Wakas

106K 4K 7.5K
                                    

***






"Hun, let's go! You're going to be late."



Hindi ko pinansin ang sinabi ni Piper, ni hindi ko siya nilingon. Inayos ko ang bulaklak at muli kong sinindihan ang kandila pero hindi ko iyon magawa-gawa dahil nanghihina ako at nanginginig ang mga kamay ko. Umiiyak na naman ako kahit ilang taon na ang lumipas.




Ilang taon na ang nakalilipas but the pain is still there, it is still fresh. Akala ko tanggap ko na pero sobrang hirap pa rin pala talaga. I miss her so much. Kahit araw-arawin ko ang pagdalaw sa kaniya rito sa sementeryo ay alam kong hindi na siya babalik pa.




Naramdaman ko ang paghawak ni Piper sa kamay ko at ang marahan niyang pagmasahe rito. Maging siya ay muli nang napaupo at kahit hindi ko siya tignan ay alam kong umiiyak na rin siya gaya ko.




"Let's go," mahinang sambit ko nang mapakalma ko na ang sarili ko.



Inalalayan ako ni Piper hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Siya rin ang nagbukas sa pintuan ng passenger seat at siyang naglagay ng seatbelt ko bago siya tuluyang pumunta sa driver's seat.



"Thank you," I said as I smiled weakly.



"Let me fix your make-up, mukha kang gurang. Akin na nga," she said as she fix my face.



Natawa na lang ako dahil sanay na ako sa bibig niya.




"Oh, ayan. Maganda ka na ulit," ngiti niya saka hinawakan ang mukha ko, seryosong tumitig siya sa akin pagkatapos no'n. "Congrats. I know that she's happy and proud of you right now. Graduate ka na sa wakas. Akalain mo 'yon, grumaduate ka kahit bobo ka?"



"Fuck you!" Agad na singhal ko dahil sa huling sinabi niya at nakaramdam ako muli ng lungkot dahil gragraduate akong wala siya. I let out a deep sigh.



"Tara na nga, baka iiyak ka na naman. Bobo na nga, iyakin pa. Buti na lang maganda ka."




I just rolled my eyes at her.




Nang makarating kami sa school ay agad kong sinuot iyong toga ko, inayos din ulit ni Piper ang make-up ko bago kami dumiretso sa gym kung saan gaganapin ang graduation ko. Bago pumunta sa uupuan ko ay lumapit muna ako kila mama na tuwang-tuwa sa achievement ko. Sa wakas ay graduate na ako!




"Congratulations, anak!"




"Congrats, mommy Ember!"



Niyakap nila ako nang mahigpit, maging si Zeirah. Binigyan niya ako ng halik sa aking kamay dahil ayaw raw nitong magulo ang make-up ko. After that, pumunta na ako sa upuan ko hanggang sa magsimula na ito at ngayon ay nagtatawag na sila ng pangalan ng mga graduates.




"Garcia, September Lee."



Nang marinig ko iyon ay agad akong pumunta sa stage para kunin ang diploma ko, si mama ang kasama ko pero bago pa man ako umalis sa harapan ay nilibot ng mga mata ko ang buong gym para makita ang babaeng mahal ko.




"Ember, here! Smile!"



Agad akong napangiti nang makita at marinig ko si Piper na ngayon ay may hawak ng camera. Hawak ang diploma ko ay masaya akong tumitig sa camera para makunan niya kami ni mama ng litarato.



"Sorry we're late. My wife and I couldn't stop fucking—"




Agad na siniko ni Vanessa ang asawa niyang si Sweden dahil sa sinabi nito. Tawang-tawa kaming lahat samantalang si Vanessa ay nahihiya at namumula na.



Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon