Chapter 19

46 7 3
                                    




Kailangan niya bang maging karapat dapat para sa'kin? Sa anong paraan? Nakakainis dahil iyon lang ang laman ng utak ko simula nakaraang linggo nang ihatid ako ni Arkiel sa bahay. Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay hindi na ako umimik at tahimik niya akong naihatid.


"Anak gusto mong sumama sa akin?" Tanong ni Mommy, isang tanghali habang kumakain kami.


I'm glad she's here. Wala si Daddy dahil palaging busy at buti na lang narito si Mommy kahit na madalas ay wala rin siya dahil nga nagta-trabaho.


"Where po?"


"Sa opisina." Mabilis akong umiling, ayoko.


"Dito na lang ako Mommy." Ngumiti siya at tumango.


Nagpatuloy ako sa pagkain. Madalas akong tanungin ni Mommy kung gusto ko bang sumama sa kaniya sa kompanya namin pero palagi akong tumatanggi dahil bukod sa wala akong kilala roon ay maiistorbo ko pa sila ni Dad.


"After this ay aalis na ako. You sure you don't want to come?" Tumango ako.


"I'll just stay here, Mom." Tumango siya, sabado iyon at walang pasok, isa pa malapit na ang bakasyon, wala ng isang buwan at mag g-grade 10 na ako, I'm excited though.


"Wala kayong lakad ni Arkiel? O ni Angel?" Mabilis akong umiling.


Just by hearing his name ay agad nag iinit ang pisngi ko, sana lang ay hindi iyon halat masyado. Dahil hangga't maaari ay sekreto lamang ang pagkagusto ko kay Arkiel.


"Okay, pero kung may biglaan kang lakad ay magpaalam ka sa'kin okay? Call me."


"Opo, Mom."


Natapos kaming mananghalian at umalis na rin si Mommy, wala akong ginawa kun'di ang magkulong sa kwarto ko. Nakadapa ako sa malaking kama habang nilalaro sa aking kamay ang cellphone. Napanguso ako, I wanted to text him! So much. Pero pinigilan ko ng sarili.


Ganoon lang palagi ang nangyayari, sa tuwing gusto kong kausapin si Arkiel ay halos magtalo kami ng sarili ko para pigilang gawin iyon. Kaya lang kahit anong pigil ko sa sarili, kung si Arkiel naman ang madalas na lumapit at kumausap sa akin ay wala ring nangyayari. Sa huli, gusto ko pa rin siya.


I know that's wrong, but I'll tell no one until I forget him. I will, for sure. If not, hindi ko pa rin sasabihin. Ang pakiramdam na 'to, ay akin na lang.


"Really, Kuya? Sunduin kita!" Masayang bati ko nang tumawag si Kuya Markus isang araw para ipaalam sa'kin na uuwi siya. Ang bilis lang ng panahon at bakasyon na namin.


Kung nakaraan ay sa Palawan nagbakasyon si Angel ngayon ay napagplanuhan nilang sa Japan naman. Good for her though, matagal niya ng gusto iyon.


"Kung wala kang ginagawa, Elissa." Pumayag ako sa gusto ni Kuya at agad nang pumasok sa aking kwarto para makapag ayos. Sinuot ko ang isa sa mga paborito kong bistida na pinaresan ko ng puting sneakers.


Napansin ko ang brown na cap na nasa closet ko, galing iyon kay Arkiel. Napangiti ako at kinuha iyon, sinuot saka lumabas ng kuwarto at bumaba na para hanapin si Manong Ramon. Nang makita ko soyang handa nang umalis ay sumakay na ako roon.


Parang nakaraan lang ay umiiyak pa ako dahil sa pag alis ni Kuya! Pero ngayon, susunduin ko na siya dahil magbabakasyon siya rito. Hindi nga lang masyadong mahaba ang bakasyon niya tulad ng amin.


"Kuya!" Kumaway agad ako nang makita siyang palabas ng airport. Tinakbo ko ang distansya namin. Nang makita niya akong papalapit ay binitiwan niya ang maleta na hawak saka ako sinalubong ng mainit na yakap.


"I missed you, Eli. Grabe dalaga na, tumangkad ka ah." Aniya matapos akong halikan sa pisngi.


"Kuya ikaw nga e! Tumangkad lalo, miss na miss na kita!" Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at ginulo ang buhok ko.


"Salamat Manong!" Lingon niya nang si Manong Ramon na mismo ang magbitbit ng kaniyang maleta. Tanging pag ngiti at tango lang ang isinagot ni Manong saka dumiretso na sa SUV namin.


Inakbayan ako ni Kuya, "Gumanda, parang may boyfriend na ah!" Napairap ako sa biro niya, tumawa naman siya.


"Wala, Kuya."


"U-huh? Binabantayan ka naman pala ng maayos ni Arkiel." Uminit agad ang pisngi ko roon.


"Kahit hindi niya ako bantayan, hindi ako magpapaligaw, Kuya." Pinagbuksan niya ako ng pintuan, pumasok naman ako ganoon din siya. Nang maisara ay pinaandar na agad iyon ni Manong.


"Hmm...I can see that. Pero iba pa rin kapag may kinakatakutan ang nagbabalak manligaw sa'yo." Humalakhak ito. Napailing na lang ako saka kumapit sa braso niya ay humilig sa kaniyang balikat.


"Hindi ako magpapaligaw...Kuya." Mahina kong sabi, hinaplos niya ang mahaba kong buhok.


"Yes, 'wag muna." Tumawa siya nang marahan. Hindi na ako sumagot.


Paano ko sasabihin kay Kuya lahat? Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya, at alam kong sa oras na tanungin niya ako kung may nagugustuhan ako ay paniguradong sasabihin ko ang totoo, bahala na. Hindi ko kayang mag sinungaling sa kahit na sino, lalong lalo na kay Kuya Markus.


"I missed you, anak!" Salubong ni Mommy sa kaniya nang makauwi ito kinagabihan. Mabilis niyang niyakap si Kuya Markus. Nang humiwalay ay ako naman ang lumapit kay Mommy para halikan siya sa kaniyang pisngi.


"Si Daddy po?" Tanong ni Kuya, saktong pagpasok ni Daddy. Lumapit kami sa kaniya.


"Grabe super busy. Magpapaalam nga kami ng Daddy niyo sa inyo." Nagmano ako kay Daddy saka inantay ang sasabihin ni Mommy.


"May business trip kami sa Hongkong, pwede kayong sumama para roon na rin ang bakasyon niyo. But it's up to you."


"Kumain muna tayo, 'My. Doon na natin pag usapan."


Tulad ng sinabi ni Daddy ay dumiretso na nga kami sa dining room para kumain. Nakahain na ang pagkain roon, nagdasal kami bago nagsimula. Ngiting ngiti ako habang nilalagyan ni Kuya Markus ng kanin at ulam ang pinggan ko. Ngayon na lang ulit ito!


"So gusto niyo sa hongkong?" Si Daddy na ang nagsimula.


"Depende po kay Kuya." Sagot ko kaagad, kung ayaw niya e'di dito lang din ako.


"Business trip ba, Dad? Mas okay siguro na rito na lang kami ni Elissa."


"Hmm. Sabagay, magiging busy rin kami roon ng Daddy niyo."


"Any place you want to go? You two need to take a vacation, wala tayo naka bakasyon nakaraan." Tumango si Mommy sa sinabi ni Daddy.


"Gusto mo ba, Elissa?" Binalingan ako ni Kuya.


"Ayos lang sa'kin. I wanna spend time with you, Kuya." Ngumiti siya at tumango.


"Maghahanap na lang ako ng magandang lugar, Dad."


"Where is Angel ba, Elissa?"


"Nasa Japan po, Mom. Nagbabakasyon."


"Oh, okay, pwede mo sana siyang isama." Ngumiti na lang ako kay Mommy dahil imposible iyon.


"You can invite Arkiel, Markus." Natigilian ako dahil sa sinabi ni Daddy.


"Susubukan kong imbitahin, Dad. Baka hindi pumayag, busy iyon sigurado." Tumango ako para sumang ayon.


"How 'bout your other friend, anak?" Tanong ni Daddy sa akin.


"Angel is my only friend." Simpleng sagot ko na ikinatango niya.


"You don't want to make more friends?" Natatawang tanong ni Daddy. Si Kuya ay natawa rin nang bahagya.


"Angel is enough po." Tumango sila.


Masaya naman kami ni Angel kahit kami lang ang mag best friend, though maraming kaibigan si Angel pero ako naman ang best friend niya at okay na ako roon. Isa pa, hirap talaga akong makipag kaibigan.


"Stop teasing Elissa, you two." Saway ni Mommy. Ngumuso ako at ipinagpatuloy ang pagkain.


Tanghali kinabukasan ay narinig ko ng katok ni Kuya Markus sa labas ng aking silid, kakatapos ko lang maligo n'on at nagsusuklay na lang ng buhok.


"Elissa."


"Kuya, that's open!"


Lumingon ako sa bandang pintuan nang pumasok si Kuya. Kinuha ko ang paboritong perfume na madalas kong gamit at nag spray sa aking sarili.


"Buti ay nakaligo ka na, samahan mo ako." Umupo siya sa kama ko.


"Saan, Kuya?"


"Kina Arkiel lang, hiniram ko isang sasakyan ni Dad." Mabilis akong tumango.


Pupunta kami kina Arkiel? I missed him. Halos isang buwan ko na siyang hindi nakakausap! Itinago ko ang kasiyahan kay Kuya saka ipinagpatuloy ang pagsusuklay.


"Okay, wait lang." Tumango si Kuya at inabala ang sarili.


Nang matapos akong mag suklay ay dumiretso ako sa closet para maghanap ng sapatos na maisusuot. Napili ko iyong sneakers kong kulay puti para bumagay sa suot kong dress na pastel pink. Nang matapos isuot iyon ay lumabas na ako.


"Done, Kuya!" Nag angat siya ng tingin at ngumiti.


"Always pretty. Tara na." Ngumiti ako at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas.


Tulad ng sinabi niya ay ginamit niya nga ang isa pang sasakyan ni Dad na madalas ay tambay lang dito sa bahay dahil wala namang gumagamit. Ngayong pwede nang mag drive si Kuya, ay magagamit na iyon lalo na't hindi namn niya dala ang kaniyang sasakyan.


"Si Arkiel ba walang pinopormahan?" Biglang tanong ni Kuya habang nag d-drive.


"Hindi ko alam Kuya." Tumingin ako sa labas para hindi niya makita ang reaksiyon ko. Kinakabahan talaga ako kapag si Arkiel ang topic.


"Talaga? Hindi pa rin sila ni Venice? Ang bagal talaga ng gagong 'yon."


"Si Venice?" Kumalma ako at nilingon si Kuya. Now, I'm curious.


"Oo, gusto niya na 'yon dati pa. Grade 9 ata kami." Tumawa si Kuya, inaalala ang nakaraan.


Natahimik ako. Noon niya pa pala gusto si Venice.


"Pero lagi naman s-silang magkasama." Bulong ko. Halos sampalin ko ang sarili dahil tunog nagsusumbong iyon!


"Well, that's normal. Mag kaklase e. Pero ewan ba riyan kay Arkiel, hindi ko alam bakit ayaw pang ligawan si Venice. Mamaya ay maunahan pa siya." Kuya Markus laughed, and I smiled bitterly.


