Kabanata 6

82.3K 2.8K 2.6K
                                    

***





Ilang araw na akong hindi kinakausap o pinapansin ni Zahira simula noong araw na sinundo niya ako sa coffee shop. Para ngang mas naging malamig ang pagtrato niya sa akin. Dahil ba iyon sa huling sinabi ko? Nasaktan siya? Bakit naman siya masasaktan? Pareho lang naman naming ayaw iyong meron sa amin, iyong pagpapakasal sa amin.



"Absent si Pam?"



Iyon agad ang bungad sa akin nila Sweden nang makita nila ako rito sa canteen na mag-isang kumakain. Tinanguan ko lang sila dahil wala rin naman ako sa mood magsalita at masakit din ang puson ko. Siguro ay dadatnan na ako.





Ilang beses ko ng tinawagan si Pam pero hindi siya sumasagot. Nagmessage lang ito na masakit ang ulo niya kaya hindi siya nakapasok at nang replyan ko ay hindi na siya muling nagmessage. Nag-aalala ako sa kaniya pero hindi ko rin naman alam kung saan ko siya pupuntahan dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira kahit kaibigan ko siya. Hindi ko tinatanong ang bagay na iyon dahil ayaw ko rin naman tanungin niya ako tungkol don.





"Ikaw, Ember? Are you okay? Namumutla ka." Tanong ni Kael sa akin at hinaplos ang noo ko. "Hindi ka naman mainit."




Hindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil parang may iba akong nararamdaman ngayon. "Pakiayos na lang 'to. Punta lang akong CR." Sabi ko at dali-dali nang lumabas ng canteen.





Nang makarating ako sa CR ay agad akong pumasok sa isang cubicle para icheck kung dinatnan na ako at doon ko lang napagtanto na meron na nga at sa kasamaang palad ay natagusan na ako. Bakit hindi ko iyon naramdaman kanina?





"Tangina naman," mura ko sa sarili dahil wala akong dalang pad ngayon. Ayaw ko nang lumabas para bumili ng pad dahil siguradong may makakakita sa mantya sa likod ng pants ko lalo na't khaki ang kulay nito ito.




Nakaupo lang ako sa nakatakip na bowl habang nag-iisip kung anong gagawin ko. Wala si Pam para tulungan ako ngayon. Hindi rin naman pwedeng sila Sweden at nahihiya ako. Iisipin ko palang sana si Zahira nang may kumatok sa pintuan ng kinalalagyan kong cubicle. Hindi ako umimik.




"Ember."



Hindi ko pa man binubuksan ang pintuan ay alam ko na kung sino iyon. It's Zahira. Hindi ko iyon inaasahan dahil sa ilang araw niyang hindi pagpansin sa akin plus bakit naman siya nandito? Nagdadalawang isip man ay pinagbuksan ko na lang siya.





"B-bakit?"




"Use this," malamig na sambit niya at inabot sa akin ang coat niyang gamit niya kanina at isang napkin.



"P-paano mo nalaman?" Curious na tanong ko.



"Mahalaga pa ba 'yon?" Irap nito sa akin. "Gusto mo bang umuwi para makapagpalit? I'll drive you home."


"May klase pa ako mamaya," sambit ko at kinuha na ang coat at napkin na binibigay niya.



"What's your next subject?"



"Auditing." Tipid na sagot ko dahil namimilipit na ako sa sakit ng puson ko. "Isa pa may klase ka rin."




Hindi niya pinansin iyong huling na sinabi ko. "I'll talk to Sir Ricky para maexcuse ka niya sa subject niya mamaya. Is that your last subject?"



Tumango ako. Pumayag na lang ako dahil hindi ko na rin kaya ang sakit ng puson ko. At hindi rin naman ako komportable sa suot ko ngayon lalo na't alam kong may tagos ako.



Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon