Chapter 10

27 4 0
                                    




Tulad ng nakasanayan kong pag gising sa umaga, ay alas siete pa lamang ay handa na ako para sa breakfast. Papasok na ako ng kusina nang makita ko roon si Mommy. Dahil sa gulat ay patakbo akong lumapit sa kaniya at yumakap.


"Mommy, I miss you!" Humalik ako sa pisngi niya. Natawa siya nang bahagya.


"I miss you too, anak. We've been busy these past few days. By the way, good morning."


"Good morning, Mom."


Ngumiti siya, "Tawagin mo na ang Kuya Markus at ang Daddy mo at mag b-breakfast tayo."


Tumango ako saka tumungo sa Living room. Nanunuod ng basketball sina Daddy at Kuya Markus.


"Good morning!" Bati ko. Napalingon sila sa akin, binati ako ni Kuya pero hindi ko na siya napansin dahil na miss ko rin si Daddy. Lumapit ako roon at niyakap siya.


"I miss you, Dad."


"I miss you too, Elissa. Sorry very busy."


"Okay lang po, kain na raw tayo. Kuya tara na."


"Alright, let's go." Kumapit ako sa braso ni Daddy at sabay kaming tatlo na pumasok sa dining room, naroon na si Mommy nag c-cellphone. Nang makita niya kami ay itinabi niya ang hawak na cellphone at ngumiti.


"Kain na, I missed eating breakfast with my babies." Ngumiti ako.


"Mommy na miss ko ang luto mo." Si Kuya Markus


"Pero hindi na ako baby." Dugtong niya, natawa kaming lahat.


"By the way, Markus. Sasamahan kita mamaya at kukuha tayo ng lisensiya. Para naman magamit mo na agad ang sasakyan mo. Habang hindi pa ako busy." Si Daddy


Nakikinig lang ako sa usapan nila ganoon rin si Mommy.


"Sige, Dad. Thanks po."


"Ikaw love, may lakad ka 'diba? Idadaan ka na namin ni Markus."


Dahil roon ay napatango si Mommy at inubos muna ang kinakain bago nag salita.


"Yes, pakidaan ako sa Martin's. Iyon ang napag usapan naming ni Miss Aurello."


Napatango tango ako habang nakikinig, coffee shop ang tinutukoy ni Mommy at medyo malayo iyon, hindi ko rin naman alam kung saan kukuha mg lisensiya sila Daddy.


"How about you, Elissa? You know you can go out, kung na b-boring ka rito. You can go to your friend's house, basta magpa hatid at sundo ka kay Ramon." Si Daddy.


Umiling ako, "Wala naman po akong lakad, Daddy."


"Ay meron po pala." Mabilis kong dagdag bago pa siya mag salita. Naalala ko kasi ang jacket ni Arkiel, ayaw ko rin namang papuntahin siya rito sa bahay na wala si Kuya Markus kaya ako na lang ang pupunta.


"Saan naman?" Si Kuya Markus, lahat sila ay nag aantay ng sagot ko.


"Pupunta po ako kina Arkiel. Kuya, may ibabalik lang ako. Saglit lang po ako roon."


"Akala ko sa crush mo, hmm Elissa. Siguraduhin mong kina Arkiel ka lang ha."


"May crush ka anak?"


"Sinong crush?"


Nanlaki ang mata ko kay Kuya. Hindi niya sinasadyang masabi iyon. Akala ko ba ay secret lang namin?


"Oww, sorry." Bulong bulong ni Kuya, I sighed. Hindi naman ako galit o ano pa dahil una sa lahat wala na akong crush.


"Mommy, Daddy noon pa po iyon. Wala na po ngayon." Paliwanag ko.


"Yes Mom, Dad. Hindi na crush iyon ni Elissa. Binabantayan ko naman 'to palagi. Wala na siyang crush." Nagtatakang napatango sila Mommy at Daddy.


Paano kasi kakasabi niya lang na baka pupunta ako sa crush ko tapos sasabihin niyang wala na akong crush. Napailing ako dahil kahit ako ay naguluhan na rin kay Kuya.


"No boyfriends, Elissa. You're still young." Si Daddy iyon.


"Opo, promise po."


"Okay, you can go to Arkiel's house. Magpahatid sundo ka kay Ramon." Tumango ulit ako.


"Susunod din po ako doon, Dad pagtapos natin, antayin mo na lang ako Elissa. Maglalaro kami ni Arkiel."


Tumango ako kay Kuya.


"Umuwi kayo before 8 pm, sabay tayong mag d-dinner." Ngumiti ako at pumayag sa gusto ni Mommy.


Pagkatapos naming mag break fast ay naligo na ako. Mamaya pa ako pupunta kina Arkiel dahil maaga pa naman. Naunang umalis sila Mommy kaya naiwan akong mag isa sa bahay. Hinanap ko ang isang katulong namin na pinakiusapan kong labhan ang jacket ni Arkiel. Nang makita siya ay kinuha ko na iyon sa kaniya at nagpasalamat.


Mabango naman ang pagkakalaba ni Ate Shira pero kumuha pa rin ako ng pabango at pinabanguhan iyon. Ilang spray lang at maayos konnang itinupi iyon at naghanap ng paper bag. Maingat ko iyong nilagay roon saka itinabi.


Dahil Friday ngayon at day off ni Manang Fe ay walang magluluto ng ulam para sa akin. Ayos lang ba na doon na ako kina Arkiel mananghalian? Hindi ko naman sasabihin na kung pwedeng makikain.


Pupunta ako roon bago magtanghalian, sigurado naman akong aayain niya akong kumain dahil nga naroon na ako bago mag lunch. Natawa ako sa naisip. Pero tama lang iyon para hindi ako pag dudahan ni Arkiel na nakikikain lang ako roon at iyon lang ang ipinunta ko.


Nahagip ng aking mga mata ang cellphone sa bed side table ko kaya naman ay kinuha ko iyon at t-in-ext si Arkiel. Dahil hindi naman ako madalas mag cellphone ay hindi ko nakita na may message pala siya kaninang umaga.


Arkiel:


Good morning.


Medyo nakakahiya dahil hindi ko na reply-an. Napatingin ako sa orasan at alas nueve pa lang naman kaya morning pa rin naman ngayon.


[Good morning, Arkiel. Pupunta ako riyan ngayon, I hope you won't mind.]


Tulad ng dati ay mabilis talaga siyang mag reply.


Arkiel:


Bakit ka pupunta?


[Ibabalik ko ang jacket mo.]


At makikikain na rin ako, dahil hindi ako marunong magluto. Pero siyempre hindi ko na dinagdag iyon. Nahihiya naman akong mag utos sa ibang katulong dahil hindi nila trabaho ang pagluluto.


Arkiel:


Pwede namang kunin ko na lang. Kasama mo ba si Markus?


[Ako lang, pero susunod mamaya si Kuya. Pupunta na lang ako, Arkiel.]


Arkiel:


Alright. Ingat.


[Okay, thanks.]


Ano kaya ang ulam nila? Na miss ko tuloy ang mga luto ni Manang. Kakakain ko lang ng breakfast pero hindi ko maiwasang isipin kung anong masarap kainin para sa lunch.


Pumasok ako sa walk in closet ko para makapag bihis na. Nagsuot lang ako ng simple. Maong shorts at isang puting printed shirt. Nang maisuot iyon ay kumuha ako ng sinturon at t-in-uck in ang t-shirt ko. Dahil high waist ang short ko ay pumili ako ng sapatos na puti, napili ko iyong sneakers na madalas kong suotin. Tulad ng lagi kong ginagawa ay hinayaan kong nakalugay ang aking buhok.


Mag a-alas diez nang matapos ako at magpahatid kay Manong. Ilang minuto lang ang biyahe ay nasa harap na ako ng bahay nila Arkiel.


"Thank you, Manong."


"Walang anuman, Elissa. Ingat ka." Ngumiti ako at tumango.


Nag good morning ako at nag thank you sa guard na agad akong pinapasok. Dire diretso ang lakad ko nang makita si Arkiel palabas ng bahay nila.


"Nagpahatid ka?" Iyon ang bungad niya sa'kin na tinanguan ko lang.


"Pasok ka." Sumunod naman ako sa kaniya. Pinaupo niya ako sa sofa nila saka ibinigay ang remote ng kanilang TV. Natawa naman ako roon. Hindi naman ako manunuod.


"Salamat dito." Inabot ko ang brown paper bag na dala.


"Ito lang ba ang sadya mo?"


"Ah...oo e. Busy ka ba? Nakakaistorbo ba ako?"


"Hindi."


Tumango tango ako.


"May ginagawa ka ba?" Tanong ko. Sana pala ay hindi ko na inisip ang pagkain at mamayang hapon na lang pumunta rito dahil wala naman akong gagawin dito. Hindi ko naisip iyon.


"Nagluluto ako."


"Marunong kang magluto?" Kumunot ang noo niya


"Oo, Elissa." Sinabi niya iyon na parang ang lahat ay marunong magluto.


"Kung ganoon manunuod na lang ako."


"Ikaw ang bahala."


Pumunta siya sa kusina nila kaya sumunod ako.


"Bakit pala ikaw ang nagluluto, nasaan si Manang Lita?"


"Why would i ask for her help kung kaya ko naman at wala naman akong ginagawa?"


Tumango na lang ako.


"Siguro 'pag 19 na ako marunong na rin akong magluto." Because of that he chuckled. Why is he laughing? May nakakatawa ba?


"I doubt that."


"Kapag 19 na ako, Arkiel. Marunong na ako n'on."


"U-huh."


"Bakit hindi ka naniniwala."


"Naniniwala ako, Elissa."


Hindi na ako nag salita. Mukhang hindi naman siya naniniwala.


"Asan ba si Markus?"


"He's with Dad. Kukuha raw ng lisensiya." He nodded, wala ng umimik sa'ming dalawa matapos iyon. Pinanuod ko siyang magluto. Naka upo ako sa isa sa mga upuan habang siya ay nag hihiwa ng kung ano. Ngayon ko lang napansin na naka suot ng apron si Arkiel.


Habang nagluluto siya ay hindi ko maiwasang pansinin ang itsura niya. He's like a teen age version of Tito Lukas, naka depina ang kaniyang panga at ang tangos ng kaniyang ilong. But I like his eyes, more. It's black, kaya sa tuwing tumititig o nakatingin siya ay hindi ko magawang hindi pansinin kung gaanon bumagay ang kulay itim niyang mga mata na bumagay sa mahabang pilik mata.


"Mas gusto mo ba ang medyo matamis sa adobo o hindi?"


Agad akong umiwas ng tingin. "Matamis, kaunti."


Tumango siya.


"Kapag marunong na ako magluto ay ipagluluto rin kita, para makabawi ako sa'yo."


"When you turn 19?"


"Yes, kapag 19 na ako." Tumawa na naman siya. Napailing na lang ako at nagkibit balikat.


"I'll wait then. I can wait." Tumango ako at ngumiti. Nagtagal ang titig niya sa akin. Nang kumunot ang noo ko ay saka niya ibinalik ang atensyon sa niluluto.


"Yes, just wait at matututunan ko rin iyan." Pagyayabang ko.


"I will wait, Elissa."


"Malapit na ito, kumuha ka ng pinggan natin." Mabilis ko namang sinunod ang utos niya dahil iyon na lang ang maitutulong ko.


Inayos ko iyon sa lamesa. Pati na ang kutsara't tinidor.


"Elissa, come here." Mabilis naman akong lumapit.


"Bakit?" Hindi siya sumagot. Kumuha siya ng bagong kutsarita saka kumuha ng kaunting sabaw ng adobo, sinamahan niya iyon ng maliit na hiwa ng karne. Nang matapos ay itinapat niya ang kutsarita sa bibig ko.


"Tikman mo kung ayos na." Sinubo ko naman agad ang kutsara.


Nang matikman iyon ay agad akong tumango.


"Masarap, Arkiel." Ngumit siya saka nag sandok ng niluto.


"Let's eat."


"Anong oras susunod si Markus dito?" Tanong niya habang kumakain kami.


"Hindi ko alam. Siguro pag tapos niya roon." Tumango siya.


Namangha naman ako sa sarap ng niluto ni Arkiel. Kapag 18 na ako magpapaturo ako magluto para kapag 19 na ako masarap na rin ang luto ko. Para naman hindi nakakahiya sa kaniya.


"Two weeks na lang enrollment niyo na." Nagtaka pa ako kung bakit alam niya iyon. Pareho ba ang araw ng enrollment ng college at junior high?


"Oo, e."


"May kasama ka mag enroll?" Tumango ako nang maalala si Angel. I miss her!


"Oo, si Angel. Kaibigan ko."


"Okay."


"Ikaw ba? Kailan enrollment niyo?" Inantay kong matapos siyang uminom ng tubig para masagot ako.


"Tatlong araw pagkatapos ng enrollment niyo. Sasabay ako sa mga kaklase ko."


Tumango tango ako.


"Sinong kaklase?"


"Kahit sino, Elissa." Nagsalubong ang kilay niya. Bakit ko ba iyon tinanong pa?


Tumango tango na lang ako.


"May gagawin ka ba pagtapos mo kumain? Para hindi ako mang istorbo."


"May gagawin ako pero ayos lang. Pwede kang manuod, may pinapaayos sa'kin si Dad. Makina ng sasakyan." Napatango ako. Kahit hindi pa siya nagsisimula sa kolehiyo ay marami na siyang alam.


"Ayaw ko mang istorbo, pwede naman akong manuod ng TV. Para maka focus ka."


"Ayos lang sa'kin Elissa."


Kumunot ang noo ko. Hindi siya maintindihan. Ipinilig ko ang ulo saka kumain na lang ulit. Napatigil lang nang mag salita na naman siya.


"Ayos lang na istorbohin mo ako."

After HerWhere stories live. Discover now