Chapter 23

32 7 0
                                    





"Hindi mo tatawagan si Venice?" out of the blue kong tanong kay Arkiel.


"Later, Elissa." Napatango tango ako roon, miss na raw siya ni Venice at siyempre kailangan niya iyong tawagan mamaya para sabihing miss niya na rin ito.


"Bakit hindi mo na lang siya sinama kung ma m-miss niyo lang din ang isa't isa?" Tiningnan ko siya, sana ay nahimigan niya ang sarkasmo sa mga salita kong iyon.


"I already told you, she's out of this vacation." Lumiit ang mga mata niya at mataman akong tinitingnan, naiinis na ata dahil pa ulit ulit ako.


"Ayos lang naman kung isama mo, look at Anaia." He frowned, itinabi niya ang baso ng kaniyang halo halo sa gilid saka malalim akong tinitigan.


"She's obviously your brother's girlfriend."


"Nililigawan." Pagtatama ko rito. "Hindi ba't may plano ka namang ligawan si Venice?" Kitang kita ko ang pagbabago ng reaksiyon nito, nakakunot na ang noo at parang naiirita.


"Where did you get that idea?"


"Hindi ba?" Takang tanong ko.


"Wala akong plano, Elissa. Wala akong panahon sa mga ganiyan." Tinaasan ko siya ng kilay, really? Hindi ako naniniwala.


"Then what are you two? Just flings?" Kumunot ang noo niya saka pumangalumbaba at hinilot ang kaniyang sentido.


"Where did you learn that word? Really? Fling?" Hindi makapaniwalang tanong niya.


"It's all over school, social medias and people, obviously."


"We're not flings. I don't flirt." Nalaglag ang panga ko sa kaniya, he don't flirt? Really huh?


"Stop fooling me Arkiel." Kumuha ako ng tissue saka itinabi na rin ang ang baso ko nang maubos ko na iyong halo halo na kinakain.


"I am not."


Tiningnan ko lang siya at hindi na pinansin, binayaran ko iyong order namin at nagpasalamat. Inaya ko ng lumabas si Arkiel at sumunod naman siya sa akin. Nahagip agad ng tingin ko ang dagat kung saan may nag j-jets ski. Nainggit ako roon pero hindi ko na pinansin, hindi ako papayagan kung hindi si Kuya ang kasama at lalong malabo iyon dahil abala siya kay Anaia.


"You want to try that?" Napansin ata ni Arkiel na napatagal ang titig ko roon, umiling ako agad.


"Bukas na lang, ayain ko si Kuya."


"Ako na ang sasama sa'yo bukas." Kumunot ang noo ko.


"Bakit? Sasamahan ako ni Kuya. Hindi niya ako tatanggihan, Arkiel."


"I know that. How about his girlfriend?" Napaisip ako roon. Kung aayain ko ngang mag jet ski si Kuya Markus, paano naman si Anaia? Pwede namang palitan kami, pero masisira ko ang panliligaw ni Kuya. Bumuntong hininga ako.


"Okay." Tumango siya at hindi na nagsalita, naglakad kaming muli.


Iyon lang ang ginawa namin ni Arkiel buong mag hapon, mag try ng iba't ibang pagkain at bumili ng kung ano ano. Hapon nang matapos kami at nagpasya ng bumalik sa hotel.


"Elissa." Nilingon ko siya, nabuksan ko na ang pinto nang tinawag ako nito.


"Yes?"


"I'll text you later." Kumunot ang noo ko,


"Bakit?"


"Mag n-night swimming ka 'di ba? I'll text you."


"Okay." Pumasok na ako sa loob nang tumango siya. Aayain ko rin sila Kuya at Anaia mamaya baka gusto rin niyang mag swimming.


Wala pa si Kuya Markus sa loob ng room namin nang makapasok ako. Nakaramdam ako ng panlalagkit ng katawan dahil sa pawis, kaya napag pasiyahan kong maligo muna. Nang matapos ako sa pagliligo ay mabilis na akong nagbihis ng simpleng maong shorts at printed shirt. Inabala ko ang sarili sa cellphone at hindi na nag text pa kay Kuya Markus dahil baka ma istorbo ko lang siya.


Alas sais nang makauwi si Kuya Markus.


"Hey, how are you? Nag enjoy ka ba?" Ginulo nito ang buhok ko gaya ng lagi niyang ginagawa, napangiti ako.


"Ayos lang Kuya. How about your date?" Nginitian ko siya nang makahulugan, isinara niya ang pinto saka tumawa.


"Baka sagutin na 'ko pa'no ba 'yan." Natawa ako sa kaniya. Umupo kami sa sofa saka niya niyakap ang unan, kinikilig pa ata! Lalo akong natawa.


"I'm glad you enjoyed."


"Bakit ikaw?"


"Ayos lang naman, ang kill joy lang ni Arkiel e ayaw mainitan." Ngumuso ako at yumakap din sa isang throw pillow. Tumawa si Kuya.


"Pagpasensyahan mo na lang, ganoon talaga iyon. Bukas samahan kita, sorry." Umiling ako kay Kuya.


"Ayos lang, Kuya. Masaya naman ako kanina." Lumungkot ang mukha niya at nag seryoso kaya tumawa ako


"Totoo nga! Masaya nga ako kanina." Pagpapagaan ko ng loob niya, akala niya siguro ay napapabayaan niya na ako.


"Halika nga." Lumapit naman ako sa kaniya at tumabi. HInawakan niya ang kamay ko at hinalikan sa noo. Sumandal ako sa balikat niya, aalis na ulit siya sa katapusan at ma m-miss ko na naman siya ng sobra sobra.


"Sorry, dapat ay bakasyon natin ito." Umiling ako


"Kuya magkasama naman tayo ah, and I enjoyed. I'm also happy for you. Anaia is good for you." Hinaplos niya ang buhok ko saka nilaro ang mga daliri ko.


"Bukas mag island hopping tayo. Sorry napapabayaan ata kita. Baka si Arkiel na ang pumalit sa'kin niyan." Tumawa siya nang marahan, nagawa pang mag biro.


"You're my only brother Kuya, I love you."


"I love you too. Maliligo muna ako, may gagawin ka ba?" Tumuwid ako mula sa pagkaka sandal, saka tumingin sa labas ng binta medyo palubog na ang araw. Pwede na siguro mag night swimming maganda rin makakita ng sunset e.


"Pwede ba akong mag night swimming?" Kumunot ang noo ni Kuya.


"Ikaw lang?" Umiling ako agad,


"Kasama si Arkiel, babantayan niya lang ako ayaw niya mag swimming e. Pwede rin kung gusto niyong sumama ni Anaia. Please, Kuya?"


"Anaia's probably sleeping now. Tatawagan ko muna si Arkiel." Tumango ako


Tulad ng sinabi niya ay tinawagan niya nga si Arkiel, nagtatanong kung ayos lang ba. Natapos ang usapan nila at saka ako kinausap ni Kuya.


"Baka may mga lalaking nag s-swimming lumayo ka ha. At wag masyado sa malalim, Eli. Ingat ka." Natuwa naman ako dahil pumayag nga siya kagaya ng sinabi ni Arkiel.


"Yes, yes. I will. Thanks Kuya."


"Okay, maligo muna ako. Aalis ka na?"


"Magbibihis pa." Tumango siya saka dumiretso sa banyo. Sakto namang nag vibrate ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Arkiel na naka display, t-inext niya ako!


Arkiel:


Hi. Magbibihis lang ako saglit.


Agad akong nagtipa ng ire-reply.


[Hello...Okay! Magbibihis pa rin ako.]


Nang ma send ko iyon sa kaniya ay iniwan ko na ang cellphone sa sala at kinuha na ang inilaan kong rash guard, short style iyon at one piece lang. Nang maisuot ay kumuha na rin ako ng pony tail. Sa mga pagkakataon lang na ganito ako nag tatali ng buhok, madalas ay hindi dahil iyon ang bilin ni Mommy.


Kinuha ko ang itim na tsiñelas at sinuot iyon. Bumalik ako sa sala at i te-text ko na lang si Kuya Markus. Nagtipa ako ng mensahe,


Elissa:


Kuya, alis na 'ko. Sunod kayo ni Anaia kapag nagising na siya. Mauuna na 'ko, I love ton
watch sunset outside. Thank you ulit, love youu mwa


Nang ma i send iyon ay lumabas na ako ng room namin. Wala pa si Arkiel kaya dumiretso na ako sa tapat ng kuwarto niya at kumatok doon. Ilang katok lang nang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin si Arkiel suot ang kulay gray na board short at kulay itim na polo shirt. Nakabukas ang tatlong butones ng kaniyang polo, napansin ko iyon dahil doon lang ang level ng tingin ko dahil nga ang tangkad niya, tumikhim ako saka gumilid para makadaan siya.


"Let's go." Tumango ako sa kaniya


Tahimik kaming sumakay ng elevator. Walang nagsasalita hanggang sa makarating ng ground floor, lumabas kami sa hotel at tuwang tuwa ako sa papalubog na araw.


"Ang ganda!" Mangha kong sabi. Nasa gilid na kami ng dagat at nabasa na ng tubig ang paa ko.


"Give me your slippers." Tumango ako sa sinabi ni Arkiel at hinubad ang tsiñelas na suot ko. Malinis naman iyon basa nga lang pero kinuha niya pa rin sa akin.


"Sigurado kang ayaw mo? Ang ganda ganda Arkiel." Ngumiti siya at umiling.


"Go on." Sumenyas siyang maligo na ako. Umupo naman siya sa buhangin, at pinanuod lang ako. Hanggang tuhod ko na ang tubig ng may sumipol hindi kalayuan. Napatingin ako roon, at tatlong lalaki na ang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko at hindi sila pinansin. Naglakad pa ako hanggang sa maging hanggang bewang ko ang tubig.


Nilingon ko si Arkiel, ngumiti ako sa kaniya dahil tuwang tuwa ako sa papalubog na araw na nag b-blend ang kulay sa dulo ng dagat. Sobrang ganda! Ngumiti rin sa akin si Arkiel.


Umupo ako para mabasa ang aking katawan, saka lumangoy saglit pagkatapos ay umahon. Nakaharap ako sa pwesto ni Arkiel kaya tumalikod ako para makita ang view ng papalubog na araw, nag kulay orange ang langit.


Puma ilalim ulit ako para lumangoy. Pagka ahon ay saktong nakita ang tatlong lalaki na nakatingin sa akin. Hindi ko sila pinansin saka lumangoy palapit sa pwesto ni Arkiel. Umahon ako nang makitang mababaw na masiyado. Nakita kong nakatayo na si Arkiel sa gilid.


"Come here. Doon tayo sa kabila." Tumango ako, at sumunod sa kaniya. Umihip ang hangin at nanuot agad ang lamig sa basa kong katawan.


"Go on." Tumango ako at lumusong na ulit sa tubig. Malayo na sa tatlong lalaki kanina. Ni hindi na nga ulit ako lumingon doon.


Wala akong ginawa roon kun'di ang lumangoy ng pabalik balik. Habang si Arkiel ay walang ginawa kun'di ang panuorin ako.


"Masarap ang lamig ng tubig Arkiel. Ayaw mo talaga?"


Umiling siya, "Don't tempt me."


Natawa ako roon. Pabiro ko siyang tinalsikan ng tubig, kaunti lang naman iyon at hindi naman siya mababasa.


"Stop it." Tumawa lang ako.


