Chapter 4

31 4 0
                                    

"Iyon lang? Pinatawad ka kaagad?"


Iyon ang bungad ni Angel sa akin kinabukasan nang ma i-kwento ko kung paano ako humingi ng sorry kagabi kay Arkiel.


"Oo e. Akala ko nga hindi ako re-reply-an. Buti na lang sinabihan ako ni Kuya na i-text na lang siya, nahihiya rin kasi akong ayain siyang kumain sa labas."


"Well that seems good. I didn't know Arkiel is so easy to forgive, pero mabuti na iyon."


Tumango ako sa sinabi ni Angel. Walang nangyari buong maghapon, ganoon rin sa sumunod na araw. Hindi ko na nakita pa si Arkiel sa school, he's probably busy. Madalas ay nauuna akong umuwi kay Kuya dahil natatagalan sila at may practice sila sa gym, para sa kanilang graduation.


"Sabay tayo mag enroll, Elissa ha. I text mo ako kung mag e-enroll ka na."


It was after our recognition when Angel reminded me of that. Tumango naman ako. Wala naman akong kasabay mag enroll kaya maganda na rin iyon.


"Sigurado kang ayaw mong pumunta sa bahay? Naghanda sila Mommy."


Umiling ako. "Paki sabi kina Tita, thank you. Nagpahanda rin sila Mommy e, kaya pasensya Angel at hindi ako makakapunta."


Ngumiti siya at tumango. She then kissed my cheeks before waving her goodbye. I'll miss her, dalawang buwan din kaming hindi magkikita.


"Elissa, umuwi na tayo. Nag aantay sila Mommy."


Tumango ako kay Kuya Markus.


Hindi sila Mommy ang nagkabit sa'kin ng medalya at hindi naman ako nagtatampo dahil recognition lang naman iyon. Ayos na na naroon sila Manang Fe at Kuya para alalayan at kunan ako ng pictures.


"Congratulations anak. Sa susunod na pasukan ay Grade 9 ka na." Ngumiti ako kay Mommy at nagpasalamat.


Pag uwi ay marami nang nakahandang pagkain, wala naman akong na invite na kaklase o kaibigan dahil halos lahat ay may kaniya kaniyang celebration.


"Dapat hindi na nagpahanda ng marami, Mommy. Wala namang bisita."


"Huh? Your brother didn't tell you? Inimbita ni Markus si Arkiel. Kaya inimbita ko na rin ang Tita Mariela mo at Tito Miguel, kaya lang ay hindi sila makakapunta at may trabaho pa."


Nagulat ako roon. Kuya Markus didn't tell me anything. Hindi ko alam na pupunta si Arkiel!


"Hindi ko nga alam at bakit wala pa si Arkiel. Akala ko ay kasabay niyo na."


Nagpaalam ako kay Mommy at mabilis na umakyat at tinungo ang aking kwarto. Week passed at hindi ko na nakita pa si Arkiel. Ang huling communication namin ay iyong t-in-ext ko siya. Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kaniya mamaya!


Naligo ako saka nag bihis, halos isang oras ko iyon ginawa katulad ng araw araw kong pag aayos. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Nag suot lang ako ng simpleng floral dress na lumampas sa aking tuhod. Wala din akong kolorete sa mukha dahil hindi naman ako marunong. Hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok, lumabas na sa aking kwarto at bumaba sa living room, napansin kong medyo maingay roon.


"Hello, Elissa. Congratulations nga pala."


"Thanks for inviting us!"


Marahan akong tumango at ngumiti sa mga hindi inaasahang bisita. Lahat ay kaklase ni Kuya, may tatlong babae at limang lalaki...kasama na si Arkiel. Nasa pinakadulo ng sofa at nakangiti habang nakatingin sa cellphone. Sino ang ka text niya?


"Elissa." Narinig ko ang boses ni Kuya sa likuran, galing kusina. Ngumiti ito sa akin.


"I invited my friends, I hope you won't mind. Wala ka kasing bisita e."


Tumango ako, "Ayos lang Kuya. Marami ngang pinahanda sila Mommy at walang kakain, mabuti na rin iyon."


Ngumiti si Kuya saka ginulo ang buhok ko. Hanggang dibdib niya lang ako kaya parang bata lang ang taas ko kaya nagagawa niya iyon sa akin. Nagpaalam siya at sinabing pupuntahan ang mga kaibigan.


Sa garden nagpahain si Mommy dahil nag aalala siyang baka masikipan ang mga bisita kung sa kusina kami. Mga mag c-college na kasi, matatangkad.


"Pwede bang mag pa picture, Elissa? Para naman may ma i-post ako sa Facebook."


Tumango ako. Kung hindi ako nagkakamali, ka team din siya nila Kuya sa basketball. Si Kian. Nagselfie kaming dalawa, saka siya nagpasalamat at binati ako.


"Hala ang daya talaga ni Reyes! Elissa kami rin, okay lang ba?"


Nahihiya akong tumango. Lumapit sila sa akin. Kahit ang tatlong girls ay kumuha ng selfie kasama ako.


"Friend na pala tayo sa Facebook! I'll tag you." Si Kyla, tumango ako at ngumiti.


Natapos ang pagkuha ng picture at bumalik na kami sa pagkakaupo. Nahagip ng tingin ko si Arkiel na hindi man lang ako pinapansin simula kanina.


Fine. Forgiven.


Baka joke lang niya iyon? Pero kung totoo ngang naaptawad na niya ako, hindi naman ibig sabihin noon ay magiging mabait na siya sa'kin. Pinilig ko ang ulo para hindi na isipin pa.


"Tara na at handa na ang pagkain." Si Mommy iyon, wala si Daddy at susunod na lang daw mamayang gabi. Ayos lang, he has a lot of works to do. Mabuti nga at nan'dito si Mommy.


Busy ang lahat kumain at mag kuwentuhan. Sobrang dami pang pagkain. Tapos na ako kumain pero hindi ako umalis roon. Nakakahiya naman kung ganoon ang gagawin ko.


"Elissa!" Lumingon ako nang mabosesan si Kuya Markus.


Sinenyasan niya akong lumapit. Naroon si Arkiel sa tabi niya, at katulad niya ay nakatingin ito sa akin. I don't know what's his reaction. I can't read his eyes.


Dahil tinatawag ako ni Kuya ay lumapit ako roon.


"Bakit, Kuya?"


"Samahan mo nga si Arkiel sa work room ni Daddy. Tatapusin ko lang 'to. Hindi na siya makapag antay ng kalahating oras dahil uuwi na raw mamaya."


Sinilip ko ang cellphone niya, naglalaro na naman ng ml. Ilang ulit niyang sinasabi sa akin na hindi na p-pause ang larong iyon, at halos kalahating oras ang tinatagal ng isang round!


"Susunod ako roon, Elissa." Tumango ako kay Kuya saka tumingin kay Arkiel.


Nang tumayo na rin ito ay tumalikod na ako at naglakad papasok ng bahay. Tahimik siya at tahimik din ako hanggang sa makarating kami sa work room ni Daddy.


"Pasok ka. May ipapaayos na n-naman ba si Daddy sa iyo?"


Tumango lang siya. Nang makita kung saan naka set up ang computer ni Daddy ay pinuntahan niya agad iyon.


"Uh, Arkiel..." Lumingon ito sa akin saglit pero ibinalik din agad ang tingin sa ginagawa.


"I know I've said this before, but I want to apologize in p-person. I'm sorry, at hindi ko m-muna inalam ang totoong nangyari."


"It's fine, you like that boy kaya normal lang 'yon." Sabi niya, hindi tumitingin sa'kin


"H-hindi naman sa gan'on. Madalas mo k-kasi akong inaaway kaya g-ganon na tuloy ang tingin ko sa'yo. Sorry for jumping into conclusion without asking you first. At isa pa hindi ko n-naman gusto si Sean. Crush lang, paghanga. Magkaiba 'yon."


"Okay."


Sa haba ng paliwanag ko iyon lang ang sagot niya. I sighed. Sa akin lang naman siya masungit, sa iba ay mabait at palangiti. Lalo na roon sa ka text niya kanina.


"Okay l-lang?" Tumango siya.


Ayaw talaga niya akong kausapin.


"Wala ka bang crush?"


Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang natanong ko. Wala namang dahilan, ang awkward kasi at para lang may topic kami sa loob ng napakatahimik na work room ni Daddy. Hindi pa ba tapos si Kuya Markus?


Alam kong ako ang pinasama niya kay Arkiel, dahil bukod sa kami at si Manang Fe lang ang pwedeng pumasok dito, ay wala na siyang mauutusan pa. Busy pa naman si Manang Fe sa labas.


"Crush is for children like you, Elissa."


Kumunot ang noo ko roon, medyo nainis sa sinabi niya. Kung makapagsalita ay parang Kinder ako!


"I'm not a child anymore, Arkiel. 15 years old na ako!"


"You're still 14, matagal pa ang birthday mo."


Shocked that he knew when my birthday is, I still answered, "14 or 15, hindi na ako bata."


He's only 19, kung makapagsalita ay 30 years old na. Hindi siya sumagot kaya kinulit ko pa. Dahil sa tanong kanina ay naging curious na rin tuloy ako kung may crush ba ang isang Arkiel Montenegro?


"Kung wala kang crush, maybe someone you like? Maraming magaganda sa mga kaklase mo ah!"


Itinigil niya ang ginagawa at tumitig sa akin. Kagaya noon ay hindi ko pa rin mabasa ang mga mata niya, walang emosyon, just dark.


"Wala akong gusto sa mga kaklase ko, Elissa."


Tumango tango ako. Baka ayaw niya lang sabihin? I'm not his friend, though. Baka exclusively for friends lang iyon.


"Hindi ako kagaya mo."


Napasinghap ako sa sinabi niya.


"Wala naman akong gusto sa mga kaklase ko. Sinabi ko na Arkiel, iba ang crush sa like."


Hindi ako nito pinansin. Hindi ko naman na problema pa kung maniwala siya o hindi. Nagtanong lang naman ako sa kaniya para may mapag usapan kami.


"It's all the same, Elissa."


"Ganoon ba iyon?" Tanong ko. Kaya siguro ipinagkalat ni Sean na crush ko siya dahil akala niya ay gusto ko siya. Humahanga lng naman ako sa kaniya at wala sa plano ko ang gustuhin siya, o maging boyfriend siya.


"Hindi ko alam kung saan banda ang hinangaan mo kay Fernandez. Lahat palpak, mula mukha hanggang paa."


"Arkiel!" Hindi ko na napigilan. Kung makapaglait ay parang akala mo perpekto!


Well, Arkiel got the looks. Hindi na ako magtataka kasi nakita ko na rin kung gaano ka gwapo si Tito Lukas at gaano kaganda si Tita Mariela. Pero halos lahat ng feature niya ay nakuha niya kay Tito Lukas.


Matangkad din. Mas matangkad ng kaunti kay Kuya. Makinis ang mukha, at matangos ang ilong. He's almost perfect because he's also smart.


"I didn't lie." Mayabang nitong sabi.


"Kahit na, Arkiel. Malinis naman si Sean kaya guma-guwapo."


"Huh!" Singhal niya.


"Pero hindi ko na siya crush. Kasi hindi naman pala siya ganoon, kabait."


"May bago naman ba?" Kung kanina ay nakatitig lang ito, ngayon ay parang mangangain na ng buhay si Arkiel.


"Anong bago?"


"May crush kang bago?"


Mabilis akong sumagot para hindi na niya ako titigan ng masama, "Sa ngayon, wala pa."


"Sa ngayon? Wala pa?"


Kumunot ang noo ko nang ulitin niya lamang lahat ng sinabi ko para kumpirmahin.


"Oo, wala pa naman talaga akong crush!"


"Elissa." Matigas ang tono nito, "You're not a child anymore, right?" Mabilis akong tumango.


Bumalik ang tingin niya sa computer at may kinalikot. Inantay ko ang susunod niyang sasabihin.


"Then stop having crush. It's only for children."





After HerWhere stories live. Discover now