Chapter 2

30 4 0
                                    




Hindi ko alam kung paano nasasabi ni Arkiel na pangit si Sean. Manghang manga ako noong umagang iyon habang pinagmamasdan si Sean na pumasok sa Classroom suot ang uniporme. Hindi ko maiwasang i describe ang itsura niya, walang gusot ang suot niyang uniporme, ang buhok maayos, hindi umaabot sa tainga, clean cut. Bukod sa guwapo ito tuwing naka complete uniform ay guma guwapo rin siya kapag naglalaro ng soccer sa field. Plus, matalino!


"Bakit daw hindi, Elissa?" bumalik ang tingin ko kay Angel


Malungkot agad siya nang ibalita ko sa kaniya kanina na hindi ako pinayagan nila Mommy at Daddy kagabi nang ipaalam ko na gusto akong isama nina Angel sa Palawan. Hindi naman na ako nagpumilit pa. At isa pa, family vacation iyon, medyo nahihiya rin akong sumama.


"Ayaw nila lalo na't wala pa naman ako sa tamang edad para mag bakasyon mag isa kasama ang iba. At isa pa baka may plano sila sa Summer. Pasensya na Angel, enjoy na lang kayo roon."


Tumango tango si Angel, naiintindihan ang sinabi ko.


"Sayang naman, pero okay lang!" ngumiti ako at tumango.


"Good morning, Elissa, Angel."


"Good morning din, Sean." Si Angel. Ngumiti lang ako at tumango. Hindi ko pa rin kayang kausapin siya dahil sa kahihiyan.


"You've changed, Elissa!" natatawang puna nito. Kinabahan ako lalo. Hindi pa ito umaalis at nakangiting nakatingin sa'kin, hindi nakatakas ang kaniyang dimple.


"Uh, h-hindi...ano. G-good morning, Sean."


Kinurot ko ang sarili. Bakit ako nauutal? Madalas ko naman siyang batiin ng Good Morning!


"It's okay." Aniya, siguro napansin na kinakabahan ako. Ngumiti itong muli bago umalis at umupo sa upuan niya.


"Seriously? Bakit kailangan niya pang punain iyon? Dapat ay alam niya nang magbabago ka talaga dahil sa nangyari." Bulong ni Angel, naiinis.


Umiling ako at sinabing hayaan na lamang niya. Ganoon lang talaga si Sean, masyadong mabait at palangiti.


Hindi kami nagkita ni Arkiel buong araw na iyon sa school. Mabuti na rin iyon dahil ayaw ko siyang makita. Baka mamaya ay awayin lang ako. Hindi na rin siya kasama ni Kuya noong umuwi kami n'ong hapon kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Pagkauwi ay dumiretso agad ako sa aking kuwarto dahil wala sila Mommy at Daddy. Hindi bago iyon, madalas ay hindi ko sila naabutan sa umaga dahil maagang pumapasok sa kompanya, ganoon din sa hapon. Madalas ay gabi na sila umuuwi. I'm happy though, that they're working together. At least they have time for themselves.


"Hija, pinapatawag ka na ni Markus at kakain na raw kayo. Nagbilin kasi ang Daddy mo sa akin na kapag hindi pa sila nakauwi ng alas siyete ay mauuna na kayong kumain." Tumango ako kay Manang Fe nang pagbuksan ko siya ng pinto.


"Sige po, sumabay na rin kayo sa amin Manang." Tumango siya.


Sabay kaming bumaba at tinungo ang kusina. Naroon na si Kuya Markus, busy sa kaniyang cellphone. Nang mapansin kami ni Manang ay tumigil siya roon saka niya itinabi iyon.


"Kamusta Elissa, tapos na ba ang exam niyo?" Tanong ni Kuya Markus nang magsimula kaming kumain.


"May exam pa ako sa dalawang subject bukas, Kuya." Tumango siya.


"Maayos ba ang ma scores mo? Baka hindi ka nakapag study ng maayos, dahil sa... crush mo."


"Kuya, no! Nag aral ako ng maayos. Pero wala pang scores ang exam namin." Depensa ko.


"May crush ka, hija?" medyo nakalimutan kong nandoon pala si Manang at kasabay naming kumain. Dahan dahan akong tumango.


"Crush lang manang, si Sean Fernandez. Nakwento ko na po siya sa inyo nakaraan." Tumango si Manang.


"Sigurado naman akong hindi pababayaan ni Elissa ang pag aaral niya, Markus." Si Manang. Bahagyang tumawa si Kuya.


"Opo, Manang. Pero huwag mo muna sasabihin kina Dad. Baka pagalitan 'yang si Elissa."


