Chapter 5

27 4 0
                                    


    
   

"Congratulations, Kuya."
    
     
Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi at niyakap.
    
     
"Thanks, Elissa."
    
     
Matapos siyang batiin ay tumabi muna ako saglit at hinanap sila Mommy. Nang makitang may kausap silang iba ay umalis muna ako at umupo sa sulok. Busy si Kuya mag pa picture kasama ang mga kaklase niya. Si Mommy at Daddy naman ay busy din sa pakikipag usap sa ilang mga kakilala nila. Hindi tuland noong recognition ko ay wala si Manang Fe, siya kasi ang mag aasikaso ng handa sa bahay,
    
     
"Hi, Elissa. Ang Kuya mo?" May isang lalaking lumapit sa akin, mabilis ko namang itinuro ang direksiyon kung nasaan si Kuya.
    
     
Nagpasalamat siya at mabilis na lumapit kay Kuya. Pinagmasdan ko silang dalawa dahil wala naman akong ginagawa. Lumingon si Kuya Markus sa akin at 'yong lalaking hindi ko kilala, tumawa si Kuya bago sila nag usap ulit, kita ko kung paano umiling si Kuya Markus.
    
     
Inalis ko ang tingin sa kanila at nagpalinga linga pa. Nahagip ng tingin ko si Arkiel, nag papa-picture kasama ang isang babaeng maganda at matangkad. Hindi ko iyon kilala, dahil bukod sa wala na 'kong ibang kaibigan kun'di si Angel ay hindi din ako madalas makipag kaibigan sa kung sino sino. Kung hindi pa nga ako in-approach ni Angel noong Grade 7 kami, ay baka wala akong kaibigan sa ngayon.
    
     
Nakahawak ang magandang babaeng iyon sa braso ni Arkiel at nakangiti silang dalawa habang nagpapakuha ng picture. Siguro ay girlfriend iyon ni Arkiel, sinabi niya sa aking wala siyang nagugustuhan at wala rin siyang crush pero hindi ko naman natanong kung may girlfriend ba siya, na...mahal niya.
    
     
I looked how Arkiel smile at that girl. Malayong malayo sa kung paano siya sumimangot at tumingin sa akin. I wonder who that girl is? Iyon din siguro ang ka-text niya noong nasa bahay siya, noong recognition ko. Well, good for him. Maganda naman ang girlfriend niya at bagay sila.
    
     
Umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa banda ko. Tumayo ako sa pagkaka upo at nagsimula ng umalis. Sa sasakyan na lang ako mag aantay. Wala rin naman akong kausap dito, ma b-bore lang ako kaka antay. May kausap pa rin sila Mommy at Daddy at ayaw kong istorbohin sila. Ganoon din si Kuya. He must be spending his time with his classmates, lalo na't mag c-college na sila at magkakahiwa hiwalay na.
    
     
Kuya told me that Dad annd Mom has plans to sent him in Manila, doon daw siya mag c-college. Well, I'm just gonna spend my summer with him bago siya tumungo ng Manila.
    
     
"Elissa!"
    
     
Mabilis akong lumingon nang mabosesan si Kuya.
    
     
"Where are you going? Wala pa tayong picture!" ngumiti ako saka lumapit.
    
     
"Sorry, Kuya. I got bored, so..."
    
     
"Halika, iniwan ko kay Arkiel ang camera hinanap kita. Mag pa-papicture tayo sa kaniya."
    
     
Bakit sa kaniya pa? Hindi ba nakaka istorbo si Kuya? Busy pa naman si Arkiel sa...girlfriend niya.
    
     
"Arkiel!" tawag ni Kuya. Kita ko ang pagpapaalam ni Arkiel sa kausap bago lumapit sa'min.
    
     
Inakbayan ako ni Kuya nang makitang handa na ang camera. Ngumiti ako roon. Ilang shots ang kinuha ni Arkiel bago kami natapos.
    
     
"Kayo naman." Si Kuya. Mabilis akong lumapit kay Arkiel para abutin ang camera pero naunang kunin iyon ni Kuya. Nagtaka ako, akala ay mag papa-picture sila sa'kin.
    
     
"Kayo namang dalawa, Elissa." Pag papa-intindi sa'kin ni Kuya Markus.
    
     
"Katulad dati, para may remembrance." Dugtong niya.
    
