Chapter 34

112 12 3
                                    

     
   
    
"Uh, saan ba ang wine dito?" I tried to change the topic.
   
   
Mabilis ko siyang tinalikuran, pumunta ako sa beverages at kinuha ang wine na nakasaad sa listahan. Sumunod naman agad sa akin si Arkiel, maingat kong nilagay ang wine sa cart at kumuha pa ng ilan.
   
    
Nang matapos ako ay nilingon ko na si Arkiel. Tumikhim ako bago nagsalita.
   
   
"O-okay na." Tumalikod ulit ako at gusto kong sabunutan ang sarili dahil nautal pa ako!
   
   
I can't be like this! Sa tingin niya ba ay maaapektuhan ako sa mga salita niya? Kung noon ay hulog na hulog ako sa bawat salita niya, ngayon ay hindi na.
   
  
Yes, hindi na. Yes, oo hindi. Hindi...na?
   
   
God! I'm so stupid!
   
  
Pumila kami sa counter, hindi gaano karami ang bumibili kaya nakapag bayad kami agad. Matapos niyang bayaran ay sinamahan kami ng isang staff para dal'hin ang mga pinamili namin sa labas. Siya na rin ang nagtulak ng cart.
   
   
Nang matapos ay walang imik kami parehong pumasok sa kaniyang sasakyan. Pinigilan kong huminga nang tinitigan muna ako nito saglit saka pinaandar ang sasakyan.
   
   
Inabala ko ang sarili sa cellphone habang nag d-drive siya. Nag scroll lang ako sa ig, walang ibang post ang lumalabas kun'di ang sa mga kaklase ko n'ong college. I checked my messages and replied to some of them. Iyong mga kilala ko lang.
   
    
Nakita ata akong online ni Angel kaya napa chat ito. In-open ko ang message nito at binasa.
   
   
angelcavelier
   
: Lapit na 'ko uwi hihi
   
   
Natawa ako sa chat niya.
   
   
See you, then :)
   
   
In-off ko ang cellphone at hindi sinasadyang napabaling kay Arkiel. He's driving like a mad...dog.
   
  
Ang makakapal na kilay ay magkasalubong, nakikita ko rin ang paggalaw ng panga niya dahil nagngingitngit sa, galit? I don't know. Ba't siya galit?
  
  
Hinayaan ko siya at ibinaling na lang ang tingin sa labas. Tahimik akong nagpasalamat sa aking isip nang sa wakas ay makarating kami sa harap ng aming bahay.
   
   
"Thanks sa food, and sa shoes." Tinignan niya lang ako saglit at hindi na pinansin.
   
   
Nagkibit balikat ako at tinanggal ang aking seat belt. Kumunot ang noo ko nang hindi iyon matanggal. Hinila ko ulit, hindi pa rin. What the! Kanina naman ay natanggal ko iyon. Binitawan ko saglit ang paper bag at sinubukang tanggalin ang seat belt ko, ngunit ayaw pa rin. Nilingon ko si Arkiel, hindi pa rin ito nakatingin.
   
   
Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya, at hindi ako nagkamali. Napalingon nga ito sa'kin.
   
   
"I need help, hindi ko maalis." Sabay turo ko sa seat belt.
   
  
Lalong nagsalubong ang kilay niya saka lumapit sa akin para tanggalin ang seat belt ko. Dalang hila niya lang ay natanggal niya na iyon. Ngumiti ako at nagpasalamat.
   
   
"Ingat—"
   
  
Kumunot ang noo ko. Hindi niya ako pinakinggan at pinaharurot agad ang sasakyan. Napailing na lang ako at naglakad na papasok. Kahit kailan, hindi ko talaga siya maintindihan.
   
   
"How's the meeting?" Iyon agad ang tanong sa akin ni Daddy kinagabihan.
   
   
"It went well, Dad. I guess." Natawa ako.
   
   
Hindi naman kasi talaga ako nag focus doon dahil wala akong maintindihan.
   
   
"I won't be surprised. It's Arkiel's idea."
   
   
Hindi naman ako magtataka kung bakit noon pa man ay bilib na talaga siya kay Arkiel. Arkiel's a genius. At laging hindi tumatanggi kay Dad. I didn't know they would end up working together.
   
   
Maaga akong natulog noong gabing iyon kaya maaga rin akong nagising. Bumungad sa akin si Manang Fe na nagluluto sa kusina kaya napangiti ako agad.
   
   
"Good Morning, Manang." Lumingon ito sa'kin.
   
  
"Good morning, hija. Mag breakfast ka na." Ngumiti ako at tumango.
   
   
Kumuha ako ng isang slice ng loaf bread, naglagay ako ng mayonnaise doon na may halong ketchup, nilagay ko ang bacon, itlog at hotdog na niluto ni Manang saka tinakpan ng isa pang slice ng tinapay. Isa lang ang naubos ko at sobrang busog na ako.
   
    
Nagpaalam na ako kay Manang matapos kumain. Dahil wala akong gagawin sa bahay at wala naman akong makausap dahil busy si Manang Fe ay napag desisyunan ko na lang na mamasyal.
   
   
Kung bakit ba kasi ang tagal naman ni Angel umuwi.
   
   

After HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon