Kabanata 21

85.8K 3.2K 4.1K
                                    

***






Magdamag akong hindi nakatulog dahil sobrang init ni Zahira. Maging ako ay tila napapaso na rin sa sarili niya lalo't sobrang dikit namin sa isa't isa. Halata rin ang panginginig niya dahil siguro sa lamig na nararamdaman. Ilang beses din akong bumangon just to check her temperature. Kinuhanan ko rin siya ng basang bimpo para ilagay iyon sa ulo niya. I don't know if that's effective, ginawa ko lang naman iyong ginagawa ni mama sa akin noon kapag nilalagnat ako.




It's already 5am and until now ay hindi pa rin gising si Zahira. Halatang hindi pa maayos ang lagay niya.




"Hmm."




Narinig ko ang mahinang pag-ungol niya nang gumalaw ako para sana muling kapain ang noo niya. Nanghihina niyang kinuha ang kamay ko, hinawakan iyon ng dalawang kamay niya, at siniksik iyon sa leeg niya. Mainit pa rin siya.




"Dito ka lang," halos wala ng boses na sambit nito sa akin.




"I'm not going anywhere, Zahira. Dito lang ako." Gamit ang isang kamay ko ay marahang hinaplos ko ang kaniyang braso. "I'm just here."





Tinitigan ko ang maaliwalas na mukha ni Zahira. Kahit nakapikit ito ay ramdam ko iyong sakit na nararamdaman niya, alam kong hindi siya okay.




"I'll call mom so she can check you later, masyadong mataas ang lagnat mo." Sambit ko.




Hindi sumagot si Zahira, mukhang nakatulog na ulit siya.





Nang mag-alas sais ay tinawagan ko na si mama dahil hindi pa humuhupa ang lagnat ni Zahira. Agad namang bumyahe si mama at wala pang isang oras ay dumating na siya.





"Good morning, ma. She's in my room po. Kagabi pa siya nilalagnat at hanggang ngayon ay mainit pa rin siya. I don't know what to do that's why I called you. Dalhin na ba natin siya sa hospital?" Sunud-sunod na sambit ko dahil hindi ako mapakali, nag-aalala ako.





"Calm down, hija," pakalma sa akin ni mama at hinawakan ako sa balikat, "Zahira will be okay. I'll just check her. Maghanda ka ng kakainin niya para matake niya iyong gamot na ibibigay ko. Uminom na ba siya ng gamot?"





"Kagabi, ma. I gave her medicine."





Paakyat na kami ngayon ng kwarto ko habang nag-uusap kami. Dala ni mama ang isang ob bag niya. Halatang galing pa siyang hospital nang magpunta siya rito.





"Anong gamot?"





"Uh," I scratched the back of my head. "I don't know. Basta kumuha ako ng gamot sa drawer kagabi."




Bagsak ang balikat ni mama, "hindi mo tinignan kung anong gamot iyon?"





"Ano, ma. Lopero... I forgot. Lopera—"





"Loperamide?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama.





"Oo 'yon nga. Bakit, ma? Hindi ba 'yon gamot sa lagnat?" Inosenteng tanong ko.





Napasapo si mama sa noo niya, "Your mom is a doctor, anak, pero ewan ko ba't simpleng loperamide ay hindi mo alam kung para saan ang gamit."





"Ma, accountancy student ako. I'm not a med student. Malay ko ba riyan sa loperamide na 'yan."




Mom shook her head, tila hindi makapaniwala. "Kaya hindi humupa ang lagnat ng asawa mo dahil ibang gamot ang pinainom mo. Loperamide is for diarrhea hindi para sa lagnat. Dalhin mo na lang ako kay Zahi." Tila nawawalan na ng pasensya si mama.





Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon