Chapter 8

26 3 0
                                    



Tulad ng inaasahan, wala pang isang oras ay nasa bahay na si Arkiel. Nasa living room ako nang dumating siya. Hindi ako nag abalang bumati o ngumiti o tumingin man lang sa kaniya dahil hindi ko makakalimutan na nagpaalam ako sa kaniya kagabi bago umuwi ngunit hindi niya ako pinansin. Baka kapag nag hi ako o ngumiti ay hindi na naman niya ako papansinin.


Nilipat lipat ko ang channel upang pumili ng mapapanuod. Si Kuya at Arkiel ay nag uusap tungkol nga sa bagong sasakyan niya.


"Iikot kami sa sub-division, Elissa. Gusto mong sumama?"


Lumingon ako kay Kuya pero hindi ko pinansin si Arkiel. Umiling ako.


"No, Kuya. Dito na lang ako."


Tumango naman siya at hinayaan ako sa gusto kong mangyari. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Arkiel at nakitang nakatitig ito sa akin. Hindi ko siya ulit pinansin, nginitian o ano.


"Alis na kami, Elissa. Babalik din agad." Kumaway ako kay Kuya. Nakaalis na silang dalawa at naiwan ako sa Living room. Dahil nakaka boring ang panunuod sa tv ay pumunta ako sa kusina para hanapin si Manang Fe. Nang nakita siyang nagluluto ng lunch ay lumapit ako.


"Manang ano pong ulam natin?"


"Hija, diyan ka pala! Nagluluto ako ng menudo at pork sinigang. Nagpaluto ang Kuya Markus mo ng sabaw. Masakit ata ang ulo dahil nakainom kagabi."


Tumango tango ako saka pinanuod si Mnang Fe sa pagluluto. Masarap siya lagi mag luto, ganoon rin si Mommy. Kaya lang ay tuwing breakfast lang nagluluto si Mommy, at minsan lang iyon.


"Hindi ka sumama sa Kuya mo?"


"May kasama siya Manang e."


"Ah oo si Arkiel, oh bakit? Nahihiya ka ba roon?" natawa siya ng kaunti. Sumimangot ako.


"Hindi naman Manang. Boys sila, I can't relate."


Si Manang naman ang tumango. "Tikman mo nga, hija."


Inabot ko ang inaabot ni Manang Fe na may kaunting sabaw at isang cube ng karne, iyong menudo ang pinapatikim niya. Tinikman ko iyon at agad nag thumbs up habang ngumunguya.


"Masarap na, Manang. Tama lang po ang lambot ng karne."


"Okay, ito namang sinigang." Inabot ko ulit ang isang kutsara ng sabaw. Napatango ako, ang sarap. Sakto lang ang asim.


"Masarap, Manang. Bakit niyo pa po ba pinapatikim e lagi namang masarap ang luto niyo." Tumawa si Manang nang bahagya.


"Sinisiguro ko lang hija. Dito kasi kakain iyong si Arkiel."


"Ah ganoon po ba. Okay na Manang, sobrang sarap po!" Tumango siya.


"Mabuti pa i text mo na ang Kuya mo na handa na ang pagkain. Kumain na kayo habang mainit pa ang sabaw."


"I t-text ko na po si Kuya Markus."


Tumango si Manang at naghanda na ng mga plato. Nang makitang tatlong plato lang ang naroon ay agad na akong nagtanong.


"Hindi po kayo sasabay sa amin, Manang?"


"Ah hindi, hija. Sasabay ako kina Vivian." Tumango ako, ang iba pang katulong ang tinutukoy niya. Nagpaalam ako para bumalik sa living room, naiwan ko kasi ang cellphone doon.


T-in-ext ko kaagad si Kuya Markus na bumalik na sila para makakain na. At dahil nag iikot lang naman sila sa sub-division namin ay ilang minuto lang naririnig ko na ang boses nila ni Arkiel.


Hindi ko inantay na maabutan nila ako sa living room at agad na akong bumalik sa kusina.


"Bakit tumatakbo ka?" si Manang Fe, umiling ako agad.


"Wala po, Manang."


Umupo ako sa upuan ko at inantay na makapasok sila Kuya.


"Oh, Markus. Andiyan na pala kayo, maupo na kayo. Naluto ko na ang pinapaluto mo."


"Salamat po, Manang."


Pinagmasdan ko si Kuya na naupo sa dating upuan niya, tumabi naman sa kaniya si Arkiel na nasa harap ko na ngayon. Umiwas agad ako ng tingin.


"Maiwan ko muna kayo, ha. Kumain kayo ng marami."


Tumango ako kay Manang at nagpasalamat ganoon din si Kuya at si Arkiel. Nagsimula akong kumain. Inuna ko iyong menudo dahil nasarapan talaga ako roon.


"Mauuna ang pasukan niyo, 'diba Elissa?"


Tumango ako. "Sa susunod na buwan na, Kuya."


"Ako na muna ang mag hahatid sa'yo sa school." Nakangiti niyang sabi, natuwa naman ako.


"Sa Manila ka na ba talaga mag aaral, Kuya?" hindi ko na napigilang itanong. Ilang beses ko na kasi iyong naririnig kina Mommy pero hindi naman ako sigurado kung tuloy ba.


"Yes, Elissa. Kaya habang 'di pa ako nakaka alis babantayan muna kita." Kumunot ang noo ko, inubos muna ang pagkaing nasa bibig bago sumagot.


"Bakit mo naman ako babantayan, Kuya?"


"Baka may manligaw na sa'yo kapag wala na ako dito." Natawa ako roon.


Dahil gusto kong makita ang naiinis na mukha ni Kuya ay iinisin ko pa siya.


"Hindi muna ako mag b-boyfriend, Kuya." Ngumiti ako


"Good."


"Sa pag alis mo na lang."


Tumawa ako matapos sabihin iyon. Dahil tumawa ako ng malakas ay naubo ako. Kukuha na sana ako ng tubig nang abutan na ako ni Arkiel, kung tatanggihan ko iyon ay baka mamatay pa ako kaya kinuha ko na at ininom.


"Elissa." Si Kuya. Naubos ko ang iniinom at nang kumalma ay tumawa ako ng mahina.


"Joke lang, Kuya."


"That's not a good joke. At parang hindi ka nga nag bibiro. Baka mag boyfriend ka nga pag alis ko ha. Umayos ka."


"Hindi nga. Promise." Nagpatuloy ako sa pagkain.


"Hindi mo naman talaga magagawa iyon dahil pababantayan kita kay Arkiel."


Nahinto ako sa pagkain, "Huh?"


"Hindi naman aalis si Arkiel, e."


Natapos ang tanghalian at nagkulong lang ako sa aking kuwarto. Arkiel is not leaving? Why? Ayaw niya bang mag aral sa Manila? Kung sabagay, nalaman ko kina Mommy nakaraan na gusto raw ni lola, iyong Mommy naman ni Dad na nasa Manila, na doon na raw mag aral si Kuya. Matanda na at gusto nilang pag bigyan. Iyon namang lolo at lola ko sa probinsiya ay magulang ni Mommy.


Kaya hindi na nakakagulat kung sa dating university pa rin mag aaral si Arkiel, kumpleto naman ang courses na ino-offer ng college roon.


Hindi ko na inisip ang sinabi ni Kuya, dahil una sa lahat hindi naman ako mag b-boyfriend. Pangalawa, imposible namang babantayan nga ako ni Arkiel baka nga hindi niya ako pansinin e. At isa pa malayo naman ang building ng Junior High sa College. Imposibleng magkita kami sa lawak ng school. At huli, hindi mag aabala si Arkiel, paniguradong busy rin iyon dahil nga nakappag desisyon nang kukuha ng kursong Mechanical Engineering.


Hapon na nang lumabas ako, akala ay wala na roon si Arkiel pero nandoon pa rin siya sa living room. Dahil sa ingay ng mga cellphone nila ay nahulaan ko na agad na naglalaro sila ng ml.


"Gago, nagtatago pala ang hayop na Eudora!" Si Kuya habang natatawa. Napailing ako. Hindi ko na naman sila maintindihan. Umupo ako malayo sa kanila at binuksan ang TV, binuksan ang Netflix at naghanap ng anime movie. Nang makapili ay tahimik akong nanuod. Pero mas maingay pa ata ang dalawa kaysa sa pinapanuod ko.


"Markus, dito. Set."


"Oo sandali. Tatalon na, unahin mo mm."


"Fuck. Wala na, tanginang Eudora."


Dahil sa lakas ng pagmura na iyon ni Arkiel ay napatingin ako sa kaniya.


"Gago patay ka pala." Si Kuya.


Dahil siguro sa paninitig ko ay napatingin na rin si Arkiel. Kita ko ang pag lunok diya dahil sa pag taas baba ng Adam's apple niya. Kumunot ang noo ko.


"Sorry for the curses." Aniya, umiwas ako ng tingin. I didn't expect him to say sorry! Nagulat lang naman ako sa pag mu-mura niya. First time kong marinig iyon.


"Buhay ka na Arkiel, bilisan mo."


"Huwag mo akong kausapin, Markus."


