Special Chapter-Pamela

113K 2.7K 5.7K
                                    

TRIGGER WARNING: Abuse. Suicide. Rape. Death. Read at your own risk.

Hi, this is Pam's POV kaya expect na masakit ang part na 'to at kung hindi kayang basahin, huwag na pong ipilit. Triny kong gawing light, pero si Pam 'to, eh, kaya expect talaga iyong masasakit na parts. The purpose of this kaya ko ginawa ay para mabigyan si Pam ng justice at para malaman niyo rin iyong love story niya o  kung sino iyong nagugustuhan niya. Chz.

—UNEDITED—

***

"Jimenez, sama ka?"

I immediately closed my notebook when I heard September's voice. She is one of my classmates na since day one ng pagiging grade 7 namin ay hindi na niya ako nilubayan. Isama pa iyong dalawang lalaking kaklase rin namin na tila naging bodyguard na niya dahil lagi lang silang nakabuntot sa kaniya.

"Sad girl era ni Jimenez ngayon," Peter said that made them laugh.

"Sama ka na, Jimenez." Pangungulit pa ni September.

I swallowed hard, "s-saan?"

"To the moon. Roadtrip tayo," She joked.

My brows furrowed, " h-ha?"

Hindi ako sanay na may pumapansin sa akin sa school dahil hindi naman ako sanay makipagkaibigan. I don't have friends. I never had one. I just love being alone—o sadyang natatakot lang akong makihalubilo.

"Sasama ka o didikitan ko ng chewing gum 'yang buhok mo?" Pagbabanta niya kaya agad akong napatayo.

"Saan ba kayo pupunta?"

"Lunch na, Jimenez. Ano bang ginagawa kapag lunch? Siyempre natutulog. Tara tulog tayo sa canteen—"

"Walang'ya ka talaga, Ember, kahit kailan. Kaya ayaw sumama ni Pamela sa atin, eh." Sweden laughed.

They look happy. Ilang araw palang silang magkakakilala pero parang antagal na nilang magkakaibigan. Iyong kulitan at bonding nila ay parang hindi na bago sa kanila.

Since that day ay sumasama na ako sa kanila, they became my friends bagay na hinding-hindi ko pinagsisisihan. Masyado na akong naattached sa kanila na para bang ayaw ko nang mawalay pa sa kanila. Because of them, nawala iyong takot kong makipaghalubilo sa iba. At nadagdagan pa kami ng isa which is si Piper na wala ng ibang ginawa kundi asarin si September... at kung alam lang ni September kung bakit ganoon si Piper sa kaniya. If only she knew...

"Hoy, Pamela, kung ano iyong nakita mo sa notebook ko wala 'yon. Death note ang tawag do'n that's why I wrote September's name there." Piper said, defending herself because of what I saw in her notebook.

I chuckled, "ibig sabihin sinulat mo ang pangalan niyong dalawa sa death note mo with flames?"

I saw her blushed bago siya inis na lumayas sa harapan ko bitbit ang notebook niyang death note niya raw. Mas lalo akong natawa.

I'm used to her attitude. Sanay na kami sa pagsusungit niya at sa lagi niyang pang-aasar kay September. Para na nga silang aso't pusa kung tutuusin.

Grade 8 palang kami ay alam kong gusto na ni Piper si September. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala because they are both girls at inisip ko na malabo iyon that's why I got curious and search about it on google, pwede pala iyon. Hindi ako naging tutol sa pagkakagusto ni Piper kay September. Minsan nga ay tinutudyo ko pa si Piper kay September pero hindi iyon napapansin ng isa.

"Pam! I'm in love!" Sigaw ni September na tila kinikilig pa. "I already saw my future. Pam, nakita ko na ang mapapangasawa ko, ang makakasama ko habang buhay!" She added.

Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon