Unexpected

1.1K 69 12
                                    

After a few hours, it's lunch time. 11:30 when Daven arrived, Stephany's boyfriend.

"Tita, He's Daven, Daven, she's Tita Irene yung kinekwento ko sayo" Stephany introduced them both. They nodded their heads and Daven found his way to Irene para mag mano. Irene chuckled as he did that, she's not used to it.

"I'm Daven po ma'am Irene, her boyfriend" Daven respectfully said to Irene. "Just call me tita also, Daven" she smiled. Pumunta na sila sa dining area para kumain.

Nagkwentuhan lang sila ng kung ano ano at tinatanong siya ni Irene about sa sarili niya, she really wants to know him.

"May I know your surname, Hijo?" She said "Reyes po" he immediately answered. "Reyes? Do you know someone named Daryl?" Irene asked, confused. Daven was about to answer when someone's phone rang, it's Irene's. "Oh sorry, excuse myself" she said and she went to the living room to answer the call.

Manang Perla is calling her, she answered.

White POV

It's lunch time, after lunch na ang meeting so I tried to call manang Perla but she didn't answer me. I called her many times pero kahit isa walang sumagot. I'm worried, baka hindi siya makapunta. Ayoko naman na walang pumunta para sa akin.

"Hey, you good?" Andrea asked me "Ah y-yes yes. Sorry" I uttered and she nodded. "I know you're thinking something, don't be shy. I'm here" she said and I immediately smiled, I'm lucky because I have her.

"Worried lang ako, baka kasi hindi makarating ang yaya ko kasi she's not answering my calls." Sabi ko sa kanya and her eyes went wide "huh? Why your yaya? What about your mom, dad?" She said, I smiled bitterly. "oh sorry" sabi niya "no don't say sorry" i smiled "They're busy e. Marami daw meeting si daddy today, hindi ko naman alam ang ginagawa ni mommy dahil sabi siya lang busy siya" pag eexplain ko sa kanya ang kita ko naman ang pag aalala sa mukha niya so I chuckled "Don't worry, I'm fine" I assured her, she nodded.

After 30 minutes, tapos na kaming kumain and nag bihis nalang kami sa comfort room ng school dahil wala na din naman klase dahil nga may meeting.

Paglabas ko ng cr, agad akong nagpasama kay Andrea malapit sa gate ng campus para hintayin ang parents niya pati na din si manang Perla pero hindi na ako umaasa na dadating siya, baka kasi nagka emergency or something dahil hindi naman yon ganon. Kapag sinabi niya, gagawin niya hindi naman siya tulad ng IBA na puro pangako lang.

Ilang minuto pa kaming nag hintay at dumating na ang mommy ni Andrea. We welcomed her and nag mano naman ako. She smiled at me. Pinauna ko na sila sa room dahil hanggang ngayon ay hindi pa dumadating si manang, baka hindi na yon dadating.

Tumulo na ang luha ko at napagdesisyonan kong bumalik na sa room, ng walang kasama. Habang naglalakad ako pabalik sa room at biglang may tumawag sa pangalan ko. "I thought she's busy?" Saad ko sa sarili ko dahil kilala ko ang boses.

Tinignan ko siya at tama nga ako, it's mommy. I immediately went to her and hug her, hindi ko sinasadya. I got shock when she rubbed my back, alam niya atang umiiyak ako.

"Stop crying" she said, no emotion as usual. I nodded and wiped away my tears. "Bakit po ikaw ang nandito, where's yaya?" Tanong ko sa kanya. She didn't bother to answer my question "Huwag ka na mag tanong. Where's your room ba?" Tanong niya at agad ko naman tinuro ang building namin.

Sabay kaming pumunta sa room at pumasok, nagulat naman ang ilan sa mga parents ng mga classmates ko ng makita nila si mommy, lalong lalo na si Shane kaya medjo natawa ako.

"We're complete na" saad ng prof namin kaya inumpisahan nila ang meeting. Hindi ko alam kung bakit may PTA pa kahit college na kami, kailangan pa ba yon? They voted mommy to be the president and she didn't say no kaya siya ang nanalo. Nagulat pa ako ng kaunti dahil sobrang busy na niya and she's willing to take another responsibility? Wow, just wow.

