Chapter 32

68 8 3
                                    




Hindi ako nagtagal sa mall at umuwi rin agad dahil magluluto pa ako. Sinabi rin ng guard na umuwi si Manang Fe sa kanila't hindi na nakapag paalam sa akin dahil nga natutulog ako kanina. Pagkauwi ay tinulungan ako ng mga katulong namin na ipasok ang mga pinamili. Alas cinco nang maghanda ako ng lulutuin.


Abala ako sa paghiwa ng sibuyas at bawang nang mag ring ang cellphone ko, nang makitang si Mommy iyon ay agad kong sinagot.


"Hello, Mom?" In-on ko ang loud speaker saka ipinagpatuloy ang ginagawa.


"Hija, your father told me magluluto ka raw?"


Natawa ako ng mahina, "Yes po, Mommy. Uwi po kayo ng maaga."


"Can I invite your Tita Mariela? She misses you too."


Napahinto ako sa paghiwa, "Okay l-lang naman po, Mommy."


Kung pupunta si Tita Mariela ibig sabihin ay sasama si Arkiel? Maybe not? Kung may pamilya na ito siguro naman ay matagal ng bumukod? Tama.


"That's settled then. Uwi kami around 8 pm."


"Okay Mommy, ingat po."


"Alright. I'll hang up."


Nang ma end ni Mommy ang call ay kusang nag off ang phone ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa para matapos na. Hindi naman naging mahirap sa'kin ang magluto ng marami dahil tinutulungan naman ako ng mga kasambahay namin sa pagluto.


Dalawa at kalahating oras ang itinagal ng pagluluto ko at nakakapagod iyon. Tinikman ko ang huling dish saka tinakpan nang malasahang masarap na.


"Ate, itabi lang po muna. Tas pahain na lang po ako before eight pm. May bisita po pala sila Mommy."


"Sige po, Ma'am. Kami na po bahala, magpahinga na po kayo." Ngumiti ako at tumango.


Tinanggal ko ang apron na suot saka lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Ayaw ko sana dahil nababad ako sa init ngunit kailangan ko ring maligo talaga dahil nangangamoy pawis na ako.


Matapos maligo ay naghanap ako ng dress sa closet ko. Napangiti ako nang makita ang mga lumang dress doon, nahagip din ng aking tingin ng brown cap na maayos na nakalagay doon. Iyon 'yong binigay sa akin ni Arkiel.


Ipinilig ko ang ulo saka kinuha ang kulay pink kong puffed sleeve dress, lampas tuhod ang haba n'on at square line ang collar. Nagsuot lang din ako ng puting flat sandals. Matapos ayusin ang aking buhok ay kinuha ko na ang cellphone sak lumabas ng aking kuwarto.


Dumiretso ako sa living room, wala pa sila Mommy kahit eight twenty na. Baka busy pa. Hinanap ko ang remote ng TV saka binuksan iyon, naghanap ako ng magandang movie sa Netflix saka inabala ang sarili sa panunuod.


Eight thirty nang makarating sila Mommy, narinig ko kasi ang maingay na tawanan papasok sa loob ng living room. In-off ko ang TV saka nilingon sila.


"Elissa!" Mommy exclaimed, I smiled and hugged her.


"I miss you, Mom." Hinalikan ko siya sa pisngi.


"Tumangkad ka lalo." Ngumiti ako saka nilingon ang kasama niyang si Tita Mariela na ngayon ay nakangiti na sa akin.


"Tita, I miss you rin po." Lumapit ako saka niyakap siya.


"Aww, I missed you too hija. Dalagang dalaga ka na. The last time I saw you, were five years ago pa ata." Ngumiti ako saka humiwalay sa kaniya. Umupo kaming lahat sa sofa. Si Mommy at Daddy ay magkatabi samantalang ako ay tinabihan si Tita Mariela. I wonder where's Tito Miguel?


"Ngayon lang po nagkaroon ng pagkakataon na makauwi e."


"Sabagay, I heard you're very successful right now. Dapat ay magpahinga ka na at mag asawa!" Tumawa kaming tatlo, maski si Daddy sa gilid ay nakitawa.


"Well, may boyfriend ka na ba anak?" Natatawa akong umiling kay Daddy.


"Pero nagkaroon ba?" Si Tita Mariela naman.


"Wala po, masyadong busy sa school. Hindi ko po naisipan iyan." Natawa ako ng mahina.


"Tama ang Tita Mariela mo anak. Dapat ay nagpapahinga ka na sa pagtatrabaho at nag b-boyfriend na!" Sabi ni Mommy.


Natawa ako ng alanganin dahil ang hirap naman ata ng pinapagawa nila.


"Si Kuya Markus po pala? Mom?" I diverted the topic.


"Ay oo nga saan na ang mga 'yon, ang tagal nila." Sabi ni Mommy.


Nila? Imposibleng si Anaia because they broke up four years ago. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit, ang alam ko lang wala na sila. Baka nagkabalikan? Sayang pa naman sila.


"Baka parating na iyon." Tumango ako sa sinabi ni Daddy.


"Baka may binili pa sila." Si Tita Mariela naman.


"Baka iinom ang dalawang iyon." Sabi naman ni Mommy.


Kumunot ang noo ko, may pakiramdam na akong hindi si Anaia ang kasama niya ngunit sana naman ay hindi totoo ang pakiramdam ko. Nagpaalam sila Momny at Daddy na magbibihis na lang muna siguro dahil mukhang matagal pa sila Kuya Markus at ang kung sino mang kasama nito. Naiwan kami ni Tita Mariela sa living room.


"Ang tagal nila excited na akong matikman ang luto ni Elissa." Nakangusong reklamo ni Tita Mariela. Natawa naman ako.


"Sana po ay magustuhan niyo."


"Of course! Sikat kaya ang restaurant mo lalo na iyong branch niyo sa Quezon." Napangiti ako saka tumango.


Kaya nga rin under renovation iyon ay dahil mas gusto kong palakihin dahil nga sobrang nag clicked talaga iyon doon. Mabuti nga rin at pinayuhan ako ng isng VIP customer na maganda mag tayo ng branch sa Quezon.


"Magagaling din po kasi ang mga hinire kong chef."


"Yes, but I heard it's your own recipe."


"Opo, Tita."


Nagpatuloy ang kuwentuhan namin hanggang sa makarating sila Kuya Markus at...Arkiel.


Bakit siya?


"Anak ang tagal niyo, kanina pa kami naiinip!" Reklamo ni Tita Mariela kay Arkiel, tumawa naman ang huli.


"May binili lang, Mom."


"Hello Tita." Bati ni Kuya Markus, pinanuod ko siyang yakapin si Tita Mariela.


Napansin niya ata ako kaya tumingin ito sa'kin. Ngumiti ako gan'on din siya. Ngunit may halong pang aasar iyon.


"Anak hindi mo babatiin si Elissa? Ano nahiya ka na ba ngayon? You two were close before right?"


Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Rinig ko ang tawa ni Kuya Markus, napalunok ako saka alanganing ngumiti.


"Nagkausap na po kami kanina, Tita." Ako na ang sumagot dahil mukhang walang plano si Arkiel. Ni hindi nga ako nito tinitingnan.


"Ah ganoon ba. Ngayon ang Momny at Daddy mo na naman ang matagal." Natatawang reklamo niya.


"Ipapatawag ko po." I excused myself, pumunta ako kila Ate na sa tingin ko ay sa kusina. Nang makakita ako ng isang kasambahay ay nakiusap ako na tawagin sila Mommy at kakain na. Bumalik ako sa living room pagkatapos.


"Pababa na rin po iyon Tita, hintayin na lang natin sa Dining."


"Mabuti pa nga, tara na." Ngumiti ako at tumango.


Pinauna ko si Tita Mariel maglakad at nasa likuran niya lang ako. Mukhang alam naman niya kung saan ang dining room dahil siguro ay madalas din siyang dal'hin ni Mommy rito.


Tumabi sa akin si Kuya Markus kaya nilingon ko siya. Ngumisi ito kaya kumunot ang noo ko.


"Kuya bakit?" Bulong ko. Tumawa ito.


"Nothing, tinitingnan lang naman kita." Lalong kumunot ang noo ko.


Inakbayan ako nito, napailing ako dahil minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan.


Naupo ako sa upuan ko. Tumabi sa akin si Kuya Markus, kaharap ko si Arkiel na katabi ni Tita Mariela. Maya maya pa ay nag serve na ng pagkain, sakto ring dumating na sila Mommy.


"Ang dami naman hija, hindi ka ba napagod?" Nakangiti akong umiling kay Tita Mariela na mukhang naawa pa sa'kin.


"Tinutulungan naman po ako nila Ate. Kaya medyo madali at mabilis lang." Tumango ito.


"So, I guess we should start to eat?" Sumang ayon kami sa sinabing iyon ni Daddy.


Panay ang papuri nilang lahat sa niluto ko habang kumakain kami. Maliban kay Arkiel na sobrang tahimik. I wonder if he likes my the food I cooked? Naaalala ko noon, nangako ako sa kaniyang siya ang unang papatikimin ko ng luto ko kapag marunong na ako. But I guess, promises are always meant to be broken.


"Na miss ko tuloy iyong araw araw akong niluluto ni Elissa." Natawa ako sa sinabi ni Kuya Markus.


Back when I'm still in college palagi ko nga talaga siyang ipinagluluto dahil nag p-practice pa lang ako n'on, maybe one of the reason why I became a chef is Kuya always motivates me by saying na sobrang sarap talaga ng luto ko. Araw araw niya iyon ipinapaalala kaya tumaas ang confidence ko.


"Ilang buwan ka ba rito anak?" Biglang tanong ni Mommy.


"Pagtapos po ng birthday ni Kuya Markus ay baka bumalik na rin ako sa Maynila."


"What? Ang bilis naman!" Reklamo ni Kuya Markus na nginitian ko lang.


"Hija you should consider my suggestion na magpahinga ka na sa pag ta-trabaho at magpakasal na." Sabi ni Tita Mariela.


"Sobrang bilis nga n'on, Elissa." Sabi naman ni Daddy.


"Oo nga anak, pag isipan mo. Ihahanap ka namin ni Tita Mariela mo ng magiging boyfriend." Naubo ako bigla.


Uminom ako ng tubig saka umiling kay Mommy.


"Hindi na po, Mommy. Wala pa sa isip ko po 'yan." Tumawa silang lahat maliban kay Arkiel.


"Para kang si Arkiel. Wala pa raw sa isip ang mag asawa. E kailan pa? Kapag uugod ugod na ako? Gusto ko na ng apo." Nagulat ako sa sinabi ni Tita.


Ang akala ko ay pamilyado na siya! God, what am I thinking?


"Mom." Seryosong saway ni Arkiel sa Mommy niya.


"Maraming magagandang anak ang mga kaibigan ko Arkiel, baka gusto mo." Natatawang sabi ni Daddy.


"Baka ang gusto Dad ay iyong sa tabi tabi lang." Humalakhak si Kuya Markus matapos sabihin iyon.


What the hell happened to Venice? Baka naging sila tapos naghiwalay? That's impossible!


"Ano ba ang mga tipo mo Arkiel?" Si Mommy ang nagtanong.


Huminto sa pagkain si Arkiel saka uminom ng tubig.


"Iyong simple lang, Tito."


"Paanong simple?" Nakangising tanong ni Kuya Markus.


"Ang dami ko ng ipinakilalang simple sa'yo ah!" Natawa ang lahat sa reklamo ni Tita Mariela. Kahit ako ay napangiti dahil parang pinagtaksilan ito ayon sa itsura niya ngayon.


"They're not my type."


"Simple? Iyon lang?" Tanong ni Daddy.


Hindi ko alam kung bakit hindi nakukulitan si Arkiel sa mga tanong nila ngunit mabuti na rin iyon at hindi na ako ang pinag uusapan. Tahimik na lang akong kumain habang sila ay nag uusap usap.


"Gusto ko po iyong hindi marunong magluto." Kumunot ang noo ko nang sinabi niya iyon habang nakatingin sa'kin.


How dare he? Ngayon ay kaya niya nang ipamukha sa'kin na hindi niya ako gusto? God! I already know that! Simula pa lang alam ko na, that's why I left right? Sino siya para ipamukha sa akin ang katotohanang umpisa pa lang ay alam ko na?


Tumawa ng malakas si Kuya Markus habang ang tatlo ay nagtataka.


"Bakit ayaw mo sa marunong magluto?" Tanong ng Mommy niya.


"Mom, because obviously I can cook." Tumawa na naman si Kuya Markus, natawa na rin ang tatlo.


"Pwede rin namang pareho kayo Arkiel. Pero sabagay iba iba naman tayo ng mga tipo." Natatawang sabi ni Mommy.


"Alam mo kasi Mom, ang gusto ni Arkiel ay ipagluto niya ang babaeng gusto niya. Gan'on." May pa iling iling pang nalalaman si Kuya habang sinasabi iyon.


So, that means what? Hindi ako ang pinapa ringgan niya? Ba't kailangan niyang tumingin sa akin kung ganoon? I shouldn't assume but Arkiel si making me.


Natapos ang dinner namin, umuwi si Tita Mariela agad na hinatid nila Mommy at Daddy. Si Arkiel ay naiwan dahil mag iinuman pa sila ni Kuya Markus.


"Elissa, sama ka?" Tanong ni Kuya Markus, gusto kong tumanggi ngunit na miss ko na rin makipag inuman kay Kuya.


I started drinking when I turned twenty one. That's the time when Anaia and Kuya Markus broke up, nag inuman kami. Naalala ko pa na iyak siya ng iyak n'on.


"Susunod ako, Kuya. Papalit lang ako damit." Ngumiti siya at tumango. Sa roof top nila napiling mag inuman, dumiretso muna ako sa kuwarto at nag bihis lang ng jogging pants at plain tee shirt. Sumunod ako sa roof top at naroon na silang dalawa.


Ayos lang naman siguro na sumama ako dahil bukod sa hindi naman ako kinakausap ni Arkiel ay iaabala ko na lang ang sarili kay Kuya Markus. Catch up lang, lalo na't na missed ko ang dalawang taon na kasama siya.


Mojito lang ang iniinom nila, umupo ako sa tabi ni Kuya. Inabutan niya ako ng shot glass na may laman na, kinuha ko naman iyon at ininom.


"I thought you wouldn't let her drink even if she's thirty?" Biglang tanong ni Arkiel. Kumunot ang noo ko, ano naman iyon sa kaniya?


Tumawa si Kuya Markus, "Well she knows how to control herself naman."


Tumaas ang kilay ni Arkiel sunod ay napatingin sa akin. Umiwas agad ako ng tingin.


"Really, Markus?" Sarcastic na sabi nito.


"Yes, engineer." Nakangising sabi ni Kuya.


Muntik ko nang makalimutan na engineer na nga pala ito. I heard a lot about him, sikat siya sa bilang engineer. I heard sa abroad nag trabaho, at iyong mga projects niya ay big time.


Tumagal ang inuman namin hanggang sa maubos namin ang isang bote. Ang huling shot ay akin, ininom ko agad iyon.


"Smirnoff na lang tayo, kuha ako sa baba." Sabi ni Kuya Markus, hindi niya kami inantay na makasagot at basta na lang umalis.


Napatingin ako sa wrist watch na suot at malapit na mag ten pm. Kaya pala ang lamig na. Humikab ako saka kinuha ang cellphone, hindi ako tumitingin kay Arkiel dahil natatakot ako na sa oras na tumingin ako sa kaniya ay mahuli niya ako.


Para abalahin ang sarili ay nag text na lang ako kay Angel dahil nakalimutan kong sabihin na nakauwi na ako. Excited na tuloy akong makita siya ulit. Nang ma isend iyon ay in-off ko na ang cellphone.


"Texting your boyfriend?" Biglang salita ni Arkiel.


"Bakit?"


"I'm asking you." Matigas ang tonong sabi nito.


"Wala akong boyfriend." Matigas ko ring sabi.


Parang bumalik tuloy kami noong una. Iyong hindi pa kami close, iyong palagi kaming nag aaway dahil lagi niya akong pinapakealaman. Ang huling away namin ay iyong binasa niya ang letter ko kay Sean.


"Then you're just randomly saying 'I love you' to anyone?"


"Of course, I'm not." Mabilis kong tanggi. Anong tingin niya sa akin?


"Sino 'yong kausap mo kanina?" Sumandal ito sa upuan at tinaasan ako ng kilay.


"Bakit?"


"I'm asking you."


"Bakit mo tinatanong." Kumunot ang noo niya, umigting ang panga niya pagkatapos. He looks mad.


"Hindi mo iyon boyfriend? You're obviously lying to your family." Nalaglag ang panga ko.


"When did I lie, Arkiel?" Naiinis kong tanong.


"Obviously, when you said that you don't have a boyfriend." Galit nitong sabi.


"Wala naman talaga akong boyfriend!" Nakatitig pa rin ito at parang hindi naniniwala sa akin.


"Ikaw siguro ang nagsisinungaling! Sabi mo wala kang girlfriend pero tumawag ang girlfriend mo kanina hindi ba, saying she missed you." I burst out.


Nagsisisi akong sinabi ko iyon dahil galit na galit na ngayon ang ekspresyon ni Arkiel. Did I reveal his secret? Na may girlfriend siya at ayaw niya lang sabihin sa Mommy niya?


"You're not even sure if that was my girlfriend or not." May diin ang bawat salitang sinabi niya.


"The same goes for you." Seryoso kong sabi.


How dare he accuse me as a liar.


"You've been a bad girl, Elissa." Tinaasan ko siya ng kilay.


At paano naman niya nasabi iyon?


"You made me wait for fucking six years baby, when I thought I'd only wait for four."


Ha?


After HerKde žijí příběhy. Začni objevovat