Chapter 15

30 5 0
                                    



"Bakit kasi ganoon ang tanong mo Elissa? E gusto ngang pumunta ng tao." Tanong ni Angel nang makabawi ako sa gulat sa inasta ni Arkiel.


"Baka napipilitan kasi."


"E gusto nga raw. Hayaan mo na." Tumango ako.


Tulad ng gusto kong mangyari simple lang ang naging party ko, sa garden iyon ginanap. May simpleng backdrop lang doon na may nakalagay na Happy 15th Birthday Eli, at konting pink na lobo na nagpaganda lalo.


"Happy Birthday!" Masayang bati ni Angel nang salubungin ko siya papasok ng garden. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.


"Salamat, Angel."


"Gift ko." Sabay abot niya ng paper bag na may logo pa ng Chanel. Ngumiti ako at nagpasalamat.


"Naroon ang ilang kaklase natin, doon ka uupo?" Tumango siya.


Hindi lang naman ako ang kaibigan ni Angel sa school. Napakarami ng kaibigan niya, lahat ng kaklase namin ay ka close niya kaya kahit saan ko siya pauupuin ay makikihalubilo siya.


"Buti naman at hindi pumunta si Sean." Bulong niya.


Wala nga roon si Sean pero pumunta naman si Mira, and I'm cool with it. Wala naman kasi talaga akong problema sa kanilang dalawa. Siguro may misunderstaning lang kay Sean pero wala na iyon sa akin.


"Hayaan mo na, Angel." Ngumisi siya at tumango.


"Sige na ako na ang mag isang pupunta roon. Huwag mo na akong ihatid. I-entertain mo na lang ang mga bisita mo." Tumawa siya.


"Sige, usap na lang tayo mamaya." Tumango siya at dumiretso na roon sa table ng ilang kaklase.


Ako naman ay nagtungo sa entrance ng garden namin, si Mommy at Daddy ay busy sa mga iilang bisita na kaibigan at ang iba ay ka sosyo sa negosyo. Nakausap ko na sila kanina at binati ako, iniwan ko rin agad dahil alam ko ng business ang pag uusapan ila at hindi ako makaka relate.


"Happy birthday, hija? Ang Mommy mo?" Si Tita Luisa iyon. Isa sa mga kaibigan ni Mommy. Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya tulad ng nakagawian.


"Salamat po, nasa loob po siya. Pasok po kayo."


"Sige, hahanapin ko na lang. I can see you're welcoming your guests, so hindi na kita iistorbohin."


"Okay po, salamat Tita." Tumango siya at nagpaalam.


"Tita Ana, magandang gabi po. Pasok kayo." Salubong ko agad nang makita ang asawa ni Manong Ramon kasama ang five years old nilang anak na si Rafael.


"Naku happy birthday, Elissa anak. Ang laki mo na!" Ngumiti ako.


"Opo e, pasok po kayo."


"Happy birthday, ate." Natuwa naman ako.


"Salamat, baby Rafael." Humalik ako sa pisngi niya.


"Sige anak, pasok na kami." Tumango ako, nilingon muli ang guests. Hindi pa ako makapaniwala sa sumunod na nakita kong papasok.


"Tita Mariela!" I exclaimed, ngayon ko na lang siya nakita ulit.


"Elissa, hija. Happy birthday..." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.


"Salamat, Tita. Si Tito Lukas po?"


"Susunod daw siya, hija. May tatapusin lang at hahabol para uminom." Tumawa siya ng bahagya.


Lumingon pa ako sa likod para matingnan kung naroon ba si Arkiel.


"Si Arkiel ba? May susunduin pa ata. Si Venice ata iyon nabanggit niya." Napabaling ang tingin ko kay tita at tumango.


"Okay po Tita. Ihahatid ko kayo kay Mommy."


"Huwag na hija, hanapin ko na lang. I know you're busy." Tumango ako.


"Salamat po." Tumango siya saka pumasok na ulit sa garden namin sa likod.


"Ma'am pwede pong kami na lang rito, baka masakit na ang paa niyo." Iyong isa naming katulong, ngumiti ako at umiling.


"Ayos lang po, ate. Hindi naman masakit ang mga paa ko." Tumango siya. Ipinagpatuloy ang pagtuturo sa guest na may dalang regalo kung saan dapat ilagay.


Hindi naman ako nag tatakong at laging flat sandals lang o kaya ay sapatos. Sa ngayon, naka suot lang naman ako ng white flat sandals na binagay ko sa dress na kulay pink.


"Elissa!" Lumingon ako, si Lorcan iyon. Ngumiti ako at lumapit.


"Buti nakapunta kayo."


"Siyempre, baka umiyak si Felix." Tumawa siya at inasar na naman si Felix na kasunod nila sa likuran.


"Happy birthday, pala." Tumango ako kay Lorcan


"Salamat."


"Felix batiin mo na, kanina ka pa kating kati 'di ba?" Nagtawanan sila.


"Happy birthday, Elissa." Si Samuel at ang iba pang pamilyar sa akin na kaibigan ni Kuya Markus


"Happy birthday..." Si Felix nang makalapit.


"Uh salamat, doon na lang ang gift, salamat sa inyo!" Itinuro ko ang mesa na puno ng regalo, naaalala ko tuloy si Kuya Markus. Siya ang tumutulong sa'kin magbukas dahil nga marami akong natatanggap palagi. But now, I don't think I can open those in just a night. Siguro ang iba ay sa susunod na lang kung hindi matapos.


"Samahan ko kayo sa table niyo." Sumunod naman sila sa akin. Naglaan ako ng table para sa kanila dahil alam kong hindi naman sila makikihalubilo sa mga Grade 9 kong kaklase.


"Dito. Upo kayo. May mag s-serve na ng pagkain rito kapag nakita na kayo." Tumango sila.


"Babalik ka pa roon?" Si Felix, tinutukoy ang entrance. Tumango ako


"Bakit? Akala mo ay mag i-stay sa'yo?" Sabay tawa ni Lorcan. I awkwardly smile, nagpaalam ulit.


"Balik ka!" Hindi ko na nilingon si Felix. Nagkunwari akong hindi siya narinig.


Bumalik nga ako sa pwesto ko kanina, nagpatuloy ang pag welcome ko sa mga bisita. Nagulat pa ako nang makita si Arkiel at Venice na kinakausap ng katulong namin kung saan ilalagay ang gift na dala ni Venice. Arkiel doesn't have anything, though. Ayos lang iyon. Hindi required ang gift.


"Elissa, happy birthday!" Venice greeted as soon as she noticed me. I smiled sweetly. Niyakap ko siya dahil nakaabang na ang mga braso niya. Humalik ako sa kaniyang pisngi.


"Salamat, buti nakapunta ka. I know you're busy so thank you."


"Siyempre, pumunta ka kaya noong birthday ko! At isa pa loaded ako sa homeworks but I'll have fun tonight. Magpa inom ka ha!" Ngumiti ako at tumango.


Nasabi ko na iyon kay Mommy. Besides mga nasa legal age naman na sila kaya hindi masama ang magpainom.


"Ihahatid ko kayo, roon. Kararating lang din nila Lorcan." Tumango siya at sumunod sa akin. I know Arkiel is also following us, hindi naman niya ako binati kaya hindi ko na rin siya pinansin.


Sinundo niya pa si Venice huh? The last time I asked him, hindi niya raw gusto si Venice. But his actions isn't complying to what he just said. Ewan Arkiel, ang gulo mo.


Ipinilig ko ang ulo. Gusto man niya o hindi, wala na iyon dapat sa akin. Bakit ko pinapakialaman? Umiling ako sa isip ko, ayaw kong maging pakialamera!


"Arkiel, dali!" Si Samuel.


"Mukhang busy ka pa, Elissa. Aantayin ko na lang din sila Kyla, pupunta naman daw iyon. Makikihalo na lang muna ako rito kila Arkiel." Ngumiti ako at tumango, naupo na siya sa tabi ng isang lalaking hindi ko kilala.


"Enjoy kayo!" Ngumiti ako saka tumalikod na, nakasalubong ko pa si Arkiel.


"Arkiel, dito. Sumbong mo 'tong si Felix kay Markus, pinopormahan na naman ang kapatid niya!" Tumawa sila. Hindi ako lumingon.


Napansin kong napahinto rin ako nang makasalubong si Arkiel at medyo matagal na ang tinginan namin. Hindi siya umimik.


See? Ayaw niyang pumunta. Napilitan lang siya. Hindi niya ako binati! Kung gusto niya talagang pumunta, dapat ay kanina pa lang binati na niya ako!


"Sinong pumo-porma sa kapatid ko?" Napasinghap ako at lumingon ng kaunti sa gilid.


It's Kuya Markus! I can't believe he's here!


"Kuya!" Tinakbo ko na ang kaunting distansiya namin at niyakap siya.


"I missed you! Sabi mo 'di ka makakapunta!" Hinalikan niya ako sa noo.


"Surprise! Happy birthday." Niyakap ko ulit siya bago humiwalay para tanggapin ang inaabot niyang paper bag.


"Markus!" Tinawag siya ng mga kaklase. Lumapit naman siya at nakipag high five. Nagtawanan sila.


"Kamusta? Grabe lalong g-um-wapo sa Maynila ah!" Asar sa kaniya. Lumapit ako roon.


"Ayos lang, na miss ko rito. Boring doon."


"Bakit? Wala kang girlfriend doon?"


"Gago, wala!" Tumawa ulit sila.


"Arkiel! Tumangkad lalo ah!" Puna ni Kuya.


"May ginagawa 'yan!" Asar ni Samuel na hindi ko maintindihan. Baka may iniinom na vitamins.


"Gago!" sabi ni Arkiel.


"Ew, Samuel." Si Venice.


"Bakit naman? Ikaw ha?" Ngayon ay si Venice naman ang nagsalita. Natahimik ako. Ganoon sila mag kwentuhan, hindi mantindihan. Napangiti na lang ako at napailing.


"Shut up, Samuel!"


"Sino munang pumo-porma sa kapatid ko, Lorcan?"


"Joke lang 'yon!" Tumawa ng hilaw si Lorcan.


"Sigurado ka?" Tumingin siya kay Felix. Parang narinig naman niya ang sinabi ni Lorcan kanina. Bakit tinatanong pa niya pa iyon?!


"Arkiel, meron?" Si Kuya. Umiling si Arkiel. I'm relieved. Hindi naman kasi pumoporma si Felix. Inaasar lang talaga kaya nagmumukhang ganoon.


"Ano ka ba, Markus! Inom na lang tayo!" Si Samuel.


"Sige sandali, magpapakita pa ako kina Mommy."


"Balik ka agad!"


Tumango si Kuya at lumapit sa akin. "I-welcome mo na ang mga guests mo roon. Pupuntahan ko lang sila Mommy."


"Okay, Kuya!" Tumango siya at ginulo ang buhok ko bago umalis. Nilingon ko ang mga kaibigan niya, naabutan kong tinutukso nila si Felix. Napansin ko rin na naserve na ang pagkain nila.


"Maiwan ko muna kayo." Pag singit ko.


"Sasama ako. May naiwan ako sa kotse." Si Arkiel. Tumango na lang ako at nauna nang maglakad.


Hindi naman niya kailangan sumama. Pwede na lang na dumiretso na siya sa kotse niya. Ba't magsasabi pa siya ng ganoon? Napailing ako nang marahan.


Sila Kyla na lang ang aantayin ko roon. Pagkatapos ay babalik na ako sa mga bisita, nakakapagod na ring tumayo. Tulad ng sinabi ni Arkiel, lumabas nga siya ng garden, baka kukunin nga ang naiwan na gamit. Hindi ko siya pinansin. Sa wakas ay nakita na sina Kyla at ang iilang kaibigan ni Venice na pumasok.


"Happy birthday, Elissa. Salamat sa pag imbita." Ngumiti ako, ito ata si Irish. Iyong naging ka close ni Angel. Bumati ang iba, ngumiti ako.


"Salamat sa pagpunta. Ihahatid ko kayo sa table niyo."


"Salamat!" Sumunod sila sa akin, hindi malayo ang table pero bilang respeto sa kanila ay hinatid ko pa rin sila doon. Hindi ako nagtagal at nagpaalam din na umalis na. Nakasalubong ko si Mommy.


"Mom? Nagkita na kayo ni Kuya?"


"Yes, anak. Babalik ako roon. Nag uusap sila ng Dad mo. Sinadya kita, pakitawag mo nga si Manong Ramon sa labas. Hindi pa iyon kumakain. Wala akong mautusan, sorry."


"Ayos lang, Mommy." Nagpaalam na siyang babalik. Ako naman ay tumungo na sa labas at hinanap si Manong Ramon. Akala siguro ay normal ang shift niya sa gabing iyon, nakakahiya naman. Dapat ay ako talaga ang tumawag sa kaniya dahil ako ang may birthday. Lumapit ako sa SUV namin at hindi ako nagkamali na naroon nga siya.


"Manong, tawag po kayo ni Mommy. Saluhan niyo na raw po sila Tita Ana kumain."


"Ay sige Elissa. Nag aabang ako, baka may magpahatid e." Ngumiti ako at umiling


"Off niyo na po, Manong. Punta na po kayo roon sa garden."


"Sige, magbibihis lang ako." Tumango ako at mabilis siyang umalis. Tutungo sa kwarto na nakalaan sa kaniya pa rito tuwing kailngan niyang mag overnight.


"Elissa." Napalingon ako nang aalis na sana.


"Bakit?" Tumaas ang dalawang kilay ko para kay Arkiel. Inaantay ang sasabihin niya.


Ngunit sa halip na magsalita ay may inabot siya sa akin. Kinuha ko naman iyon.


"Ano 'to?"


"Gift ko."


"Gift? Hindi mo nga ako binati e." Sinubukan ko namang patunugin iyon ng normal, pero bakit...tunog nagtatampo? Ano ba, Elissa! What is happening to you?


"I'm sorry, naghahanap lang ng pagkakataon. Ang daming bumabati sa'yo e." Tumango na lang ako. Pero nakakainis dahil inaantay ko pa rin nga ang pag bati niya!


"Happy Birthday, Elissa." Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.


"Uh...salamat. Salamat din dito sa gift mo. Bubuksan ko mamaya." Tumango siya.


"Pumasok ka na."


"Ikaw?" Umiling siya kaya nagtaka ako. May kikitain pa siya rito sa labas?


"Sabay na tayo." Aya ko.


"Mauna ka na."


"May inaantay ka? Girlfriend mo ba?" Pang uusisa ko. I'm sure he won't mind if I ask?


"Wala nga akong girlfriend."


"E sino?"


"Susunod ako, mauna ka na."


"Okay, kung may aantayin ka pa." Huh? Parang nag sisi pa ako na sinabi ko 'yon.


Napatitig tuloy siya sa akin, he's playing his lips with his fingers. Nag iisip, and he looks frustrated. May nasabi ba akong mali? Nainis ko ba siya?


"I won't wait for anyone unless it's you, Elissa. Tara na sa loob."






After HerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum