4

798 28 3
                                    

Kharryl still can't believe that she's finally hired. Currently, she's staying in her employers house. She moved out from her small apartment to this gigantic mansion.

She occupied one large room which is the room beside the master bedroom where both of her employer stays.

"Ako na lang po ang mag-aayos ng mga gamit ko, ma'am" sabi ni Kharryl nang umastang aayusin ni Nejilda ang kaniyang mga gamit para ilagay sa mga dapat na lalagyan.

Ngumiti ang matanda sa kaniya, "alam mo, hija. Ibang-iba ka sa mga babaeng pumunta rito kaya hindi na ako nagtaka nang malaman na ikaw ang napili ni Kouvoh at Laeioun. Ang ganda mo ay napakasimple, hindi katulad ng mga nauna sa iyong halos magmukha nang payaso sa sobrang kapal ng kolorete sa mukha. Sakto lang rin ang iyong pananamit, maging ang iyong pagkilos ay babaeng-babae. Magalang ka at may taglay na kasipagan" mahabang papuri ng ginang.

Nahihiyang yumuko si Kharryl, ramdam niya ang pag-init ng magkabilang pisngi niya.

"Maraming salamat po, ma'am" tugon niya.

"Nejilda," pagtatama ng matanda.

"ma'am Nejilda" pag-ulit niya na ikinatawa ng matanda.

"Nejilda na lamang ang itawag mo sa akin," usal ni Nejilda.

tumango si Kharryl, "masusunod po, Nejilda" ngumiti siya sa matanda.

"Osige, hahayaan na kitang ayusin ang mga gamit mo. Magpahinga ka pagkatapos, kung may kailangan ka. Huwag kang mag aalinlangan na tawagin ako" wika nito bago nagpaalam na lalabas mula sa kaniyang silid.

Napuno ng katahimikan ang malawak na silid. Halos kompleto na rin ang mga kagamitan sa loob.

Sinimulan na niyang ayusin ang mga gamit. Gusto niya sanang maglinis pero isang tingin pa lang sa bawat sulok ng silid ay wala siyang makitang alikabok.

Lumabas siya ng silid dala ang mapa na nakita niya sa loob ng silid. Paniguradong maliligaw siya dahil sa dami ng dadaanan. Ilang beses siyang lumiko bago niya mahanap ang hagdan pababa at tumungo sa kusina.

Binati niya ang mga katulong na halos hindi na alam kung ano ang uunahin dahil sa dami ng ginagawa. Maging si Nejilda ay hindi siya napansin.

"Auh, ano ang pwede kong maitulong?" magalang na tanong ni Kharryl kay Nejilda na naglalagay ng juice sa mga baso.

"Hindi ba't ang sabi ko'y magpahinga ka?" mahinang tanong ng ginang habang ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Ayos lang naman po ako, hindi ako sanay na wala akong ginagawa kaya hanggat meron akong maitutulong, ako na po ang gagawa para makabawas-bawas sa gawain niyo" presinta niya pa rin.

"Sigurado ka ba sa gusto mo?" tanong ng matanda at sinulyapan siya. Mabilis naman siyang tumango.

"Kunin mo ang tray na iyon," tinuro ng matanda ang tray na nakapatong sa ibabaw ng sink.

Mabilis niya namang kinuha iyon, "ano po ang sunod kong gagawin?"

Inilagay ni Nejilda ang limang juice sa ibabaw ng tray, "tanda mo pa ba ang daan papunta sa opisina ni Kouvoh kanina?" tanong ng matanda.

Surrogate Mother (ON HIATUS) Where stories live. Discover now