"You should enjoy, Arkiel. Hindi ka ba na b-bored? Kanina ka pa nakaupo riyan." Umupo ako sa buhangin at naging hanggang leeg na lang ang tubig, kalmado ang dagat dahil gabi na kaya wala ng malalaking alon.


"I'm enjoying the view."


"Wala ng view, Arkiel. Madilim na oh." Tinuro ko pa ang kalangitan para makita niya.


"I'm not even looking at the sky, ano ngayon kung madilim na?" Nakangising tanong niya.


"You said you're enjoying the view." Kunot noo kong sabi.


"Yes, view of you, Elissa." Nginusuan ko siya saka tinalikuran.


Kahit gabi na ay hindi pa rin nakakatakot lumangoy dahil maraming ilaw at tao, wala nga lang masyado sa tabi namin. Pero hindi nman ako takot. Lumangoy ako sa ilalim saka naisipang magpatagal sa ilalim ng tubig dahil sanay naman ako. Tatakutin ko lang si Arkiel, sa may bandang gilid kasi kami hindi kalayuan sa parteng may nag s-swimming.


Matatakot kaya iyon kung matagal akong umahon at mag isa na lang siya? Natawa ako sa naisip. Dahil nauubusan na ako ng hininga sa tagal ng hindi pag ahon, ay umahon na rin ako. Baka mamatay pa ako.


"Elissa! Fuck!" Nagulat ako nang makita si Arkiel na nakatayo sa mas malalim na parte ng dagat. Mukhang kaka ahon niya lang. Oh God, akala ba niya ay nalunod na ako?


Nang sa wakas ay makita niya ako, hindi nakatakas sa aking paningin ang galit sa kaniyang mga mata.


"A-arkiel..." Tawag ko. Galit na galit siya at parang lulunurin niya ako ng tuluyan anytime. Mabilis siyang lumapit sa akin.


"Are you out of your mind?" Marahas niyang tanong, this is the first time I saw him...super mad, worst is he's mad at me.


"H-hindi ko alam na...susunod ka. Tatakutin l-lang san kita-"


"I was so fucking scared, Elissa!" Nakagat ko ang labi para pigilang umiyak sa lakas ng sigaw niya.


"I'm s-sorry. Hindi k-ko sinasadya..." Uminit ang gilid ng mga mata ko. I've never been scolded, this is the first time...and it was Arkiel.


"Sorry." Sabi ko nang hindi siya nagsalita, and with that, I cried. Hindi ko na kinayang pigilan. Mabilis kong pinunasan ang luha.


"B-bumalik na lang tayo. Hindi na ako mag s-swimming." Sunod sunod ang patak ng luha ko na agad kong pinupunasan.


Ally my life, hindi ko pa naranasang masigawan at pagalitan. Ganito pala ang pakiramdam. Sobrang sakit.


"Come here. I'm sorry." Nilingon ko si Arkiel, hindi tulad ng kanina, malambot na ang ekspresiyon niya ngayon. Lumapit ako sa kaniya,


"I'm so sorry, h-hindi ko na uulitin." Siya na ang nag punas ng luha ko.


"I'm sorry for the curses, baby. Hindi ko sinasadya. I was worried." Lalo akong naiyak at hindi ko alam kung bakit.


"Sorry, hindi ko na uulitin." Dugtong niya.


Siya na ang nag so-sorry at ibig saihin n'on ay hindi na siya galit, ngunit bakit mas naiiyak ako?


"I'm sorry for making you cry. I'm sorry baby." Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap. Napasubsob ako sa dibdib niya at tahimik na umiyak.


I don't want Arkiel to be mad at me, hindi ko kaya ang sakit. I like him so much, mas masakit pa ata ang isiping hindi kami pwede kaysa sa sigaw niya.


I like him, but it's impossible for him to like me back. I'm just a friend...or worst, he just think of me as his sister.


And that hurts, so much...

After HerWhere stories live. Discover now