"Huh? Paano tayo mananalo. It needs communication."


"Basta. 'Wag mo muna akong kausapin."


"Ang gulo mo Arkiel, ako na nga ang mag c-core next game!"


Kahit gusto kong hindi sila pansinin ay hindi ko magawa dahil kung minsan ay nagsisigawan na sila. Patawa tawa pa minsan.


"Unahin mo mo ang mage, mm. Napaka bobo!" Tiningnan ko si Kuya. Bakit ba gigil na gigil sila sa larong 'yan?


"Markus, lord na." Kumunot ang noo ko at bakit nasama pa si Lord sa usapan nila. Hays.


"Oh tower lock mm! Arkiel, tower lock mo na napaka bobo ng mm natin!"


Kung sino man ang tinutukoy ni Kuya Markus ay kawawa naman. Kailangan ba talaga ng talino sa paglalaro niyan? I've seen Kuya getting mad and frustated at the same time because of that online game, kaya hindi ko gugustuhin na laruin din iyon. I won't be cursing like that just for a mere game.


Hindi ko naman siya masisisi dahil bastketball at iyan lang ang libangan niya araw araw. At isa pa, in-explain ni Kuya na kontrolado naman niya ang paglalaro dahil hindi naman daw nababagsak ang grado niya 'di katulad ng ibang naglalaro ng ml.


"Victory!" Nang tumunog nang sabay ang mga cellphone nila ay tumawa ang dalawa.


"Report." Si Arkiel


"Oo 'yong Natan. Pati 'yong tank ng kabila, maingay, report mo verbal abuse."


Bumuntong hininga ako at nakalahati ang pinapanuod nang walang naintindihan.


"Ano isa pa?" Si Kuya. Napatingin ako sa kanila at nakita ang pag iling ni Arkiel. I sighed, buti naman.


"Sunod naman."


"Bukas may practice tayo. Manuod ka Elissa."


Lumingon ako kay Kuya, "Saan?"


"Sa school, may practice kami basketball. Pinayagan naman kaming gamitin ang court. Mas maganda roon e, malawak." Tumango ako kay Kuya.


"May laban kayo?"


"Yup, nang aya kabilang school. Bago raw kami umalis."


"Okay."


Tulad ng sinabi ni Kuya, kinabukasan ay sumama ako sa kanila sa school. Nakakapanibago dahil walang estudyante at ang tahimik ng school dahil nga wala namang pasok. Nakasunod lang ako kay Arkiel at Kuya. Nang huminto sila ay huminto rin ako. Nagtataka ako dahil wala pa naman kami sa gym kaya bakit sila huminto?


"Gago nakalimutan kong kasama pala si Cervantes, dapat 'di na natin sinama si Elissa."


"Bakit kasama 'yon?" Si Arkiel


"Sinali ni Samuel!"


Lumingon sila sa akin. Tinignan ako ni kuya mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo ko.


"Ang OA mo Kuya, sa bleacher lang ako at hindi makikipag usap sa kung kanino."


Sinabi ko na iyon dahil kahit si Arkiel ay napatingin din sa suot ko. Nakakahiya! Maayos naman ang suot ko, brown t-shirt tucked in my high waist black shorts paired with my sneakers.


"Dapat nag pantalon ka." Si Kuya.


"Short is too short." Si Arkiel, may short bang mahaba? Kaya nga short e. Hindi ko sila maintindihan!


"Kuya, ayos lang ang suot ko. Napakainit, bakit ako mag pa-pantalon?"


"Sige na nga, basta 'wag mo kausapin ang Cervantes na iyon. Maniyak 'yon at babaero! Trip ka pa naman n'on. Isumbong mo sa'min kapag hiningi ulit number mo."


Para wala na silang reklamo at hindi na mag alala si Kuya ay tumango na lang ako at nag promise pa.


Nang makapasok sa loob ay naroon na ang ibang kaibigan nila Kuya Markus. Itinuro niya kung saan ako umupo at sumunod naman ako. Inilagay niya sa tabi ko ang dalawang bote ng tubig at panyo na kanina niya pa bitbit.


Nag usap sila sa gitna ng court. Pinagmasdan ko lang sila. Nawala ang tingin ko kay Kuya Markus nang lumapit sa akin si Arkiel.


Kumunot ang noo ko nang inabot niya ang cellphone niya sa akin.


"Hold it for me."


Nakuha ko naman ang gusto niyang gawin ko kaya inabot ko iyon. Naka suot siya ng kulay gray na hoodie jacket at nagtaka ako nang hubarin niya iyon mismo sa harap ko at inabot iyon sa akin.


"Cover your legs, Miss."


After HerWhere stories live. Discover now