Kabanata 13

77.2K 3.3K 4.8K
                                    

***





"Oh, my. Ikaw ba talaga 'yan, Ember? Tangina, muntik na kitang hindi makilala. Ang hot mo!"



"Gago!" Napasigaw ako when Pam spanked me. Napahawak pa ako sa may puwetan ko dahil napalakas iyon. Tarantado talaga kahit kailan.




"Sexy naman, Ember. Baka kaibigan namin 'yan?" Biro ni Peter at natawa. Agad naman silang nagbigay ng bakanteng upuan para sa akin.



Nahihiya pa akong naupo dahil kasama na namin ang ilang prof na niyaya ni Kael kanina. They are all here except for Zahira na iniwan ko sa parking lot dahil ayaw kong makita nila kaming sabay pumasok.



"Uy, gago. Si ma'am Zahi ba 'yon?"




Lahat kami ay napatingin sa direksyong tinitignan ni Sweden. Halos lahat ng kasama ko ngayon ay nakangangang nakatutok ang mga mata kay Zahira habang siya'y tila naglalakad na parang isang runway model lang. Lakad palang ang ginagawa niya pero marami na ngayong nakatingin sa kaniya, ang effortless niyang makatawag ng pansin.



"Wala na, may nanalo na," rinig kong sambit ni Ma'am Joy.




"Sir Jacob, 'yang bibig mo. May asawa na 'yan." Sambit naman ni Ma'am Claire kaya napatingin ako kay Sir Jacob.




Nakaawang pa ang bibig nito while looking at Zahira's direction. Pasukan sana ng langaw iyong bibig niya, tignan natin. Hindi naman halatang gusto niya si Zahira, ano? Tingin palang ay para na niyang hinuhubaran si Zahira.





"Ma'am Zahi, here!" Sigaw ni Ma'am Joy at sumenyas pa ito dahilan para mapansin kami ni Zahira.




Nang makalapit ay pinaupo nila ito sa gitna nila Sir Jacob at Ma'am Joy dahil iyon na lang ang bakante. Doon pa talaga.




Dahil naiinis ako sa hindi malamang dahilan ay tinignan ko na lang ang kabuuan ng bar nila Peter. Hindi lang kami ang narito ngayon,  may mga ibang tao pa, actually ay marami dahil kilala rin kasi ang bar na ito.



May mga waiter na ring naglalagay ng inumin sa table namin, maya't maya rin ang paglapit nila upang tanungin kami o si Peter kung ano pang kailangan namin.




"Cheers!" Sigaw ng mga kasama ko except sa aming dalawa ni Zahira na nakisabay lang sa pagtaas ng basong may lamang alak at nakisabay rin sa pag-inom.



Unang shot ko iyon at agad kong naramdaman ang mainit na pagdaloy ng inumin sa lalamunan ko. Sobrang pakla ng lasa at parang hindi ko pa ito kayang inumin. Ni hindi ko magawang itago ang reaksyon kong napapaitan kaya natatawa sa akin ang mga kasama ko.




"Makikita mo talaga kung sino ang hindi sanay sa inuman," natatawang sambit ni Sir Jack. "H'wag niyo na lang masyadong painumin si Ember. H'wag ipilit kung hindi kaya, okay?"




Tipid kong nginitian si Sir Jack, "yes, Sir."




Napansin ko ang mas lalong paglapit ni Sir Jacob kay Zahira, may binubulong siya rito at natatawa pa pero parang walang pakialam si Zahi at tamang tango lang siya.




"'Yang mata mo. Siguro kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa dumanak ang dugo ni Sir Jacob dito."




"Gago," singhal ko kay Pam at kinuha ang hawak niyang basong may lamang alak. Hindi pa rin mawawala iyong pait na lasa.




Nang muli kong tignan sila Zahira ay nakatingin na rin siya sa akin. Titig na titig ito sa akin habang kinakausap siya ni Sir Jacob. Umirap ako at hindi na siya muling tinignan pa, nakipagkwentuhan na lang din ako sa mga kaibigan ko.




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon