Chapter 33

76 11 0
                                    



"Oh bakit ang tahimik niyo?" Tanong ni Kuya Markus nang makabalik siya.

"Wala, Kuya."

Kumuha ako ng isang boteng smirnoff na bitbit niya saka binuksan iyon, naglagay ako sa aking baso saka inimom iyon. Agad kong nalasahan ang kaunting pait kaya napangiwi ako.

Bumalik sa dati ang kaninang set-up namin. Silang dalawa na nag uusap at ako na tahimik na umiinom. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Arkiel? Pinag antay ko siya ng anim na taon? Bakit? Dahil ba hindi ako nagpaalam sa kaniya?

Noong unang araw ko sa Maynila ay naisip ko na 'yon. Na dapat nag paalam man lang ako dahil sa tingin ko ay tinuring naman niya ako bilang kapatid, at may pinagsamahan naman kami. Ngunit anong magagawa ko? I was hurt that time, pero hindi tulad ng dati ay kaya ko na. Nakalimutan ko na siya.

Nang maunos ang isang bote ng smirnoff ay ibinalik ko na ang basong hawak sa lamesa.

"Mauuna na ako, Kuya." Lumingon sa akin si Kuya Markus.

"Ayaw mo na?" Tumango ako.

"Good night na, I love you." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you too, good night."

Tipid akong ngumiti saka iniwan na sila roon without looking at Arkiel. Hindi masisira ang ilang taon kong inilaan para maka move on dahil lang sa pang gugulo niya sa isip ko. Kung ano man ang ibig sabihin ng sinabi niya kanina ay wala na akong pakialam.

Kinabukasan ay maaga akong nagising ngunit wala nang naabutang tao sa bahay. Si Kuya Markus ay maaga ang pasok, si Monmy at Daddy ay maaga ring pumunta sa kompanya.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan angbisang katulong namin na kakatapos lang magluto.

"Good morning Ma'am!" Masayang bati nito, ngumiti ako.

"Good morning, wala si Manang?"

"Mayang hapon pa po uuwi." Tumango tango ako saka nagtimpla ng kape.

"Hindi po kayo kakain?" Umiling ako saka ngumiti.

"Uminom kasi ako ng kaunti kagabi kaya kailangan ko ng kape. Uh, kakainin ko ang niluto mo mamaya. Salamat!"

Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas ng kusina, dumiretso ako sa sa labas ng bahay at mayroong bench sa labas na sa ilalim ng puno. Doon ko napag desisyunang magkape.

Nakakailang higop pa lang ako sa aking kape nang mag ring ang phone ko, nakita ko ang pangalan ni Daddy sa screen kaya sinagot ko iyon.

"Good morning, anak. Kakagising mo lang?"

"Good morning, Dad. Opo, nagkakape."

"Alright. May ipapasuyo sana ako sa'yo."

Nagtaka naman ako kung anong kailangan ni Daddy sa akin.

"Ano po?"

"Nakalimutan ko kasing may meeting pala kami ng Mommy mo with the board members today. At the same time ay may meeting din ako with Mr. Galvez. Pwede bang ikaw na lang ang mag attend ng kay Mr. Galvez? Kung wala kang gagawin."

"Ayos lang naman po, Dad. Kaya lang ay ano pong gagawin ko roon?"

Wala naman akong alam sa pakikipag usap sa mga investors or business partners if hindi related sa pagluluto. Natawa ako sa sarili. I've never been exposed in our company, hindi ko alam kung paano i handle ang mga ganitong bagay.

After HerWhere stories live. Discover now