Chapter 9

26 4 1
                                    


   
  
  
“Cover your legs, Miss.”
  
  
Kinuha ko ang inaabot niyang jacket at ipinatong iyon sa legs ko. Kahit mainit sa pakiramdam ay sumunod na lang ako. Hindi ako nag salita, pero naroon pa rin siya sa harap ko at tinitingnan ako. Kumunot ang noo ko, mabuti ay dumating si Kuya Markus para iabot din ang cellphone niya kaya umiwas ito ng tingin.
    
    
“Good luck, Kuya.” Ngumiti siya at  tumango
  
  
“Thanks.” Marahan niyang hinampas ang likod ni Arkiel, “Tara.”
   
  
Nakita ko ang pag tango ni Arkiel. “Susunod ako.”
   
  
Tumango si Kuya Markus at dumiretso na sa gitna ng court. Nag f-free throw pa lang sila, ang iba ay nag wa-warm up.
  
   
“Where’s mine?” Nabalik ang tingin ko kay Arkiel. Naroon pa rin siya sa pwesto niya at nakatingin na naman sa’kin. Hindi ko siya maintindihan.
   
  
“Alin?”
   
  
“Where’s my good luck?”
   
   
Tumikhim ako, “Good luck.” Marahan kong sinabi, umiwas ako ng tingin at hindi na nakita ang reaksyon niya.
    
  
Naramdaman kong umalis na rin siya at nakisali sa pag wa-warm up. Nagsimula ang laro, dahil walo lang sila naging 4 versus 4 iyon. Si Kuya Markus at Arkiel ay magkasama, nasa team din nila si Kian at ang isa na hindi ko kilala. Sa kabilang team ay sina Samuel, iyong Cervantes, Si Lorcan at isang hindi ko na naman kilala dahil bihira lang naman iyong makasama ni Kuya Markus.
   
   
Kahit practice game lang iyon ay kumuha pa sila ng referee. Hindi ko kilala ang kabilang school na tinutukoy ni Kuya. Marami namang University rito at hindi ko alam kung sino iyong makakalaban nila sa susunod na linggo.
   
  
Tahimik lang akong nanunuod, kapag nakaka shoot si Kuya Markus ay pumapalakpak ako. Natapos ang first quarter at magagaling silang lahat. Dalawang puntos ang lamang nila Kuya. Hinanda ko ang panyo ni Kuya Markus nang papalapit na siya sa’kin. Inabot ko iyon sa kaniya.
   
   
Binuksan ko ang isang bote ng tubig at inabot iyon sa kaniya. Pawis na pawis si Kuya Markus, nakatayo lang ito at hindi umuupo.
  
  
“Thanks, Elissa.”
   
  
“Welcome.” Ngumiti ako.
   
  
Nang makitang papalapit si Arkiel ay kinuha ko na rin ang isa pang towel at inabot iyon sa kaniya. Natigilan siya, parang hindi pa inaasahan iyon ngunit sa huli ay kinuha niya rin.
   
  
"Thanks." Tumango ako, kinuha ang isang bote ng tubig, bubuksan na sana nang kuhain niya iyon sa’kin.
  
  
“Kaya ko na.” umiwas siya ng tingin
   
  
“Oh, okay.”
   
   
“Sana may taga abot din ako ng tubig!” Napalingon ako sa sumigaw.
   
   
Si Limuel Cervantes iyon kung hindi ako nagkakamali.
   
  
“Gago talaga.” Bulong bulong ni Kuya at umupo sa tabi ko.
   
   
“Maubos na lahat ng lalaki sa mundo Elissa, at sakaling matira ang Cervantes na ‘yan? Tumanda ka na lang na dalaga.” Natawa ako roon.
   
  
“Hindi ko naman siya gusto, Kuya.”
  
  
“Mabuti.” Ngumiti ako at tumango.
   
   
Mabilis na kumunot ang noo ko nang makitang papalapit iyong si Limuel. Bakit kailangan niya pang lumapit? Hindi naman kami close...at isa pa hindi ko gusto ang mga titig at ngiti niya. Parang nang aasar.
  
   
“Oh, bakit?” Si Kuya Markus agad.
   
  
“Chill lang Markus.” Tumawa siya, hindi ko alam kung nang aasar ba siya o gan’on lang talaga ang ugali niya.
   
  
“Hi Elissa, pwede bang mahingi ang number mo?” nakatayo siya sa harap ko at nakangiti, tumingin ako sa kaniya. Ayaw kong tignan ang mukha nila Kuya dahil paniguradong mukhang mangangain ang dalawa.
  
 
"Limuel." Pakilaka niya at naglahad ng kamay. Mabilis na hinawi iyon ni Arkiel, kaya tumawa siya.
  
  
“Ah…hindi ako nag c-cellphone.” Hindi ko alam kung kapani paniwala iyon dahil tumawa ng malakas si Limuel.
  
   
“You really have ways to reject me, huh.” Ngumiti ako nang hilaw. Umalingawngaw sa court ang tawa ni Kuya Markus.
   
  
“I told you, Limuel.” Si Kuya, habang tumatawa. “Wala kang pag asa sa kapatid ko.”
     
     
“Wala ba, Elissa?” Tumingin siya sa’kin. He’s making me uncomfortable at hindi ko gusto ang mga tanong niya. Nang matagal akong hindi sumagot ay nagsalita siya,
  
  
“Never mind.” Tumawa siya. Pumito na ang referee hudyat na magsisimula na ang second quarter.
   
  
Nag paalam sa’kin si Kuya, tumango naman ako at nanuod na lang. Kalagitnaan ng game, hawak ni Limuel ang bola. Nagulat ako ng ituro niya ako bago i-shoot. 3 points. Naghiyawan ang ilan at inasar siya sa akin.
  
  
Hindi ko nagustuhan iyon. Hindi ako sanay sa mga ganoon at ayaw kong inaasar ako sa kung sinong lalaki. Kahit si Angel ay hindi nagawang ipagtulakan at asarin ako sa dati kong crush na si Sean. Alam niya kasing hindi ko gusto na inaasar ako sa mga lalaki. Hindi ko rin alam kung bakit, basta naiibahan ako.
  
  
“Gago!” narinig kong sigaw ni Kuya Markus. Nagtawanan ang ilan at nagpatuloy ang laro.
   
   
Hawak ni Arkiel ang bola, pinasa niya iyon kay Kian, kaunting takbo lang ay bumalik iyon kay Arkiel. Mabilis ang takbo niya kaya nabangga niya si Limuel at napaupo iyon. Tinuloy ni Arkiel ang pag shoot, at pumasok iyon three points.
   
  
“Fuck you, dude!” si Limuel.
  
  
Hindi siya pinansin ni Arkiel. Natapos ang ikalawang quarter at nagpahinga sila saglit. Hindi naman ako na bo-boring dahil maganda naman ang laro nila.
   
   
“Pikon masyado, bakit kasi sinama pa ni Samuel ‘yan.” Si Kuya Markus, nakikinig lang ako sa usapan nila ni Arkiel.
  
   
“Ang yabang, lampa naman.” Bulong bulong ni Arkiel. Napailing ako, naisip na kaya sila nagagalit sa Cervantes na iyon ay dahil sa akin.
  
  
“Kuya...stay calm.” Sumingit ako. Tumingin sila sa akin, umiling si Kuya Markus.
  
  
“Nilinaw ko sa kaniyang bawal ka pormahan, tapos nag ga-ganiyan siya sa harap ko pa? Walang respeto.” I sighed.
   
   
“Hayaan mo na lang, Kuya. Para walang away.”
    
   
“Kung hindi lang ‘yan tropa ni Samuel ay hindi ako pumayag na sumama ‘yan.”
  
  
Hindi na ako sumagot, Kuya Markus is being so protective. Naiintindihan ko naman siya dahil dati na siya gan’on pa, kaya lang ay hindi talaga tumitigil iyong si Limuel, kaya naaasar si Kuya. Hindi na nga lang ako sasama sa sunod nilang practice game.
   
  
Natapos ang laro nila na nag kainitan si Arkiel at Limuel. Ilang beses din kasing nadapa at napaupo iyong si Limuel, at naiinis siya dahil hindi na f-foul. Ang daya raw ng referee.
  
   
"Tss." Si Limuel nang mapadaan siya kay Arkiel na nasa gilid ko.
  
  
Hindi siya pinansin ni Arkiel habang umiinom ng tubig. Mabuti nga at hindi siya pinapatulan ni Arkiel kahit pa kanina pa niya minumura si Arkiel dahil sa mga bangga na natatanggap niya.
  
  
Bumuntong hininga ako. Hindi naman iyon sinasadya ni Arkiel, siguro.
  
  
"Iyakin." Si Kuya nang makalayo layo na si Limuel.
 
  
"Kuya..." Saway ko, tumingin siya sa akin at ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko.
  
  
"Gan'on talaga ang mga lalaki, Elissa." I sighed. Tumango ako saka tumayo na rin.
  
  
"Sandali, kakausapin ko sina Lorcan." Tumango ako kay Kuya, tinakbo niya ang layo nila Lorcan. Naiwan kami ni Arkiel. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglayo niya ng kaunti. Kumunot ang noo ko.
  
  
Bakit siya lumayo? He's being weird.
  
  
Dahil sa ginawa niya ay lumayo na lang din ako ng kaunti. Baka ayaw niyang malapit kami? At bakit naman? Kung ano man ang dahilan niya ay hindi ko alam.
   
  
"Why are you walking away?" Mas lalong kumunot ang noo ko. Tumikhim ako,
  
  
"Lumayo ka kasi, baka m-masyado tayong malapit." Umiwas ako ng tingin. Hindi naman kami ganoon kalapit, kaya hindi ko siya maintindihan.
  
  
Naalala ko noon graduation nila at naroon kami da bahay niya. Lumapit din ako n'on at lumayo siya. He seems uncomfortable.
  
  
"I'm sorry, hindi ganoon. Pawis ako." Oh. Napatango ako. Hindi na ako umimik.
  
  
Hindi naman siya mabaho. Amoy ko pa rin ang pabango niya o talagang natural na amoy niya lang iyon? Ewan, kahit anong pabango ko sa sarili ko ay hindi ko pa rin maamoy kung mabango ba ako. Pero siya, palagi kong naamoy na mabango.
  
 
Pawis siya kaya siya lumayo? It doesn't explain that time na nasa bahay nila kami. Ipinag sa walang bahala ko lang iyon. Inantay ko si Kuya na makabalik, saka kami naglakad palabas ng school.
   
  
Dahil wala naman akong cellphone na dala ay iyong kay Kuya Markus at kay Arkiel ang bitbit ko. Hindi pa nila kinukuha kaya bintibit ko na lang. Palabas kami ng school nang magpaalam sila Kuya sa guard, tumango lang iyon.
  
  
Gamit nga pala namin ang sasakyan ni Arkiel dahil wala pa namang lisensiya si Kuya. Ayaw pa ni Daddy, at baka pagalitan pa siya kapag nalaman niyang nag deive si Kuya papunta sa school.
  
   
"Saan tayo?" Si Arkiel, siya ang nag d-drive. Nasa front seat si Kuya at nasa likod naman ako. Hinayaan ko silang mag desisyon.
  
  
"Uuwi ako, maliligo. Ikaw ba?" Si Kuya Markus
  
  
"Uuwi na ako, hatid ko lang kayo."
  
   
Tumango lang si Kuya Markus. Tulad ng napag usapan nila ay hinatid nga lang kami ni Arkiel. Nang makalabas ako sa sasakyan niya ay inabot ko sa kaniya ang cellphone niya.
  
  
"Thanks." Tumango ako
  
  
"Alis na 'ko." Tumango siya kay Kuya saka pinaandar na ang sasakyan at umalis.
  
  
Nakapasok na ako sa aking kuwarto nang ma realized na naka sampay pa sa aking braso ang jacket ni Arkiel. Anong iisipin niya na ibinalik ko nga ang cellphone niya pero ang jacket ay hindi? Sigurado akong nakita niya iyon dahil parang bag na nakasabit lang iyon sa braso ko.
  
  
Mbilis kong hinanap ang aking cellphone sa kuwarto at nang makita iyon ay pabagsak akong humiga sa kama at nag type ng sasabihin kay Arkiel.
  
  
Mag dadahilan na lang ako na lalabahan ko pa iyon. Para naman hindi niya isiping makakalimutin ako o kaya ay ayaw ko nang ibalik 'yon.
  
  
[Hello, Arkiel]
  
   
S-in-end ko iyon at nag type ng isa pa.
  
  
[Palalabhan ko pa ang jacket mo, I'll text you kung okay na at ibabalik ko. Thanks :)]
   
  
Ilang segundo lang at nag reply agad siya. Binasa ko iyon.
   
  
Arkiel:
  
  
You can keep that.
  
  
Kumunot ang noo ko, at nag reply ulit. Baka nga inisip niya nang ayaw ko ng ibalik iyon.
  
  
[Ibabalik ko na lang.] 
  
  
Arkiel:
  
  
Ikaw ang bahala. I-text mo ako kung okay na.
  
  
[Okay!]
  
  
Pinatay ko ang cellphone. Wala na rin naman nag reply si Arkiel.
  
  
Wala akong ginawa maghapon kun'di tumambay sa kuwarto ko. Gabi na at tumawag si Mommy na hindi pa raw sila makakauwi. Kaya naman ay tatlo lang kami nila Manang at Kuya Markus na kumain ng hapunan.
  
  
"May gagawin ka ba, Elissa?" Tanong ni Kuya matapos namin kumain. Nasa living room lang kami at nanunuod ng movies.
  
  
"Wala naman, bakit Kuya?"
  
  
"Natanong ko lang. Maglalaro ako ng ml kung matutulog ka na." Natawa ako roon.
  
  
"Matutulog na ako, Kuya." Nagpaalam ako sa kaniyang aakyat na ako. He's always doing that. Pwede naman siyang maglaro kahit hindi pa ako matutulog pero ayaw niyang napapabayaan ako mag isa. Kapag mag aaral na siya ng college ay ma m-miss ko talaga siya.
  
  
Handa na akong matulog ng gabing iyon nang mag vibrate ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Arkiel na may message sa akin. Napatingin ako sa oras, alas otso na. May kailangan ba siya? Binuksan ko iyon at binasa.
  
  
Arkiel:
  
  
Hi, nalabhan mo na ba ang jacket?
  
  
Kumunot ag noo ko. Kailangan niya na ba iyon at talagang nag text pa siya ng ganitong oras para lang tanungin kung nalabhan ko na? At isa pa, hindi naman ako marunong maglaba kaya ipapalaba ko lang iyon sa katulong namin
  
  
Nagtipa ako ng i re-reply.
  
  
[Bukas, Arkiel. Matutulog na ako, at gabi na.]
  
  
Ilang segundo at nag reply ito.
  
  
Arkiel:
  
  
Okay, i-text mo ako bukas.
   
  
Bumuntong hininga ako saka nag reply
  
  
[Okay. Good night :)]
  
  
Mabilis ata siyang mag type dahil ang bilis niyang mag reply. Halos three seconds lang at may reply na agad.
   
  
Arkiel:
  
  
Good night, Elissa.
   
   
  

    

After HerWhere stories live. Discover now