Chapter 36

174 10 2
                                    

      
      
     
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng dalawa. Si Kuya Markus ay nasa kabilang sofa, sa kanan at si Arkiel ay nasa kaliwa. Ako naman ay sa gitna kaharap ang TV namin. Kanina pa sila nagtititigan at wala yata silang balak huminto.
   
   
Pagkarating ni Kuya Markus ay ilang minuto lang at nariyan na rin si Arkiel. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Kuya Markus, hindi naman siguro siya galit?
     
      
"Uh, juice?" Alanganin kong tanong.
     
      
Walang sumagot sa akin. Tumayo na lang ako para makaalis doon dahil ramdam ko ang bigat ng atmosphere. Mag aaway kaya sila?
     
    
No, Kuya Markus won't do that.
     
     
Pumasok ako sa kusina at kumuha ng juice sa ref. Kumuha rin ako ng dalawang baso saka lumabas at bumalik sa living room. Inilagay ko sa center table na pumapagitan sa dalawa ang pitsel at baso. Sinalinan ko na iyon saka inilagay sa tapat nila.
       
       
Napabuntong hininga ako nang makitang matalim pa rin ang titig nila sa isa't isa. Uupo na sana ako sa tabi ni Arkiel para kausapin siya ngunit pinigilan ako ni Kuya Markus.
      
      
"Elissa." Tinapik niya ang upuan sa tabi niya. Huminga ako ng malalim saka umupo roon.
      
    
"Galit ka ba?" Mahinang tanong ko, ngumisi siya at umiling.
     
      
"What is she? A seven year old girl, Markus?"
     
     
"Bakit? Kayo na ba?" Pang aasar niya kaya mabilis ko siyang tinignan.
      
    
"Kuya." Saway ko.
    
    
"You're disturbing us." Sabi ni Arkiel
     
      
"Huh!" Singhal ni Kuya.
             
     
"Wala ka bang girlfriend? That's why you're here?" Tumaas ang kilay ni Arkiel, inaasar din si Kuya.
      
     
I don't know what to do anymore.
     
      
"E ikaw? May girlfriend ka ba?"
         
     
Hindi nakasagot si Arkiel, I looked at him and smiled apologetically. I didn't know Kuya Markus will be like this.
      
      
"See? Wala ka ring girlfriend!" Tumawa si Kuya, napailing naman si Arkiel.
     
       
Bumuntong hininga ako, hinila at nilingon si Kuya.
      
           
"Kuya 'wag ka na mag leave, sayang ang araw."
    
      
"I was just kidding. May kukunin lang ako." Ngumiti ito sa akin.
   
    
"Kunin ko lang." Dugtong niya saka tumayo, ngumiti ako at tumango.
   
   
Pinanuod ko siyang maglakad paalis. Tinignan niya pa si Arkiel bago dumiretso da hagdan saka umakyat papunta sa second floor. Napailing ako saka nilingon si Arkiel.
   
   
"Sorry." Umiling siya saka tinapik ang space sa tabi niya.
   
   
Nahihiya akong ngumiti saka lumapit.
   
   
"How are you?" Malambing niyang tanong nang makaupo ako sa tabi niya.
   
    
"Ayos l-lang."
   
    
"Are you uncomfortable?"
   
   
"Hindi naman, Arkiel." Ngumiti ako ng tipid.
    
    
"Pwede ba kitang ilabas?"
    
    
"Ayos lang. Wala naman akong gagawin. Antayin ko lang si Kuya makaalis." Tumango siya saka hinaplos ang buhok ko.
   
   
Halos mapigil ko ang hininga dahil pagkatapos ng halos anim na taon ay ngayon lang na naman niya iyon nagawa sa akin. Oh my God, I missed this!
    
    
Ngunit naputol agad iyon nang may tumikhim sa likod namin and it's Kuya Markus!
   
   
Napatayo ako agad at lumingon sa likod.
  
   
"K-Kuya, okay na ba?" Tumango siya.
   
    
"Yes, alis na 'ko. Aalis din kayo?" Tumango ako.
   
   
"Lalabas daw kami." Saglit niyang nilingon si Arkiel saka ibinalik ang tingin sa akin.
    
   
"Alright, ingat kayo. I love you." Ngumiti ako saka lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
   
   
"I love you too, Kuya. Ingat ka rin." Tumango siya saka natatawang nilingon si Arkiel.
   
    
"Heard that? Wala ka n'on!" Aniya nang aasar. Napailing ako saka hinila na siya palabas.
   
    
Hindi ko na siya hinatid sa gate dahil nga narito si Arkiel. Bumalik ako sa pwesto ni Arkiel kanina saka ngumiti ng alanganin.
   
   
"Sorry ulit." Umiling siya saka tumayo.
   
   
Tinupi niya ang sleeve ng kaniyang long sleeved polo na kulay navy blue, hanggang siko.
   
   
"I can wait, Elissa." Nakangiting sabi niya.
   
    
"Saan tayo?"
   
   
"May gusto kang puntahan?" Umiling ako dahil wala naman talaga akong gustong puntahan at wala rin akong maisip kung saan.
    
   
"Alright, let's go?" Tumango ako saka kinuha ang sling bag ko sa sofa. Naglakad na siya palabas kaya sumunod na rin ako.
   
   
Dumiretso kami sa sasakyan niya, nagpasalamat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto at hinintay siyang makapasok sa loob. Nagsimula siyang mag drive. Kung saan kami pupunta ay hindi ko alam.
   
    
"Are you hungry? Should we eat first?"
   
   
"Hindi pa naman ako gutom." Tumango siya.
     
     
"I'll show you something, then we'll eat after." Ngumiti ako at tumango.
   
    
Wala naman kaming pinag uusapan buong biyahe kaya tahimik lang kaming dalawa. I have no clue kung saan niya ako dada'lhin, at hindi na rin ako pamilyar sa dinadaanan namin dahil nga ang dami na ring nagbago.
   
   
Halos kalahating oras din iyon nang ihinto niya ang sasakyan. Muntik na nga sana akong makatulog, hindi nga ako gutom kanina pero dahil sa tagal ng biyahe namin ay nagutom na ako. Hindi ko naman sasabihin iyon kay Arkiel dahil nakakahiya naman.
    
    
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at inalalayang lumabas. Mabilis akong napatingala sa mansyon na nasa harap ko.
   
    
"This is?" Kunot noong tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya saka nilagay sa likod ng aking tainga ang takas na buhok.
   
   
"My house. You wanna see the inside?"
   
   
"Seriously?" Natatawa siyang tumango.
   
   
Nilingon ko ulit ang mansyon sa harap ko. Wala sa plano ko ang pagpapagawa ng bahay. All this time, I only think where would I build my next branch. Ang plano ko lang ay bumili ng lupa sa iba't ibng lugar at magpatayo ng negosyo roon. But wow, Arkiel.
   
    
Automatic na nagbukas ang malapad na gate. May guard sa loob na nag o-operate. Pumasok ulit kami sa sasakyan ni Arkiel saka niya iyon pinasok sa loob. Ang lawak ng loob. Kung nag rereklamo na ako sa bahay na ang haba pa ng lalakarin mula gate bago makarating sa mismong pinto ng bahay ay mas malala pa pala itong kay Arkiel. Kaya mas mabuting ipasok ang sasakyan.
    
    
Matapos mag park ay hindi ko na inantay na pagbuksan niya ako ng pinto, lumabas na ako at inantay din siyang makalabas.
   
    
"Ikaw lang mag isa rito?" Tanong ko.
    
   
Tumango naman siya.
   
    
"Isn't this too big for you?" Sabay kaming naglakad hanggang pinto. Ang ganda ng design ng bahay niya, I wonder who's the architect.
   
   
"Then we'll have four children so it won't be too big for us." He smirked. Mabilis kong hinampas ang braso niya.
    
   
"N-nanliligaw ka pa lang, Arkiel!" Tinaasan niya ako ng kilay.
    
    
"So, what? You're in my plans. I didn't think about that."
    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After HerWhere stories live. Discover now