Chapter 14

29 6 2
                                    




"Relax, Kiel. Nagbibiro lang ako." Sabay halakhak ni Felix saka bumaling sa akin


"I hope I didn't make you feel uncomfortable, Elissa." I smiled awkwardly and shooked my head as a no. Kahit na ang totoo ay hindi naman talaga ako kumportable.


"Nawala nga si Markus, nariyan naman si Arkiel!" Humalakhak si Lorcan, inaasar si Felix.


"Nakaraan ka pa kasi gustong pormahan nito, Eli. Hindi makahanap ng pagkakataon dahil nariyan si Markus." Kwento ni Lorcan, ngumiti ako ng tipid. Pinilit kong ipakita na interesado ako kahit hindi naman.


"Akala ata magkakaroon na ng pag asa ngayong wala na si Markus." Tumawa siya ng malakas ganoon na rin ang iba pa.


"Tumigil nga kayo!" Si Felix, sinasaway ang mga nang aasar.


"Asa ka naman, nandiyan si Arkiel uy!" Si Samuel.


Kinuha ko ang isang baso ng juice at uminom roon. Nag asaran sila at hindi ko mapigilang mapatingin kay Arkiel. Madilim ang titig nito. Nakatingin sa cellphone, parang may kaaway. Umiwas ako ng tingin. Bahala siya.


"Sorry natagalan." Si Angel nang makarating, ngumiti ako at tumango. Finally! May makakausap na ako rito at hindi na nila ako guguluhin or tatanungin ng kung ano ano.


"Bakit natagalan ka?" Kumunot ang noo ko nang umiwas ng tingin si Angel. Mukhang may ayaw sabihin.


"Bakit, Angel?" Ulit ko.


"Eh...kasi, uh...ano. Si xian narito pala?" Bulong niya. Natawa ako nang marahan.


"Siguro, kasi pinsan niya si Venice. Malamang nandito siya, Angel."


Tumango tango siya, uminom ng juice kala mo ay uhaw na uhaw.


"Nakasalubong ko pabalik." Tumango ako, inantay na mag kwento siya.


"Nag hi sa'kin, Elissa."


"Oh e'di mabuti!" Ngumiti ako.


"Pero hindi ko pinansin." Umirap siya. "Ano siya lang ang marunong? Duh!"


"Pero akala ko crush mo?"


"Hindi porque crush mo Elissa ay hahayaan mong i-snob-in ka. Dapat gantihan mo!" Tumawa siya.


Napailing ako at natawa. "I can't believe you, Angel!"


"Oo nga! Sino ba siya? Crush ko lang naman siya." Tumawa siya, natawa na rin ako.


"Paano kung magkita kayo sa susunod?" Hindi ko naiwasang magtanong.


"I don't know Elissa. Baka hindi ko na rin siya crush." Tumawa siya.


"Gusto mo na?" Mabilis niya akong hinampas ng mahina sa balikat.


"Hindi 'no!" Natawa ako at tumango.


"Anong oras tayo uuwi?" Tanong ko nang makita sa suot na relo na eight thirty na.


"Ikaw ba? Okay lang naman sa'kin. Wala naman tayong masyadong kilala rito."


"Sige, hanapin ko lang si Venice."


"Sabihan mo muna si Arkiel." Kumunot ang noo ko, nagtaka pa ngunit sa huli ay naalala kong siya nga pala ang maghahatid sa amin. Tumango na lang ako


"Hanapin ko si Irish. Iyong kausap kanina magpapaalam lang ako nakakahiya naman." Tumango ako. Umalis siy matapos iyon, ako naman ay nilingon si Arkiel


Tumikhim ako.


"Arkiel." Mula sa cellphone ay nalipat ang tingin niya sa akin. Hindi nagsalita, nakatitig lang. Kumurap kurap ako.


"Uuwi na kami, kung ayos lang sayo ay magpapahatid sana kami." Mahina kong sabi.


"Ihahatid ko kayo." Tumango ako


"Magpapaalam pa ako kay Venice." Luminga linga ako, hinahanap si Venice sa maraming bisita.


"I'll text her." Nabalik ang tingin ko kay Arkiel. Kinuha na nitonng cellphone at mabilis na nagtipa. Hindi ma ako umimik. Si Venice rin siguro ang ka text niya kanina.


Ilang sandali pa ay nakita ko na si Venice na papalapit sa table namin. Tumayo na ako para salubungin siya.


"Uuwi na raw kayo ni Angel?" Tumango ako


"Ang aga pa ah! Nabusog ba kayo?" Ngumiti ako at tumango.


"Pinapauwi na rin ako ni Mommy e." Sinabi ko kahit hindi naman talaga. Half of it was true though.


"Okay sige, ihahatid kayo ni Arkiel?" Tumango ulit ako


"Oo...uh, babalik din naman siguro siya." Ngumiti si Venice at tumango


"Okay sige, salamat ulit!" Ngumiti ako. Nakabalik na si Angel.


"Salamat din sa pag imbita, Venice. Happy birthday ulit." Tumango siya. Nagpaalam na rin si Angel.


Sunod ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ni Kuya Markus.


"Ang bilis naman!" Reklamo ni Felix.


"Ingat kayo, Elissa!" Si Lorcan. Kumaway sina Samuel. Ngumiti ako saka umalis na roon.


Tumabi ako kay Angel, kumapit siya sa braso ko at sumunod na kami kay Arkiel na nauna nang naglakad palabas ng gate nina Venice. Tahimik na sa labas, nawala na ang maingay na music at mga tawanan. Dahil ilang linggo ko na ring iniiwasan si Arkiel ay napaka awkward na nasa loob kami ng sasakyan niya. Buti na lamang ay narito si Angel.


"Ako na ang una mong ihatid, Arkiel." Tumango si Arkiel at tinanong ang address niya. Mabilis namang sinabi ni Angel iyon. Fifteen minutes lang at naroon na kami.


"Huwag ka ng bumaba, Elissa. Kaya ko na." Tumawa siya ng mahina. Tumango ako.


"Good night, Angel."


"Good night din, ingat kayo." Isinara niya ang pinto ng sasakyan ni Arkiel. Nakita kong nakapasok na siya ng kanilang gate pero hindi pa rin pinapaandar ni Arkiel ang sasakyan.


"May problema ba?" Tanong ko


"Lumipat ka rito sa harap, Elissa."


"Ayos na ako rito."


"Hindi ako si Manong Ramon, hindi mo ako driver." Masama ang tingin niya kaya wala na akong magawa kun'di ang lumabas ng kaniyang sasakyan at lumipat sa harap.


Napaka arte ni Arkiel.


"Better." Hindi ako tumingin sa kaniya.


Inabala ko ang sarili sa cellphone.


"Chatting Felix?" Kumunot ang noo ko


"Ano, Arkiel?"


"Why? Friends kayo sa facebook 'di ba?"


"Ba't kami mag c-chat?"


"Obviously, pinopormahan ka."


"Hindi kita maintindihan. Hindi ko ka chat si Felix. Wala akong ka chat." Gusto kong mainis pero pinilit kong hindi. Ako na nga lang ang nakikisuyo na mag pahatid, ako pa ang mag susungit? Sana kasi ay si Manong na lang ang sumundo sa amin.


"Then stop using your cellphone, Elissa. Nan'dito ako. Bakit hindi mo ako kausapin?"


"Anong pag uusapan natin, Arkiel? Wala naman 'di ba?"


Natahimik siya dahil doon. See? Wala naman kasi kaming dapat pag usapan. Wala rin naman akong sasabihin sa kaniya.


"Salamat, ingat ka pabalik." Nagpaalam ako nang makitang nasa harap na kami ng bahay. Tinanggal ko ang seat belt.


"Uuwi na ako, hindi na ako babalik doon." Tumango ako, binalewala ang lamig ng mga salita niya. Nagalit ba siya?


"Okay...ingat, pauwi." Tumango siya. Bumaba ako ng sasakyan, dumiretso na ako papasok ng gate at hindi na muling lumingon pa.


Ilang linggo matapos ang naging birthday na iyon ni Venice ay nagpatuloy ang mga ganap ko sa buhay. Hindi na rin kami muling nag usap o nagkita sa school ni Arkiel. Bukod sa busy siya sa kaniyang kurso, pakiramdam ko ay iniiwasan niya rin ako.


Mabuti na iyon. Hindi ko gusto na nagkakaroon pa siya ng responsibilidad sa akin. I wanted to be his friend, really. Pero noong sinabi niyang kapatid ang turing niya sa akin, I admit I was offended. I know it's wrong and I should appreciate things pero dahil alam ko sa sarili kong tinuturing niya lang naman akong kapatid dahil madalas akong ibilin ni Kuya Markus sa kaniya.


"Ang ganda naman ng invitation card mo!" Ngumiti ako kay Angel matapos niyang obserbahan ang invitation card na ibinigay ko.


Si Mommy ang may gusto n'on, simpleng handaan lang naman iyon ngunit mas gusto niyang may invitation card para na rin daw may ipamigay ako at may siguradong pupunta.


"Tulungan mo akong magbigay sa iba." Tumango siya.


Lunch break at tapos na rin naman kaming kumain. May ilang teacher akong inimbita, at sinabing susubukan nila dahil abala sila sa school. Ayos lang naman iyon.


"Salamat, Angel." Sabi ko nang kuhain niya ang ilang card.


"Siyempre! Bibigyan ko lahat ng kaklase natin dati, siyempre maliban kay Sean at Mira. Duh!"


"Angel, ayos lang naman. Baka sabihin nila unfair ako. Naging kaklase pa rin naman natin sila."


"You're too kind, Elissa. Sige na nga, nakonsensiya tuloy ako!" Tumawa siya, ngumiti lang ako.


"Ayun sila Venice. Bibigyan mo ba?" Lumingon ako sa tinuturo ni Angel, kinakabahan.


Nang makitang wala roon si Arkiel ay tahimik akong nagpasalamat. Lumapit kami sa kanila at agad naman nila kaming napansin.


"Oh Elissa, kayo pala? Bakit? Si Arkiel ba?" Mabilis akong umiling.


