Chapter 20

31 4 0
                                    





"Yes, Elissa. I missed you so much."


Napalunok ako at mabilis na tumayo para makaalis sa tabi ni Arkiel. How dare he say that? He obviously like Venice!


"Huwag mo nang gagawin u-ulit iyon, Arkiel." Halos hindi ako makahinga. Naupo ako malayo sa kaniya para ikalma ang sarili.


How dare he gave me those gestures. Hindi ko siya Kuya! He's not allowed to do that at all, he's giving me false hopes. Alam ba niyang gusto ko siya? Kaya niya ako pinapaasa ng ganito? Nakakainis. If he likes Venice he shouldn't touch me like that. Hindi niya pwedeng sabihin na sobrang miss niya na ako dahil umaasa lang ako, and I knew I'm hoping for nothing.


"I'm sorry. Hindi ko na uulitin." Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na siya pinansin.


"O an'yare?" Lumingon ako Kuya Markus na kakarating lang.


"Wala, Kuya." Itinikom ko ang bibig.


"You sure? You look not okay. Arkiel, ano?"


"I've said something wrong." Simpleng sagot ni Arkiel.


Yes, for him missing me is wrong. So wrong.


"Ano ba 'yan. Away na naman kayo, we're going together for a vacation."


"Sorry, Kuya."


Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko, katulad ng ginawa ni Arkiel kanina. And I realized, Arkiel is really treating me like his sister, at hindi ko alam kung bakit mas nakakainis iyon kaysa sa dahilang pinapaasa niya ako. I don't want to be his sister.


"What's wrong. Isang sapak ba kay Arkiel ay ayos na?" Tumawa ito. I sighed, I've been so serious. I'm just making this big.


"Sorry, I'm just over reacting."


"Calm yourselves down." Ani Kuya Markus sa amin ni Arkiel. Napasulyap ako kay Arkiel at nakitang nakatitig ito sa akin, umiwas agad ako ng tingin. Don't give me that look, Arkiel! Oh please...


"I'm sorry, you sure you can pack your own things anak?" Tumango ako kay Mommy.


It was in the evening and they were about to leave. Nakakalungkot lang dahil dapat ay kahapon pa ang biyahe nila pero dahil busy sa kompanya ay ngayong gabi lang sila ba-biyahe dahil may meeting sila with their business partners sa Hongkong.


"Kaya ko na po, Mommy."


"Huwag mong hahayaan mag isa ang kapatid mo, Markus." Tumango si Kuya sa paalala ni Daddy.


"Yes, Dad. Ingat kayo."


"Ingat Mom, Dad." Sabi ko saka lumapit kay Daddy para yumakap sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. Ganoon din ang ginawa ko kay Mommy.


"Kayo rin anak. I'll text you kapag pwede na kaming tawagan. Don't call us kasi baka nasa meeting pa kami." Tumango ako sa sinabi ni Mommy.


"Ilang kotse ang gamit ninyo ni Arkiel, Markus?"


"Dalawa po. Gagamitin ko iyong sasakyan mo, Dad. Ayos lang ba?"


"Sure. Just drive safely okay?" Tumanngo si Kuya. Sumama kami sa kanila sa labas para ihatid sila, gabi na kaya hindi na kami pwedeng sumama ni Kuya Markus sa airport, ihahatid din sila roon ni Manong Ramon.


"Ingat po, I love you." Humalik muli sa aking pisngi si Mommy.


"I love you both. I'll text you when we get there." Tumango ako kay Mommy at pinanuod siyang pumasok sa SUV. Lumapit sa akin si Daddy at hinalikan ako sa noo.


"I love you anak, ingat kayo." Tumango ako. Nakipag high five si Daddy kay Kuya Markus bago pumasok sa loob ng SUV. Pinagmasdan namin ni Kuya Markus na makaalis ang sasakyan saka niya ako inaya sa loob.


Alas siyete pa lang iyon ng gabi kaya may panahon pa ako para mag impake ng susuotin at dadalhin bukas. Maaga raw ang alis namin bukas dahil medyo may kalayuan iyong resort na pupuntahan namin. Halos anim na oras daw ang biyahe bukas kaya kailangan ko ring matulog ng maaga.


Nag dala lang ako ng iilang damit na kakailanganin, lalo na iyong pang ligo. Maybe I'll just enjoy this vacation without thinking Arkiel kahit na kasama pa namin siya. Kailangan ko lang maging abala sa ibang bagay para makalimutan si Arkiel. Besides, we're not in good terms. Umuwi lang kami kanina na hindi kami nag papansinan.


I like him but I hate him now. He's always giving me false hopes, para saan ang "I miss you" niya? Para saan ang mga titig niya? Para saan ang pagbabawal niya sa'kin na maging malapit sa ibang lalaki? Para saan ang pang aaway niya kay Sean? Ipinilig ko ang sarili at natawa ng mapakla. Sinara ko ang maleta matapos mag impake.