"Baka naghahanap lang ng pagkakataon." Sinabi ko kahit masakit.


So he really like Venice, huh? Ayos lang naman iyon. Hindi naman niya kailangang gustuhin din ako dahil lang gusto ko siya. At isa pa, nangako ako sa sarili na sa akin lang ito. Ako lang ang makakaalam ng nararamdaman ko. Ipinilig ko ang ulo, I need to stop thinking about things like this.


Sabay kaming lumabas ng sasakyan ni Kuya Markus nang makapag park siya. May iilang katulong na sumalubong sa amin bago ko nakita si Manang Lita 'di kalayuan. Kumaway ako.


"Hala, dalaga ka na!" Nagmano ako sa kaniya at ngumiti.


"Itong si Markus, p-um-ogi lalo!" Tumawa si Kuya Markus.


"Siyempre, Manang. Si Arkiel ba nariyan?"


"Ay oo, sige pasok muna kayo. Nasa kuwarto niya iyon lagi, tatawagin ko."


"Salamat Manang."


Pinananuod kong umakyat sa hagdan si Manang, nang mawala siya sa paningin ko ay umupo na ako sa tabi ni Kuya.


Napatingin ako sa kaniya, kumunot agad ang noo ko dahil nakangiti ito habang nag c-cellphone. Napangiti ako nang may maisip.


"Girlfriend mo ba 'yan, Kuya?" Agad siyang napalingon sa akin at natawa.


"Hindi ah!" Natatawa siyang umiling. Ngumiti lang ako nang makahulugan at hindi na siya kinulit dahil narinig ko na ang mumunting usapan ni Arkiel at Manang.


"O sige maiwan ko muna kayo." Tumango ako kay Manang Lita at kumaway.


"Nakauwi ka na pala. Musta?" Lumingon ako kay Arkiel nang mag salita ito. Nakipag high five kay Kuya saka umupo sa harap namin.


"Oo e, ayos lang. Guwapo pa rin." Tumawa si Kuya.


"Gago pa rin." Ngumisi si Arkiel. Hinagis siya ni Kuya ng throw pillo na mabilis niyang sinalo.


"Mag babakasyon kami ni Elissa. Gusto mong sumama?"


"Saan?" Lumingon si Arkiel sa akin, umiwas ako ng tingin.


I hate him. Kahit hindi niya kasalanan na gusto niya si Venice, I still hate him.


"Kahit saan, wala pa 'kong naisip. Sabi kasi ni Dad isama ka, sabi ko susubukan ko mukhang busy ka ata e."


"Hindi naman." Napanguso ako roon. Paanong hindi? Bakit 'di niya ko kinakamusta? Dati rati naman kinakamusta ako pero nitong nakaraan wala na. Akala ko ay busy, hmp!


"E'di sasama ka?" Tanong ni Kuya


"Ayos lang, kung ayos lang sa kapatid mo." Kumunot ang noo ko at nilingon siya.


"Ayos lang 'yan, 'di ba Elissa?" Ngumiti ako ng tipid kay Kuya Markus.


"Ayos lang, Kuya."


"See. Gusto mong isama si Venice? I know my sister won't mind." Napalingon agad ako kay Kuya Markus.


Kumindat ito sa akin. I know he wants Arkiel and Venice together, ngumiti na lang ako ng mapait. Kuya, I like Arkiel. Gustong gusto kong sabihin iyon pero pinigilan ko.


"Hindi ko isasama si Venice."


Ayaw niya? O baka may ibang dahilan.


"Kaya ka walang girlfriend kasi ang bagal mo!" Natahimik ako sa sinabi ni Kuya. Kaya siguro hindi pa niy nililigawan si Venice.


"I don't need a girlfriend right now, Markus."


"Kung hindi ngayon, kailan?" Napatingin na rin ako kay Arkiel, inaantay ang sagot nito. I'm curious! Nakakainis.


"Kapag pwede na ang gusto ko." What?


"Strict ba ang parents ni Venice?" Iyon din ang naisip ko.


Bawal pa si Venice mag boyfriend? Kaya naman pala! Kaya hindi pa niya nililigawan! Naalala ko noong nasa booth kami. Sinabi ni Venice na hindi pa nanliligaw si Arkiel at noong tinawag siya ni Arkiel sinabi niyang alam niya. Yes, alam niya kung bakit. That means hindi pa siya pwede? Kung ganoon kailan? Kapag ba naka graduate na? Ipinilig ko ang ulo sa dami ng naiisip.


"I don't know, Markus." Huh? Naguguluhan na ako kay Arkiel.


"Ewan sa'yo." Sabi ni Kuya, naguguluhan na rin.


"Sasama ako sa inyo, kailan ba?"


Kapag sila Daddy talaga ang nag aya hindi niya matanggihan! Siguro kung ako, hindi niya ko susundin tulad ng pagsunod niya kila Kuya.


"Aalis sila Mommy mamaya e. E'di bukas pwede na. Hanap ka nga ng magandang lugar."


"Kuya, gusto kong mag beach." Pag singit ko sa kanila.


"I'll take note of that." Ngumiti ako kay Kuya.


"Beach, then." Napatingin ako kay Arkiel.


Ngayon ko lang napansin na ang guwapo niya sa suot na plain shirt na kulay puti!


"Maghahanap ako san maganda. Maghanap ka rin ha." Tumango si Arkiel sa sinabi ni Kuya.


Kinuha ni Arkiel ang ipad na nasa lamesa, sa tingin ko ay magsisimula na silang maghanap ng magandang lugar. Ganoon din ang ginawa ni Kuya. Dahil tamad akong mag cellphone ay sumulyap na lang ako sa tinitingnan ni Kuya.


"Masaya sana marami, ayaw mo talagang isama si Venice?" Biglang sinabi ni Kuya Markus, nang aasar. Napaangat na rin ako ng tingin kay Arkiel para tingnan kung anong reaksiyon niya.


Kumuha ito ng throw pillow na nasa tabi niya at nag ambang ihahagis iyon kay Kuya, bago pa niya magawa ay nakatago na si Kuya sa likod ko. Napatingin sa akin si Arkiel, inilapag niya ang ipad saka tumayo.


Lumapit siya sa akin at hinila ako palayo kay Markus saka niya binato ito ng unan. Umupo si Arkiel, at hinila niya rin ako paupo sa tabi niya. Oh geez, Arkiel. What are you doing?


"Gago ka talaga!" Tumawa si Kuya, saka umupo nang maayos. Nang makita niyang nakaupo na ako sa tabi ni Arkiel ay lalo siyang natawa.


"Inaangkin mo ang kapatid ko! Ako ang tunay na Kuya!" Lalong uminit ang pisngi ko.


"Shut up, iniwan mo siya, remember?" Natawa si Kuya Markus sa biro ni Arkiel, ako naman ay halos hindi na makahinga.


"Gago ka! Pa cr nga naiihi ako." Hindi na inantay ni Kuya Markus na sumagot si Arkiel, pinagmasdan ko na lang siyang umalis at umakyat sa second floor. Doon pa ata makiki cr sa kuwarto ni Arkiel.


"Kamusta ka?" Muntik ko nang makalimutan na narito pala si Arkiel! Nagulat pa ako nang haplusin niya ang buhok ko sa likod.


"A-ayos lang, ikaw?" Bumilis ang tibok ng puso ko.


"Fine. I've been missing you." Napalunok ako ng sariling alaway, uminit agad ang aking pisngi. Hinawi niya ang takas na buhok sa aking mukha at inilagay iyon sa likod ng aking tainga.


"Okay." Tumango na lang ako sa sobrang kaba.


"Yes, Elissa. I missed you so much."







After HerWhere stories live. Discover now