Chapter 30

62 9 3
                                    

   
    
   
    
    
A day after my birthday, I decided to visit Venice. She's invited on my birthday too, mag isa siyang nag drive papunta sa hotel at na aksidente. I feel like I am responsible for her kaya bibisitahin ko siya, kasama si Kuya Markus.
   
   
"You done? Tara na." Tumango ako kay Kuya at sumunod sa kaniya sa labas.
    
   
Dumiretso kami sa garahe, pumasok ako sa sasakyan niya saka niya iyon pinaandar at pinatakbo. Kalahating oras ang naging biyahe hanggang sa makarating kami sa ospital. Hinayaan kong si Kuya Markus ang magtanong kung anong room ni Venice.
   
   
Natapos si Kuya Markus sa pakikipag usap sa mga nurse saka niya ako inaya para umalis, sinundan ko lang siya hanggang sa lumiko kami sa kanang hallway. Pabaling baling ang tingin ni Kuya para tingnan ang mga room number, hanggang sa huminto kami sa tapat ng Room 15.
   
   
Kumatok si Kuya ng tatlong beses saka binuksan ang pinto. Umawang ang bibig ko sa nakita, Arkiel was sitting on Venice's bed while hugging her. Parang may kumurot sa dibdib ko at sobrang daming pumasok sa isip ko at ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtawa ni Kuya Markus.
   
   
Dahil sa lakas ng tawa na iyon ni Kuya Markus ay nagulat ang dalawa. Umiwas ako ng tingin sa kanila para hindi nila makita ang naging reaksiyon ko, tumayo ako sa sulok.
   
   
"What a scene." Natatawang sabi ni Kuya habang nilalagay ang bulaklak at prutas na dala namin sa bed side table.
   
   
"Markus! Kamusta ka na, it's been years!" Tuwang tuwa si Venice, may dextrose na nakakabit sa kaniyang kanang kamay at may bandage siya sa noo.
   
   
"Yeah. It's been years and we're reuniting in a hospital." Lumapit si Kuya Markus para yakapin si Venice. Tumawa ito sa sinabi ni Kuya.
   
   
"As if I planned this!"
   
   
"What happened? Bakit naaksidente ka?"
   
   
Pinapanuod ko lang sila sa sulok, nahihiya pa akong lumapit sa kanila dahil sa nakita. There's nothing wrong on that, natural lang iyon dahil gusto naman nila ang isa't isa.
   
    
"Got hit by a drunk driver." Kitang kita ko ang pag irap ni Venice.
   
   
Kagabi, nang malaman kong na aksidente siya ay halos itakwil ko ang sarili dahil imbis isipin kung ayos lang ba siya ay mas inisip ko pa na hindi nakapunta si Arkiel sa isa sa mga mahahalagamg araw sa buhay ko. Of course, it's always his girl first. Laging una si Venice, at ako...dahil kapatid lang ang turing niya sa akin ay hindi naman ako gan'on ka importante. At isa pa, birthday lang iyong akin at disgrasya ang kay Venice. I have no right to complain.
   
   
Ngunit gusto ko mang isipin na dapat ay hindi na ako nag tatampo sa kaniya at dapat ay iniintindi ko ang sitwasyon ni Venice, hindi ko pa rin maitatanggi sa sarili ko na sobra sobra akong nasaktan. He promised...yet he broke it.
   
   
I knew he cares for Venice, he likes her, he obviously love her. Alam ko rin na na aksidente si Venice kaya kailangan siya nito. Ngunit kahit ba pag bati na lang ay hindi niya magawa? I waited alright! I waited until 12! Wala akong tulog magdamag dahil kahit text message lang ay umasa pa rin ako.
   
   
But there was nothing from him...
   
   
Well, I'm not even that important. I am not his priority, so what should I expect? I should expect nothing.
   
   
"Elissa?" Mabilis kong nilingon si Venice, lumapit ako sa kaniya para halikan siya sa pisngi.
   
   
"Hi, sorry." I whispered. Umiling ito.
   
   
"Hindi mo kasalanan, ako nga dapat ang mag sorry dahil hindi ako nakapunta, pati na si Arkiel." Umiling ako.
   
   
"Ayos lang, hindi naman 'yon importante." I bitterly smiled.
   
  
"Akala ko nga ay nagtampo ka dahil wala kami!" Ngumiti lang ako.
   
   
"Ayos lang, sinabi naman ni Lorcan." Tumango tango si Venice.
   
   
Maybe the reason why I didn't think about her that much ay sinabi naman agad ni Lorcan na ayos na siya. Iyon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon iniisip ko pa rin at nasasaktan pa rin ako na kahit pagbati ay wala man lang akong natanggap mula kay Arkiel.
   
   
Ganoon ba siya nag alala kay Venice? Hindi ba siya mapakali dahil na aksidente ito? Nan'dito pa siya kahit umaga na, ibig sabihin siya ang nag aalaga kay Venice. Natawa ako sa sarili. Of course he is!
   
   
"Salamat sa flowers at prutas!" Ngumiti ako kay Venice nang paalis na kami.
   
  
Hindi kami magtatagal dahil bukod sa wala naman na kaming gagawin pa rito ay mukhang okay naman na si Venice dahil kaunti lang naman ang sugat nito. Kailangan na lang siyang i-CT scan dahil may sugat nga sa ulo.
   
  
"Ihahatid ko kayo sa labas." Biglang sabi ni Arkiel. Hindi ko siya nilingon, kanina ko pa nararamdaman ang titig niya ngunit hindi ko siya tinitingnan.
   
   
"Huwag na Arkiel. Bantayan mo na lang si Venice." Natatawang sabi ni Kuya Markus.
   
   
"I'm fine." Natatawang sabi rin ni Venice.
   
  
At dahil sa sinabi niyang iyon ay sinamahan nga kami ni Arkiel hanggang parking lot. Nang papasok na si Kuya Markus sa driver's seat ay tinawag niya ito.
  
   
"Kakausapin ko lang saglit ang kapatid mo."
   
   
Humigpit ang kapit ko sa strap ng sling bag na suot. Tiningnan ako ni Kuya sunod ay ibinaling ang tingin kay Arkiel na ayaw kong tingnan kanina pa.
   
   
"Okay, I hope you'll say sorry." Seryosong sabi ni Kuya.
   
   
He knew I was kind of mad at Arkiel. Ngunit ang akala niya ay dahil hindi kumpleto ang roses ko. Kumuha lang kasi siya sa mga bisita kagabi ng papalit kay Arkiel dahil nga kulang. But I'm mad not because of that, it's because he didn't even greet me.
   
  
I'm mad because I wasn't important to him. I'm mad because I'm not one of his priorities. I'm mad because I already knew all of this yet I still...ghad I'm so stupid.
   
   
Pumasok si Kuya sa loob ng sasakyan para bigyan kami ng privacy.
   
   
"Elissa..." Umiwas ako ng tingin.
   
   
"Are you mad?" Hindi ako sumagot.
   
  
"I'm sorry, I knew I promised but something really important came up—"
   
  
"Ayos lang, Arkiel. I have no right to get mad that's why I am not. You don't need to say sorry too. I already know I wasn't that important, and it's okay. Birthday lang naman iyon, nothing special. And if you're guilty because of your promise, just forget about it." Pag putol ko sa sasabihin niya.
   
   
Ngumiti ako ng tipid saka siya tinalikuran, binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Kuya saka pumasok doon. Uminit agad ang gilid ng mga mata ko dahil sobrang sakit na.
   
   
"You okay?" Tumango ako.
   
   
"I wanna go home, Kuya." Hindi umimik si Kuya Markus at pina andar na lang amg sasakyan.
   
   
Tahimik akong umiyak, hindi ko na napigilan kahit pa nasa tabi ko si Kuya Markus.
   
   
Why did I end up with this situation? In the first place, why did I let myself fall for Arkiel when in the very beginning I already know there is no chance for him to like me back. Noong una pa lang alam ko ng may gusto siyang iba, na may inaantay siya. But despite of knowing all of those facts, I let my guard down and fall for him hard.
   
   
This is all my fault. Sobrang na g-guilty rin ako dahil nangako ako kay Kuya na hindi muna ako magkakagusto, na hindi muna ako magmamahal. I am nothing but a liar.
  
   
"Ice cream, Eli?" Nilingon ko si Kuya. Nakangiti ito sa'kin, pinunasan niya ang luha ko. Saka ko lang napansin na nakahinto na kami sa harap ng convenience store malapit sa bay walk dahil kitang kita sa labas ang malawak na dagat.
   
   
Dahan dahan akong tumango. Umiiyak pa rin.
   
   
"Tara date tayo, it's been ages since the last time I took you outside."
   
   
Uminit ulit ang gilid ng mga mata ko ngunit pinigilan ko ng maiyak pa. Ginulo niya ang buhok ko saka siya ngumiti. Dahil doon ay napangiti na rin ako, he's the sweetest.
   
   
Pumasok kami sa loob ng convenience store, nag order si Kuya Markus ng isang strawberry at vanilla flavor. Nang mabayaran ay naglakad nga kami sa baywalk. Inalalayan ako ni Kuya na makaupo sa semento sa gilid saka siya umupo. Binigay niya ang strawberry ice cream sa'kin, na agad kong tinanggap.
   
  
Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang sa dagat habang kumakain ng ice cream niya.
   
  
"Kuya..." Tawag ko.
   
  
"Hmm?" Lumingon ito sa'kin.
   
   
"Hindi mo ba ako tatanungin?" Ngumiti siya saka hinaplos ang mahaba kong buhok.
    
   
"If you're not ready, you do not need to tell me, Elissa. But I hope you're okay." Sumandal ako sa balikat niya saka tumingin sa malawak na dagat.
   
 
"I've been a bad girl, Kuya..." Mahinang sabi ko.
   
  
Tahimik lang si Kuya Markus, marahan niyang hinahaplos ang ulo kong nasa balikat niya.
   
   
"I did something so wrong..." Kuya Markus sighed.
  
  
"You know Eli, it's normal. We do bad things, we make mistakes, we took wrong paths, we make wrong decisions. And it's okay, because we are not perfect." Pinunasan ko ang luha ko.
   