Para saan Elissa? It's because he treats you as a sister!


Lahat iyon utos ni Kuya Markus. Ang bantayan ako, ang pag bawalan ako. It's all about his responsiblities na dapat ay hindi, and because of that? What happened to me? I fell hard. That's just insane. I'm crazy for falling to Arkiel, I knew it's wrong but I let myself fall more. How stupid of me.


Itinabi ko ang maleta sa gilid saka humiga sa aking kama. Wala akong mapapala kung lagi ko na lang iniisip ang pagkakagusto ko kay Arkiel. Paano ko siya makakalimutan kung lagi ko naman siyang iniisip?


"Wala ka ng nakalimutan?" Umiling ako sa tanong ni Kuya Markus matapos sumakay sa loob ng kaniyang sasakyan.


It's still five in the morning. Madilim pa sa labas pero ba-biyahe na kami tulad ng napag usapan nila ni Arkiel.


"Elissa nakalimutan kong sabihin na may isasama akong kaibigan."


"Ayos lang, Kuya." Nilingon niya ako saglit saka ngumiti.


"It's a girl."


"Girlfriend? Or just a friend?" Hindi ko na rin mapigilan ang pag ngisi. Wow, this is first time!


"Nililigawan. I kow you'll get along. You have the same personality."


"Wow, Kuya. I'm surprised." Natatawa kong sabi. Noon pa man ay hindi naman nagpakilala ng kahit sino sa akin si Kuya, o kahit kina Dad. This is the first time. He must really like that girl, huh?


"I met her in university, turned out taga rito rin pala siya." Nakinig lang ako kay Kuya habang nag k-kwento siya. Malapit na ata kami sa bahay nina Arkiel.


"She's really like you, Elissa. That's why I like her. Before, I made a promise to myself not to get a girlfriend until I find someone who's like you. Pretty, sweet, kind and gentle."


I pouted. That's too sweet.


"I'm sure she likes you too, Kuya."


"I wish." Tumawa siya, napangiti ako. Naramdaman ko ang pag bagal ng takbo ni Kuya. Hindi niya na iyon pinasok sa gate at bumusina na lamang.


"By the way, where is she?"


"Dadaanan natin mamaya." Tumango ako. So I guess I should change my seat?


"Lilipat ako kay Arkiel, kapag dumaan na tayo sa kanila." Ngumiti ako.


It isn't because I wanted to be with Arkiel, it's because I wanted Kuya Markus to have the time with this girl. I think this girl is really something. I hope she'll say yes to Kuya.


"What? No, Elissa. I'm sure Anaia won't mind." So her name is Anaia, huh?


"Kuya, it's okay. I want you to spend your time with her. I'm sure Arkiel won't mind."


"You sure?" Tumango ako. Saktong paglabas ng sasakyan ni Arkiel.


"Yes, Kuya." He immediately kissed my forehead, I smiled.


"I love you."


"I love you too, Kuya." Ginulo niya ang aking buhok saka bumusina muli kay Arkiel. Naunang magpatakbo si Kuya Markus ng sasakyan saka sumunod si Arkiel.


"Isang oras pa siguro bago tayo makarating sa kanila, you should get some sleep." Tumango ako kay Kuya. Malamig pa rin kasi at gusto ko pa ngang matulog muna. Isinandal ko ang ulo sa head rest ng upuan saka pumikit, hinayaan ko ang sarili na makatulog.


Nagising na lang ako sa marahang tapik ni Kuya Markus sa aking pisngi.


"We're here." Kinusot ko ang mata saka napatigin sa labas, medyo sumikat na ang araw at nasa harap kami ng isang magandang bahay.


Nakita ko ang isang babae na lumabas sa malapd na gate bitbit ang isang maleta at shoulder bag. And wow, she's so beautiful. She has this sexy yet angelic look. Magaling palang pumili si Kuya.


Mabilis na lumabas ng sasakyan si Kuya nang makita ang nililigawan, napahagikhik ako saka lumabas din ng sasakyan.


"Elissa, halika." Mabilis naman akong lumapit.


"Wow, hi. You're Markus' sister?" Ngumiti ako at tumango.


"Anaia, this is Elissa. Elissa si Anaia." Lumapit ito sa akin at nag beso, sinalubong ko naman siya.


"You're so pretty!" Nahihiya akong ngumiti.


"You're prettier." Ngumiti siya, and gosh she's so pretty, I'm not lying!


"And, oh. Si Arkiel, na meet mo na siya n'ong nag video call kami." Lumingon naman ako, only to find out that Arkiel was already there.


"Yes, yes. Nice to meet you in person." Naglahad ito ng kamay kay Arkiel na mabilis namang tinaggap ng huli.


"Nice to meet you, too."


"So, shall we?" Tumango si Anaia sa tanong ni Kuya Markus. Kinuha niya ang gamit na dala ni Anaia saka niya iyon inilagay sa likod ng sasakyan. Sunod ay pinagbuksan niya ito ng pinto. Nang makapasok ay lumapit sa amin si Kuya.


"Elissa will join you." Ngumisi si Kuya Markus at tinapik ang braso ni Kuya.


"Call me if he drives too fast." Tumango ako kay Kuya.


"Excuse me?" Tumaas ang kilay ni Arkiel kay Kuya Markus na ikinatawa lang nito saka pumasok sa kaniyang sasakyan. Naglakad na rin si Arkiel kaya sumunod na ako.


Nagulat pa ako nang pag buksan ako nito ng pinto, nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Tumikhim na lang ako saka pumasok. Umikot siya sa kabila para makapasok at maupo sa driver's seat.


"Your seat belt, Elissa." Mabilis akong kumilos nang makalimutan ko nga iyon. I'm too focused watching him.


"Sorry." Mahinang sabi ko. Hindi siya nagsalita at pinaandar na lamang ang sasakyan. Ang tahimik namin, at hindi ako sanay.


"Nagugutom ka?" Siya na ang nag simula, mabuti na rin iyon. Dahil mabibingi ata ako sa katahimikan dito.


"Hindi pa."


"Okay, tell me when you get hungry. Hihinto tayo."


"Okay."


Ganoon lang at natahimik kami ulit. I should say something. Gustuhin ko mang matulog na lang para hindi mabingi sa katahimikan ay hindi ko magawa dahil kakatulog ko lang kanina.


"I'm sorry for what I did yesterday." Nilingon ko siya.


"Saan doon?"


"Alin ba ang sinasabi mong huwag ko nang uulitin?" Huh? He's saying sorry even though he wasn't sure of it? Seriously?


"Lahat." Umiwas ako ng tingin.


"Lahat?" Nilingon ko siya. Bakit pa siya naninigurado e sinabi ko na nga!


"Yes, Arkiel." He frowned.


"That's damn hard." Aniya, sumulyap ito sa akin saglit saka ibinalik ang tingin sa daan, napanguso siya.


"Bakit mahirap?"


Am I seriously asking him this things? Oh please Elissa, calm yourself down! That's not good.


"I can't even touch you?" itinikom ko ang bibig at hindi sumagot.


"I can't touch your hair anymore? I love your hair." Parang batang nagrereklamo ngayon ang itsura niya, pinigilan ko ang mapangiti.


"I'm not even allowed to miss you?"


"Arkiel." Matigas ang tono kong sinabi. That's it. I don't wanna hear that.


"Sorry, you don't want me to say that?" hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya, habang siya naman ay pasulyap sulyap lang dahil nga nag mamaneho.


"Hindi ko na uulitin, kung ganoon." Pinagmasdan ko ang reaksiyon niya. He seems mad, or just...I don't know.


"It's just that...I'm not comfortable." Tumingin ako sa labas dahil uminit agad ang aking pisngi.


"Uncomfortable with?" Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili, ang kulit naman!


"With your I miss you's Arkiel." Nakakahiya! Umiwas ako ng tingin para itago ang pagpula ng aking mukha.


"Okay, hindi ko na sasabihin iyon."


"Okay..." Kumalma ako dahil doon. Parang nabunutan ng isang tinik sa dibdib. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.


"Then, we're good?" Tumango ako.


"Good. Nagugutom ka na?" Tumango ako dahil alas siyete na rin ng umaga. Nag drive thru lang kami, um-order si Arkiel ng isang espresso macchiato para sa kaniya, at hot chocolate naman iyong akin. He also ordered two bacon and egg sandwich. Siya ang nagbayad lahat n'on.


Nang muli siyang magsimulang mag drive ay nag kusa na akong buksan ang kape niya. Iniabot ko iyon sa kaniya, na agad naman niyang kinuha gamit ang isang kamay.


"Thanks."


Uminom muna ako ng akin, dahil mainit iyon ay itinabi ko muna para lumamig. Kinuha ko ang isang sandwich saka binuksan. Itinapat ko iyon sa bibig ni Arkiel. Nagulat siya kaya kumunot ang noo ko. Why? Kaya niya bang kumain habang may hawak na kape at steering wheel? I always feed Daddy like these before, kapag pinapasyal niya ako. Hindi niya pa ba nararanasan?


"Eat, Arkiel. Mangangalay ang kamay ko." Mabilis naman siyang kumagat sa sandwich. Inilayo ko iyon nang makasubo siya. Kinuha ko naman ang akin at nagsimula na ring kumain.


"You're making all of these hard for me baby."


Nalaglag ang panga ko. Did I hear that right? He just called me baby! What the hell?




After HerWhere stories live. Discover now