     
Tumabi sa'kin si Arkiel. Naalala ko nga na p-ini-ictur-an din kami noon ni Kuya noong g-um-raduate sila ng High School. Ngumiti ako sa camera nang mag bilang na si Kuya. Ilang shots din iyon hanggang sa matapos. Luminga linga ako at baka nakita iyon ng girlfriend ni Arkiel, at baka mag selos pa.
    
     
"Ang swerte mo na naman Arkiel at nakapa-picture ka sa kapatid ko."
    
     
Nahiya ako bigla sa sinabing iyon ni Kuya.
    
     
"Tss."
    
     
"Ikaw Elissa 'pag may nag pa-picture sa'yo tumanggi ka ah! Gagong Limuel 'yon gusto pang kunin ang number mo kanina! Huh! Sa'kin pa hiningi?"
    
     
Kumunot ang noo ko kay Kuya. Hindi ko siya maintindihan. Wala namang nag papa-picture sa'kin, at bakit sila mag papa-picture?
    
     
"Si Cervantes?" Si Arkiel.
    
     
Tumango si Kuya habang ini-scan ang picture sa camera. Pinagmasdan ko lang silang dalawa dahil hindi ko makuha kung ano ang pinag uusapan nila.
    
     
"Binigay mo?"
    
     
"Ang alin, Arkiel?" si Kuya.
    
     
Sasakit ata ang ulo ko sa usapan nila. Ganiyan ba talaga sila mag usap? Hindi maintindihan?
    
     
"Ang hinihingi ni Cervantes, binigay mo ba?"
    
     
"Ah, ang number ni Elissa? Of course not, ang swerte naman ng gagong 'yon."
    
     
Kumunot ang noo ko. Ako ang pinag uusapan nila at ang Cervantes daw na iyon? How is it a big deal? Kung hindi ako nagkakamali, ang Cervantes na iyon ang lumapit sa akin kanina.
    
     
"Nagtanong lang siya Kuya, kung saan ka." Sumingit na ako para magkaintindihan na sila.
    
     
"Kinausap ka?"
    
     
Nalipat ang tingin ko kay Arkiel nang itanong niya iyon.. Kumunot ang noo ko saka dahan dahang tumango. Lagi ba talagang masama ang mood niya kapag kasama ako? Kanina lang ay ang saya niya pa habang kausap ang girlfriend niya.
    
     
"Iwasan mo ang lalaking iyon, Elissa. That guy is a jerk." Si Kuya.
    
     
Hindi ko sila maintindihan kung bakit pero tumango na lang ako. Hindi naman ako mahilig makisalamuha sa kung kani-kanino.
    
     
Nakauwi kami sa bahay nang hapon ding iyon. Maraming handa si Kuya Markus ngunit wala siyang bisita. I feel bad for him, wala kasi akong kaibigan na pwedeng imbitahin. Angel is in Palawan now, at wala na akong ibang kaibigan na maaring i-invite.
    
     
Tulad noong nangyari sa akin, walang nakapuntang kaklase ni Kuya kahit na si Arkiel, sa tingin ko ay dahil may handa rin ang bawat isa. Wala naman kaming ma imbita na kapamilya at kamag anak. Bukod pa sa nasa Manila ang mga relatives ni Mommy at Daddy, hindi rin makakapunta iyong mga katrabaho at kaibigan nila.
    
     
Kaya sa huli, kami lang ang kumain at ilang mga katulong sa bahay. Pati na mga driver.
    
     
"Anong oras ang alis mo, Markus?" si Daddy iyon.
    
     
Nataka naman ako kung saan siya pupunta.
    
     
"7 pm pa, Dad."
    
     
"Isama mo si, Elissa."
    
     
"Po? Saan?" hindi ko na napigilang magtanong dahil hindi ko naman alam kung saan pupunta.
    
     
"Arkiel invited your Kuya, anak. Pinayagan ko na dahil tumawag ang Tita Mariela mo."
    
     
Si Mommy ang nag explain. Then bakit ako pinapasama ni Daddy?
    
     
"Manang Fe left earlier, anak. Your Mom and I are going to a friend who's wedding is tomorrow. We'll spend the night in the hotel kaya wala kang kasama dito. Okay lang ba Markus?"
    
     
"Yes, Dad."
    
     
Hindi na ako umimik dahil wala naman na akong magagawa, ayaw ko rin namang maiwan mag isa rito sa bahay. But what will I do there? Paniguradong may mga bisita siya dahil nga nang imbita. Wala pa naman akong ka close kahit isa sa mga kaibigan ni Kuya.
    
     
Hindi nagtagal nang matapos kaming kumain ay ready na rin umalis sila Mommy.
    
     
"I'll call later to check on you, okay?" bulong ni Mommy sa akin, marahil ay nag aalala.
    
     
"Yes, Mom. Enjoy po kayo ni Dad." Humalik ako sa pisngi niya. Lumapit ako kay Daddy at humalik din sa pisngi niya. "Ingat, Daddy."
    
     
"Sure, we will. Markus, always check on your sister."
    
     
"Yes, Dad."
    
     
Nang makaalis sila ay sinabi ko kay Kuya Markus na magbibihis lang ako. Diretso na ako sa kwarto at naligo. Mabilis lang iyon dahil malapit nang mag alas siyete. I chose my yellow puff dress, below the knee. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at nagsuot lang ng puting flat sandals. Kung wala akong makakausap roon ay makikipag kwentuhan na lang ako kay Tita Mariela, medyo close naman kami.
    
     
Katulad ng dati ay hindi ko nagawang maglagay ng kung ano sa mukha, bukod sa hindi ako marunong ay wala rin naman akong gamit. Pero kadalasan tuwing umaalis kami ay nilalagyan ako ni Mommy ng kaunti, ngayon lamang wala kasi wala naman si Mommy.
    
     
"Tara na, Elissa. Malapit ng mag alas siyete."
    
     
Tumango ako kay Kuya nang kinatok niya ako sa kwarto. Sabay na kaming bumaba, at nagpahatid na kay Manong. Hindi naman kalayuan ang subdivision nila kaya halos labing limang minuto lamang ay nakarating na kami roon. Bumaba ako ng sasakyan at napatingin sa bahay nila Arkiel, inaantay si Kuya dahil kinakausap pa si Manong. Nang matapos ay inaya na niya ako.
    
     
"Halika na, Elissa." Tumango ako at sumunod kay Kuya.
    
     
Pinagbuksan kami ng guard ng gate at pinapasok, tinanguan niya si Kuya.
    
     
Sinalubong rin kami ng katulong nila at iginaya papasok.
    
     
Tinawag ng kanilang katulong si Arkiel at ilang saglit lang ay nakita ko na siyang pababa ng hagdan mula sa second floor ng kanilang bahay. Unlike his normal clothes, he's now wearing a white polo long sleeve tucked in his black pants.
    
     
"Sinama ko si Elissa, Arkiel. Walang kasama sa bahay e. Hope you won't mind." Iyon agad ang bungad ni Kuya Markus.
    
     
Sumulyap sa akin si Arkiel saka marahang tumango.
    
     
"Wala pa ang iba?"
    
     
"Venice told me they're on their way."
    
     
Si Kuya Markus naman ang tumango. Who's Venice? Iyon ba ang girlfriend niya? Hmm, siguro.
    
     
"Si Tita Mariela?" tanong ko.
    
     
"They were with your parents." Oh. Tumango ako. Wala pala akong makaka kwentuhan. Pinaupo kami ni Arkiel sa couch nila. Hindi ako umaalis sa tabi ni Kuya Markus.
    
     
Inilabas ko ang aking cellphone saka in-open ang Pinterest. Nag scroll lamang ako roon habang naguusap sila Kuya.
    
     
Ilang minuto ang nakalipas nang dumating ang mga bisita ni Arkiel. Ang ilan ay pamilyar pero karamihan ay hindi. They were like 8 or 10. Hindi ko na binilang.
    
     
Nakita ko ang girlfriend ni Arkiel na tumatawa habang may kausap, naglalakad palapit sa'min. She's wearing white fitted polo dress, below the knee na lalong nagpalinaw ng magandang hugis ng kaniyang katawan. She really is a fine lady.
    
     
Nag usap ba silang mag kulay puti? Ipinilig ko ang ulo para 'di na isipin pa. Bakit ko ba iniisip ang mga gan'ong bagay?
    
     
Bumati sila sa isa't isa. Tahimik lang ako sa tabi ni Kuya. I don't want to socialize lalo na't hindi ko sila mga ka edad, at kilala.
    
     
"Sinama mo ang kapatid mo, Markus?" May isang nagtanong, nahiya tuloy ako.
    
     
Naalala ko na close ko nga pala si Manang Lita, iyong palaging kasama dati ni Tita Mariela tuwing pupunta siya sa bahay. Siya na lang siguro ang kakausapin ko mamaya at hindi talaga ako makaka relate sa circle ni Kuya.
    
     
"Oo e, walang kasama sa bahay. Hope you won't mind." Mabilis silang umiling. Nahihiya akong ngumiti.
    
     
"It's fine, Markus. Mas marami mas masaya." Iyong isang lalaki. Sumang ayon sila saka nag usap usap kung anong gagawin.
    
     
"Kuya, may sasabihin lang ako kay Arkiel."
    
     
Nagpaalam ako kay Kuya nang makahanap ng pagkakataon. Abala sa pag p-plano ang iba ng maari nilang gawin habang si Arkiel ay nasa pinaka dulo ng sofa at nag c-cellphone. Tatanungin ko kung saan si Manang Lita.
    
     
Tumango si Kuya at bumalik sa pakikipag usap sa mga kaibigan.
    
     
Ibinalik ko ang tingin kay Arkiel. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Parang batang humihingi ng candy ng hilain ko ng bahagya ang dulo ng sleeve ng polo niya. Nahihiya akong ngumiti nang tumingin ito sa akin.
    
     
Bahagya siyang lumayo, nagulat ako roon. Baka masiyado kaming malapit! Baka mag selos ang girlfriend niya, nakakahiya. Lumayo rin ako ng kaunti.
    
     
Sa ginawa ko ay hindi ko maintindihan ang reaksiyon ni Arkiel. Parang may gustong sabihin ngunit hindi niya itinuloy. He sighed.
    
     
"Uh sorry, nandiyan ba si Manang Lita? Doon na lang ako sa kaniya?"
    
     
"Why?"
    
     
"Nahihiya ako sa mga kaibigan niyo, I'm not part of your circle nor your b-batch..." Marahan kong paliwanag.
    
     
"That's fine, just behave."
    
     
"Ayoko, nakakahiya." Halos ibulong ko 'yon sa kaniya. Baka marinig nila at lalong nakakahiya iyon.
    
     
"Just stay with Markus. Manang Lita is probably resting. Ayaw mo naman sigurong sirain ang pahinga niya?"
    
     
Disappointed, I sighed. Wala naman akong gagawin dito. I can't relate.
    
     
"Pero, Arkiel..." Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa sama ng tingin niya.
    
     
"You won't get bored."
    
     
Hindi ko alam kung assurance 'yon o sinabi lang niya para hindi na ako mangulit. Paanong hindi ako ma b-bored? E hindi naman ako maka relate sa kanila. Baka ibang level sila makipag kuwentuhan hindi tulad namin ni Angel.
    
     
Umiling ako saka lumapit para ipaintindi sa kaniya.
    
     
"Ikaw lang at si Kuya Markus ang kilala ko. Busy si Kuya Markus, and cellphones can't entertain me. I need someone to talk to, Arkiel." Mahina kong sabi.
    
     
"We can talk."
    
     
Mabilis akong umiling at lumayo ng kaunti.
    
     
"You're busy too." At paano ang girlfriend mo? Sa isip ko.
    
     
"I am not, we're talking right now."
    
     
Napaisip ako sa sinabi niya at lumingon kila Kuya Markus. Nagtatawanan, at may isang naglilista ng hindi ko alam.
    
     
"Mamaya busy ka na, Arkiel."
    
     
"I'll try not to."
    
     
Umiling ako. I will not steal his time with his friends. At isa pa, anong pag uusapan namin? Wala naman.
    
     
"Nakakahiya..." Halos bulong na lang iyon.
    
     
"Then stay in my room, I'll let you watch movies there, and will give you food. Is that fine?" Tinitigan niya ako.
    
     
Napaisip ako. Maganda na rin iyon. Pero sa kuwarto niya?
    
     
"Uh. Wala ba kayong guest room?" Because of my question, he sighed.
    
     
"Walang tv doon." Ibinalik niya ang tingin sa cellphone. Napagod na ata sa'kin. I know, ang dami kong reklamo.
    
     
Hindi ko lang talaga feel na makisalamuha sa kanila mamaya. I'll feel out of place. Hindi rin ako umiinom, at bawal iyon. Only Kuya is allowed. So over all, I can't relate.
    
     
Left with no option, I slowly nodded.
    
     
"Sige, magpapaalam ako kay Kuya."
   
 
    
     
 
     

After HerWhere stories live. Discover now