Chapter 7

27 4 0
                                    




"Iba ang gusto ko, Elissa."


Natahimik ako roon. Kung hindi si Venice, sino? Ipinilig ko ang ulo. Wala naman sa'kin kung sino ang gusto niya, why am I being curious? I shouldn't mind other's businesses.


"Hmm, okay." Ngumit ako sa kaniya saka kinuha ang remote at naghanap pa ng mapapanuod. "I'm not bored, Arkiel. Mag enjoy ka na lang roon at 'wag mo akong alalahanin, uh...kaya ko naman na ang sarili ko, and I don't want to b-bother you."


Sinabi ko iyon para bumalik na siya sa mga kaibigan niya sa baba. Tumango siya. Tumayo at hindi na nagpaalam umalis. I sighed, hindi ko talaga siya maintindihan. Nagkibit balikat ako at nag focus sa panunuod.


Natapos ko ang ikalawang movie at hindi na naghanap muli ng mapapanuod. Medyo sumasakit na ang mata ko. Niligpit ko ang mga kalat ko at inayos ang kama ni Arkiel. Sinigurado kong walang dumi roon. Ibinalik ko rin ang remote sa taas ng cabinet malapit sa TV niya. Pagkatapos ay lumabas ako at isinara ang pintuan.


Siguro naman ay patapos na sila Kuya, alas diyes na rin kaya naisipan kong doon na lang mag antay.


Kakaunti na lang ang ingay nang bumaba ako. Dumiretso muna ako sa kusina para itapon ang kalat ko. Nang makita ang trash bin nila ay maayos kong itinapon iyon at naghugas ng kamay. Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa Living room. Should I text, Kuya? Nahihiya talaga ako roon. Umiling ako sa naisip, he's probably drunk right now at baka hindi na mapansin ang text ko.


Nakarating ako sa living room at hindi na sila masyadong mainay. They were talking about something at hindi ko iyon alam kung ano. Nang mapansin ako ng isang kaibigan ni Kuya ay ngumiti ito at kumaway sa akin. Ngumiti ako ng tipid.


Sinilip ko si Kuya. He's busy on his phone, alam kong lasing na dahil namumula.


"Uuwi na ba kayo, Elissa?" si Venice iyon. "Upo ka muna. Let your brother sober up." Pinaupo niya ako sa tabi niya kaya hindi na ako tumanggi. Katabi kasi ni Kuya si...Arkiel.


"Ayos lang, gusto mo nang umuwi?" si Kuya nang sa wakas ay napansin ako.


"Pagtapos niyo, Kuya." Mahina kong sabi dahil nakakahiya naman na pauwiin siya. Tumango siya sa akin.


Nalipat ang tingin ko kay Arkiel. "Sayo 'to." Si Kuya, habang inaabutan siya ng isang shot ng kung anong inumin. Kinuha iyon ni Arkiel at ininom lahat. He don't seem drunk. Dahil siguro sa tagal ng titig ko sa kaniya ay napansin niya iyon, napatingin siya sa akin pero mabilis lang iyon at binalik ang tingin sa mga kaibigan niya.


"Kapag ba 18 ka na, pwede ka nang uminom?" si Venice, nasa kaniya naman iyong shot glass.


"I'm not sure." Ngumiti ako. Hindi naman kami masyadong dikit dahil maluwag naman ang space kaya hindi masiyadong awkward, at isa pa Venice is really friendly.


"Pwede na whe she turns 30." Si Kuya Markus.


"Fucking thrity?" iyong isang lalaki na hindi ko kilala.


Nagtawanan sila, nahiya tuloy ako.


"Grabe naman iyon Markus." Si Venice, bahagya ring tumawa.


I sighed, lasing na talaga si Kuya at kung ano ano ng sinasabi.


"You would understand me if you have a sister." Aniya. Naisip ko na kung matutuloy nga si Kuya sa Manila at hindi rito mag c-college ay paniguradong ma-mi-miss ko siya ng sobra. He's always kind to me, at kapag wala siya wala na rin akong kasama palagi sa bahay at sa kung saan saan.


"Ang swerte mo 'no. You have two brothers."


Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Venice.


"I mean, you have Markus and Arkiel. I can see that since Markus is his best friend, he also treats you like his sister." Ah, tumango ako. Ganoon rin nga ang sinasabi ni Kuya Markus. Arkiel...is like my brother.


"Kuya Markus is always kind."


"I know that. Kaya nga ang swerte mo kasi nandiyan din si Arkiel." Ngumiti ako ng tipid, wala ng masabi. Paminsan minsan ay kinakausap ako ni Venice at minsan naman ay sa mga kaibigan niya. Nag aya pa silang mag picture at sinama nila ako. Hindi naman ako tumanggi.


Sa tingin ko ay hindi naman gaano kalasing si Kuya dahil nagawa niya pang tawagan si Manong para sunduin kami. Sa labas na kami nag antay dahil alam kong saglit lang ay dito na rin si Manong.


"See you when I see you." Paalam ni Venice sa akin matapos magpaalam kina Kuya Markus at Arkiel.


"Ingat.." Kumaway ako at ngumiti. Tumango siya saka sumakay na sa kotse ng kaibigan din nila Kuya. I wonder when will Kuya have his own car?


Ilang minuto lang at nasa labas na si Manong. Naglakad na kami ni Kuya Markus palabas, habang nakasunod sa likod si Arkiel.


"Una na kami, Arkiel" Tumango lang si Arkiel.


"B-bye..." marahan kong sinabi, hindi niya ako pinansin at tiningnan lang. Dahil roon ay nauna na akong pumasok sa loob ng sasakyan. May pinagusapan pa sila saglit bago pumasok si Kuya sa loob.


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Bumaba agad ako at dumiretso sa kusina pagkatapos mag ayos.


"Good morning anak, I have presents for you." Si Mommy.


"Good morning, Mom." Hinalikan ko siya sa pisngi.


"I bought you new clothes, nasa kuwarto mo na tingnan mo mamaya okay?"


Tumango ako, "Thank you, Mommy."


"Always, welcome."


"Saan po si Dad?"


"Hmm, he's preparing our gift for your Kuya Markus." Busy si Mommy sa pag hahain ng breakfast. Kapag nan'dito siya ay siya talaga ang nagluluto ngbreakfast namin at hindi na ang mga katulong.


"Talaga, Mom? Anong gift po?"


"Secret lang ah, we want to surprise your Kuya Markus with his dream car." Hininaan ni Mommy ang boses. Natuwa ako para kay Kuya, parang kagabi lang ay tinatanong ko pa sa sarili kung kailan magkakaroon ng sariling sasakyan si Kuya, pero ngayon meron na agad.


"That's sweet, Mommy." Ngumiti siya.


"Good morning Mom, Elissa." Napalingon agad ako nang marinig si Kuya. Dumiretso siya sa fridge at kumuha ng tubig. Gulo gulo ang buhok niya at halatang may hang over. Dahil na e-excite ako para sa kaniya ay hindi ko maitago ang ngiti.


"Good morning, anak." Si Mommy, umupo si Kuya sa harap ko.


"Why are you smiling?" tanong niya sa akin. Nakangiting umiling ako.


"Good morning." Bati ko, natawa si Mommy dahil ang mukha ni Kuya ay takang taka.


"Elissa is weird, Mom." Aniya. "Anyway, where's Dad?"


"He's busy at nauna na kaming nag break fast. Kumain na kayong dalawa."


Nagsimula akong kumain. Hindi ko alam kung ilang beses na napansin ni Kuya ang maya't mayang pag ngiti ko. He's clueless. Matapos mag breakfast ay bumalik ako sa aking kuwarto para maligo. Pero bago iyon ay napansin ko ang mga paper bag na nakapatong sa couch ko. Binuksan ko iyon at nakita ang mga dress na binili ni Mommy. Si Mommy ang palagingbumibili ng damit ko, at gustong gusto ko lahat ng napipili niya.


Hindi na ako nag abalang isukat ang mga iyon because Mommy knows mysize already. Inilagay ko ng maayos sa closet ang mga iyon saka dumiretso na sa banyo para maligo. Nagsuot ako ng simpleng tshirt at maong shorts. Hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok dahil sabi ni Mommy ay mas naalagaan daw kung hindi palaging tinatalian.


Suot ang pambahay na tsiñelas ay bumaba ako at dumiretso sa living room. Nakaligo na rin si Kuya at nanunuod ng basketball sa TV.


Hinanap ng mga mata ko si Mommy pero hindi ko siya makita.


"Saan si Mommy?"


"Umalis, hindi ko alam san punta." Si Kuya na tutok sa panunood. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Umupo ako sa dulo at in-open ang cellphone. Wala pang nasasabi sina Mommy kung saan nila plano magbakasyon. Wala rin naman akong planong magtanong dahil baka busy pa sila. At noong sinabi ni Kuya na lagi raw rito sa bahay si Arkiel sa summer ay parang nagpapahiwatig na walang mangyayaring outing.


Ayos lang naman iyon, baka busy sila Daddy. At isa pa, halos tuwing bakasyon ay nangingibang bansa kami, o nag pupunta sa kung saan saan. Okay lang naman siguro na sa ngayong taon ay sa bahay na lang.


Halos kalahating oras na ganoon lang ang ginagawa namin nang sa wakas ay dumating na sina Mommy at Daddy. Lumapit agad ako roon para batiin sila.


"Markus, your gift." Inabutan ni daddy si Kuya Markus ng maliit na kulay itim na box. Kuya seems surprised.


"It's a bit late anak, congratulations again." Si Mommy na agad niyakap si Kuya at hinalikan sa pingi.


"Open it." Si Daddy,


"Thanks Dad, Mom." Aniya habang binubuksan iyon.


Nang sa wakas ay nabuksan niya, nagulat siya nang makita ang susi. Napangiti ako para sa kaniya.


"Wow, this is a..."


"Yes, Markus. Actually nasa labas na." Si Daddy, tuwang tuwa si Kuya Markus saka lumabas. Sumunod rin kami sa kaniya. Nang makitang naroon nga ang bagong sasakyan niya ay niyakap niya sina Mommy at Daddy.


"Kumuha ka muna ng lisensiya." Si Daddy habang tumatawa. Tumango si Kuya at ch-in-eck ang bagong sasakayan.


"Yes Dad. But can I try? Ngayon na?" Natawa kami dahil sobrang excited niya, pumayag naman si Daddy basta 'wag lang lalabas ng subdivision dahil nga wala pa siyang lisensya.


"Sandali at tatawagan ko si Arkiel."


"Okay, kami ay mag aayos na dahil babalik kami sa kompanya." Sinabi ni Daddy. Muling nag pasalamat sa kanila si Kuya.


"You're always welcome." Si Mommy. Pumasok na kami sa loob. Mamaya na raw susubukan ni Kuya kapag nan'dito na si Arkiel.


Wala na naman sila Mommy mamaya so I guess I'll just stay in my room? Tutal ayaw ko naman maki halubilo kina Kuya. Baka aalis sila mamaya. At isa pa, ayaw kong humarap kay Arkiel. I don't know, I feel uncomfortable lalo na't hindi niya ako pinansin kagabi. He seems mad, is he?



After HerWhere stories live. Discover now