   
"That's why there is a second chances for everyone. You make mistake, you'll have the chance to correct it."
   
   
It's a mistake to love Arkiel, and I need to forget him to correct that mistake. Is that it?
   
  
"I've been trying to make it right, Kuya. But it's hard...and it hurts."
   
   
"Someday, you'll get in there. It takes time... you just need to be patient." Tumuwid ako sa pagkakaupo at nilingon siya.
   
   
"Kuya...I like Arkiel." Nanginginig kong sabi.
   
   
Bakas ang gulat sa mukha nito, lalo akong naiyak. Sobrang nakakahiya ako bilang kapatid. Hindi lang isang pagkakamali ang nagawa ko kun'di marami. Minahal ko si Arkiel, nagsinungaling ako kay Kuya Markus, sinuway ko ang utos niya at pakiramdam ko ay nag t-traydor ako kay Venice.
   
  
"No, I love him." Humagulgol ako sa harapan niya.
   
   
"Sorry, Kuya. Sorry." Paulit ulit kong sabi habang umiiyak.
   
   
Mabilis akong niyakap ni Kuya Markus ngunit hindi tumigil ang pagbuhos ng luha sa aking pisngi, paulit ulit akong bumulong ng sorry sa kaniya. I have to, ito lang ang kaya kong sabihin pagkatapos ng lahat.
   
   
"Tahan na, Eli. Please. It's not your fault. No one's at fault, okay?" Pagpapakalma sa'kin ni Kuya.
  
   
Lalo akong naiyak, he's not even mad. Dapat ay magalit siya sa akin. I broke his rules, I lied to him. But he's telling me right now that it isn't my fault.
   
   
"Hindi ko sinasadya, Kuya..."
   
  
"I know, Eli." Bulong niya.
   
   
Tahimik akong umiyak sa balikat niya. It's all my fault yet, he isn't mad.
   
   
"Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan, anak?" Tumango ako kay Mommy habang nasa hapag kainan kami. Kumakain kami ng agahan, napansin ko agad ang malungkot na tingin sa akin ni Kuya. Nginitian ko siya.
   
   
Nang maka uwi kami kahapon ay nakapag desisyon na ako.
   
   
"Okay, ako na ang magsasabi sa Daddy mo na sa Manila ka mag aaral. I'm sure he'll agree if you really want to study there. Alam mo namang hindi ka namin pipigilan sa desisyon mo anak, but why the sudden change of mind? Nakaraan lang sinabi mong gusto mo dito ka lang."
   
   
"Hindi na rin po mag aaral si Angel dito kaya mabuti pang doon na lang po ako kay Kuya Markus, Mommy."
   
    
"Alam mo na ang tungkol dito, Markus?" Tanong ni Mommy.
  
  
Tumango si Kuya, "Napag usapan po namin kahapon, Mom."
  
   
Napatango tango si Mommy saka malungkot na tumingin sa akin.
   
   
"Sasabihin ko ito sa Daddy niyo, ako na rin ang bahalang mag asikaso ng papers mo anak." Tumango ako saka ngumiti.
   
   
Pagkatapos ng agahang iyon ay umalis din agad si Mommy para pumunta sa kompanya. Bumalik ako sa kwarto ko para mag isip.
   
   
Leaving this home town is for my own good and for everyone's. I've been a nuisance to Arkiel and I wanted to make all of these right. If it means leaving, then I'll do it.
  
   
This is the only way I can forget Arkiel. From now on, I should accept that we weren't for each other. It's impossible for the two of us. Dahil una pa lang, ako lang naman ang may gusto sa kaniya.
   
   
Sunod sunod na katok ang narinig ko sa labas ng aking silid kaya nilakasan ko ang boses at sinabing bukas iyon. Sumilip sa pinto si Kuya Markus saka siya pumasok. Umupo siya sa gilid ng kama ko.
    
  
"You sure you're leaving with me? Magpapaalam ka ba kay..." Mabilis akong umiling.
   
   
He texted me last night saying he was sorry and I didn't reply. Sa tingin ko ay kailangan ko na ring magpalit ng sim card para wala na talaga akong koneksiyom sa kaniya. In that way, I can forget him.
   
   
"Hindi na, at sigurado na ako sa desisyon ko, Kuya." Tumango si Kuya Markus.
   
   
"Whatever you like, Eli." Ngumiti ako at tumango. Niyakap ko siya pagkatapos.
   
  
At the end of the day, it's always Kuya Markus that I have. No one can surpass his love for me.
   
  
"I just hope you'll be fine." Humiwalay ako sa kaniya saka ko pinilit na ngumiti para makumbinsi siyang kaya ko, at ayos lang ako.
    
   
"I'll be fine, Kuya." Ginulo nito ang buhok ko.
   
   
"I'll trust you on that." Tumango ako, sunod ay nag paalam na siyang umalis. Huminga ako ng malalim saka humiga sa aking kama at napapikit.
   
   
I made up my mind. I will correct all of my mistakes and will never do it again.
   
   
I will never fall for the wrong person again...ever.
    
    
   
   
   

After HerWhere stories live. Discover now