Chapter 35

146 13 10
                                    

    
    
    
     
"Gusto kita. Gusto kita, Elissa. I'll court you until you say yes."
   
   
"W-what?"
   
   
Gusto niya ako? Pero paano. I knew he like someone else, which is Venice. What happened?
   
   
"Pwede ba kitang ligawan?"
   
   
"I m-mean, how?" Nagtataka kong tanong.
   
   
Hindi ma process ng utak ko ang mga sinabi niya. Masyado akong nagulat at hindi mag sink in sa utak ko, lahat.
   
   
"You're asking me how I liked you?" Tumango ako.
   
   
"You l-like Venice, right? Hindi ba kayo nag click kaya—"
   
   
"I told you I don't like her."
   
    
"Pero...hindi ba may plano kang ligawan siya n'on?"
   
   
Tinuyo niya ang basa kong pisngi gamit ang palad niya saka umiling.
   
   
"Where did you get that idea?"
   
   
"It was obvious, Arkiel." Tumaas ang sulok ng labi niya.
   
   
"And my feelings for you isn't obvious back then?"
   
   
What? Sandali. Hindi ko ata kayang tanggapin lahat ng sinasabi niya. So he has feelings for me back then?
   
    
"Arkiel..."
   
   
"I liked you the first time I saw you."
   
   
What?! We were kids back then!
   
   
"But you were too young, and I know Markus won't approve. You'll hate me too." Umiling ako.
   
   
"I waited, Elissa. For years, noong mag c-college ka na, I planned to wait until you graduate. I thought I'd only wait for four years, but you left. I was mad at you. You didn't even say goodbye, or texted me."
   
   
"You're the reason why I left, so how can I say goodbye?" Naiiyak kong sabi.
   
   
The informations are too much. I can't take it.
   
   
"Akala ko, kapatid lang ang tingin mo sa'kin."
    
    
"Heave knows how I'm madly in love with you. Heaven knows, baby."
   
   
"But that day, you promised me, Arkiel. It's fine if you can't attend. It's fine because Venice got into accident. It was all fine. But you didn't even text me...I waited. Akala ko ay babatiin mo ako kahit text na lang." Mahina kong sabi.
   
    
"I'm so sorry, I left my phone that night. But I was there."
   
   
"W-what?"
    
   
"Pumunta ako sa inyo, but you're already asleep."
   
   
Is that true? Bakit hindi niya ako ginising kung gan'on? Ngunit imposible iyon.
    
   
"Gusto kong bumawi, but you were mad. Remember? Ayaw mo akong pakinggan n'ong sa ospital tayo."
    
   
"Because I've already accepted everything that day. Noong nakita ko kayong dalawa na magkayakap, I knew I should stop."
   
   
"Stop from what?"
   
   
"If it isn't obvious Arkiel, I liked you back then."
    
    
"It was a friendly hugged. She's hurt, we're friends. I comforted her, I'm sorry if that made you mad."
   
   
Umiling ako. It wasn't his fault. All of this is my fault.
    
    
"Can we start over?"
   
   
Napayuko ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. It's just too much, I don't know what to do.
   
   
"I'll make you like me again. I just need you to...give me a chance. Liligawan kita, Elissa." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya na dapat ay kanina ko pa ginawa.
   
   
"I d-don't know, Arkiel."
   
   
"I'll give you time. Nakaya kong mag antay ng ilang taon, Elissa. I can wait for another if you're not ready. Just please...let me court you."
   
    
"Hindi ba magagalit si Kuya Markus? Sila Daddy? Magugulat sila dahil hindi naman nila inaasahan na ganito."
   
   
"I can tell them." Mabilis akong umiling.
   
   
"Hindi p-pa naman tayo." Umiwas ako ng tingin dahil alam kong namumula na ang pisngi ko.
   
   
"So, pumapayag ka na? Na ligawan kita?" Napatingin ako sa kaniya, he's playfully smiling. Dahil sa kahihiyan ay mabilis akong lumayo sa kaniya.
   
   
"Uuwi na ako, paki sabi na lang kay Tita Mariela."
   
   
"Alright, ihahatid na kita."
  
  
"No!" Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa biglang taas ng boses ko.
   
   
"I can go home by myself. May sasakyan ako."
   
   
"Okay, samahan kita sa labas."
   
    
Tumango ako. Nauna na akong lumabas ng kuwarto niya saka bumaba sa hagdan. Naramdaman ko naman ang presensiya niya sa likod.
   
    
"I'll visit you tomorrow, is that okay?"
   
   
Nilingon ko siya, hanggang sa magkasabay na kaming naglalakad. Pinagbuksan niya ako ng pintuan palabas.
   
   
"Waka ka bang trabaho?"
   
   
"I just finished a project. I'm resting."
   
   
"Okay." Tumango siya at sinamahan ako sa garahe nila.
   
   
"Uh, alis na 'ko. Bye." Sumakay ako sa sasakyan ni Dad at sinara ang pinto, binuksan ko ang wind shield para kumaway.
   
   
"See you tomorrow. Drive safe." Tumango ako.
   
    
Sinara ko na ang windshield saka nag drive na paalis. Hindi ko maitago ang ngiti ko. Is this even real? Napahawak ako sa aking pisngi at marahang kinurot iyon, I'm not dreaming!
   
   
Wait. He just finished a project and he's resting? Bakit kanina sinabi niyang busy siya? So...if he likes me then that means gusto niya akong...makausap ng...uh? Matagal?
   
  
Oh my God, stop!
    
   
Mababaliw na ata ako bago pa makauwi sa'min.
   
   
"Thank you anak, you always remeber what I like." Ngumiti ako kay Mommy, ibinigay ko sa kaniya ang bulaklak nang makauwi ito kinagabihan.
    
   
"Welcome, Mommy."
   
   
"Alright, tawagin mo na ang Daddy at Kuya Markus mo. We're having dinner." Tumango ako sa kaniya.
   
   
Dumiretso ako sa office ni Daddy, kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto. Nasa mesa si Dad at nag l-laptop.
   
   
"Daddy, kakain na raw po."
   
   
"Okay anak, susunod ako." Saglit lang siyang tumingin sa'kin at ngumiti. Marahil ay busy.
   
   
Dahan dahan kong sinara ang pinto ng office niya saka naglakad sa hallway hanggang sa makarating sa harap ng kuwarto ni Kuya. Kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto.
   
   
"Kuya..." Tawag ko.
   
    
He's not answering kaya pumasok na ako. Hininaan ko ang paglalakad nang makitang natutulog ito. Hindi na niya nagawang tanggalin ang sapatos dahil siguro sa pagod. Napabuntong hininga ako saka tinanggal ang sapatos at medyas niya. Binabaan ko rin ang aircon dahil sobrang lamig na.
  
   
Mamaya ko na lang siya gigisingin. Dahan dahan akong lumabas sa kuwarto niya saka naglakad pababa ng hagdan. Dumiretso na ako sa kusina.
   
   
"Susunod daw si Dad, Mommy."
   
   
"Ang Kuya mo?"
   
   
"He's sleeping, hindi ko na po ginising. Mukhang pagod." Tumango siya.
   
   
"Dadal'han ko na lang ang Daddy mo ng pagkain mamaya, kain na tayo. Alam ko na iyang 'susunod lang' niya." Natawa ako ng mahina saka tumango.
   
   
Dalawa lang kaming kumain ni Mommy ng dinner dahil tulad ng sinabi niya ay wala nga sumunod si Daddy. Masyado siguro itong abala.
   
   
Nang matapos kaming kumain ay bumalik ako sa aking kuwarto, mamaya ay lalabas ulit ako para gisingin si Kuya Markus. Nahagip ng mata ko ang cellphone na nasa kama, binuksan ko iyon para sana kamustahin si Angel ngunit nakita ko ang pangalan ni Arkiel sa screen.
   
   
He sent three messages, agad ko iyong binuksan at binasa.
   
   
Arkiel:
   
   
Good evening.
   
   
Arkiel:
   
   
Nag dinner ka na ba?
   
   
Arkiel:
   
   
Nagustuhan ni Mommy ang bulaklak at nagustuhan ko rin ang luto mo, thank you.
   
   
Napangiti ako at agad nag tipa ng reply.
   
   
: Kakatapos ko lang dinner, and welcome!
   
  
Nang ma i-send iyon ay mabilis na nag reply si Arkiel.
   
   
Arkiel:
   
  
Busy ka?
  
  
Me:
  
  
Hindi naman.
   
   
Arkiel:
   
  
Can I call?
   
  
Wala pa ako nakakareply ay nag ring na ang cellphone ko kaya naitapon ko 'yon dahil sa gulat. Nang makabawi ay kinuha ko rin ulit, tumikhim ako bago sinagot.
  
  
"Hello?"
   
   
"Hello...Matutulog ka na ba?" Paos nitong sabi.
   
  
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti.
   
  
"Hindi pa. Mamaya gigisingin ko si Kuya Markus para kumain, tulog pa kasi e. Pagod siguro."
   
  
"Magigising lang naman 'yan." Masungit nitong sabi.
   
  
"Ipagluluto ko mamaya. Baka gusto niya ng bagong luto." Humiga ako sa kama ko.
   
   
"Now, I'm more jealous." Kumunot ang noo ko.
  
  
"Bakit naman?"
   
  
Nagseselos siya? Bakit?
   
  
"Lagi na lang si Markus." Parang bata nitong sabi. Natawa ako ng mahina.
   
   
"Are you serious?"
   
   
"Yes."
   
   
"Siyempre Kuya ko siya. Kung gusto mo ng gan'on pwede rin kitang gawing Ku—"
   
  
"No." Putol nito sa sasabihin ko kaya natawa ako lalo.
   
   
"Okay, Arkiel."
   
   
"I'll visit you tomorrow." Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
   
   
Hindi pa rin ako makapaniwala. He's now courting me, is this even real?
   
   
"Uh, anong oras ba?"
   
   
"Anong oras mo gusto?"
   
   
Tinikom ko ang bibig. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos baka mamaya isipin niyang excited ako makita siya.
   
   
"Kahit anong oras lang, ikaw bahala."
   
   
"Alright, I'll text you tomorrow."
   
    
Nah usap pa kami saglit bago iyon in-end. Kailangan ko na rin kasing gisingin si Kuya Markus para makakain. Tumayo na ako sa pagkakahiga saka lumabas ng kuwarto ko, dahil katabing kuwarto lang naman ang kay Kuya ay mabilis lang akong nakarating doon. Pagkapasok ay nakita ko na siyang nakahiga at nag c-cellphone.
   
   
"Eli? Bakit?" Tanong niya nang mapansin ako.
   
   
"Kain ka na, Kuya. Nauna na kami kanina." Ngumiti ito at in-off ang cellphone saka inilagay sa bed side table nito.
   
   
"Samahan mo ako." Aniya matapos tumayo, ngumiti ako saka tumango.
   
    
Nang makalapit siya sa akin ay inakbayan niya ako saka kami sabay na lumabas at bumaba para tumungo sa kusina. Pinaghain ko siya saka umupo sa harap niya.
   
    
"Kuya may sasabihin ako, pero 'wag ka sana magalit." Tumikhim ako.
   
   
I decided to tell him that Arkiel's now courting me.
   
    
"Okay, what is it?"
   
    
"Uh, ano kasi..." Nilaro ko ang mga daliri ko. Tumaas ang kilay ni Kuya habang kumakain.
   
   
"May boyfriend ka na?" Mabilis akong umiling, natawa naman siya.
   
   
"E ano?"
   
  
"M-manliligaw..." Mahinang sabi ko.
   
   
"Well, that's not new. Sino naman ngayon?"
   
   
Huminga muna ako ng malalim saka siya sinagot,
   
   
"S-si Arkiel."
   
   
Biglang naubo si Kuya Markus kaya mabilis ko siyang inabutan ng tubig.
   
   
"Elissa Gracielle, are you kidding me?"
   
   
"Hindi Kuya." Alinlangan kong sabi.
   
   
"Huh!" Singhal niya, pagkatapos ay tumawa ng sarkastiko sunod ay uminom ng tubig.
   
   
"Akala ko hindi mo na siya gusto?"
   
   
"D-did I say that?" Awkward akong tumawa.
   
   
"Inakit ka ba ng gago na 'yon?" Mabilis akong umiling.
   
   
"Kuya, hindi."
   
   
"Humanda 'yon sa'kin."
   
   
"Are you mad? Hindi ba kami pwede?" Malungkot kong tanong.
   
   
Dahil kung hindi ay hindi ko naman ipipilit.
   
   
Natigil si Kuya sa pagkain saka bumuntong hininga. Inabot niya ang ulo ko para guluhin ang buhok ko.
   
   
"I'm not mad. It's not like that, Eli."
   
   
"Kung ganoon ay ayos lang sa'yo?"
   
   
"If you're happy, yes. I just need to talk to Arkiel. Hindi pwedeng basta basta ka na lang niyang liligawan. Ang swerte naman ng gagong 'yon!" Sabay tawa niya.
   
    
Napangiti na rin ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang iisipin ko. Mabuti na rin na sinabi ko na agad kay Kuya. He always understands me, kahit noon pa.
   
    
"No one deserves my sister."
   
    
"I love you, Kuya." Lumipat ako sa tabi niya at niyakap siya.
   
   
"I love you too."
    
    
Tulad ng sinabi ni Arkiel, ay t-in-ext niya nga ako kinabukasan. Kakagising ko lang n'on nang mabasa ang text niyang pupunta siya ng alas diyes ng umaga. Kaya naman mabilis na akong nag ayos ng aking sarili.
   
    
Hindi ko na naabutan sila Mommy at Daddy pagkagising, marahil ay maaga naman sa kompanya. Gan'on din si Kuya Markus, siguro ay may duty ng maaga. Eight thirty three nang matapos akong maligo, pinili ko iyong kulay dilaw kong long dress. Pinaresan ko ito ng puting flat sandals.
   
    
Matapos mag spray ng aking pabango ay tumingin ako sa aking full length mirror, hindi ko maiwasang mapangiti. Nilubayan ko lang ang salamin ng makuntento saka lumabas na sa kuwarto.
    
    
"May lakad ka hija?" Salubong ni Manang Fe nang makita akong pababa ng hagdan.
   
   
Ngumiti ako, "May bisita po, Manang."
    
    
"Talaga? Si Angel na ba 'yan?" Umiling ako.
   
    
"Si Arkiel po."
    
   
"Ah, si Arkiel." Nagtatakang tumango siya.
   
   
Sunod ay nagpaalam na dahil may gagawin pa. Umupo ako sa sofa namin saka inabala ang sarili sa cellphone. Napag pasiyahan kong i-text si Angel nang maalala siya.
   
  
Me:
   
   
You'll be here next week right? May sasabihin ako :)
    
    
Napangiti ako nang ma i-send iyon. Oh God, why am I being so excited about this?
    
   
Nag ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Angel, natawa ako ng mahina saka sinagot iyon.
   
   
"Ano? Ikakasal ka na?"
   
   
Natawa ako sa bungad niya.
   
   
"No, Angel."
    
   
"Then what? Anong sasabihin mo. Wag nang pa suspense."
   
   
"Pag uwi mo na lang dito."
   
   
"Shut up! Tell me now. Hindi ako makakatulog, Elissa."
   
   
Natawa ako lalo, "Seriously?"
   
   
"I'm dead serious."
   
   
"Uh, ano e. Si Arkiel..."
   
   
"Wait, what?! Nagkita na kayo? Akala ko sa abroad siya?"
   
  
"Hindi, Angel. He's here."
   
   
"Oh, anong meron sa kaniya? Don't tell me..."
   
  
"He's now courting me."
   
   
"Whatttt?! Mapapaaga ata ang uwi ko!"
   
   
"Stop, Angel." Natatawa kong sabi.
   
   
"No. You stop. Mag kwento ka pa 'pag uwi ko."
   
   
"Okay."
   
   
Siya ang nag end ng call matapos magpaalam na may gagawin pa siya. In-off ko na rin ang cellphone saka kinuha ang remote ng TV at inabala ang sarili roon.
    
     
Dahil maaga pa ay hindi ko naman agad inaasahan na makakarating na nga si Arkiel ngunit nagulat ako nang may nag door bell. Tumayo ako para buksan ang pinto.
   
    
"Kuya?"
   
   
Nagtataka kong tanong, wala ba siyang trabaho?
   
   
"Hello, Eli."
   
   
"Wala kang duty, Doc?" Nakangiti kong tanong, umiling ito.
   
   
"Nag leave ako." Pumasok siya sa loob, dumiretso ng upo sa sofa kaya ako na ang nagsara ng pinto.
   
   
"Huh? Why?"
   
  
He then looked at me and smirked.
    
    
"May kailangan ata akong bantayan."
   
   

   
  

   
  

  

After HerWhere stories live. Discover now