Kabanata 2

91K 2.9K 1.8K
                                    

***







After putting mascara on my eyelashes ay sunod kong nilagyan ng liptint ang labi ko. Napangiti ako habang tinitignan ang sarili sa salamin.



"Ang ganda ko talaga." Sambit ko, proud na proud sa sarili. Syempre sino pa bang magtataas sa sarili ko kundi ako lang din.




Pupunta kami ngayon sa bahay ng parents ni Zahira for family dinner. I'm wearing a casual black bodycon dress right now at light lang na make-up. Usually, jeans lang ang sinusuot ko pero kahit papaano ay gusto ko rin namang magmukhang presentable sa harap ng mga parents namin lalo na't malaartista o tila nagfafashion ang datingan ni Zahira. Kung jeans lang ang isusuot ko ay magmumukha akong PA niya.



Nang bumaba ako ay nadatnan ko si Zahira sa living room, she's now ready. Hindi niya ata ako napansin kaya hinayaan ko muna ang sariling tignan siya.



Zahira's wearing a khaki long-sleeved blouse, black skirt and black point toe stiletto. Bagay na bagay sa kaniya lahat ng mga sinusuot niya lalo na't matangkad siya at balingkinitan ang kaniyang katawan. Kung hindi lang siguro ako maganda ay maiinsecure ako sa kaniya pero dahil gandang-ganda ako sa sarili ko ay hindi ko maisip mainsecure sa kaniya o sa kahit na sino.




Tumikhim ako nang makitang tila nawawalan na naman siya ng pasensya sa paghihintay. Nang marinig niya ako ay lumingon siya sa direksyon ko. She looked at me from head to toe na tila jinajudge niya ang buong pagkatao ko.




Aba! Sino siya para tignan ako nang ganoon?



"Let's go." Tipid nitong sambit at nauna nang lumabas ng bahay.




"Sungit talaga kahit kailan," bulong ko at sumunod na rin hanggang garahe.




"Your seatbelt," she said and rolled her eyes.



Syempre hindi ako nagpatalo, I also rolled my eyes at her at nilagay na ang seatbelt. Nasa passenger seat ako at siya ang magddrive. Buong byahe namin ay walang umiimik, mabuti na lang at kahit na ganoon ay hindi pa rin napapanis ang laway ko.




Seryoso lang siya sa pagddrive, focus na focus sa daan. Bakit ba ang classy at ang sexy niyang tignan kahit anong ginagawa niya?




"Mama, Papa, sila ate Zahi and Ate Ember. They are here!"




Kararating lang namin at hindi pa man kami nakakapasok sa bahay ay rinig na rinig ko na ang matinis na sigaw ng nakababatang babaeng kapatid ni Zahira. Tuwang-tuwa itong lumapit sa amin, tumatalun-talon pa ito na parang matagal niya kaming hindi nakita.





"I missed you, ate Ember!" She said and hugged me tightly, she even kissed me sa cheeks nang bumaba ako para makapantay ko siya.




"I missed you too, Zeirah! How are you?" Tanong ko rito at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko at hilahin hanggang sa bahay nila.





She's sweet, kabaliktaran sa ate niya. Kung gaano kacold ang ate niya, kasungit, at tahimik ay siyang ikinaingay niya. She's always smiling at napakaamo ng mukha.




"I'm okay, ate. Kuya Brandon is playing right now, he's with my kuya Zack. Tito Sam and tita Chantal naman po nasa dining room na with papa and mama," tukoy niya sa kapatid ko at sa mga magulang namin. Maya't maya ay lumingon siya sa ate niya. "Ate Zahi, you're not talking again. Hindi mo ba ako namiss?" Lumabi ito.





"Of course I've missed you, Zeirah," tipid na sagot ni Zahi sa kapatid niya at bumaba siya para maging kapantay niya si Zeirah. Marahang pinisil niya rin ang pisngi nito at hinalikan sa noo.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon