32

338 19 15
                                    


A|N: Hello everyone, I’m open for criticism.
If you see any grammatical, punctuation, or typographical problems, please feel free to correct me. Your opinions are greatly valued.

This chapter is dedicated to Ms. AshQian for helping me to accomplish this part. Thank you!

Enjoy reading, everyone!

•••

Kumalabog sa kaba ang dibdib ni Kharryl, unti-unting ibinalik ang paningin sa mga kamay ni Laeioun. Suot nito ang isang sing sing sa isang daliri habang ang isang kamay naman nito ay pinaglaruan ang isa pang sing sing. 

Tahimik niyang pinapakalma ang sariling sistema, pinapaniwala ang sarili na hindi sinasadyang iwan iyon ni Kouvoh bago sila lumabas.

Mas dumagdag sa kabang nararamdaman niya ang pananahimik ng katabi. Wala man lang ba itong sasabihin para depensahan ang sarili?

“...or you just forgot to wear this?” Laeioun added. A hoping smile curved on his lips.

Pigil ni Kharryl ang sariling hininga habang hinihintay ang sagot ni Kouvoh.

“I’m sorry...” usal ni Kouvoh na nagpaguho ng mundo niya. Hindi pa nito sinasabi kung para saan ang paghingi nito ng kapatawaran pero bakit parang alam na niya ang sasabihin nito?

“It’s fine, just don’t forget to wear this next time. You know this ring is important for both of us—”

“Commander...”  pigil ni Kouvoh sa mga sasabihin pa ni Laeioun.

She felt a pinch in her chest when pain crossed in Laeioun’s eyes for a second but it was covered by his deceiving smile, “Yes?” ramdam ni Kharryl na pilit lamang nitong pinapasigla ang boses.

Tears started to welled up in her eyes, pigil na pigil ni Kharryl ang pagpatak ng kaniyang nga luha maging ang mga hikbing bumabara sa lalamunan niya ay hindi niya hinayaang kumawala.

Ramdam niyang hindi magiging maganda ang takbo ng usapan.

“I took it off, intentionally.” Kouvoh briefly said.

Mariing napapikit si Kharryl, mukhang hindi lang siya ang nagulat. Narinig niya rin ang pagsinghap ni Kourah pagkatapos marinig ang sinabi ng anak.

Muli niyang ibinuka ang talukap ng mga mata.

“What?” naging marahas ang paghinga ni Laeioun na parang hindi ito makapaniwala sa narinig. “Why?” nagawa pa rin nitong itanong iyon gamit ang kalmado nitong boses.

Gusto niya mang harapin si Kouvoh pero hindi na niya ginawa dahil ramdam na niya ang paglipat ng paningin nito sa kaniya. Nakikita niya rin ang galaw ng anino nito sa marmol na sahig, tumingin ito sa kaniya.

“I... don’t want to wear it anymore.”

Gulat na binalingan ni Kharryl si Kouvoh dahil sa sinabi nito.

Diretso ang paningin ng kaharap sa kaniya, hindi niya matukoy kung ano talaga ang nararamdamang nangingibabaw kay Kouvoh dahil masyadong magulo ang mga emosyon nakikita niya sa mga mata nito.

Surrogate Mother (ON HIATUS) Where stories live. Discover now