Chapter 12

32 6 0
                                    



"Kung hindi ko kayo kilala, aakalain kong mag boyfriend-girlfriend kayo." Nagulat ako sa sinabi ni Venice. Tumawa siya, hindi ko alam kung dahil ba sa reaksiyon ko o dahil sa sinabi niya.


"Venice." Arkiel on his warning tone.


"I'm sorry! I just told you what's on my mind!" She apologetically smiled.


"Bata pa si Elissa. Don't say things like that in front of her." Kumunot ang noo ko pero hindi na nagreklamo.


He's treating me like a 5 year old girl at hindi ko nagugustuhan iyon. Hindi ako sumali sa usapan nila dahil hindi ko alam... I'm a bit irritated.


Nagpatuloy sila sa pag uusap ng kung ano ano. The topic isn't me anymore. I'm glad.


"Sabay na tayo mag enroll, Arkiel." Venice blurted out while we're eating. Tahimik lang ako nakikinig, kanina pa sila nag uusap ng kung ano ano. Ganoon din naman ang pinsan ni Venice, hindi umiimik.


"Sure." Mabilis na pag payag ni Arkiel.


He didn't even think twice. At bakit naman niya gagawin iyon? Ipinilig ko ang ulo. Kumuha ako ng tissue at ipinunas sa aking bibig. Tapos na akong kumain.


"You're done? May gusto ka pa ba?" Mabilis akong umiling.


"Busog na ako." I tried not to sound cold or irritated, because I know I am now.


Tumango si Arkiel, inubos ang pagkain saka tumingin sa akin.


"Gusto mo nang umuwi?"


"Hindi p-pa sila tapos." Umiwas ako ng tingin. Just a habit. Nakakahiya namang umalis nang may kumakain pa sa harap namin kahit hindi namin sila kasama.


"Oo nga, Arkiel. Sabay na tayong lumabas." Kita ko ang marahang pag tango ni Arkiel.


Natapos ang pinsan ni Xian ilang minuto ang lumipas, but Venice only ate half of her food.


"Ate, ang bagal mo." Then he's a younger cousin of Venice, huh? I wonder kung ka edad ko lang siya.


"That's how a lady eat." Tumawa ng marahan si Venice, all her moves shows elegance, the way she laugh, eat and talk. Iyon kaya ang mga tipo ni Arkiel?


Elegant yet knows how to fit in. Kayang makipag salamuha, ka level man niya o hindi. Ka edad man o hindi. I smiled bitterly. Bakit ko iniisip ang mga ganoon?


"Done!" Si Venice.


Ngumiti ako ng mapakla at tumango. Tumayo na ako nang tumayo na rin sila. Sabay kaming lumabas ng cafe ngumit nauna akong nagpaalam kay Venice at pumasok na sa sasakyan ni Arkiel.


Mula sa loob ay napatingin ako sa labas. They were still talking to each other. Nang matapos ay umiwas ako ng tingin at inantay na makapasok si Arkiel sa sasakyan.


I don't know but I'm not in the mood anymore.


"Sa bahay na ako, Arkiel." I said, not looking at him. Binuksan ko ang cellphone at nag isip ng sasabihin kay Kuya Markus.


"Is there a problem? Akala ko ay susunod si Markus sa bahay at aantayin mo?" Ngumiti ako at umiling.


"May... gagawin pa pala ako."


Mukhang hindi siya naniniwala pero sa huli ay tumango pa rin at pumayag. Nag text ako kay Kuya,


[Kuya, nasa bahay na ako. Umuwi na. I'm tired]


Hindi siya nag reply marahil ay busy. Mababasa niya rin naman iyon mamaya kaya hinayaan ko na. Pinagmasdan ko ang pamilyar na daan patungo sa subdivision namin. Walang umiimik sa amin Arkiel.


I don't know. Wala na rin naman akong gagawin sa kanila kaya uuwi na ako. At isa pa, it's just awkward and weird to be with him after what happened earlier. No. Wala naman nangyari kanina. It's just me. I'm being weird.


Hindi ko lang siguro nagustuhan ang pag uusap nila sa akin. And how Arkiel treats me like a kid. 5 year old kid.


"May...nasabi ba akong mali?" Lumingon ako kay Arkiel at mabilis na umiling.


"No. Wala...uh I'm sorry. I'm just tired." Tumango siya hindi tumitingin sa akin. Ibinaba niya ako sa harap ng gate namin.


"Thanks sa paghatid." Mahina kong sabi. Tumango siya. Bumaba ako ng sasakyan at kumaway sa kaniya bago tumalikod.


Pinagbuksan ako ng guard gate. Nagpasalamat ako.


"Elissa?" Si Manong nagtataka. Ngumiti ako.


