Chapter 24

40 8 1
                                    




Tahimik akong hinila ni Arkiel pabalik sa hotel, sinalubong kami ng ilang babae at binigyan ng bath robe at towel, isinuot iyon agad sa akin ni Arkiel at pinunasan ang mukha ko gamit ang puting towel.


"Kaya ko na." Kinuha ko iyon sa kaniya at pinunasan ang sarili. Nagpasalamat kami sa staff saka nagtungo sa elevator.


Tahimik kami sa loob, parehong gulat pa sa nangyari. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na gan'on ang mangyayari. Ang alam ko ay magiging masaya lang ako, dapat kasi ay hindi ko na naisipang takutin siya. Hindi naman iyon matatakot dahil bukod sa hindi na siya bata ay lalaki pa siya.


Hindi siya natakot na maiwang mag isa pero natakot naman siyang nalunod na ako. Bakit hindi ko iyon inisip? Paano kung si Kuya Markus 'yon? I should have think twice before pulling that stupid prank.


"Salamat, Arkiel." Marahan kong sinabi nang ihatid niya ako sa tapat ng room namin ni Kuya.


"Maligo ka na at mag bihis. We'll eat later." Tumango ako saka pumasok sa loob.


Wala roon si Kuya kaya agad kong pinuntahan ang cellphone na iniwan ko sa kwarto. May text doon si Kuya Markus, agad kong binasa.


Kuya Markus:


Mag iikot ikot lang kami ni Anaia, we'll meet at the resto at 7:30, okay? Sabay sabay tayong mag dinner.


Nag reply ako ng okay saka pumasok na sa banyo at naligo. Kalahating oras lang ang itinagal ko roon dahil baka mag alas siyete na. Nagbihis ako ng simpleng spaghetti strap na dress at dinoblehan iyon ng long sleeve na blazer dahil alam kong malamig na sa labas mamaya. Pinatuyo ko ang buhok ko pagkatapos saka iyon sinuklay.


Tumunog ang cellphone kong nasa kama kaya kinuha ko iyon. Tumatawag si Mommy kaya sinagot ko agad ito.


"Hello... Mom." Napapaos kong sabi.


"You sound not okay, what happened?"


"I'm fine po, Mommy. Kakaligo ko lang kasi."


"Oh, okay. How are you? Tinawagan ko ang Kuya mo at hindi ka niya kasama."


"Naliligo po kasi ako Mommy, susunod po ako roon sa resto, mag d-dinner po. Ayos lang ako rito, Mom." Kinuha ko ulit amg kulay beige kong flat sandals at sinuot iyon.


"Nag e-enjoy ka ba riyan? I heard your Kuya brought a girl!" Natawa si Mommy sa kabilang linya kaya napangiti na rin ako.


"She's Anaia, Mom. And don't worry, sobrang nag e-enjoy po ako rito."


"I know, I know. Pinakilala niya kanina. I'm glad you're enjoying there, anak."


"Kayo po, Mom? Musta kayo ni Daddy?"


"We're very busy, tumawag nga lang ako dahil sinabi ng Daddy mo. May dinner din kami with the investors later."


"Huwag po kayo masiyado mag pagod ni Daddy, Mom." Lumabas ako ng kuwarto at ni-lock ang pinto saka naglakad sa katabing kuwarto. Kinatok ko ang pintuan ng kuwarto ni Arkiel.


"Yes, anak. I'll call you again whenever I have time. Okay? Mag enjoy at mag iingat kayo riyan."


"Yes, Mommy. I love you."


"I love you too, honey. I'll hang up now." Pumayag ako sa sinabi ni Mommy. Sakto ring bumukas ang pinto at lumabas si Arkiel.


"Hi." Bati ko.


"Hi." Simpleng sagot niya. Tahimik kaming naglakad papasok sa elevator.


Nagtipa ako ng mensahe kay Kuya Markus na papunta na kami sa restaurant. Ilang segundo lang ay nag reply agad ito,


Kuya Markus:


Alright, papunta na rin kami.


Hindi na ako nag reply at inantay na lang na tumigil ang elevator sa ground floor. Nang makalabas kami ay dumiretso agad kami sa resto na sinabi ni Kuya. Naghanap kami ng mauupuan ni Arkiel, umupo naman ako sa tabi niya.


"Papunta na rin daw sila Kuya." Tumango si Arkiel at inabala ang kaniyang sarili sa cellphone. Dahil wala rin naman akong ginagawa ay inabala ko rin ang sarili sa cellphone.


Ilang minuto pa ang nagtagal hanggang sa mahagip na ng mata ko sila Kuya Markus at Anaia na papasok ng resto. Kumaway agad ako, si Anaia ang unang nakakita sa akin, ngumiti siya't hinila si Markus palapit sa table namin.


"Nag night swimming ka raw? Sayang at nakatulog ako." Ngumiti ako sa bungad ni Anaia.


"Kaya nga, sayang. Pwede bukas."


"Sige, bukas!" Tumango na lang ako, ginulo ni Kuya ang buhok ko kaya lumapit ako para mahalikan niya ang noo ko, alam kong iyon na ang susunod dahil lagi niyang ginagawa iyon.


"Musta ang first night swimming mo?"


"Ayos lang, Kuya." Nilingon ko si Arkiel, kaya napalingon din si Kuya sa kaniya.


"Natawagan mo si Venice?" Tanong ni Kuya Markus saka umupo. May waiter na agad lumapit sa amin at inabutan kami ng menu.


"Yes."


Hindi sumagot si Kuya at ngumiti lang siya nang makahulugan. Naitikom ko ang bibig at tahimik na tumingin sa menu.


At the end of the day, it's always Venice that he thinks...


Sinabi ko sa waiter ang gusto ko at agad naman niyang nilista iyon.


"Maaga kayong gumising bukas ha." Paalala ni Kuya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Ngayon ko lang naalala na mag i-island hopping pala kami. At jet ski, hindi ba? Kung itutuloy pa ni Arkiel.


"Anong oras ba?" Tanong ni Anaia.


"Seven, breakfast tayo. I'll text you." Tumango si Anaia, napatuloy sila sa pag uusap gaya ng dati.


Kung minsan ay naisasali kami ni Arkiel ngunit madalas ay tahimik talaga kaming dalawa. I don't know, it's just awkward.


Tulad nang napag usapan alas siyete ay nag breakfast na kami saka tumulak sa front desk ng hotel para mag book for island hopping. Nang makapag book si Kuya sa automated machine nila ay tumukak na kami sa dalampasigan.


May isang bangka na nakalaan para sa'min. Una akong inalalayan ni Kuya Markus na maka akyat doon sunod si Venice. Sumakay na rin sila Kuya at Arkiel pagkatapos.


Wala akong ibang ginawa kun'di ang mamangha sa ganda ng dagat habang papalapit kami sa unang isla. Inaya akong mag selfie ni Anaia na agad kong pinaunlakan.


Huminto ang makina ng bangka nang marating namin ang Isla Cartes. Pababa pa lang ng bangka ay kitang kita na ang linaw ng tubig. Hindi tulad kanina ay si Arkiel na ang umalalay sa'kin pababa dahil siya ang naunang bumaba. Tinanggap ko ang kamay niya saka dahan dahang bumaba.


Nabasa ang laylayan ng dress na suot ko at ayos lang 'yon. Kinuha ni Arkiel ang bag ko at hindi na ako nag reklamo. Inantay naming makababa sila Anaia.


Sinalubong kami ng staff dahil kailangan pa nilang i check kung alin ang package na kinuha ni Kuya Markus. Nag usap sila saglit doon at saka bumalik sa amin si Kuya Markus.


"2 hours lang tayo rito, lilipat sa kabilang isla. Doon tayo kakain. Jet ski lang tayo Arkiel, malapit lang daw ang Isla Galion."


"Ayos lang." Simpleng sagot ni Arkiel saka tumingin sa akin.


Naalala ko nga pala na napag usapan namin ang tungkol sa jet ski.


"Nag book na ako ng room para sa inyo. Magbihis muna kayo para makapag snorkeling tayo." Pumayag kami ni Anaia sa sinabi ni Kuya Markus.


Kinuha ko kay Arkiel ang bag ko n kanina pa niya bitbit, nang makita iyon ng isang staff ay kinuha niya rin iyon para siya na ang mag dala, gan'on din ang ginawa sa gamit ni Anaia.


Sinamahan kami ng staff sa mga cottages nila at itinuro ang room na nakuha ni Kuya. Samantalang sila Kuya Markus at Arkiel ay naiwan doon para kausapin ang tour guide namin at ang ilang makakasama namin para sa activities na gagawin.


"Ikaw na ang mauna, Elissa." Tumango ako sa sinabi ni Anaia dahil isa lang naman ang cr.


Pumasok na ako sa loob at nag bihis, nag suot lang ako ng two piece rash guard saka lumabas na para si Anaia naman ang magbihis.


"Hindi ka sanay mag tali?" Umiling ako. Nakalugay pa rin kasi ang buhok ko at napansin niya nga iyon.


"Pony tail lang ang kaya ko e, tapos 'di pa maayos." Natawa ako ng kaunti, ganoon din siya.


"Magbibihis lang ako, I'll make your hair."


"Talaga? Thank you!" Ngumiti siya at pumasok ng banyo. Kinuha ko naman ang sunscreen at nag apply ulit, para hindi masunog ang balat ko. Katulad ko ay saglit lang din ang tinagal ni Anaia sa banyo. Dahil sa rash guard na hapit sa kaniya ay mas lalong nadepina ang kurbang katawan nito.


"I-braid na lang natin ang buhok mo." Aniya habang may kinukuha sa tote bag na dala. Inilabas niya ang maliit na pouch doon, saka kumuha ng tali.


"Upo ka rito." Agad ko siyang sinunod.


Nang makaupo ako sa upuan ay nagsimula siyang galawin ang buhok ko.


"Minsan ka lang mag tali ano? You're hair is so healthy."


"Sabi ni Mommy, e." Ngumiti siya sa salamin kaya napangiti na rin ako. Ang gaan gaan talaga ng loob ko sa kaniya.


Nakarinig kami ng katok sa labas.


"Elissa? Ang tagal niyo." Boses iyon ni Kuya Markus.


"Ang Kuya mo talaga..." Bulong bulong ni Anaia, natawa ako nang marahan.


"Wait lang!" Sigaw ni Anaia. Natapos siyang i-braid ag buhok ko at ang ganda ng pagkakagawa niya.


"Thank you!"


"Yes, welcome. Tara na." Nakangiti akong tumango at sumunod sa kaniya palabas ng cottage. Agad sunalubong sa amin ang mukha ni Kuya Markus at Arkiel na inip na inip na.


"Hindi naman kami matagal ah!" Sabi ni Anaia, tumango ako para sumang ayon.


"Okay." Tumango tango si Kuya Markus para pag bigyan kami.


Tulad nang napag usapan ay nag snorkeling nga kami, sobrang ganda at sobrang saya kaya nga lang ay hindi na kami nagtagal doon dahil dalawang oras lang kami sa Isla Cartes at lilipat na kami sa Isla Galion.


"Ayos lang kay Arkiel ka sumakay?" Tanong ni Kuya nang paalis na kami ng Isla Cartes, tumango ako.


"Okay lang, Kuya. Pareho lang naman iyon." Ngumiti siya at tumango.


Pumunta na ako sa pwesto ni Arkiel, inalalayan muna ako ni Kuya na makasakay.


"Dahan dahan lang, Arkiel."


"You don't need to tell me that." Tumawa si Kuya Markus sa sinabi ni Arkiel.


"Ayusin mo." Pahabol pa ni Kuya.


"I know you like Anaia so much at ayaw mong mapahamak siya, pero huwag kasing bagal ng pagong ang pag drive ha?" Ngumisi si Arkiel.


"Gago!" Sinuntok niya ito ng pabiro sa balikat sa bumaling sa'kin.


"Humawak ka." Tumango ako, pero hindi pa rin ako humawak kay Arkiel.


Umalis si Kuya at nilapitan na ang kaniyang jet ski, pinanuod kong sumakay roon si Anaia. Naunang nag pa andar iyong tour guide namin, dalawa silang lalaki. Sumunod si Kuya Markus, medyo malayo na sila pero si Arkiel ay hindi pa rin nagpapaandar. Dahil sa kaniya ay iyong kasama namin ay hindi pa rin umaalis, inaantay pa kami.


"Bakit?" Tanong ko dahil inaantay pa kami ng ibang staff na makaalis, at may umaalalay pa.


"Kumapit ka sa'kin, Elissa." Dahil sa kaba ay mabilis akong kumapit sa kaniya.


Dahil hindi naman ako masyadong nakakapit ay inayos niya pa iyon hanggang sa magsalubong na ang kamay ko sa harap niya. Hindi na iyon kapit! Parang nakayakap na ako sa kaniya! Oh God...


Uminit at namula ang pisngi ko nang magtilian sng ibang staff.


"Kumapit ka kasi ma'am, mahulog ka na kay Sir 'wag lang sa dagat." Lalo akong namula sa sinabi ng isang umaalalay sa'min, nagtawanan din ang iba.


"Okay na, Sir. Patakbo mo na, hindi na mahuhulog si Ma'am." Nakipag high five pa si Arkiel saka pinaandar ang jet ski.


Siguro ay malayo na sila Kuya dahil hindi na namin makita. Katulad kanina ay mangha pa rin ako sa ganda at linaw ng dagat. Napakalawak n'on at ang kalmado ng tubig.


Humigpit ang yakap ko kay Arkiel nang bumilis ang takbo nito, bumagal kasi kami at kailangan naming masabayan iyong kasama dahil sigurado naman akong hindi alam ni Arkiel kung saan ang Isla Galion, at kahit ako ay hindi ko rin alam 'yon.


Halos labing limang minuto lang ang itinagal at nakarating na nga kami sa pangalawang isla. Nakikit ko na sina Kuya Markus na nag aantay, nang huminto ang jet ski at namatay ang makina ay agad akong dinaluhan ni Kuya Markus para alalayan pababa.


"Thanks Kuya." Ngumiti lang ito, at umalis din agad nang tawagin siya ng tour guide namin para bigyan muli ng instructions, sinamahan siya ni Anaia.


May kumuha ng jet ski na sinakyan namin ni Arkiel at inayos ang pagkakalagay n'on, napatingin sa akin si Arkiel saka niya ako tinulungang tanggalin ang life jacket na suot.


"Ano pang gusto mong gawin?" Tanong niya habang tinatanggal ang lock ng life jacket, hinayaan ko siya.


"Depende kay Kuya, Arkiel."


"I think he wants more time with his girlfriend." Aniya


"Tapos?"


"We have to think about our own activities, Elissa." Umiling ako.


"Wala namang sinabi si Kuya, Arkiel." Nang matanggal niya ang lock ay hinubad niya iyon sa akin, kinuha naman iyon ng mga staff, sunod ay tinanggal niya ang kaniya.


"He obviously won't say that, Elissa." Napatango tango ako.


Hindi naman talaga iyon sasabihin ni Kuya Markus, kaya nga kung minsan ay nagkukusa akong iwan silang dalawa or pag lapitin sila.


"We'll see, Arkiel." Tumango siya.


Lumapit na kami sa pwesto nila Kuya Markus, binati kami ng iilan at binati rin namin iyon pabalik. Inantay naming matapos si Kuya sa pakikipag usap.


"Lunch muna tayo. Tapos diretso sa Galion cave, para sa hot spring." Sabi ni Kuya Markus.


Na excite naman ako roon, first time kong makaranas na maligo sa hot spring. Hindi ko pa iyon na t-try. At ang mas maganda, ay sa loob pa iyon ng Galion cave.


Ang lunch namin ay naging boodle fight o 'Kamayan'. Natakam agad ako sa dami ng sea foods na nakahain. Sa gitna nito ay ang kanin na nakaporma sa salitang GALION.


"Wash your hands muna, Eli." Tumango ako sa sinabi ni Kuya Markus.


Sumabay ako kay Anaia sa paghuhugas ng kamay.


"My first time to try a boodle fight." Natatawang sabi ni Anaia.


"Really?" Takang tanong ko.


"Yes, hindi kasi ako out going person. So I haven't try many things."


"Ah. Kaya pala." Ngumiti ako, sabay kaming bumalik sa cottage na open style, na parang naging kubo.


"Okay, kain na." Deklara ni Kuya Markus. Sa dami ng pagkain ay hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Kumuha muna ako ng kaunting inihaw na isda, sinawsaw iyon saka kinain.


Inulit ko dahil ang sarap ng isda. Nagpatuloy kami sa pagkain, kung minsan ay nakikinig ako sa pinag uusapan nila Kuya Markus at nakikitawa.


"Try this." Nilingon ko si Arkiel, ang kamay niyang may hawak na pagkain ay nasa tapat na ng bibig ko. Bakit niya ako susubuan? Kaya ko naman!


Hindi na ako nag reklamo, sinubo ko na lang ang pinapakain niya. Nagulat ako dahil masarap iyon.


"What's that?"


"Lobster." Kinuhaan niya ulit ako at sinubuan, tinanggap ko naman iyon.


Kinuha ko rin ang grilled oyster at kumuha roon. Nilagyan ko ng suka saka kinain. Grabe, ang sarap sobra. Kumuha ako ng shrimp at binalatan iyon. Ang lalaki ng shrimps nila at halatang sariwa.


"Here." Nilingon ko si Arkiel, sinubo ko ang pinapakain niya. Nalasahan ko agad na crab iyon na nilagyan niya ng lemon.


"Masarap." Sabi ko at kinain din ang shrimp na nabalatan ko na.


"Is this good with lemon too?" Tanong ko kay Arkiel at pinakita ang shrimp.


"Maybe." Simpleng sagot nito, tumango ako at saka sinawsaw iyon sa maanghang na sauce at sinubukang pigaan nga iyon ng lemon. Nagulat ako sa sarap. Naghalo ang tamis, anghang at asim ng lemon.


"Masarap nga." Kumuha ako ng isa pa at ginawa ulit iyon, itinapat ko iyon sa bibig ni Arkiel, sinubo naman niya agad at nilasahan.


"Yeah, masarap. I want more." Ngumiti ako at kumuha ng isa pa, ginawa ulit ang ginawa ko kanina at sinubo iyon sa kaniya. Sunod naman ay kumain na ako ng akin.









After HerWhere stories live. Discover now