Chapter 1

51 5 0
                                    

Lunch break at sa cafeteria kami sabay na kumain ni Angel. Minsan ay sa mga benches kami sa field kumakain ngunit dahil sa nangyari kahapon ay ayaw ko munang makisalamuha sa maraming tao.

"Feeling ko naman alam ni Sean. Sigurado akong narinig niya. Pero bakit umaakto siya na parang hindi niya alam?"

Sinaway ko si Angel dahil baka may makarinig sa kaniya.

"Hayaan mo na, Angel. Kung ganoong hinahayaan niya ibig sabihin ayaw niyang pag usapan iyon. Ganoon siguro."

Hindi naman ako nag e-expect ng sagot mula kay Sean. Crush lang naman iyon. Paghanga. Hindi kailangan ng response. Hindi rin kailangan na hangaan niya ako pabalik, that's weird.

"Kuya mo oh!" May tinuro si Angel sa likod ko kaya napalingon ako.

Kuya's with his friends, at siyempre si Arkiel. Hindi nakatingin si Kuya sa direksyon namin at tanging si Arkiel lamang ang titig na titig. What's his problem again? Bakit parang siya pa ang galit?

Bumalik ako sa kinakain. Binilisan ko ang ginagawa dahil gusto ko nang umalis doon. Hindi ko kayang tagalan na nakakasalamuha ko si Arkiel sa kung saan saan.

"Nag sorry na ba?"

"I'm not expecting him to say sorry." Mabilis kong sinabi.

"Bakit hindi? Dapat nag sorry siya."

Hindi na ako nagsalita pa. Arkiel never say sorry to me. Simula pa noon inaaway na niya ako pero ni minsan wala akong natanggap na sorry mula sa kaniya. Hindi ko rin naman kailangan.

"Let's go, Angel." Inaya ko na siya nang pareho na kaming tapos kumain. Palabas na kami sa cafeteria nang may tumawag sa pangalan ko.

"Elissa!"

Lumingon agad ako nang mabosesang si Kuya Markus iyon. Huminto kami ni Angel. Naglalakad siya palapit sa amin kaya inantay ko siyang makalapit.

"Hi Kuya." Bati ni Angel.

Tumango si Kuya Markus bago bumaling sa akin.

"I heard what happened. Pwede ba tayong mag usap muna kung wala kang ginagawa?"

"Okay lang Elissa, mauna ako sa classroom." Inunahan na agad ako ni Angel. Tumango ako sa kaniya at sinabing susunod na lang ako.

"I don't wanna sit on your table, Kuya." Tumango siya.

Dahil roon ay lumipat kami sa ibang mesa. Inantay ko si Kuya na kunin ang pagkain niya roon, tinapik niya pa sa balikat si Arkiel. Nang maglakad si Kuya patungo sa mesa na napili ko ay sinundan siya ng tingin ni Arkiel hanggang sa malipat ito sa akin. Umiwas na ako ng tingin, galit pa rin ako sa kaniya.

"Kuya..." Ako na ang nagsimula.

"I'm sorry for what Arkiel did, Eli. Hindi naman intensiyon ni Arkiel na ipahiya ka sa maraming tao."

I sighed. Knowing that Arkiel already told him his side. Wala ng masyadong tao sa cafeteria at hindi naman kami maririnig ng iba ni Kuya dahil nasa sulok kami.

"Hindi man niya intensiyon Kuya, napahiya na ako. Alam kong alam na ng buong school. Pinag uusapan na siguro kung gaano kalakas ang loob ko at gumawa pa talaga ako ng letter." Malungkot akong ngumiti. Hindi ginagalaw ni Kuya Markus ang pagkain niya.

"Yes, I know. Mali nga na basahin pa iyon ni Arkiel. Sasabihan ko siya Eli." Umiling ako.

"'Wag na Kuya. It's his fault. It's better if he realize his mistakes by himself."

After HerWhere stories live. Discover now