"Nagpahatid po ako kay Arkiel." Nang makuha ang sinabi ko ay tumango siya.


Nagpaalam ako saka pumasok na sa bahay. Dumiretso ako sa aking kuwarto. Humiga at tumitig sa kisame. I have a feeling not wanting to see Arkiel.


Bakit? Hindi ko alam. Ayaw ko siyang makita. Wala naman siyang nasabi o nagawang masama. But I don't think I would fit in his world. World of mature people. I wanted to be his friend but I'm like his sister. Hindi ko naman kinakaibigan ang mga kaibigan ni Kuya dahil alam kong hindi ako maka relate.


Pero gaya ng gusto ni Kuya Markus, gusto niyang magkasundo kami. Ngayong magkasundo na nga kami ni Arkiel, naisip ko namang kahit kailan hindi ako pwede makipag kaibigan sa kaniya.


I don't need another brother. I have Kuya Markus. I don't need Arkiel to be my brother. Hindi ko gusto.


"I missed you, Elissa!" Niyakap ko si Angel. First meeting with her after summer. Medyo naging tan ang kulay niya, kaka isla siguro. Natawa ako ng bahagya.


"I miss you too." I chuckled.


"Gumanda ka lalo ah! Ang puti mo!" Ngumiti ako.


"Sa bahay lang ako, e. Boring."


"Sinabi ko na sumama ka sa'kin e!" Tumawa siya. Natatawa siguro sa akin na hindi man lang nakapag bakasyon.


"Hindi naman payag sila Mommy." Ngumuso siya


"Kaya nga, sayang e. Anyways, tapos na rin naman iyon. Bawi ka na lang next summer!" Tumawa siya, ako naman ngayon ang ngumuso. Inaasar ako.


"Hay nako! Sana hindi na natin kaklase si Sean! Nakakasawa ang mukha."


Natawa ako. First day of school ngayon, ang plano naming sabay mag enroll ay hindi natuloy. Kung ano ang ginawa ko sa loob ng dalawang linggo iyon ay ang pagkulong sa bahay.


"Grabe ka naman." Natatawa kong puna. Nasa loob na kami ng panibagong classroom. Magkatabi ulit kami. May sitting arrangement man alam kong magkatabi pa rin kami ni Angel kung alphabetical order iyon.


"Alam mo may crush ako sa Senior High!" Sabay tili ni Angel. Natawa ako


"Sino?"


"Xian Andralla!" Tili niya. Naisip ko tuloy ang pinsan ni Venice na nakasabay namin kumain two weeks ago. Xian din ata ang pangalan n'on kung hindi ako nagkakamali.


"Hindi ko kilala." Natatawa kong sabi.


"Okay lang! Kapag nakita ko ituturo ko!" Tumango ako.


Dumating ang teacher namin or homeroom adviser kaya natahimik ang lahat. Gaya ng hiling ni Angel wala ko nakita si Sean sa classroom. Ibig sabihin ay hindi namin siya kaklase. Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang harapin siya.


"Ay hala!" Bulong ni Angel. Kumunot ang noo ko.


Nasa cafeteria kami para kumain ng lunch nang bigla na lang siyang nagsalita.


"May girlfriend na ata ang crush ko. Si Venice pa?"


Lumingon ako sa tinitingnan niya. Ang tinutukoy niyang Xian ay ang pinsan nga ni Venice. Dito rin pala iyon nag aaral! Saglit lang ang tingin ko roon at nalipat sa kaharap nila sa upuan, si Arkiel. Umiwas agad ako ng tingin.


Simula ng ihatid niya ako sa bahay two weeks ago, wala na kami nag usap. Hindi na ako sumasama kay Kuya Markus kapag tutungo siya kina Arkiel. Mukhang hindi rin naman niya ako hinahanap at wala naman kaming dapat pag usapan kaya ayos lang.


"Pinsan niya iyon."


"Bakit mo alam?" Si Angel.


"Uh, nasabi ni Venice. Nakasabay namin silang kumain sa isng cafe nakaraan."


"Namin?" Nagulat ako na iyon pa ang napansin niya. Nangapa ako ng salita.


"Ah...iniwan a-ako ni Kuya Markus kay Arkiel kasi kukuha siya ng lisensiya. Kumain kami para mag meryenda. N-nakita namin si Venice at ang pinsan niya." Mahabang paliwanag ko.


"Mabuti at pinsan niya!" Humalakhak si Angel.


Guminhawa ang loob ko. Hindi ko rin alam bakit kinabahan ako na magpaliwanag sa kaniya tungkol sa paglabas at pagkain namin ni Arkiel sa cafe.


"Pero sigurado ka ba?" Ngumiti ako at tumango.


"Good!" Tumawa siya. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang matapos.


Hindi na ako muling lumingon sa mesa ni Arkiel. Sinigurado kong hindi ako titingin doon. I don't feel like I need to.


"Really? Ang bilis Kuya!" Reklamo ko nang ibalita nitong aalis na siya bukas. Tutungo na sa Maynila. Ma m-miss ko siya ng sobra.


"I'm sorry, Eli. I thought makaka abot pa ako sa birthday mo pero na move ang enrollment namin sa susunod na linggo. Kailangan ko pa rin kasing mag asikaso roon."


"Sa sunod na bukas na lang." Paki usap ko, naiiyak na.


"Sorry, Elissa. Hindi pwede e." Naiyak na ako dahil doon. Mabilis niya akong niyakap.


"Susubukan kong umuwi sa birthday mo. Mag video call tayo sa gabi bago ka matulog, before ng klase namin." Pang aalo niya.


Niyakap ko lang siya. I felt like I'm losing my best friend right now. Wala na akong kausap palagi at kasama rito sa bahay. Nandiyan si Manang, pero iba si Kuya Markus.


"Tahan na, Elissa. Bibisita ako kapag may time ako." Sinubukan kung tumigil sa pag iyak. Kakauwi ko lang sa school nang makitang nag iimpake na siya.


Nakasuot pa ako ng school uniform habang kausap siya ngayon.


"Sino ng kasama ko palagi rito?" Mahina kong tanong. Pinipigilan ang maiyak na naman.


"I'll ask Arkiel to visit you sometime, okay?" Umiling ako.


"Ayaw ko, Kuya."


"Si Angel, kung gusto niya. Pwede siya mag sleeo over dito. Kakausapin ko sila Mommy na payagan kang lumabas minsan." Ngumuso ako, naiiyak na naman.


"Pumunta ka sa birthday ko." That's the least I can wish.


"Susubukan ko, Eli. Magbihis ka na roon. Uuwi na sila Mommy mamaya. Kakain tayo." Pinunasan niya ang luha ko. Tumango ako at nagtungo sa kwarto.


Kinaumagahan ay sumama ako kila Mommy para ihatid si Kuya sa airport. Mabuti na lang at sabado. Sobrang biglaan ng alis niya na hindi niya na nagawang magpa handa man lang para sa mga kaibigan. Halos lahat ay nagulat na ngayon na ang alis niya. Ang ilang kaibigan ay hinatid din siya rito, kasama na si Arkiel.


"I'll just talk with my friends, Mom Dad. Balik ako. Samahan mo 'ko Elissa." Tumango sila Mommy at Daddy. Wala na akong nagawa ng hilain na ako ni Kuya.


"Sana pala uminom tayo kahapon!" Salubong ng isang tropa niya. Nasa gilid lang ako ni Kuya Markus at nakikinig.


"Kala ko prank, gago!"


"Sumama pa kayo rito. Ang corny niyo!" Si Kuya. Natawa ako nang bahagya.


"Sinamahan namin si Arkiel, malay mo umiyak!"


"Yuck!" Si Kuya


"Gago." Si Arkiel


"Wait lang, halika Arkiel." Si Kuya.


Lumayo kami ng kaunti sa mga kaibigan niya. Nagtaka pa ako kung bakit.


"Bugbogin mo ang manliligaw dito ha. Bantayan mo, sinasabi ko sa'yo Arkiel. Kapag nalaman kong magka boyfriend 'to, ikaw una kong babalikan."


Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Markus. Lalo akong nahiya kay Arkiel.


"Kuya..." Saway ko. Arkiel chuckled then smiled playfully.


"You're being so protective." Si Arkiel.


"Ano, Arkiel? Umayos ka."


"Okay."


"Sige. Elissa, makinig ka kay Arkiel. At kapag kailangan mo ng tulong ko, siya na lang muna, ha?"


Ngumuso ako. Ayaw kong umiyak. Maraming nakakakita.


"A-ayoko." Umiwas ako ng tingin


"Elissa."


"Kaya ko na ang sarili ko Kuya. Hindi ko k-kailangan si Arkiel."


"Elissa." That's Kuya's warning tone.


"Abala lang ako sa kaniya, Kuya."


"That's not true. Wala namang girlfriend 'to si Arkiel."


Paulit ulit akong umiling, "Kahit na Kuya. College na siya."


"Abala ba ang kapatid ko sa'yo, Arkiel?"


Napasinghap ako at humigpit ang kapit sa braso ni Kuya Markus. Bakit niya pa itinanong iyon? Nakahiya!


"She will never be, Markus."







Salamat sa mga nagbabasa! I also appreciate your votes, and comments. Keep reading!

After HerWhere stories live. Discover now