"Hello Elissa." Si Felix, tuloy ay inasar na naman siya nina Lorcan. Ngumiti na lang ako at kumaway.


"Birthday ko sa susunod na linggo. Sana ay makapunta kayo."


Isa isa ko silang inabutan ng invitation card, ang dami nila pero hindi naman naubos. Marami rin kasi ang pinagawa ni Mommy.


"Nagbibiro lang ako n'on Elissa!" Iyong babaeng nagtanong sa akin kung kailan ang birthday ko noong pumunta kami kina Venice.


"Ayos lang, gusto ko kayong i-invite." Ngumiti siya, ngumiti rin ako.


"Ay sa sabado?" Tumango ako sa tanong ni Venice.


"Hala, busy ata kami niyan. Susubukan namin pumunta." Tumango ako kay Venice.


"Ako pupunta, matagal pa naman ang report namin." Si Felix


"Mga galawan mo, Sarmiento! Laos na 'yan!" Si Samuel nagtawanan sila. Hindi ko pinansin at ngumiti na lamang kay Venice.


"Ayos lang, unahin niyo muna ang report niyo."


"Salamat, Elissa. Pero susubukan namin." Tumango ako


"O sige, una na kami? Busy e may preparation kami para sa quiz mamaya." Nahiya naman ako roon. Kaya pala sila sama sama! Mag r-review pala.


"Sige, salamat. Pasensya sa istorbo."


"Ayos lang, una na kami." Tumango ako


"Bye, Elissa, Angel!" Kumaway kami.


"Si Arkiel ba hindi mo i-imbitahin?" Tanong ni Angel nang makalayo na sila Venice para maupo sa ibang bench roon na pang maramihan. May group study sila.


"I-imbitahin siguro..."


"Hay, nag away na naman kayo?" Umiling lang ako. Bumalik kami sa bench na inuupuan kanina. Saktong nag vibrate ang cellphone ko. Nagulat pa ako nang makitang si Kuya Markus iyon.


Ipinakita ko kay Angel na tumatawag si Kuya. Tumango siya at sinabing sagutin ko na. Sinagot ko iyon.


"Kuya!" Bungad ko


"Hello, Elissa. I missed you..."


"Kuya, I miss you too. Ano? Makakauwi ka ba?"


"Iyon na nga, kaya ako tumawag. Wala akong free time sa susunod na linggo, Elissa. I'll send my gift, pasensya na. Babawi ako sa susunod."


Nalungkot ako agad. First time na mawawala si Kuya Markus sa kaarawan ko. Nakakalungkot!


"Kuya...sayang naman."


"I know, I'm sorry. Sinubukan kong mag pabago ng schedule pero hindi e. Busy talaga."


"Sige...ayos lang Kuya."


"Okay, tumawag lang ako saglit, 'wag ka sanang magtampo sa'kin. Bawi ako sa sunod." Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.


"Okay, Kuya. I love you ingat ka riyan."


"I love you too. Papatayin ko na Elissa, may klase pa kami."


"Bye, Kuya."


"Bye."


"Bakit daw hindi?" Si Angel agad, mukhang nakuha na hindi makakauwi si Kuya.


"Busy raw e. Ayos lang, hayaan mo na."


"Ayos lang? E mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa." Humalakhak siya, trying to lighten my mood. Ngumuso ako.


"Sayang kasi, pero hayaan mo na. Masasanay din ako." Tumango siya.


"Si Arkiel oh!" Turo niya sa bandang likuran ko. Mabilis akong lumingon doon. Malayo pa siya, at hula ko susunod siya kina Venice. Bakit nahuli siya?


Wala akong planong imbitahin siya ng personal dahil alam kong si Mommy na ang gagawa noon. At baka nga hindi pumunta kung ako ang mag invite, baka pupunta kung si Mommy o si Daddy, lalo na kung si Kuya Markus.


"Arkiel!" Nagulat ako, hindi ko alam na tatawagin siya ni Angel!


Hindi ko alam kung anong gagawin, nataranta ako dahil wala naman akong planong kausapin siya!


"Ano, Angel?" Parang may lakad, nagmamadali.


"May ibibigay si Elissa." Then he looked at me, nag aantay kung ano iyon.


Dahil mukhang nagmamadali siya ay inabutan ko na lang ng card.


"Ano 'to?"


"Birthday ko sa susunod na linggo. Pumunta ka kung gusto mo."


"Okay, pupunta ako." Nagulat ako. Hindi niya ba nakuha? Inulit ko ang sinabi,


"Kung gusto mo lang."


"Pupunta nga ako, Elissa."


"Kung ayaw mo, ayos lang."


"Gusto ko." Umiwas ako ng tingin. Baka naunahan na ako ni Mommy? At talagang pupunta siya dahil pinakiusapan siya?


"Hindi ako namimilit ng may ayaw."


"Gusto ko nga."


"Sigurado ka?"


"Damn girl, ang kulit mo!"


Napasinghap ako. What?!


Umalis si Arkiel nang walang paalam. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kaniya o magagalit. What is wrong with him?

After HerWhere stories live. Discover now