Binabalak din ng mga classmates ko na ako ang patakbuhin bilang Presidente ng buong school namin. Hindi ko pa alam, pag iisipan ko muna kung kakayanin ko ang lahat ng responsibilidad na kailangan kong akuin if ever ako ang maging president. I'm sure, Shane will be running for that position.

Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na ang meeting. Tatawag na sana ako ng taxi but mommy called me "White! Where are you going? Sabay ka na sakin, uuwi na din ako" she said, I smiled and I went to her. Napaka rupok, Victoriana ha.

I distanced myself from her kasi naman halata naman na ayaw niya din akong lumapit so bakit ko ipipilit diba. I startled when she held my hand, I looked at her and her eyes are crying. Why?

She wiped her tears and she handed me a paper bag. Tinignan ko ang laman at nakita ko yung bag na gustong gusto kong bilhin pero pinagiipunan ko pa. I hugged her "Thank you, mommy!" Saad ko, she tapped me kaya lumayo na ulit ako.

"Sorry, nadala lang po ako sa emosyon ko" sabi ko sakanya at tinignan ko ulit ang bag na binigay niya. Gosh, this is my first time na makatanggap galing sakanya. Hahaha

Irene POV

When I handed her the bag that I bought earlier, she hugged me tight. Na shock ako hindi dahil sa yakap niya pero dahil sa ngiti na nabuo sa labi ko. I love it, her hugs. I feel like I'm at my safest place when she's hugging me. I was about to hugged her back when I'm back to my senses. Instead, I tapped her back kaya lumayo siya ulit sakin.

Ako pala ang pumunta sa meeting dahil may emergency daw sa bahay nila manang Perla.

Flashback (earlier)

I answered the call.

"Hello ma'am Irene, nasa opisina ka po?" Tanong ni manang Perla sakin at parang umiiyak siya. "Wala po manang, bakit po?" Sagot ko sakanya at ibinalik ang tanong "Ma'am pwede po bang ikaw na lang ang pumunta sa meeting sa school ni White, may emergency po kasi dito sa bahay kaya umuwi po muna ako" sabi niya at parang umiiyak nanaman.

"Ganon ba manang? Sige po, ako na ang pupunta. Anong oras po ba?" Sabi ko sa kanya "Pagkatapos daw po ng lunch break ma'am. Please po puntahan mo siya ha, kawawa naman kasi" sabi niya sakin "oo manang, pupuntahan ko. Salamat" sabi ko at pinatay ko na ang tawag.

Bumalik ako agad sa dining area
"I'm sorry, I have to go" paalam ko sa kanilang dalawa "Where are you going tita, why so sudden?" Tanong ni Stephany kaya I sighed "Sa school ni White, there's an emergency meeting daw e. After lunch ang meeting, mag dadrive pa ako. Kailangan ako ng anak ko" sagot ko kaya tumango tango siya. "Okay tita, ingat ka po. Say Hi to White for me." She said and I bid my goodbye to them.

Agad akong sumakay sa kotse dahil baka ma late ako, medjo malayo pa naman ang school nila White mula dito.

After 1 hour, nakarating na ako sa school. Pagbaba ko ng kotse nakita ko si White sa may malapit sa gate, nagpunas siya ng luha, umiyak yata. Paalis na siya kaya tumakbo ako papalapit at tinawag ko na siya.

"White" sabi ko at hindi siya agad tumingin sa akin, pero nung tumingin na siya, agad siyang tumakbo at niyakap ako. Para talagang safe na safe ako kapag nararamdaman ko ang yakap niya. Iba ito kaysa sa yakap ni Steph e, mas komportable ako.

Naiwan ko pala yung bag sa loob ng kotse ko, mamaya ko nalang ibibigay pauwi.
Sabay na kaming pumasok sa room nila, hindi nagtagal ay nagsimula na ang meeting. Ako lang ata hinihintay hahaha.

End of Flashback

Nakarating kami sa bahay ng ligtas, agad akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama at pinagmasdan ko lang ang ceiling. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang inaalala yung nangyari kanina. I want to feel her hugs more

To be continued...

White Where stories live. Discover now