Kabanata 8

78.1K 3K 3.3K
                                    

***






"Grabe, ang haba ng buhok ni Ember! Isipin niyo sa dami ng followers ni ma'am Zahira, si Ember lang ang finollow back niya."





Napahilamos ako sa sarili kong mukha gamit ang dalawa kong palad. Kanina pa pinag-uusapan ng mga kaklase ko ang bagay na iyon. Inexpect ko na rin namang makikita nila iyon dahil araw-araw yata nilang ini-stalk si Zahira sa instagram account niya.






Dapat inunfollow ko na lang siya, eh.






"Kung wala lang asawa si ma'am iisipin kong may gusto siya kay September," sambit pa ng isa.





"Gago, ginawa mo namang tomboy si ma'am Zahira. Sa ganda niyang 'yon? Alam kong maganda si September pero hindi ata makatarungang magkagusto rin ang isang maganda sa kaniya, lalo na si ma'am Zahira."





"Ang magaganda ay para lang sa magaganda!" Sigaw ng ilang babae sa room namin na ikinatawa nila.





Para hindi ko na marinig ang usapan nila ay walang ingay akong lumabas ng room namin kasama si Pam na kanina pa tutok na tutok sa cellphone niya.




"Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito nang makalabas na kami.




"Teka, gumagawa ako ng instagram account." Sambit niya at tutok na tutok pa rin sa cellphone niya.




"Para saan?" Inis na tanong ko.




Hawak ko ang isang kamay niya ngayon habang naglalakad kami at baka matisod ito dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan namin.




"I'll just check ma'am Zahira's account kung totoo iyong sinasabi nila. I'll follow her na rin," ngiting-ngiti siya na tila kinikilig pa.





"Ako, hindi mo iffollow? Gago ka ba? Sinong kaibigan mo?" Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at hinarap ito.




"At syempre pati ikaw iffollow ko. Matik na 'yon, Ember, my friend. Oh, ayan finollow na kita." Nilagay niya ang cellphone niya sa mukha ko para ipakitang finollow na niya ako. "Ikaw una kong finollow, sunod ko si ma'am Zahira, your wife—"





"Tangina mo!" Mura ko rito at tumingin sa paligid. Buti na lang at walang tao. "Bunganga mo, Pamela."




Tumawa lang siya na parang wala lang sa kaniyang may makarinig na ibang tao sa sinabi niya. "Totoo nga, gago! Ang haba ng hair ng friend ko! Ikaw lang ang nasa following niya. Gago, kinikilig ako," tila lintang binudburan ng asin si Pam habang nakangiti at pinapalo-palo ang braso ko.





"Aray, aray! Kumalma ka nga!" Tinulak ko siya dahil nasasaktan na ako sa ginagawa niya.





"Paano ako kakalma? Iyong cold at terror na professor natin finollow ka—ikaw lang ang nag-iisang finollow niya, paano ako kakalma, ha, Ember!" Kinikilig at todo ang ngiti ng kaibigan ko.





Sabihan ko kayang iunfollow ako ni Zahira nang hindi na ako maging center ng mata at usap-usapan ng mga kaklase ko?





"M-malay mo napindot niya lang, hindi siya aware na nafollow niya ako."





"Gusto mo tanungin ko siya—"





"Subukan mo at sisiguraduhin ko sa 'yong hindi ka na makakakita," sambit ko at tinaas ang dalawang daliri ko, inamba na itutusok ko iyon sa mga mata nga.




Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon