Chapter 31

60 9 0
                                    

   
   
   
   
"Anak, you really should go this time."
   
   
"Yes, Mom. But not this week. I'm still busy."
   
   
Ipinagpatuloy ko ang pag b-blower sa aking buhok, kakatapos ko lang maligo nang tumawag si Mommy. She's inviting me because it's Kuya Markus' birthday. Yes, he left me here in Manila when he was assigned in one of the hospitals in our hometown. That was two years ago. I've been staying here in Manila for almost six years because I ended up being a chef, and built a restaurant here. Well, it clicked so I ended up having branches in different city.
   
   
"Is that a promise? The last time you said you'll go, you cancelled your flight right away."
   
   
Natawa ako roon. It was a different story, last year kasi ay dapat uuwi ako kaso nagka problema sa branch namin sa Cebu kaya kinailangan kong pumunta roon.
   
   
"Mommy, next week. Uuwi po ako next week."
   
   
"Kapag hindi pa natuloy iyan ay kami na ang pupunta riyan!" Natawa ako lalo. I missed them so much.
   
  
"Promise, Mom."
    
    
"Alright. I'll call you again later, still busy. Bye anak, I love you."
   
   
"I love you too, Mom. Bye..."
  
   
It was Mommy who ended the call. Matapos matuyo ng aking buhok ay sinuklay ko na iyon, katulad ng dati ay hanggang bewang ko pa rin ang haba n'on. I maintained that length since Mom won't agree if I cut it short.
   
   
Finally after six years, I'm going home. I still remember how I started college without a fixed plan. Kung pa'no ako umiyak kay Kuya Markus dahil kahit anong isip ko ay wala talaga akong gustong kunin. That's why I ended up taking Hospitality and Hotel Management. Yes, I didn't even enter Culinary school because I have no plans on becoming a chef. It just happened and I'm very happy for what I am now.
   
    
Dahil uuwi nga ako next week ay naisipan kong tawagan si Angel. Matagal na rin niya akong kinukulit na umuwi. Bago ako tumungo rito six years ago, I managed to tell Angel everything. She's sad but supported me after. Angel's now a nurse, nakaraang taon ay nagkita kami rito sa Manila dahil binisita niya ako. That's the last time I saw her.
   
   
"Hello?"
   
   
"Hello, Angel. I have something to tell you."
   
   
"What is it, Elissa? Ikakasal ka na ba?"
   
  
Natawa ako, "No. Uuwi ako."
   
   
"Gosh, really? Kailan ba?"
   
   
"Next week, Angel. Birthday ni Kuya Markus sa katapusan."
   
  
I've missed Kuya Markus' birthday two times already. Baka nga nagtatampo na iyon sa akin.
   
   
"I'll take a leave this month's third week then."
   
   
"Okay see you!"  Masayang sabi ko.
   
   
"Yes, marami tayong pag uusapan."
   
   
Dinig ko ang paghalakhak nito sa kabilang linya kaya natawa ako. Pagkatapos n'on ay nagpaalam na rin siya dahil on duty nga siya, pumayag naman ako dahil magiging abala na rin ako.
   
    
Dahil sabado ngayon ay sa condo lang ako nag trabaho. May mga proposal lang naman akong ia-approve at kailangan ko rin i review ang stats ng iba pang branches ng resto ko. I need to fixed all of it before I go home, para wala na akong isipin pagdating doon.
   
   
Babalik din naman siguro ako pagtapos ng birthday ni Kuya. Under renovation pa ang branch ko sa Quezon kaya kailangan ko pang asikasuhin iyon.
  
   
Buong linggo akong nag trabaho, halos lagi ay paper works na lang ang akin dahil may chef din akong hinire sa iba't ibang branch. Hindi na ako madalas mag luto, kapag may mag papa cater na lang o kaya ay kapag may importanteng bisita. Kapag mga normal days lang ay hindi na ako. My workers were good too, ako mismo lagi ang nag f-finalize ng mga applicants dahil mahirap magkamali kung pagkain ang ino-offer mo. So far, wala pa namang nagiging problema sa mga restaurant ko. Lalo na't ang suppliers namin ng goods ay galing lang din sa kompanya ng mga kaibigan at naging kaklase ko.
   
   
Before I left my condo, I already texted Kuya Markus na ipasundo ako kay Manong Ramon sa airport. Hindi agad ito naka reply marahil busy. Sigurado naman akong mababasa niya iyon.
   
   
Isa at kalahating oras ang tinagal ng flight ko. Papalabas pa lang ako ng airport nang makita ko na agad si Kuya Markus sa labas. Nakasandal ito sa gilid ng kaniyang kotse, nag c-cellphone. Napangiti ako saka naglakad na palapit sa kaniya. Nang maramdaman ang presensya ko ay saka lang siya nag angat ng tingin.
   
  
"Elissa!" Masayang bati niya, niyakap niya agad ako.
   
   
"Bakit ikaw? Wala kang duty, Doc?" Tumawa siya.
   
  
"Ayaw mo bang ako? I missed you so much! May duty ako at babalik din ako maya sa ospital."
   
   
Ngumiti ako saka tumango.
   
   
"I missed you too, Kuya. Thank you sa pag sundo." Ginulo nito ang buhok ko saka kinuha ang maleta sa'kin.
   
   
"Anything for my sister."
   
   
Ngumiti ako saka ako pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Inantay ko siya maiayos ang akin maleta sa likod saka pinanuod siyang umikot at pumasok sa kabila ng kaniyang sasakyan.
   
  
"It's been two years, Eli. May boyfriend ka na?" Tanong ni Kuya Markus habang nag d-drive.
   
   
"Wala, Kuya." Natatawa kong sagot.
   
   
"Really? Anong nangyari roon sa manliligaw mong si Zach?" Natawa ako, that was ages ago!
   
  
"Hindi ko naman siya gusto Kuya, kaya pinatigil ko."
   
   
"Mabuti naman, hindi pasado 'yon sa'kin." Tumawa siya kaya napangiti ako.
   
   
"Sino ba sa mga manliligaw ko ang pumasa sa standards mo, wala kaya!" Napanguso ako dahil naalala ko kung paano niya takutin isa isa ang mga manliligaw ko sa college.
  
   
"Because no one deserves my sister." Aniya. Napangiti ako dahil doon, Kuya Markus never changed. His love for me never changed.
   
   
"Pa'no 'yan, 24 years old na ako Kuya. Pero single pa rin ako, maawa ka naman sa'kin!" Natatawa kong sabi.
   
  
Nagbibiro lang naman ako dahil kahit ako ay wala pa sa isip ko ang mag boyfriend. Marami naman akong manliligaw noong college kaya nga lang ay hindi ko magawang sagutin dahil bukod sa ayaw ni Kuya Markus sa kahit kanino ay sa tingin ko may iba pa akong dahilan na hindi ko maamin sa sarili ko.
   
   
"Hindi naman kita pinagbabawalan ah! Kung sinong gusto mo, okay sa'kin." Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.
   
   
"Really? Kahit si Limuel?" Pang aasar ko.
   
   
Limuel has been chatting me on facebook every now and then when I was in Manila. Napaka kulit n'on at natigil lang noong nag deactivate na ako ng Facebook account.
   
   
"May girlfriend na 'yon, Elissa." Natatawang sabi ni Kuya Markus.
  
  
Napanguso ako dahil talo na naman ako, may girlfriend na pala iyon? Of course I didn't know, hindi ko rin naman gustong malaman. Inaasar ko lang si Kuya dahil ayaw talaga n'on kay Limuel.
   
    
Kalahating oras ang naging biyahe namin ni Kuya hanggang sa makarating kami sa bahay. Manghang mangha ako sa bagong disenyo ng bahay namin, pina renovate kasi ito nila Mommy at marami nang nagbago.
   
  
"Ay hala, Elissa!" Lumingon ako sa tumawag, nagulat ako nang makita si Manang Fe na tumatakbo palapit sa'kin.
  
  
"Manang!" Sinalubong ko siya at niyakap, mas matangkad na ako ngayon sa kaniya.
   
   
"I missed you so much, Manang."
   
   
"Grabe dalagang dalaga ka na hija! Miss na miss ka na namin dito!" Humiwalay ako sa pagakakayakap sa kaniya at nginitian siya.
   
   
"Kamusta po kayo?"
   
   
"Eto, ayos lang. Tumatanda na." Natatawang sabi niya, napangiti ako saka kumapit sa braso niya.
   
   
"Really? Hindi po halata." Tumawa si Manang Fe sa akin at pabirong hinampas ang kamay ko, natawa ako dahil doon.
   
   
Sinamahan niya akong makapasok sa loob ng bahay namin. Wala sila Mommy at Daddy dahil nag tatrabaho pa rin. I wonder when they'd stop working.
   
   
"Nasabi ni Markus na uuwi ka ngayon kaya ipinagluto kita, kakain ka ba o magpapahinga muna?"
   
   
"Siyempre po kakain! Miss na miss ko na ang luto mo Manang."
   
   
"Hay nakong bata ka, 'wag mo nga akong binibiro. Chef ka na hindi ba, baka hindi na masarap ang luto ko para sa'yo." Natawa ako at mabilis na umiling.
   
  
"Hindi po ako nagbibiro. Miss ko na po talaga ang luto niyo."
   
   
"O sige halika na. Markus, kumain ka muna rito. Sabayan mo si Elissa."
   
   
Nilingon ko si Kuya na kakapasok lang ng bahay at hindi ko na napansin, itinabi niya ang maleta ko saka lumapit sa amin.
   
   
"Saluhan mo na rin kami, Manang." Sabi ni Kuya.
   
  
Dumiretso kami sa dining room, umupo ako sa dati kong upuan, ipinaghain kami ni Manang Fe. Nagluto siya ng tinola at adobong manok. Natakam ako agad. Iba pa rin talaga kapag ipinagluluto ka.
   
   
"Thank you, Manang." Nakangiti siyang tumango saka umupo sa aming harapan.
   
  
Sabay kaming tatlo kumain, sakto lang pala ang uwi ko dahil tanghalian na. Tulad ng dati sobrang sarap pa rin ng luto ni Manang, walang kupas. Dahil dito ay 'di ko maiwasang ma miss din ang luto ni Mommy. Hihilingin ko nga mamaya o bukas kung hindi siya pagod, na ipagluto ako. Dalawang taon na ang nakakaraan ng bisitahin nila ako, hindi na iyon nasundan simula n'on dahil naging busy na sila lalo.
   
   
"Ikaw ba Elissa, e may boyfriend na?" Biglang tanong ni Manang.
  
   
Natatawa akong umiling.
    
   
"Wala pa po e."
   
   
"Talaga? Bente quatro ka na ah." Natawa ako sa sinabi niya.
   
   
"Nagpapaligaw iyan Manang pero hindi niya sinasagot." Humalakhak si Kuya. Napanguso ako nang pareho na silang tumatawa.
   
   
"Naalala ko dati, sabay din tayong tatlo kumain noon. May crush ka n'on Elissa, hindi ba? Sino nga iyon?"
   
   
"Si Sean po. Pero matagal na 'yon Manang!" Depensa ko kaagad. Natawa na naman sila pareho.
   
   
"Takang taka talaga ako noon bakit nagustuhan niya si Fernandez, Manang Fe." Si Kuya, nang aasar pa rin.
   
   
"Oo nga e, nakikita ko na ang batang iyon at hindi naman kaguwapuhan. Naisip ko baka ganoon ang tipo ni Elissa."
   
   
Lalo akong napanguso nang tumawa na naman sila pareho. Itinuon ko na lang ang atensiyon sa pagkain.
   
   
"Parang hindi naman ganoon ang tipo ni Elissa, Manang." Kumunot ang noo ko kay Kuya nang ngumisi ito.
   
   
May ibig sabihin ang sinabi niyang iyon!
   
   
"Ano ba ang tipo mo hija?"
   
   
"M-mabait..." Mahina kong sabi na ikinatawa ni Kuya Markus. Napanguso ulit ako. Kailan niya ba kasi ako titigilan?!
   
    
"Iyon lang?"
   
   
"Mapagmahal, uh matalino, tapos malinis tapos dapat professional."
   
   
"Ayaw mo sa pogi?"
  
   
"Manang!" Saway ko.
   
   
They keep on teasing me!
   
  
"Nagtatanong lang naman kami." Natatawang sabi ni Kuya Markus.
   
  
"Siyempre dapat g-guwapo rin..." Umiwas ako ng tingin saka sumubo na lang ng kinakain.
   
   
" 'yon!" Masayang sabi ni Manang.
   
   
Nagpatuloy ang pang aasar nila sa'kin hanggang sa matapos ang pagkain namin. Nag desisyon akong magpahinga pagkatapos n'on.
   
   
"Ingat ka, Kuya. Uwi ka ba mamaya?" Lumapit ito sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.
   
   
"Yes, pero baka magabihan." Tumango tango ako.
   
   
Nang makaalis siya ay dumiretso na ako sa kuwarto ko, napangiti ako nang maalala ang nakaraan ko rito. Walang binago sila Mommy kahit oa nag oa renovate sila ng bahay, ang ayos ng aking kama ay gan'on pa rin, ang pagkakalagay ng mga gamit ay gan'on pa rin. Mukhang hindi nagalaw ngunit halatang inalagaan at laging nililinisan.
   
  
Humiga ako sa aking kama at sobrang na miss ko iyon. Napakarami kong alaala sa kuwartong ito! Tumayo ako mula sa pagkakahiga nang maalalang may gamit pa pala akong dapat ligpitin.
   
   
Natulog ako matapos magligpit, hapon na nang magising ako at walang naabutang tao sa bahay maliban sa ibang katulong. Wala si Manang Fe kaya dumiretso ako sa labas at hinanap si Manang Ramon. Nang hindi siya makita ay bumalik ako sa loob at hinanap ang susi ng Fortuner ni Daddy. Hihiramin ko lang sandali dahil mag g-grocery ako. Ipagluluto ko sila Mommy mamaya.
   
   
Bago ako dumiretso sa mall ay pumunta muna ako sa kompanya. Nang makarating ako roon ay agad akong nakilala ng guard saka mabilis akong binati at pinapasok.
   
   
Hindi ko madalas pumupunta rito kahit noon pa. Pumupunta lang naman ako rito kapag isinasama ako nila Mommy, ngayon naman ay dahil sobrang miss ko na sila at hindi na ako makpag antay mamayang gabi. Hindi namn siguro sila ganoon ka busy, at kung sakali mang abala nga sila ay babalik na lang ako.
   
  
Nang makalabas ng elevator ay dumiretso ako sa alam kong opisina ni Daddy, kumatok ako roon. Wala ko pa man nabubuksan ay lumapit na agad sa akin ang sa tingin ko ay sekretarya niya.
   
   
"Hello, Miss. Bawal po kayo rito. May appointment po ba kayo kay Sir?"
   
   
"Uh, wala e. Is he busy?"
   
   
"Ano po ba ang kailangan niyo, Miss? Tatawagan ko po siya."
   
   
"Bibisitahin ko lang sana. Pwedeng paki tawagan na lang po, Ate. Paki sabi si Elissa po." Tumango naman iyong babae saka nag dial sa kaniyang telepono.
   
   
"Hello Sir? May bisita po kayo rito. Elissa raw po, papapasukin ko po ba Sir? Ay opo, sorry po Sir. Okay po."
   
   
Nahihiyang tumingin sa akin si Ate ngunit nginitian ko lang ito. Bago ata itong sekretarya ni Daddy or ni Mommy kaya hindi ako kilala.
   
   
"Sorry po Ma'am. Pasok po kayo." Pinagbuksan niya ako ng pinto.
   
   
"Okay lang po, Ate. Salamat po."
   
  
Ngumiti siya, pumasok ako sa loob ng opisina ni Daddy saka isinara ko ang kaniyang pinto. Nang matapos ay saka ako humarap sa mesa ni Daddy.
   
   
"Elissa!" Ngumiti ako saka mabilis na lumapit sa kaniya.
   
  
"Dad, I missed you!" Hinalikan ko siya sa pisngi. Humiwalay ako sa pagkakayakap saka siya nginitian.
   