Kumunot ang noo ko. Bakit naman magagalit sila Mommy kung may hinahangaan ako?


"Sige, hijo. Pero sa tingin ko hindi naman magagalit ang Daddy at Mommy niyo. Pero sige, secret na lang nating tatlo...na may crush si Elissa." Tumawa silang dalawa, inaasar ako.


Natapos ang hapunan at hindi ko na naabutan sina Mommy na umuwi kagabi dahil natulog na agad ako. Mabilis kong natapos ang unang exam noong umagang iyon, isang oras na break time at susunod na ang huling exam. Wala ng exam mamayang hapon, at free hours na namin iyon.


"May sinama na naman si Sir Villa na hindi niya tinuro. Bakit pa ba tayo nakikinig sa kaniya kung pag dating sa exam, ay ibang topic ang mga tanong at hindi iyong itinuro niya!" reklamo ni Angel.


Nasa cafeteria kami para bumili ng meryenda. Napansin ko rin nga ang mga topic na wala naman na i discuss ni Sir pero nasa exam. Mabuti na lang din at nagbasa ako ng libro kagabi. Malaking tulong dahil halos lahat ay hindi itinuro ni Sir.


"Can I sit here?" nag angat ako ng tingin at nakitang si Sean iyon.


Hindi nakatakas sa akin ang paglinga ni Angel sa paligid, alam kong tinitignan niya kung wala na bang bakanteng mesa at bakit dito si Sean uupo.


"Sure, Sean." Sinabi ko. Umupo ito sa tabi ko. Kitang kita ko ang pag singhap ni Angel. Hindi nagustuhan ang ginagawa ni Sean.


Matagal na kaming magkaibigan at kuha ko na ang mga ekspresyon niya.


"Seriously, Sean? Manhid ka ba or ano?" ngayon ako naman ang napasinghap sa sinabing iyon ni Angel. She would'nt confront Sean, right?


"Bakit, Angel? May problema ba? Kung bawal umupo dito aalis ako."


Nawala ang ngiti ni Sean at napalitan iyon ng inis.


"Angel..." marahan ko siyang tinawag. Saglit lang ako nito tiningnan saka bumaling muli kay Sean. Sumipsip siya sa iced tea na binili bago nagsalita.


"You're acting like there's nothing happened. 'Wag mo nga akong pinagloloko, Sean. Alam ko namang alam mo iyong tungkol sa letter ni Elissa e. Hindi mo man lang ba siya kakausapin tungkol doon at magpapanggap ka na lang na walang alam? Seriously? Tapos ngayon may gana ka pang tumabi sa kaniya?"


Sinuklay ni Angel ang buhok paitaas. She's so frustated, for me...Ayos lang naman sa'kin kung hindi papansinin ni Sean iyon. But I know Angel cares for me, alam niyang matagal ko ng crush si Sean at baka nasasaktan siya para sa'kin.


"Hindi naman ako naniniwala roon." Matigas na sabi ni Sean.


Naiinis na tumawa si Angel. "'Then you can ask, Elissa! Hindi iyong nagpapanggap kang parang wala lang. Tatabi tabi ka pa sa kaniya."


"Angel, ayos lang. Sean, pasensya na." sumingit na ako sa kanilang dalawa dahil baka mag away pa sila.


Mabilis na umiling si Angel.


"No, Elissa. Siya dapat ang humingi ng pasensya." Umiling ako kay Angel.


Wala namang responsibilidad si Sean sa akin.


"Right, Elissa. I'm sorry. Hindi kasi ako naniniwala sa chismis. Imposibleng c-crush mo ako. At hindi naman ikaw ang nagsabi kaya mas lalong hindi ako naniniwala. But Angel is right, I should not act like there's nothing happened. Dapat ay hindi ako umaaktong normal lang ang lahat."


"Glad you know." Maagap na sagot ni Angel sa sinabi ni Sean. Sinaway ko siya agad.


"Sorry din Sean at nadadamay ang pangalan mo sa mga ganoon, pero ayaw ko namang itanggi dahil totoo iyon. Hinahangaan nga talaga kita. But there's nothing more than that. You don't need to feel that you are responsible for my feelings, Sean. Pag hanga lang naman iyon. Pasensya na rin sa inasta ni Angel. Okay lang naman maupo ka rito, at...paalis na rin kami."


Tumayo na ako at gan'on din ang ginawa ni Angel.


"I hope you won't feel awkward, Sean. Aalis na kami. Pasensya na ulit."


Hindi na namin inantay na sumagot o magsalita pa si Sean. Dahil na rin sa kahihiyan na sa huli ko lang naramdaman ay hinila ko na si Angel palabas roon.


"I get that what makes Sean your crush is because he's good at school, running for valedictioan, sporty, medyo may itsura. Okay sige sabi mo mabait. But your feeling is making him arrogant, Elissa. Dapat ay hindi ka na nagtapat sa kaniya."


Tahimik ko lang na pinapakinggan si Angel. Kalahating oras pa bago magsimula ang susunod na exam namin. Hindi ako nabusog sa cafeteria pero busog na busog naman ako sa sermon ni Angel. Natawa ako.


"Natatawa ka pa ah! Sinasabi ko sa iyo Elissa. Ipagyayabang 'yan ni Sean sa buong school, na ang isang Elissa Castillon ay nakumpirma niyang may crush sa kaniya!"


"Hindi naman siguro, Angel. Mabait naman si Sean."


Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi kong iyon dahil kinabukasan usap usapan na sa school na nililigawan ni Sean si Mira. It doesn't bother me that Sean is now courting Mira, right after I told him in person that I admire me. I mean, that's okay. It's his decision. What bothers me is the way other students, pity me. Hindi ko rin alam paano nila nalaman na nagtapat nga ako kay Sean kahapon.


Sinasabi nilang ni reject ako ni Sean, which I know is not true. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay kailangan kong i explain ang nagyari sa bawat estudyante sa school.


"I can't believe that guy! I told you, Elissa! Hindi naman siya mabait, nag babait baitan lang!" kung may sobrang inis man ngayon, hindi iyon ako kun'di si Angel.


"Anong gusto niyang palabasin? That right after your confession i a-announce niyang nililigawan niya si Mira?"


"Baka matagal na niyang nililigawan si Mira, Angel..."


"Kahit na! Kung matagal na niyang nililigawan si Mira bakit hindi niya noon pa lang pinagkalat? Ngayon pa? Pagkatapos ng confession mo sa kaniya kahapon."


"Baka ngayon lang siya nagkaroon ng confidence. At hindi naman siguro siya ang nagpakalat."


Angel laughed sarcastically. Nasa field kami ngayon, sa mga benches sa ilalim ng malalaking puno. May mga pagkain kami sa lamesa pero wala pa namin iyon nagagalaw. Kakatapos lang ng exams kahapon at wala ng klase ngayon. Pero may pasok pa rin.


"Anong hindi siya? Tayong tatlo lang ang nakakaalam Elissa. At siya nga ang nagsabi n'on!"


Posible nga iyon. Kung totoo man na ipinagkalat ng ni Sean, then I'm disappointed. That's not the Sean I admire.


"You're really kind, Elissa. Pero please! Ikaw na ang usap usapan sa school, you're a Castillon! Everyone knows how clean your image is. Tapos sisirain ng pangit na Fernandez na iyon?"


Angel is really frustated. I feel bad for her because I know she's frustated for me. Whatever reason Sean has, wala akong magagawa. I can't say anything and I can request nothing from him. Wala akong karapatan, dahil una pa lang, hindi niya responsibilidad ang paghanga ko sa kaniya.


"I'm sorry, Angel. I'll be careful next time. I think it's my fault. Dapat ay hindi ko na sinabing hinahangaan ko siya. Dapat sinekreto ko na lang."


"It's his fault for disrespecting you, Elissa. Don't be too kind!"


Tumango ako at pinakalma si Angel. Hindi ko kayang patigilin siya at sabihing 'wag na siya magalit dahil may punto naman siya. Pero ang akin lang, sa tingin ko hindi lang naman si Sean ang may mali. Ako rin. Hindi ko rin pwedeng sisishin si Arkiel kahit pa siya ang dahilan kung bakit kumalat sa school na crush ko si Sean, kung hindi niya iyon nabasa baka naibigay ko pa nga iyon kay Sean. At paano kung nililigawan niya na si Mira noong mga panahong iyon? Nakakahiya at baka magalit pa sa'kin si Mira.


Ano na lang ang iisipin ni Mira sa akin? Siguradong alam niya na rin ang tungkol sa pagtatapat ko kay Sean kahapon.


"Elissa!" lumingon ako sa sumigaw ng pangalan ko.


Si Amina iyon, isa sa nga kaklase namin. Hingal habang tumatakbo sa amin. Tumayo agad ako at sinalubong siya.


"Bakit, Amina? May kailangan ka ba sa'kin?"


Dahil sa pagtakbo ay hindi siya agad nakapagsalita. Huminga muna siya ng dahan dahan upang pakalmahin ang sarili bago nagsalita. At hindi ko nagustuhan ang sumunod niyang sinabi.


"Si Arkiel! Bubugbugin ata si Sean!"

After HerWhere stories live. Discover now