupo ako sa tabi ni Matthew, katapat ko si ate Imee at nasa tabi niya si White. Hindi ko pa din alam kung sino yung batang sinusubuan ni White. Hindi naman siguro niya anak yon.

Pagkatapos naming kumain, pumunta sila sa sala para magkwentuhan. Lumabas ako ng garden para makapag isip isip at para magpahangin na din. Hindi ko alam, ang awkward doon sa loob.

Nakaupo lang ako sa isang mahabang upuan at pinagmamasdan ko ang swing.

"Gabi na, mrs. Araneta. Malamig na" rinig kong sabi ni White. Mrs. Araneta hindi na ba niya ako tinuturing na ina?

Napatingin ako sa kanya at nakita kong naka tingala siya at pinagmamasdan ang buwan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Nilayo niya ang sarili niya sa akin at naitulak niya ako ng kaunti kaya natumba ako.

"Ano ba!" Biglang tumaas ang boses niya "anak" tawag ko.

"Anak? Sino? Sinong anak mo dito? Matagal ka ng walang anak diba?" Parang sinaksak ako ng paulit ulit dahil sa mga sinasabi niya.

"Anak naman" nanghihinang sabi ko "hindi mo ako anak! Simula nung pinagtabuyan mo ako, nawalan ka na ng anak." She shouted.

"The White na kilala mo, namatay na siya four years ago. Her heart stopped from beating kasi ang sabi niya, si mommy ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban, pero nawala ka diba? Ikaw yung dahilan ng pagtibok ng puso niya pero tinaboy mo siya. Kaya after that day,  White died." sabi pa niya. Hinang hina na ang katawan ko, kahit nakaupo na ako sa damuhan, pakiramdam ko babagsak pa ulit ako

"Stop calling me, Anak" muling sambit niya. Hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko.

"S-sino yung kasama mong bata?" Pagiiba ko ng usapan, kahit nasasaktan ako, gustong gusto ko siyang makausap, mayakap at makasama.

"Anak ko" mahinahon niyang sabi. Nagulat ako. Anak? Anak niya yon? Paano?

"White, ang bata mo pa!" Tumaas ang boses ko, hindi ko inaasahan.

"Bakit? Kasalanan ko ba? Ginusto ko ba? Hindi! Hindi ko naman ginusto na mabuntis ako at ano naman pakelam mo? Sino ka ba?" Nagugulat ako sa bawat binibitawan niyang salita. Paano niya nasasabi ang lahat ng ito?

"I'm your mother! Nanay mo ako" sabi ko sa kanya. She smirked "Ay nanay pala kita? Alam ko kasi nung namatay yung daddy ko, parang namatay na din yung nanay ko e. Hindi nga siya tumawag nung hindi na niya ako kasama. May bagong anak na nga yon." Sarkastikong sabi niya.

"Anak naman" wala na akong ibang masabi. Mashadong masakit, hindi ko na kaya baka kung ano pang masabi ko sakanya.

"Meeting You, Regret For Me" (MYRFM)  huling sabi niya bago siya bumalik ulit sa loob. Naiwan akong magisang umiiyak dito sa labas. Ang sakit niyang mag salita.

Pumasok na din ako at daretsong akyat na ako sa kwarto. Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ko na pinansin.

Ni lock ko ang pinto at humiga na sa kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog na din ako.

To be continued

White Where stories live. Discover now