  
"You're taller than the last time I saw you. I missed you too, anak. Buti pumunta ka rito." Ngumiti ako at tumango.
   
  
"Dumaan lang po ako, where's Mom?" Nagpalinga linga ako sa loob ng malawak na opisina ni Daddy.
   
   
Nahinto ang tingin ko sa isang tao na nakaupo sa couch, may hawak na ballpen at madilim ang titig sa akin. Those dark eyes...Damn, why is he here? I wasn't prepared! It's not like I have to prepared, siyempre ay nagulat ako. Bakit dito siya?!
   
   
"Your Mommy is probably out by now, may kikitain iyong business partner." Bumalik ang tingin ko kay Dad saka tipid na ngumiti, tumango ako.
   
   
"Arkiel's here nga pala. You won't greet him?" Nagtatakang tanong ni Daddy.
   
  
He's clueless! Wala naman kasi siyang alam sa mg nangyari noon.
    
   
"Uh, h-hello Arkiel. Kamusta na?" Nagtagal ang titig nito sa'kin saka tumango.
   
  
"I'm fine, and you?" Walang ganang sabi nito.
   
  
"Ayos lang din." Umiwas na ako ng tingin.  
   
   
"Dad, pakisabi na lang po kay Mommy dumaan ako. Pupunta po akong mall, may bibil'hin lang." Hindi ko alam kung nagpa-panic ba ako o ano.
  
  
"Oh okay... Paalis na din naman si Arkiel, mabuti pa ay sabay na kayong lumabas. Para hindi na kita ihatid, at marami pa akong pipirmahan."
   
   
"Okay Dad, I'll prepare a dinner later. Alis na po ako." Humalik ako sa pisngi nito at nagpaalam.
   
   
Ramdam ko ang pagsunod ni Arkiel sa likuran ko, nauna akong pumasok sa elevator, inantay ko siyang makapasok bago ko pinindot ng Ground floor. Nasa likuran ko siya at hindi ko alam kung anong gagawin. Natataranta ako dahil kinakabahan ako ng sobrang sobra. After six years! Damn.
   
    
"Yes... I'm going home."
   
  
Napalunok ako ng sariling laway. Ang boses niya ay mas lumaki kumpara noon, lalo rin siyang tumangkad at sa tingin ko ay nag g-gym ito dah halata sa kaniyang katawan. Bakit ko ba pinapansin ang mga ganoon bagay? God, Elissa! Stop it.
   
   
"Hmm, yes. I miss you too." Tumawa ito nang marahan.
   
   
So he has a girlfriend now? Si Venice na kaya? Matagal niya nang inaantay si Venice 'di ba? He said he's going home, baka may asawa't anak na siya? Sino kaya ang napangasawa niya? And why would I care about that?
   
  
Natigil ako sa pag iisip nang mag ring ang phone ko. Sinagot ko agad iyon nang makitang si Kuya Markus ang tumatawag.
   
  
"Hello?" Hininaan ko ang boses
   
   
"Eli, you're with Arkiel right now? Tumawag si Daddy. Wait, don't say my name if you're with Arkiel." Kumunot ang noo ko.
   
   
"Uh yes? Bakit?" Bigla akong nanibago. Hindi ako sanay na hindi siya tawaging Kuya!
    
   
What's on his mind?
   
   
"Wala." Tumawa ito, "I love you, Eli." Kahit nagtataka ay sumagot na lang ako.
   
   
"I love you too, I'll prepare dinner later. Agahan mo umuwi!" Napangiti ako.
   
   
"Alright, Eli. I'll hang up."
   
  
Huminto ang elevator at bumukas, lumabas ako at nilingon ang kasama ko sa likod.
   
  
"Uh, mauna na ako. Bye." Tumingin ito sa'kin, kung kanina ay madilim lang ang titig niya sa akin ngayon ay masama na.
   
   
Kumunot ang noo ko, nilagpasan niya ako nang hindi nagsasalita. Umawang ang bibig ko at napatitig na lang sa likuran niyang naglalakad palayo.
    
   
He changed...why? That's not the Arkiel I used to know!
      
  
    

After HerWhere stories live. Discover now